Chapter 07

Chapter 07

Iba rin siguro talaga epekto ng sakit kay Atty. Marroquin kasi medyo naging weird siya. Sigurado naman ako na babalik din siya sa pagiging pilosopo bukas kapag nakatulog siya nang maayos. Hindi na lang din ako nagsalita pa kasi medyo nakaka-stress 'tong bibig ko. Kung anu-ano ang lumalabas.

"Maganda naman pala bahay niyo. Bakit wala kang pambili ng siopao?"

Tinignan ko siya nang masama. Gusto ko siyang barahin pero nakonsensya pa rin ako kanina sa mga sinabi ko. Kasi may sakit na nga siya tapos pinagthrowback ko pa sa mga nangyari sa magulang niya.

"May pambili ako ng siopao," sabi ko na lang sa kanya. "Gabi na kasi non. Ayokong kumain ng dalawang siopao."

Bakit ba ako nag-eexplain sa kanya sa thought process ko ng pagbili ng siopao?

"Hindi mo naman kailangang kainin ng magkasabay."

"Kapag binili ko parehas, ang ending e kakainin ko din parehas."

"Ano ka? Bata na walang self-control?"

"Bakit ba masyado kang concerned sa siopao ko? Saka nandyan lang naman sa labas 'yung 711. Pwede akong bumili anytime. Hindi pa naman extinct 'yung asado na flavor."

Almost 1AM, sa labas ng bahay namin, and of all the topics we could argue about, talagang sa siopao pa.

Bago pa kung saan mauwi iyong usapang siopao, binuksan ko na iyong gate ng bahay. Binuksan niya iyong compartment nung sasakyan. Kinuha ko iyong isang box.

"Ako na," sabi ko nung nagtry siya na buhatin iyong isa. Kumunot ang noo niya. "Baka mabinat ka," dugtong ko. Mukhang mag-isa lang siya sa condo niya. Mamaya magkasakit pa ulit 'to. Kawaawa naman. Kung hindi kaya ako nangailangan ng reviewer sa kanya, walang pupunta sa kanya para siguraduhin man lang na humihinga pa siya?

Bahagyang umawang iyong labi niya. He cleared his breath and then proceeded to pick up a box. 'Di ata talaga uso dito makinig. Bahala siya d'yan. Concerned citizen lang naman ako.

"Dito na lang," sabi ko nung ibaba ko sa may hagdanan sa harap nung main door iyong box. Weird naman kasi kung papapasukin ko siya sa bahay. 'Di ko naman bahay 'to. 'Di naman siya kilala nila Papa.

"Thanks," sabi ko nung matapos na kami sa paglalagay ng box.

He gave me a small nod. "Thanks din sa lugaw."

"Maliit na bagay," sagot ko. "Nga pala..." dugtong ko. "Ewan ko kung sakitin ka or what, pero kung walang titingin kung buhay ka pa o humihinga, pwede naman ako. I mean, kapag wala ka ng choice. Tawagan mo muna friends mo. Busy din akong tao," sunud-sunod na sabi ko. Bakit parang ang defensive kong pakinggan?! Nagmamagandang-loob na nga ako.

I saw him fighting a smile on his face. Tignan mo 'to. Hirap talagang magpaka-good samaritan. Tatawanan ka pa.

"Okay," he said.

"I mean, since binigyan mo rin naman ako ng reviewer."

"Okay."

"Sige na. Alis ka na."

"Parang aso kung itaboy."

"Napaka-senstive mo namang tao. Paano kapag nag-object iyong prosecutor sa 'yo? Masasaktan ba iyong feelings mo?"

Alam mo iyong gusto mo namang maging matinong kausap, pero iyong kausap mo e hindi ka binibigyan ng choice kung hindi ang maging pilosopo?

"No, not really," sabi niya. "Work is work. When I'm in court, I just work."

Parang ang hirap maniwala sa sinabi niya kasi kung work is work, bakit kaya niya hinahanap si Judge? Kasi kung work is work, iyong mga motion niya e pwede niya namang gawin sa mismong hearing. Tsk. Kaka-curious talaga kung ano iyong pinag-usapan nila sa chamber pero alam ko naman na hindi ko pwedeng itanong iyon.

Dami ko sanang gusto pang itanong sa kanya kasi curious ako sa trabaho niya. Gets ko kasi iyong prosecutor kasi ang trabaho mo ay ipa-kulong iyong mga may kasalanan. Iyong trabaho kasi ni Atty. Marroquin ay ipagtanggol iyong kriminal. Paano kaya niya nagagawa 'yon? Medyo may pagka-judgmental kasi ako kaya baka i-judge ko lang iyong kriminal.

"Inaantok ka na," he said, pointing out kasi napa-yawn ako. Ala una na kaya.

I nodded. "Past 1AM na."

"Di pa ako inaantok."

"Malamang. Natulog ka lang kanina," sabi ko sa kanya. Kapal ng mukha i-compare kami e gising lang ako at nagbabantay sa kanya habang siya, ang saya-saya matulog? Malamang antok na ako.

