Tale 6
Tale 6
Adept in the Art of Alchemy
~Eclipse~
“Have you heard? The Phantom Emperor destroyed the Spirit Subduing Guild the other night!”
“Of course! The Phantom Emperor is the most mysterious person for the last couple years! He would come and go like a ghost.. No one truly knows who he is!”
“Isnt that the reason why everyone calls him Phantom Emperor? He controls an entire army of powerful beings but no one knows who he is or where to find him!”
“Mysterious.. Very mysterious indeed.”
Natigil lamang sa pagtsitsismisan ang dalawang tao noong lumapit ako.
"Miss anong kailangan mo?? May ipapaskil ka bang trabaho para sa mga alchemist o mag-aapply ka bilang alchemist ng guild???" tila hindi interesadong tanong ng isa sa dalawang lalaki na nagbabantay sa gate.
Napaisip ako sandali.. "Gusto kong mag-apply bilang isang alchemist." Tugon ko
Pinasadahan ako ng tingin ng dalawang lalaki. Tila nagtataka at hindi naniniwala na isa akong alchemist.. Pero hindi rin nagtagal ay inabutan nila ako ng isang identification pass..
"Dumiretso ka sa ikatatlong building mula dito, doon ginaganap ang application para maging alchemist ng guild." Saad ng isa sa kanila at hindi na nila ako binigyang pansin pa. Thanks to the vail that's covering half of my beautiful face.
Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Malawak ang bakuran ng guild, at kahit mula rito ay hindi ko pa matanawan kahit isa sa mga building na tinutukoy ng mga lalaki kanina. Patunay iyon na isang malaki at kilalang guild ang Thousand Crows.
Inabot ako ng kalahating oras para marating ang ikatlong building. Pinili kong maglakad lamang sa halip na magteleport dahil ninanamnam ko ang katahimikan at ang kagandahan ng lugar. Kahit taglamig ay nababalutan ng ibat-ibang uri ng halaman ang paligid. Karamihan sa mga halaman at puno ay mga medicinal plants kaya naman sariwa at nakaka-relax ang hangin sa lugar.
Noong pumasok ako sa ikatatlong building ay nakita na maraming tao. Karamihan ay mga middle age na kalalakihan. May ilan ding mga babae. At iilan lamang ang mga kabataan na tulad ko.. Saglit na nabaling sa akin ang atensyon ng ilan sa kanila pero hindi iyon nagtagal. Abala ang ilan sa binabasa nilang medicinal books. Ang ilan naman ay tila tensyonado..
"Miss fresh grad ka din ba??" tanong ng isang lalaki na nakapila sa unahan ko.
Tumango lamang ako at hindi na nagbigay ng iba pang inpormasyon.
"Ako din. Kinakabahan ako. Balita ko sobrang hirap ng proseso para makapasok dito sa guild. Pero sa kabila noon maraming nakukuhang benefits ang mga myembro kaya naman maraming sumusubok mag-apply.." saad ng lalaki kahit hindi naman ako nagtatanong. Tumango lamang ulit ako.
"Are you a local here in DresRossa?? Pamilyar ka kasi??" tanong nya at nag-uumpisa na akong mainis, naalala ko kasi si Blabbermouth sa lalaking ito.
"No." simple kong tugon
Tumango-tango naman sya. "Sabi nila anim lang ang kukunin nila mula satin. Tapos after six months na ulit sila tatanggap ng mga bagong alchemist.. Kinakabahan tuloy ako.." saad nya ulit kahit hindi ko naman itinatanong. "Ah, Aurio nga pala ang pangalan ko." pakilala nya pero tinanguan ko lamang sya at hindi na nag-abala na magpakilala.
Kung ganun ay sakto lang ang pagpunta ko dito. Kung na-delay pa ako ng isang araw ay maghihintay pa ko ng six months para makapasok sa guild.
Ipinagpatuloy ng lalaki ang pagsasalita pero hindi ko na sya pinakikinggan pa.. Ibinaling ko ang pansin sa nangyayari sa aking paligid. Napansin ko na sampung tao lang ang pinapapasok nila doon sa isang silid. May ilan na aakyat sa 2nd floor at may ilan na aalis na matapos lumabas sa silid na iyon, pagkatapos ay magpapapasok ulit sila ng sampo.
Lumipas ang tatlong oras na paulit-ulit lamang ang proseso na iyon. Ngayon ay kasama na ako sa sampung tao na papasok sa silid. Syempre kasama din ang madaldal na lalaki dahil nasa unahan ko sya sa pila..
"Simple lamang ang kailangan nyong gawin, sa loob ng sampung minuto ay kailangan nyong sagutan ang sampung katanungan na nakatala sa papel sa inyong harapan. Ang mga taong makakakuha ng limang puntos pataas ay makakapagpatuloy patungo sa second floor. Ang makakakuha ng mas mababa sa limang puntos ay maari nang umalis." Saad ng isang matandang lalaki na may matalas na mga mata at pagkatapos ay may inilapag syang papel sa harapan naming lahat.
