Tale 38

Tale 38
Orion


Nakangiti ang haring araw sa kalangitan.

Puno ng kasiyahan ang puso ni Aurio. It’s been a week.

Level Five Expert. Isa na syang Level Five Expert!

Alam nya na utang nya kay Amara ang lahat ng ito. Sa nakalipas na mga buwan ng kanilang paglalakbay, hindi nito nakakalimutan na bigyan sya ng mga pointers at turuan sya ng mga kaalaman sa alkemya.

Ngayong araw ay patungo si Aurio sa Ream Village sa Aragon, ang  baryo na kanyang pinagmulan. Hindi na sya makapaghintay ibalita sa kanyang mga magulang ang magandang balita.

Nasa bulubunduking parte ng State of Aragon ang kanyang village. Malayo sa kabihasnan. Malayo sa magulong mga syudad.

Payak ang kanilang pamumuhay sa munting bayan. Isang mangangaso ang kanyang ama at isang simpleng may-bahay naman ang kanyang ina. Mayroon syang dalawang nakababatang kapatid, isang babae at isang lalaki.

Isang matandang alchemist ang naninirahan sa kanilang liblib na baryo ang nagbukas sa kanyang mga mata sa larangan ng alkemya. Ito rin ang tumulong sa kanya upang makapag-aral sa isang munting paaralan para sa mga alchemist.

Hindi na sya makapaghintay na ibahagi sa kanila ang dala-dala nyang balita!

Dahil liblib ang kanyang baryo, walang sasakyan o kalesa na makikita sa bako-bakong daan na nababalot ng lilim ng mga puno. Nakangiting naglalakad si Aurio dito noong may makita syang bulto ng dalawang tao na nakahandusay sa gitna ng daan.

“T-tulong….” Gumagapang sa lupa ang isa sa kanila at pilit itinataas ang kanyang kamay upang humingi ng tulong.

Dahil sa pusong mamon ni Aurio, walang pagdadalawang isip na nilapitan nya ang dalawa.

“O-okay lang ba kayo? Anong nangyari?!” nag-aalala nyang tanong

“Pssgkhdjlsj..”

“H-huh??”

Anong nangyari? May mga bandido bang sumalakay sa kanila? Mababangis na hayop mula sa kabundukan??

“P-pag… kain….”

“Pag… kain???” Aurio

“Im dying.. Fooooooood.” Saad ng kasama nito

Natigilan si Aurio at pinagmasdan ang dalawang babae.

“We’re starving.. Help… Huhuhuhu…” iyak nila

Aurio was dumbfounded. But he readily gave them food in the end.

“You’re our savior…” iyak nila habang ngumunguya ng cookies.. Pasalubong nya sana yun para sa mga kapatid nya, pero ibinigay nya na lamang sa dalawang babae.

“Where are you going? How did you end up here??” tanong nya sa dalawa

“We’re aimlessly travelling. We have limited money and we spent it all while travelling. We’re broke now.” Sagot ng mukang mas bata, she’s probably around thirteen..?

“We’re lost. And for some reason, there’s no edible fruit growing around this mountain!” dagdag ng isa pa

“It’s getting dark. It’s dangerous around this area. My village is nearby, you should stay there for the night.” Pagmamagandang loob ni Aurio

“You’re too kind.” Komento ng mukang mas bata na tila matured para sa edad nya

“Is that sarcasm?” Aurio

Ngumiti ang bata.. “You have the scent of the Stillwater. We will follow you because you’re currently our only lead.”

“Huh??” Aurio

“This is a fated meeting. My name is Arya.” Pakilala ng babaeng may itim na buhok at asul na mga mata.. “This is my cousin, Sapphire. She may look like a kid, but she’s older than me.”

“My name is Aurio.” Pakilala nya naman

It was indeed a fated meeting.

***

May tradisyon sa Ream Village na sa tuwing may mga importanteng kaganapan, magtitipon-tipon ang buong baryo para makisaya. This would at least add color to their mundane lives.

Dahil sa tradisyon na ito, agad napaisip si Aurio matapos makita ang maraming tao sa pinakapuso ng baryo na nagtitipon-tipon habang nababalot ng halimuyak ng masasarap na pagkain ang hangin. ‘Which family is holding a wedding this time? To think that I made it just in time!’

Aurio is incredibly happy. ‘To think that I can eat good food once I come home, home is truly the best!’

Namiss ni Aurio ang mga pagkain sa kanyang baryo. Kaya naman agad syang na-excite na malaman na mayroong malaking okasyon kasabay ng pag-uwi nya!