Nilagay niya sa mga bulsa niya iyong dalawang kamay niya.

"Alis na ako."

"Sa wakas."

Natawa siya. "Salamat ulit sa kanina," he said and I just nodded at him. Antok na antok na talaga ako. Kanina ko pa nararamdaman iyong pagtawag sa akin ng kama ko.

Tumayo ako roon at hinintay na makaalis iyong sasakyan niya. Mga two minutes na akong nakatayo roon at hindi pa rin siya umaalis.

'May ginagawa ka bang kababalaghan sa sasakyan mo?' I asked kasi bakit ayaw niya pang umalis? Malapit na akong gumapang papunta sa kama ko.

'Ayaw mo pang pumasok sa bahay niyo.'

'Ayaw mo pa kasing lumabas sa subdivision ko.'

'Di mo afford bumili ng subdivision.'

'Hayop ka,' text ko sa kanya tapos tinaas ko iyong middle finger ko. Sigurado naman ako na kita niya ako mula sa sasakyan niya. Dahil sa siopao na 'yan, napagkamalan akong pulubi. Bahala nga siya d'yan. Binuksan ko na iyong pinto at saka pumasok na ako sa bahay. Mas importante iyong antok ko.

"Sino 'yon?"

"Ano ba 'yan, Mauve!" sabi ko kasi para siyang kontrabida na nakaupo roon sa may couch. Nakapatay na halos lahat ng ilaw sa bahay maliban doon sa may lampshade sa gilid niya. Mukha siyang kontrabida.

"Sino 'yung kasama mo?"

"Bakit gising ka pa?" tanong ko muna.

She shrugged. "Di ako makatulog," she replied. "Sino nga iyong kasama mo?"

"Atty. Marroquin," sagot ko habang naglalakad papunta sa hagdan. Ready na ako humimlay sa kama ko. Antok na talaga ako. Hirap pala mag-alaga ng may sakit. Buti wala ako sa health care industry.

"Ano mo 'yon?"

"Di ko alam," sagot ko kasi 'di naman kami friends. Hindi ko rin siya workmate. Hindi ko rin siya boss. Supplier ko siya ng review materials. Pero mas appropriate ata na sabihin na siya iyong nanglalait sa akin palagi.

Pagpasok ko sa kwarto, mabilis lang akong nagshower. Dala-dala ko pa iyong virus ni Atty. Marroquin. Ayoko nga na ako naman magka-sakit. Dami-daming ginagawa sa trabaho at sa school. Literal na hindi ako pwedeng magka-sakit.

'Nakauwi na ako,' biglang text ni Atty. Marroquin sa akin.

'K.'

'Thanks sa concern.'

'Matulog ka na,' sabi ko sa kanya.

'Tulog nga ako maghapon.'

'Magbilang ka ng tupa.'

'Di effective. Tumatakbo iyong iba kaya mahirap bilangin.'

Nung una kong makita si Atty. Marroquin, akala ko sobrang suplado niya at seryoso sa buhay. Pero parang kabaliktaran naman. Ang korni niya tapos minsan epal. Alam ko naman na nagtry siya magjoke, pero hindi talaga benta.

'Mag netflix ka.'

'Ano magandang panoorin?'

'Ano ba gusto mong panoorin?'

'Documentary.'

'Don't fuck with cats. Napanood mo na yon?'

Sinubukan kong maghintay sa reply niya pero inaantok na ako. Buti na lang Sunday ngayon kaya okay lang na 10AM na ako nagising. Ang sakit ng ulo ko pagka-gising ko. Nakaramdam agad ako ng gutom kaya bumaba na ako.

"Wala sila?"

Umiling si Mauve. "Simbahan."

"Pinagppray over ka na naman," sabi ko tapos binigyan ako ng fuck you sign.

"Next ka na."

"Asa ka pa," sabi ko sa kanya. Kaya nila pinagdadasal si Mauve ay dahil 'naligaw' daw ng landas. Dahil lang tibo, naligaw na agad ng landas? Lagi kaya 'yang topic dati sa dinner kaya ayokong kumakain ng dinner, e. Lalo na nung unang nalaman nila Mama na may girlfriend si Mauve. Gago din kasi si Mauve. Dinadala sa bahay tapos sinabi na best friend tapos nung pumunta si Mama sa kwarto, naka-hubad iyong dalawang mag-best friend. Na-traumatize ata si Mama sa kung anuman ang nakita niya.

"Boyfriend mo 'yung kagabi?"

Kumunot iyong noo ko. "Boyfriend mo mukha mo," sabi ko. Kilabutan nga siya d'yan. Pumunta ako sa ref at binuksan iyon. Nakaka-disappoint naman iyong laman. Mas masaya doon sa ref ni Atty. Marroquin na maraming laman.

"Bakit? Cute naman siya. Bagay kayo. Ikaw 'yung pangit sa relasyon niyo tapos siya iyong may looks."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kailan kaya eepekto iyong pray over nila sa 'yo?" Pinakyuhan na naman ako. "Saka may girlfriend ata 'yon."