"Galingan mo, sabi nila sobrang hirap ng mga tanong dito at wala pang nakakakuha ng perpektong puntos. Balita ko pabago-bago ang bawat set ng mga tanong kaya mahirap. Eight pa lang ang highest point na naitatala sa kasaysayan ng Thousand Crows." Bulong ni Aurio.
Pinaupo kami ng matanda malayo sa isat-isa.
"Simulan nyo na." simple nitong saad at saka naupo na tila hari sa unahan ng silid.
Halos matawa ako noong makita ang mga tanong. About ito sa ibat-ibang formula ng mga rare medicines. Kung mahirap ito para sa ibang tao, tila elementary level lamang ito para sa akin. I invented the art of alchemy remember? Well, that includes formulas and all.
"Times up." Saad ng matandang lalaki matapos ang sampung minuto.
"Ikaw, ikaw, ikaw at ikaw, pwede kayong magpatuloy sa ikalawang palapag." Saad ng matanda at itinuro nya kaming apat kasama na din ang madaldal na si Aurio at yung dalawang middle age na lalaki.
Agad kinolekta ng matanda ang aming mga papel at hindi ko alam kung paano nya nalaman kung sino ang mga nakapasa gayong hindi naman nya tiningnan ang aming mga kasagutan sa papel.. Oh well, I know perfect score ang nakuha ko kaya walang problema sakin kung hindi nya na yun i-check as long as I can proceed to the 2nd floor..
Hindi inaalis ng matanda ang mga mata nya saakin hanggang sa makalabas na kami ng silid.. Agad kaming dumiretso paakyat sa hagdanan. Patuloy pa rin akong kinakausap ni Aurio kahit hindi ko sya pinapansin.
"Simple lang ang kailangan nyong gawin, ang binhi sa harap nyo ay kailangan nyong mapalago hanggang sa may tumubong isang dahon. Ginagawa ito para malaman kung may talento kayo sa larangan ng plants and vegetation. Sa mahigit isang daan na sumubok ngayong araw, dalawang tao pa lamang ang nakakapasa sa pagsubok. Mayroon lamang kayong isang oras para magawa ito.." Saad ng isang matandang lalaki na tila isang ihip lamang ng malakas na hangin ay matutuluyan na dahil sa sobrang katandaan..
Pinagmasdan ko ang binhi sa aking harapan. Isa itong Helios Flower, isang medicinal flower na maaari lamang tumubo sa mga lugar na may mataas na temperatura. Pangkaraniwang makikita ang mga bulaklak na ganito sa mga bunganga ng bulkan..
Hindi mahirap para sakin ang ipinagagawa nila. Pero binigyan nila kami ng isang oras, kaya naman pinili ko na munang pagmasdan ang ginagawa ng tatlo kong mga kasama..
Nakakunot ang kanilang mga noo habang hawak-hawak sa kanilang mga kamay ang mga binhi. Nakikita ko ang pagdaloy ng chi mula sa kanilang mga katawan patungo sa binhi.. Pero sa kanilang tatlo, si Aurio lamang ang tanging nagpo-produce ng sapat na mainit na chi na tugma para sa halaman. Napailing ako.. Mukang si Aurio lamang ang makakapagpatuloy sa kanilang tatlo..
At hindi nga ako nagkamali.. Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas simula noong magsimula kami noong marinig ko ang pagkabasag ng binhi sa kamay ni Aurio.. Umaagos ang ilang butil ng pawis sa noo nya at makikita ang matinding konsentrasyon sa kanyang mga mata.. Mayamaya pa ay nakita ko na ang mabagal na pagtubo ng halaman.. Isang dahon ang tumubo.. Dalawa... Tatlong dahon.. Namumutla na ang muka ni Aurio pero hindi sya sumuko... Ipinagpatuloy nya ang pagdaloy ng chi mula sa kanyang katawan patungo sa halaman.. At hindi sya nabigo.. May tumubo muling isa pang dahon.
Apat na dahon.. Nakita ko ang approval sa mga mata ng matanda.. Puno naman ng pagkamangha ang mga muka ng dalawang middle age na lalaki..
"Nakapasa ka.. With your current talent, you may join the 2rd division located in the far east." Saad ng matanda at saka inabutan si Aurio ng isang identification medallion. Nakita ko na nagningning ang mga mata ni Aurio sa tuwa.. Tumingin sya sakin na may pagbubunyi na nakapaskil sa muka. At tila nagbabahagi sya ng isang magandang balita sa isang malapit na kaibigan. Arrrg. Seriously??
"Second Division! Ang swerte nya! Balita ko yun ang pangalawang pinakamalaking division dito sa guild.. Lahat ng mga myembro doon ay maraming nakukuhang benefits mula sa guild.." hindi napigilang saad ng isa sa dalawang middle age na lalaki.
