Tale 7

Tale 7
The Number One Genius
~ Lyra ~

"Lahat ng new recruits ay kailangang dumaan sa Alchemic Trial of Fire para malaman kung anong level of Experts kayo sa ngayon.. Dito sa guild, pinakaimportante ang seniority. Level 1 Expert ang may pinakamababang posisyon sa guild, Level 5 Expert naman ang pinakamataas na posisyon ng isang Expert. Sa itaas ng Level 5 Experts ay ang limang Master Alchemists na syang tumatayong Elders ng bawat Division. Sa itaas naman ng limang Master Alchemists ng guild ay si Grandmaster Vermilion, ang ating Guild Master." Paliwanag ko sa limang new recruits.

Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako ang ipinadala dito ni Master Froy. Isa akong Level 4 Expert mula sa 1st Division kaya obviously mataas ang posisyon ko sa guild. I just can't understand why I was sent here to show the ropes around the guild to this seemingly ordinary-looking new recruits..?

"Rexis of the Fifth Division, ikaw ang unang susubok." Saad ko at agad naman tumango ang isang binata, a fresh grad probably.

May isang malaking crater sa lupain ng aming guild. May isang maliit na isla sa gitna ng crater. Napapalibutan ng nakalalasong hamog ang ibaba ng crater at ang tanging paraan lamang para makarating sa munting isla ay pagtawid sa isang tulay na tinatawag na Bridge of Judgment.

The Alchemic Trial of Fire is special. Nagsisimula ito sa pagtawid sa Bridge of Judgement kung saan huhusgahan ang katapatan at pagkatao ng isang alchemist. Kung walang sapat na puso para sa Alchemy ang susubok tumawid dito, the bridge will surely kill that person. Ganoon din ang mangyayari kung ang isang tao ay may masamang intension o may hidden agenda sa pagsali sa guild, the Bridge of Judgement will kill that person. Kahit subukan tumakas ng isang alchemist, wala syang matatakbuhan dahil ang ibaba ng Bridge of Judgement ay isang bangin na napapalibutan ng isang nakalalasong hamog..

Nakatawid ng ligtas ang alchemist na nagngangalang Rexis. Kaya ngayon ay haharapin naman nito ang totoong Trial of Fire. Pumasok ito sa isang pinto sa dulo ng tulay. Walang gusali na makikita sa kabilang bahagi ng tulay, tanging isang pinto lamang. Hindi malinaw para saaming lahat kung saan nagmula ang pinto, walang records ang guild tungkol dito. Pero ang malinaw lamang, simula noong mabuo ang guild ilang daang taon na ang nakalilipas, nandito na ang mahiwagang tulay, pati na din ang pinto..

May limang palapag kapag pumasok sa mahiwagang pinto. Alam ko ang tungkol doon dahil nasubukan ko na ang Trial of Fire. Sa oras na makapasa ka sa pagsubok sa unang palapag, saka lamang lilitaw ang hagdanan patungong ikalawang palawag, and so on and so forth. Ang unang palapag ay pagsubok tungkol sa talento at kaalaman sa Plants and Vegetation. May isang libong uri ng halaman na tumutubo sa loob ng unang palapag at kailangan mong mapangalanan ang limangdaan(500) sa mga ito. Limang daang kamalian lamang din ang tinatangap para makapasa. Ang ikalawang pagsubok naman ay ang pagpapatubo sa isang binhi, tulad ito ng ginawa ng mga new recruits noong nag-a-aapply pa lamang sila bilang alchemist ng guild, ang kaibahan lamang, sa halip na isang dahon, kailangan mong mapalago ng mapalago ang halaman hanggang sa malanta ito. Walang first timers na nakakagawa nito kaya naman hindi na ako nagulat na hindi nakapasa ang alchemist na si Rexis.. Iniluwa ng mahiwagang pinto si Rexis at tumilapon ito malapit sa kinalulugaran namin..

"You are classified as a Level 1 Expert by the Alchemic Trial of Fire, you may now report to your Division." Saad ko sa alchemist na si Rexis

Nakita ko ang disappointment sa mata ng lalaki kaya naman napabuntong hininga ako.. Ganito din ang naging reaksyon ko noong unang beses kong sinubukan ang pagsubok na ito..

"Don't let the current result drag your spirits down. It's normal for first timers to fail the second level. Once you grew accustomed to the guild, and once you are confident enough to once again challenge the second level, you may come back here to try.." saad ko at ibinaling na ang pansin sa isang middle age na babae.. "Senica of the Third Division, you may now start your Alchemic Trial of Fire.."

Hindi pa agad umalis ang alchemist na nagngangalang Rexis, sa halip ay nanatili ito para makita ang magiging resulta ng pagsubok ng alchemist na si Senica sa Alchemic Trial of Fire..