Bago pa man makalapit si Aurio ay naaamoy na nila ang halimuyak ng masasarap na pagkain. Maging sina Arya at Sapphire ay napuno ng excitement.

Nagtataka lamang si Aurio kung bakit may mga hindi pamilyar na muka.

Whose holding the wedding? Is it someone not from the village? Whose the lucky girl? Aurio is friends with everyone in his village. He felt excited to give gifts and congratulate the bride and groom.

Nabalot ng pagtataka si Aurio matapos makita na puro hindi pamilyar na tao ang nakaupo sa mga table habang abala ang mga taga baryo sa pagsisilbi sa kanila.

May mga armas ang mga estranghero!

Sino sila?!

Dahil ang Ream Village ay nasa kabundukan, maraming mababangis na hayop ang madalas sumasalakay sa baryo. Tatlong buwan na ang nakararaan, nagpadala ng mga sundalo ang gobernador na may sakop sa lugar upang tulungan ang mga mamamayan.

Subalit lingid sa kaalaman ng gobernador, naghariharian ang mga ito sa munting baryo.

Tuwing gabi, kailangan busugin ng mga prutas at karne ng mga tagabaryo ang mga sundalo, kung hindi sila susunod ay sasaktan sila ng mga ito. Mga simpleng tao lamang ang mga naninirahan sa baryo, kahit karamihan sa kanila ay mga mangangaso, walang may lakas ng loob na banggain ang gobyerno sa takot na ang buong baryo nila ang maparusahan.

Noong tuluyan nang nakalapit sina Aurio, someone finally notice them.

“Hmm? Who are these two beautiful ladies?? And this alchemis---- ah! Oh my god! Aurio??! Why are you suddenly back?!” bulalas ng isang villager

“It’s Aurio!”

“Why is he back all of a sudden?”

“He brought home two beautiful ladies! That’s my boy! Hahahaha!”

“Aurio is back!”

Hindi nagtagal, alam na ng lahat na nagbalik na si Aurio!

Sa center table, isang magandang ginang ang natigilan sa kanyang narinig.

“Aurio is back?” excitement filled her heart. It’s been months since the last time her son came home. She misses him so much. Because of this news, she momentarily forgot the bowl of soup in her hands. It spilled on the center table, angering the soldiers, specially the captain.

“Stupid woman! Look what you’ve done!” sigaw ng kapitan sa babae.

“P-pasensya na po.” Paumanhin nito habang pinupunasan ang natapon na sabaw

“Wala na ngang silbi ang baldado mong asawa, pati ba naman ikaw? Wala kayong naiitulong sa baryo na ito! Pareho lang kayong pabigat!” sigaw ng kapitan

Naikuyom ng babae ang kanyang mga kamao. Isang mangangaso ang kanyang mister, iniligtas nito ang buhay ng kapitan two weeks ago mula sa isang mabangis na hayop na sumalakay sa bayan. Nilapa ang isa nitong binti at ngayon ay hindi na makalakad.

“Pasensya na..” she have no choice but to submit

“Pasensya na po.. Hindi po yun sinasadya ni Aurelia.” Sabat ng village elder.. Anak na ang turing nya sa lahat ng tagabaryo.

Gusto ring sumabat ng ibang tagabaryo. Subalit matapos maalala ang mga naparusahan, natatakot na silang magsalita.

“Ayusin mo ang trabaho mo! Ito na nga lang ang kontribusyon ng pamilya mo, tatanga-tanga ka pa!” sigaw ng kapitan

Napatungo na lamang ang babae.

“Sino ka para sigawan sya?” sabat ng isang boses na ikinalingon ng lahat

Agad nanlaki ang mga mata ng babae.

“Aurio…”

“Mom, Im back.” Nakangiting bati ni Aurio sa ina

“Aurio!” nag-aalalang usal ng mga tagabaryo.. Alam nila na mabuting bata si Aurio, subalit natatakot silang baka ma-offend nito ang mga sundalo.

“Sino sila??” Tanong ni Aurio

“Bata, sino ka?” tanong pabalik ng kapitan

“Im her son. Who are you?” balik tanong ni Aurio..”Mom are you okay?” tanong nya habang sinusuri ang kalagayan ng ina.. Nababalot sya ng pagtataka sa mga nangyayari sa baryo nila. Bukod pa doon, hindi sya makapaniwala na may estranghero sa kanilang bayan na tila hari kung umasta. Sinisigawan pa nito ang kanyang ina!