Noong mapabaling ang tingin ni Aurio sa binhi na nasa aking harapan, biglang nagbago ang kanyang ekpresyon.. "Bakit hindi ka pa nagsisimula??" nagtataka nyang tanong saakin kaya napatingin din saakin yung dalawa pang lalaki pati na rin yung matanda.
Ayoko pa agad magsimula dahil gusto kong malaman kung makakapasa ba si Aurio.. At dahil tama ang naging hula ko, oras na para ako naman ang magpakita sa kanila kung ano ang totoong talento pagdating sa larangan ng plants and vegetation.. Agad kong kinuha ang binhi at inilagay ito sa ibabaw ng aking palad.
"Damnable lend me some of your flames." Bulong ko sa aking isipan, at alam kong naririnig ako ng phoenix na yun. I heard a 'Tsk' before I felt a burning sensation within my blood..
Agad kong dinerekta ang init patungo sa binhi sa aking palad. At agad ko ring narinig ang pagkabasag ng binhi. May lumitaw na munting sibol. Pagkatapos ay lumago ito hangang sa may lumitaw na isang dahon. Dalawa. Tatlo. At patuloy pa itong lumago hanggang sa may sampu nang dahon. Labing isa. Labing dalawa. Labing anim. Pabilis ng pabilis ang pagtubo ng mga dahon. Sa ngayon ay hindi na lamang ito isang munting sibol kunghindi isa nang munting halaman.. Narinig ko ang pagsinghap ng mga taong nakapaligid saakin, pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Hindi pa ako tapos. Patuloy kong pinadaloy ang init patungo sa halaman. Dalwamput isang dahon. Pagkatapos ay isang bulaklak ang lumitaw. Kulay dilaw ang bulaklak at tila araw sa kalangitan ang hugis nito.
Napatayo mula sa upuan ang matanda dahil sa kanyang nasasaksihan.. Pero hindi pa ko tapos. Since nasimulan ko nang magpakitang gilas, why not go all out right??
Isa pa muling bulaklak ang lumitaw. Pero hindi pa ito ang limit ko.. Phoenix fire ang apoy na nagbibigay buhay sa bulaklak at ito ang pinakamainit na apoy sa buong mundo. Kaya paanong dalawang bulaklak lamang ang limit nito?? Ipinagpatuloy ko ang pagsusustento ng init patungo sa bulaklak.. Tatlo.. Apat.. Limang bulaklak..
May pumasok na apat pang matatandang lalaki sa silid at nakita ko ang pagkamangha sa mga mata nila noong makita ang bulaklak sa aking kamay..
"Isang henyo." Usal ng isa sa mga matatanda na dumating
"Sya ang kauna-unahang alchemist sa kasaysayan ng alchemy recruitment ng ating guild na nakagawa nito.." saad ng isa pang matanda
"Anim na bulaklak ang limitasyon ng isang helios flower. Kung magagawa nyang makapagpabukadkad ng anim, isa syang tunay na henyo pagdating sa larangan ng plants and vegetation!" saad ng isa pa sa apat
Napangiti ako sa mga narinig ko.. Anim?? Huh! They don't know real talent if they think six is the limit!
Mula sa lima ay naging anim ang mga bulaklak. Pero hindi pa ko tapos! Mula sa anim ay naging pito ang mga ito. Walo! Siyam! Hanggang sa maging labingdalawa. Doon lamang ako napangiti ng kontento. Labing dalawa ang totoong limitasyon ng isang Helios Flower. Kapag nakapamukadkad na ito ng labingdalawang bulaklak ay unti-unti na itong malalagas at mamamatay.
Nabalot ng katahimikan ang silid..
Noong tumingin ako sa kanila ay nakita ko ang pagkamangha, pagkagulat, at pagkalito sa kanilang mga muka..
Tumaas ang isa kong kilay para ipaalam na nagtatanong ako ng resulta.. Tila naman natauhan sila noong makita iyon.. Isa sa kanila ang tumikhim bago nagsalita.. "Sa talentong mayroon ka, ipadadala ka namin ngayon sa 1st division sa central. K-kailangan itong ipaalam kay Grandmaster Vermillion! Irerekomenda ka namin bilang direct apprentice nya!" Saad nito
Tumango ako... I don't really care.
Alam kong nandito sa lugar na ito ang bagay na aking pakay. Kaya naman balewala kahit saang Division nila ako ipadala..
Isang bagay lang ang sigurado..
I will bring a storm to turn this place upside down..
And it would be fun.
~~~~~~~~
A/N: Hi guys! Most of you must be wondering what happened to everyone from the first book, you will find out sooner or later as the story progresses. I dont want to spoil you so I will just shut up haha..
To find out more, stick around.. 😜😜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top