Tulad ni Rexis ay hindi rin nagtagal at lumabas na ang resulta ng pagsubok ng alchemist na si Senica. Isa syang Level 1 Expert, ang kaibahan lamang ay sa 3rd Division ito ipadadala. May limang Division ang guild at hinati-hati ito base sa talento ng mga alchemists na myembro ng bawat division. Ang 5th Division ang pinakahuling division at 10% lamang ng resources ng guild ang napupunta dito. Ang 4th division ay mas maganda ng kaunti ang kalagayan kesa sa 5th Division, 12% ng total resources ng guild ang napupunta dito. Ang 3rd Division tulad ng 4th Division ay nakakakuha lamang din ng 12% resources mula sa guild. Ang 2nd Division ay naiiba sa tatlo pang division. 26% ng total resources ng guild ay napupunta sa 2nd Division para suportahan ang mga talentadong alchemists na naroroon. At syempre, ang 1st Division ay higit na nakaaangat sa apat. Masasabing nandito ang mga elite members ng guild. Iilan lamang ang nagiging myembro ng 1st Division, at sa kasalukuyan ay mayroon lamang dalawampu't tatlong myembro. Pero sa kabila nito ay 40% ng total resources ng guild ay napupunta dito.

"Kalil ng 3rd Division, maari mo nang simulan ang iyong Alchemic Trial of Fire." Saad ko sa isang lalaki na sa aking palagay ay nasa mid 20's na ang edad..

Tulad kanina ay hindi pa rin umaalis si Rexis, ganoon din si Senica na nanatili para panoorin ang mga mangyayari kay Kalil... Nag-uumpisa na akong magtaka dahil dito.. Magkakakilala ba sila? Magkakaibigan?? Bakit ganito ang kinikilos nila?? Maaari na silang magtungo sa mga respective Divisions nila pero heto sila at nanonood pa rin..

Pinili ko na lamang wag pagtuunan ng pansin ang mga ikinikilos nila dahil baka curious lang sila sa result ng mga kabatch nila kaya ibinaling ko na lamang ang aking pansin sa alchemist na si Kalil.. Natagalan sya sa pagtawid sa tulay, pero sa bandang huli ay nagawa nitong marating ang pintuan..

Level 1 Expert lamang din si Kalil. Pero ayon sa nakikita ko sa ranking ng kanyang pangalan sa stone tablet, nagawa nyang pangalanan ang 599 medicinal plants sa first level. 504 lamang ang kay Rexis habang 578 naman ang kay Senica. Hindi ko naiwasang sulyapan ang aking pangalan kung saan may nakatala na 678. Yun ang naging resulta ng una kong pagsubok. Hindi na magagawa pang baguhin ang mga numerong nakatala sa stone tablet dahil sa oras na malampasan mo na ang isang level, hindi mo na ito muling mababalikan pa. Tulad ko, isa akong Level 4 Expert, sa oras na pumasok ako sa pinto na iyon, sa ikalimang palapag ako mapupunta dahil doon ako hindi makapasa para maging Level 5 Expert. Hindi ko rin naiwasan sulyapan ang pangalan na nasa pinakaunahan ng stone tablet. Lyndon 899, ang number one genius ng 1st Division. Sa buong kasaysayan ng Thousand Crow, lahat ng pangalan ng mga alchemist na sumubok sa Alchemic Trial of Fire ay nasa stone tablet, whether they are now dead or alive, their names are eternally engraved in the stone tablet. And Lyndon, having his name in the first place, earned him the title as the Guild's current number 1 genius! That's why I love him! Err.. Okay that's another story! Just forget I even said that!!!

"Lulu of the 2nd Division, you may now start your Alchemic Trial of Fire.." saad ko sa isang lalaki na mukang edad 13 years old. Dito sa guild hindi importante saamin ang edad, dahil may mga alchemist na nagsimula nang mag-aral sa murang edad pa lamang, kaya naman talento ang pinakamahalaga sa guild..

This kid is kinda enigmatic, he's young and he looks talented. Magagawa kaya nyang lampasan ang second level??

The kid easily walked passed the Bridge of Judgement. He passed the first level naming 618 of the medicinal plants there. Not bad. Unfortunately, he didn't qualify for the 2nd level so he also ended up as a Level 1 Expert..

"Aurio of the 2nd Division, you may now start your Alchemic Trial of Fire.." saad ko sa isang lalaki na mukang fresh grad din tulad ni Rexis..

"Ahm question lang Miss Alchemist, kung sakali bang mamatay ako dyan sa tulay nyo may makukuha bang kabayaran ang pamilya ko?? Or let's say, may mangyaring aksidente tapos mamatay ako dun sa loob ng pinto?? Anong mangyayari sa bangkay ko?? Makukuha nyo ba ko mula sa loob??" tanong nito at napakunot ang noo ko dahil unang buka pa lamang ng kanyang bibig ay napakarami nya na agad nasabi.

I cleared my throat and decided not to answer, because even I don't know...

"Proceed towards the bridge and start the Alchemic Trial of Fire.." saad ko na lamang

"Huh?? W-wait lang! Hindi mo pa ko sinasagot! Pano kung mamatay ako???" kontra naman nito

Tuluyan nang naupos ang pasensya ko. Nakakairita kasi ang boses at muka nya..