“My name is Captain Greenfield of—” naudlot ang pagpapakilala ng kapitan dahil sa malakas na paghigop ni Arya sa isang mangkok ng sabaw.

“Oyyy! Sinong nagbigay sayo ng permiso na kainin yan!” sigaw ng isang sundalo

Nagtataka namang ibinaba ni Arya ang hawak nyang mangkok. “Isnt this a feast? Why ya mad?”

Gustong umawat ng mga tagabaryo. Matapos makita na mga bisita ni Aurio ang dalawang babae, bukal sa kalooban na winewelcome ng lahat ang dalawa. Unfortunately, this is a terrible time!

“Captain, we should teach them a lesson!” sigaw ng isang sundalo

They instantly parroted that notion.

“Why are these soldiers more thuggish than thugs? They’re more like gangsters than military soldiers.” Komento ni Arya

“Tie them up!” malakas na utos ng kapitan

“Wait! Please spare them! They didn’t know anything.. They just arrive at the village.. Please let them off this time..” pagmamakaawa ni Aurelia

“Captain, you are very benevolent, please spare them.” Saad ng mga taga baryo

“Yes.. Please spare them Captain.”

Natigilan ang mga sundalo.. Nagkakaisa nanaman ang mga tagabaryo. Hindi nila ito mapahihintulutan.

“Beat up this man!” utos ng kapitan sabay turo kay Aurio

“Please no!!” pagmamakaawa ni Aurelia.. Shielding her son with her own body. She’d rather be the one to be beat up than let her son suffer.

“Drag this woman along! Teach them a lesson!” sigaw pa ng kapitan

Matapos makita ni Aurio na mahigpit na hinawakan ng mga sundalo ang braso ng kanyang ina, agad nagdilim ang paningin nya. Ni hindi nya na naramdaman na maging sya ay nasa kaparehong sitwasyon.

Kanina ay pinag-iisipan pa nya kung paano mapayapang aayusin ang sitwasyon sa kabila ng galit nya. Subalit matapos makita na nasasaktan ang pinakaimportanteng babae sa buhay nya, nakalimutan nya na ang lahat ng konsiderasyon na nasa isipan nya kanina lamang. No one can hurt his mother!

Isang malakas na hangin ang dumaan. Nilipad nito ang ilang mga sundalo.

“A-anong nangyayari?!”

“Let go of my mother.” Malamig na utos ni Aurio

“What have you done?! Who are yo—” agad natigilan ang kapitan.

Isang malakas na hangin ang muling dumaan. Sa pagkakataong ito, nakaramdam na ng takot ang mga sundalo.

Hindi sya isang pangkaraniwang tao!!

Isang assassin?!

“It’s Orion!” sigaw ng isa na agad nakilala ang technique na ito. Tanging si Orion lamang ang assassin na nakakakontrol sa hangin. Tanyag ang mga Class A at Class S assassins hindi lamang sa mga kapwa nila assassins kung hindi maging sa militar at gobyerno. Dahil isa syang bagong Class A Assassin kaya naman pamilyar ang mga nasa militar sa kanya.

“Retreat!” utos ng kapitan

Hindi sapat ang mga tao nya ngayon.. “I will come back for your life young man.” Banta nya kay Aurio

“I shall return!” deklara ng kapitan.. Aatras sya ngayon pero babalik sya para bawiin ang teritoryo nya!

Nabalot ng pagtataka ang mga tao sa baryo sa mga nangyari.

“Mom, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Aurio

“Yes.. Yes.. Are you hurt?” tanong pabalik ni Aurelia sa anak habang iniinspeksyon kung may natamo itong galos sa pagdaan ng malakas na hangin.

“Im fine Mom..” nakangiting sagot ni Aurio

“Ahm… Who are they?” tanong ni Aurelia saka itinuro sina Arya at Sapphire na abalang kumakain kahit wala namang nag-offer sa kanila.

“Nakilala ko lang po sila sa daan kanina. Ilang araw na silang hindi kumakain kaya sila ganyan Mom.” Paliwanag ni Aurio sa pagiging patay-gutom ng dalawa

“Kawawa naman sila.” Aurelia

Matapos marinig ang sinabi ni Aurio, agad nag-offer ng mga pagkain ang mga mabubuting-loob na tagabaryo sa dalawang kawawang dalaga.