Aaminin ko, dati e may pagka-homophobic din naman talaga ako... Ewan ko. Ganon ako pinalaki. Ganon iyong nakikita ko kaya naniwala ako na ganon dapat. Ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae. Kaso nung nalaman namin na lesbian si Mauve tapos nakita ko kung paano siya umiyak sa harap nila Papa, nagbago talaga iyong pananaw ko. Natatandaan ko pa nung sinabi niya kila Papa na hindi naman daw niya pinili 'yon. Na ganon talaga siya. Na kahit sa babae din siya nagkakagusto, siya pa rin naman 'yon.

She fell in love with a woman.

So, what?

Tapos laging gagamitan ng bible verse. Nagsisimba din naman ako. If anything, God wants us all to be happy.

Ewan ko ba. Hindi ko na lang din pinapansin sila Mama. Iniisip ko na lang na kanya-kanyang paniniwala. Sinubukan ko na kasi dati pero wala, e. Stress lang inabot ko. Kaya respeto na lang ganon.

"Hmm..." sabi niya tapos napatigil siya nang narinig namin iyong pagdating ng sasakyan. Mabilis niyang hinugasan iyong plato niya at saka umakyat sa kwarto. 'Di pa rin kasi siya makaalis sa bahay kasi nag-aaral pa 'yon ng medicine.

Mabilis na rin akong umeskapo papunta sa kwarto ko. Kumuha lang ako ng tinapay saka palaman. Doon na ako kakain. Ayoko rin kasi makita sila Papa ngayon at lalo na kakagaling lang nila sa simbahan.

'Thanks. Mukhang maganda nga. Panoorin ko.'

Nakita ko na nagreply pala si Atty. Marroquin sa message ko kagabi. Nagthumbs-up lang ako sa reply niya. Based on experience, 'di naman magpaparamdam iyon ngayon kasi naka-night shift 'yon kapag nagtetext.

'Tapos ko na. Ano pa magandang panoorin?'

'Tapos mo na agad? Di ka natulog?'

'Di ako inaantok.'

'Mula kagabi nanood ka lang?'

'Yes. Napanood mo na ba yung sa Ice Cold?'

'Hindi pa. Di ka ba magttrabaho? Netflix ka lang buong Sunday?'

'No. Weekends are for relaxing.'

'Weird... Akala ko workaholic ka.'

'I like my work. But to be able to function properly, I need to relax my brain.'

'Tapos nanonood ka rin ng criminal docu? E di close to work din?'

'I find it relaxing,' reply niya. 'Ngayon ka lang nagising?'

'Yup. Anong oras na kaya ako nakauwi.'

'1AM. Ako naghatid sa yo.'

'Hirap mo kausap.'

'Lol,' he replied. 'Ano subject mo bukas?'

'Ethics lang. Pwede ako matulog ngayon.'

'Di ka magaaral ngayon?'

'Sabi mo nga to be able to function properly, I need to relax.'

'Di ka pa naman abogado. Di ka pa pwedeng magrelax.'

'Discrimination!!!'

'Lol. Tulog ka na buong umaga. Magaral ka na mamaya.'

'Ayoko. Sarap mahiga dito sa kama,' sabi ko habang nagbbrowse sa Netflix sa kung ano ang magandang panoorin. Nakita ko iyong sinasabi niya na Ice Cold. Mukhang maganda nga. Maigsi lang naman. Panoorin ko nga tapos kung 'di pa niya napapanood, spoil ko siya.

'Sa labas ka mag-aral para di ka antukin.'

'Mahal ng kape. Sabi mo nga, wala akong pera.'

'Paraan mo ba to para manghingi ng gcash?'

'Hindi pero kung may mabuti kang puso, who am I to say no?'

Nagsimula na iyong docu kaya napunta na roon iyong atensyon ko. Grabe... Sino nga kaya ang may kasalanan? Kaya hindi ko talaga kaya iyong trabaho ni Atty. Marroquin dahil judgmental ako. Iisipin ko na guilty talaga iyong kliyente ko. Tanungin ko nga siya next time kung paano niya nagagawa. I mean, alam ko na work is work pero paano kung obvious na guilty? Lalo na kapag iyong kaso ay sensitive?

"Ano na naman?" tanong ko nung may kumatok sa pinto ko at nakita ko na si Mauve iyon. "Sa 'kin 'yan?" na-excite na tanong ko dahil may hawak siyang paperbag galing sa Starbucks. Baka para sa akin kasi ang gago lang kung pumunta siya sa kwarto ko para ipakita na may pagkain siya.

Tumango siya. "Galing sa hindi mo friend."

Kumunot ang noo ko. Kinuha ko iyong paper bag. Tinignan ko iyong laman at meron iyong isang venti na iced coffee at isang slice ng blueberry cheesecake.

'Aral na,' nakasulat doon sa may cup.

Napatingin ako kay Mauve na naka-ngisi sa akin. "Mukhang dalawa na tayong ipagppray over."

**

This story is already at Chapter 10 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top