"Just proceed towards the bridge and start the Alchemic Trial of Fire!!" saad ko at agad syang kinuwelyuhan sabay hagis sa kanya patungo sa tulay..

"Tsk. Sadista." Narinig kong saad ng lalaki bago ito nag-umpisang maglakad patungo sa tulay... Kumunot ang noo ko sa narinig pero piniling wag patulan ang kanyang sinabi..

Hindi nagtagal at nakita kong lumabas ang kanyang pangalan sa stone tablet. Aurio 637. Lalong kumunot ang aking noo noong makita iyon. Wala sa itsura pero mukang may sapat na talento at kaalaman ang isang yun.

Sa bandang huli hindi rin sya nagtagumpay sa second level kaya naman isa lamang syang Level 1 Expert ngayon.. Mabuti naman.. Ewan ko pero naiinis talaga ako sa muka ng lalaking yun. Mabuti na lamang at sa 2nd Division sya naka-assign. Hindi masisira ang mga araw ko dahil hindi ko sya makikita.. Nakahinga ako ng maluwag sa naisip..

"Amara ng 1st Division you may now start you Alchemic Trial of Fire.." saad ko sa huling babae. Morena ang kanyang balat, itim ang buhok, asul na asul ang mga mata at may takip na itim na vail ang ibabang kalahati ng kanyang muka. Ngayon lamang ulit nagkaroon ng bagong recruit ang 1st Division. Ito marahil ang rason kung bakit personal akong ipinadala dito...?

Nagtungo ang babae sa tulay at isang hakbang pa lamang ang kanyang nagagawa noong yumanig ang tulay kaya naman nanlaki ang aking mga mata.. Sa apat na taon kong pamamalagi sa lugar na ito, dalawang beses ko pa lamang nakikita na kumitil ng buhay ang tulay. At sa palagay ko ito na ang magiging pang-tatlo..

Tumikhim ang babae at nakita sa mga mata nito na tila hindi ito natutuwa sa naging reaksyon ng tulay. Pero ang ikinagulat ko ay ang pagkalma ng Bridge of Judgement na tila isang bata na napagalitan ng magulang. Napaawang ang aking labi dahil sa aking nasaksihan. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyari sa tulay at sa tingin ko ay ngayon lamang ito nangyari..? Matiwasay na narating ng babae ang kabilang bahagi ng tulay at tuluyang pumasok sa loob ng pinto..

Ngayon ko lamang din napansin na naririto pa rin ang limang new recruits at seryosong nanonood sa mga nangyayari. Don't tell me ang alchemist na si Amara ang dahilan kung bakit nandito pa rin sila??? Pero bakit??

Halos kakapasok pa lamang ng babae sa loob noong biglang lumitaw ang pangalan nito sa stone tablet senyales na napakabilis nitong nalampasan ang unang level. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang nakitang numero sa tabi ng pangalan ng babae.

Amara 1000.

Yumanig ang buong paligid..

May lumitaw na liwanag na nagmumula sa pinto. Umabot sa kalangitan ang liwanag... A pillar of light!

Hindi lang ako ang naalarma, maging ang ibang mga alchemist sa buong guild ay agad nagtungo sa lugar kung nasaan kami ngayon.

"S-someone manage to name all 1000 of the rare medicinal plants within the Alchemic Trial of Fire!" dinig kong saad ng isang alchemist na kadarating lamang ngayon at nakatingin sa stone tablet kung saan may bagong pangalan na nasa pinakaunahan.

"A new genius!!" saad ng isa pa ulit bagong dating.

Parami ng parami ang mga alchemist na curious at nais malaman kung bakit may kakaibang nangyayari ngayon dito sa Alchemic Trial of Fire..

Pero hindi pa doon natapos ang pagkabigla ng lahat.

May panibagong liwanag namuling lumitaw mula sa pinto.

Lumitaw muli ang pangalan ng alchemist na si Amara. Sa pagkakataong ito sa ikalawang stone tablet naman ito lumitaw. Pero tulad kanina, nasa pinakaunahan muli ang pangalan nito.

Nanlaki ang mga mata ko noong makita iyon.. Dahil maging si Lyndon ay nasa 7th place lamang, at ngayon dahil sa alchemist na si Amara, napunta na ngayon sa 8th place ang pangalan ni Lyndon.

Ang second level ranking ay base sa kung sino ang pinakamabilis na alchemist na makakapagpalago sa binhi ng second level.. At sa lahat ng alchemist na sumubok simula ng itayo ang guild, si Lyndon ang ikapito na pinakamabilis sa buong kasaysayan ng guild.. Pero ngayon......

"M-may bago nang henyo ngayon ang guild!!" hindi makapaniwalang sigaw ng isang alchemist

"May tumalo na sa ranking ni Lyndon!!!" sigaw pa ng isa

"May bago nang number one genius!!!" sigaw pa ng isa

Parang naninikip ang aking lalamunan. Hindi ko mahanap ang aking boses.. Hindi ko mapaniwalaan ang aking nakikita..

Because all of a sudden, lumitaw ang ikatatlong liwanag.

~~~~~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top