“Aurio, you must be tired travelling this far. Come on, lets go home.” Aurelia

“Yes, Aurio rest now.” Saad ng mga tagabaryo

Hindi man lubusang naunawaan ng lahat kung bakit bigla na lamang nabahag ang buntot ng kapitan, ang mahalaga ay umalis na ito.

The villagers are simple-minded people. Knowing that Aurio is home feels like having a family member coming home from afar.

Matapos kumain nina Arya ay saka sila nagtungo sa munting tahanan nina Aurio.

Isang matipunong lalaki ang naghihintay sa pag-uwi ng kanyang asawa. Maganda ang hubog ng kanyang katawan dahil isa syang mangangaso buong buhay nya, subalit dahil sa nangyari sa kanyang binti, hindi na sya nakakapaglakad ngayon.

Matapos makita ito, tila nadurog ang pusong mamon ni Aurio.

Ang ama na buong buhay nyang tinitingala bilang isang matibay na haligi ng kanilang tahanan ay nasasadlak ngayon sa sitwasyon na ito dahil sa mga taong nananamantala sa kabutihan ng mga tagabaryo! Muling nabuhay ang galit sa kanyang puso.

Sa kabila ng sitwasyon, masaya syang binati ng kanyang ama na tila ba sya ay liwanag sa madilim na gabi na pinagdadaanan nito. Lalong sumakit ang puso ni Aurio. Nasaan sya noong mga oras na kailangan sya ng kanyang pamilya?

“Dad, take all of these potions. They are pain relievers and healing potions for your wound.” Saad ni Aurio

“Don’t worry about me too much. Take care of yourself more. You’re still young. Your father is already old, I can bear this much pain.” Sagot nito

Lalo lamang nag-aalala si Aurio.

“Kuya!” masayang salubong ng mga nakababata nyang kapatid

“Aura! Aurelius!” nakangiti nyang bati sa dalawa na agad syang niyakap.. Maliliit pa ang mga ito

“May pasalubong ka ba kuya??” excited na tanong ng dalawa

“Ahm….. Hehe..” Aurio

“……….” Aura at Aurelius… Tinalikuran na sya ng dalawa at muling naglaro, completely ignoring him.

“So cold huhu.” Reklamo ni Aurio

“Aba anak.. Sino naman ang dalawang binibini na kasama mo? Noong huling beses na umuwi ka sabi mo ay wala ka pang plano na mag-uwi ng mapapangasawa, bakit ngayon dalawa sila?” biro ng kanyang ama, si Lior.

“Dad, it’s not like that…” Aurio

“Ako nga po pala si Arya..” masiglang pakilala nito.. “This is my cousin, Sapphire.”

“You can call me Uncle Lior.. This is my beautiful wife, Aurelia and my little angels Aura and Aurelius.. Feel at home!” mainit na pagtanggap ni Lior sa mga panauhin.

“Kumain na ba kayo?” tanong ni Lior sa tatlo

Tumango naman sila.

“Gusto nyo ba ng maiinom?” Aurelia

“Busog pa po kami.. Salamat po.” Arya

Bihira lamang magkaroon ng bisita sa kanilang tahanan kaya puno ng excitement ang mag-asawa.

“May dala nga pala akong magandang balita.” Sabat ni Aurio

“Isa na po ako ngayong Level 5 Expert!”

Hindi malinaw sa mag-asawa kung ano ang importansya ng level ng mga alchemist, ganun pa man, dahil nakikita nila ang expectation sa mga mata ni Aurio agad nila itong pinuri.

“Mom, Dad, this is all of my savings.” Naglabas si Aurio ng limang bag ng gintong mga bariya. “Please give one bag to the village to help them. Then save two bags for Aura and Aurelius' education. The remaining two bags will be enough to bring food to our table for several years. Don’t worry, I will work harder so I can send more money in the future.”

Agad naman nanlaki ang mga mata ng mag-asawa… Ngayon lamang sila nakakita ng ganito kalaking halaga sa buong buhay nila.

“A-anak… Anong bangko ang pinagnakawan mo? Magmadali ka at isoli ito.” Nag-aalalang saad ni Lior

“………” Aurio

“Anak hindi ka namin pinalaki ng ganito…” naluluhang saad ni Aurelia

“Mom, Dad, wag kayong OA.. Hindi ko ninakaw yan.” Nasstress si Aurio sa mga magulang nya

Agad nakahinga ng maluwag ang mag-asawa.. Hindi nila alam na maaari palang kumita ng malaki bilang isang alchemist. Sa totoo lang ay isang bag lamang ng ginto ang orihinal na savings ni Aurio. Subalit dahil sa pananatili nya sa Dark Hands ng ilang buwan, nakaipon sya ng malaking halaga sapagkat di tulad ng ibang assassins, hindi naman sya gumagastos para sa mga mamahaling armas. Nadiskubre ni Aurio na mas mayaman pa ang mga Class A at Class S assassins kesa sa mga Expert Alchemists. So unfair.

Pero dahil isa na syang Level 5 Alchemist ngayon, mas marami na syang opportunities for higher paying jobs in the guild!

Nagpatuloy ang masayang kwentuhan ng pamilya.

Kahit pa payak lamang ang kanilang pamumuhay, mabubuting tao ang mga naninirahan sa baryong ito. Yun ang evaluation nina Arya at Sapphire sa lugar.

Hindi pa man sumisikat ang arawi, ilang katok sa pintuan ang bumasag sa katahimikan.

“Lior! Aurelia! Magmadali kayo! Masamang balita!”

Makikita ang pagkabalisa sa mga muka ng mga taga baryo sa pangunguna ng village elder.

“May paparating na mga sundalo! At sa tantsa namin ay triple ang bilang nila kesa kanina! Magmadali kayo at patakasin si Aurio! Nasa panganib sya!” saad ng village elder

“Kumalma lang po kayo. Wala kayong dapat ipag-alala.. Kaya ko ang sarili ko. At poprotektahan ko ang ating baryo!” matapang na deklara ni Aurio.. He’s not afraid. Even when he’s outnumbered during his missions, he would still win. He’s the king of explosives! The assassin that can control wind! Orion!

Syempre walang naniwala sa kanya. Alam nila kung gaano ito kalampa simula pagkabata.

“Bakit ayaw nyong maniwala? I will protect everyone..” pangungumbinsi nya pero walang pumapansin

“Come on.. Trust me. Im strong now.”

“Huhu why is everyone doubtful? Im serious! I will protect the village!”

“Pansinin nyo ko huhuhuhu.”

Everyone ignored his wailings.

“There is a secret pathway in the mountains. Aurio can escape through that path.” Village Elder

“Thank you everyone..” Lior

“Aurio, hurry! You must escape!” Aurelia

“………..” Aurio

Why cant they believe him? Where is the trust in humanity? Where is justice?

“Mom, Dad, are we really family? Do you not believe that Im strong now??” Aurio said helplessly

“Of course we don’t believe you! Even though we will miss you, you should escape while it’s still dark..” tugon ng kanyang ina

Aurio was speechless.

“My son, stop acting brave. I know you’re just worried about us so you plan to surrender yourself. As a mother, I will never let that happen!” declare ng kanyang ina

Gusto na talagang maiyak ni Aurio. Sarili nyang pamilya pinagdududahan sya.

“Im really strong! Look!!” pagpapaliwanag pa ni Aurio saka nagsummon ng malakas na hangin..

“My son, just go. You don’t have to feign strength. We will be okay so just escape.” Saad ng kanyang ama habang hawak sya sa balikat.. Akala nito ay may dumaan lang na malakas na hangin.

Aurio felt helpless. Since his village is very desolate and far from civilization, everyone is outdated. They think that people in the cities are all strong and powerful. We cant blame them, during the era of the mages, noble births living in the cities can wield magic. Despite the fact that there is no more magic, the villagers still believe that the outside world are field with strong people. So what if their little Aurio learn alchemy? In front of an army, he will be trampled to death! No one in the village would want that!

Aurio was touched with everyone’s kindness. He is genuinely loved by his parents and his village. What could he say now? No one wants to believe him! Huhuhu

“It’s too late to escape.” Sabat ni Sapphire na chill na nakaupo sa hagdan ng bahay habang pinapanood ang mga kaganapan.

Tama ang sinabi nya.. Naririnig nila ang papalapit na mga yabag ng mga sundalo.

“Hiuli na ang lahat! Anong gagawin natin?” tanong ng mga taga baryo

“Protektahan natin si Aurio!”

“Wag kang matakot Aurio.. Hindi ka namin pababayaan.”

“……..” Aurio

Am I a fragile young lady in their minds?

“We received reports that an Assassin attacked an officer of the army. And your village is hiding this assassin!” saad ng isang bagong muka. Si Commander Sandler. Matapos matanggap ang report na ito mula kay Captain Greenfield ay mabilis syang kumilos upang aksyonan ang problema.

“N-nagkakamali po kayo.. Wala pong assassin dito sa aming bayan.” Tanggi ng Village Elder sa paratang. Wala silang alam tungkol sa assassin.

“Wag na kayong magkaila! Narito si Orion! Isang Class A Assassin ng guild na Dark Hands!” Captain Greenfield

“Paumanhin po.. Pero wala talaga pong assassin dito sa aming baryo.” Village Elder

“Sinungaling! Nakita natin syang lahat kagabi!” sigaw ng isang sundalo

“Si Aurio po ba ang tinutukoy nila? Paano naman sya magiging isang assassin?” nagtatakang bulong ng isang villager sa Village Elder

“Oo! Sya nga! Yung Aurio!!” sigaw ng isang sundalo na matalas ang pandinig

“Sigurado ba kayo?” tanong ng Commander

“Yes, sir!”

“Village Elder, maaari nyo po bang iharap sa amin ang taong tinutukoy nila?” Commander

Bago pa man nakatugon ang ang mga villagers, nakita nila ang pagsulpot ni Aurio.

“That’s him! That’s Orion!” Captain Greenfield

“Young man, please tell us your identity.” Commander Sandler

“Iam Aurio, son of Lior and Aurelia of Ream Village.” Simpleng tugon ni Aurio

“You are….. an alchemist?” Commander Sandler

“Yes.” Aurio

Dahil sa dilim ng gabi, hindi napag-ukulang pansin ni Captain Greenfield ang kasuotan ni Aurio sa una nilang pagkikita. Hindi ba uniporme ng guild na Thousand Crows ang suot ng binata? At teka, ang badge nya. Pinagmasdan itong mabuti ni Captain Greenfield at agad nabalot ng takot.. Isang Level five expert!

Galit na bumaling si Commander Sandler kay Captain Greenfield.. “Didn’t you say that it was an assassin?!”

“Y-yes.. He’s an assassin.. He can manipulate the wind!” Captain  Greenfield

“Are you an idiot?! A Level Five Expert can manipulate the elements of nature! What assassin?! Apologize now!” galit na utos ni Commander Sandler

“I don’t need his apology.” Sabat ni Aurio

Agad nabalot ng kaba ang puso ni Commander Sandler.

Alchemists have high standing in the society. Kahit mga politiko sumisipsip para lang mgkaroon ng koneksyon sa mga prominenteng alchemists. This young man is a Level 5 Expert. Even within the circles of alchemists, he have a high standing. He’s still young but he is one step closer to being a Master Alchemists! A MASTER AlCHEMIST! What more, this young man is from the Thousand Crows! All of their alchemists have undergone stricker screening, training and assessments!

“I understand that you’re upset about all this commotion. I will apologize on behalf of all my subordinates. Can you tell me what could appease your anger?” Commander Sandler

“Your subordinates are abusing their authority. I want them to be punished in accordance to the law for hurting the villagers and for all they’ve done.” Aurio

“I understand.. I will make sure that they will be punish accordingly.” Commander Sandler

Tumango lamang si Aurio.

Commander Sandler was impress with his calmness. He can make a demanding request but in the end he want them to punish the people who hurt the villagers in the rightful manner.

“But Commander—” gustong magreklamo ni Captain Greenfield subalit agad syang pinatahimik ng commander

“We will leave now. I will personally handle the affairs in this village to make sure that this wont happen again.” Saad ng commander

“Thank you Commander.” Pasasalamat ng village Elder

“Men, move your assess!” sigaw ng commander at tuluyan na silang umalis

Papasikat na ang araw sa kalangitan.

Nabalot na muli ng katahimikan ang lugar.

Proud na ngumiti si Aurio sa lahat.

Agad syang dinumog ng mga ito.

“Anak ayos ka lang ba??” Aurelia

“Hindi ako makapaniwala na nalinlang mo sila anak!” Lior

“Pero hindi ko naman sila nilinlang..?” Aurio

“Drop the act Aurio. Everyone in the village knows how weak you are. Wahahaha.”

“Mabuti na lang hindi ka nila sinaktan..”

“Ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba! Ang daming mga sundalo! Mabuti na lang natakot mo sila!”

“We’re so proud of you. Hindi ka man lang nagpakita ng takot! Muntik na kong maniwala sa acting mo!”

Nagusot ang muka ni Aurio. Didn’t they see how awesome he was?

Hanggang sa muling pag-alis ni Aurio ng Ream Village, wala pa ring naniniwala na malakas sya.

Poor little Aurio.


~~~~~~~~~




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top