Tale 11
A/N: Hi everyone! Someone you know will make an appearance on this chapter. Instead of answers, you will probably have more questions. Peace~
I will upload another chapter tonight. Happy reading!
♡♡♡
Tale 11
The Stranger
~Aurio~
"Hindi ka ba mag-aabalang magbasa ng mga medicinal books para sa lecture mo next week???" tanong ko kay Amara na abala ngayon na naglalaro ng chess.
"Why should I??" balik tanong nito saakin.
Napailing na lamang ako.. Kung hindi ko sya kaibigan hindi naman ako mag-aalala masyado na mapahiya sya sa lecture.. Alam ko na magaling sya sa alchemy, pero ayoko naman na may mangyaring aberya sa lecture nya dahil lang sa hindi sya nag-prepare ng maayos..
"Aurio why don't you join me here??" aya nya at itinuro ang game board.
"I don't play chess." Tugon ko
"You can't play chess?" tanong nya with that round innocent eyes staring at me. Arrrgg! I can't look her in the eyes! Masyado syang maganda!!
"I said I don't play chess. That doesn't mean I can't play chess." Depensa ko
Tinawanan nya lamang ang sinabi ko kaya naman napasimangot ako..
"The sissy kid can't play chess!" squawk ng celestial bird na si Damnable. Nalaman ko ang mga pangalan nila kahapon.. I kinda understand Amara's thoughts while naming her pets.. This bird might be celestial but he's definitely damnable! Pero ayoko namang ma-offend ito kaya sinarili ko na lamang ang opinyon ko..
"Stupid parrot! The kid said he don't play chess. That doesn't mean he can't play!" kontra naman ni Blabbermouth
"Who're you calling stupid? Who're you calling a parrot?? You stupid lizard!!" baling naman ni Damnable kay Blabbermouth
"You! I'm calling you Stupid! You big bad parrot!!" ganti ni Blabbermouth
"I'm a phoenix! A phoenix!! You hear me, Lizard???" ganti rin ni Damnable
"Oh shut it you two!!!" saway ni Unbearable.. "You are both stupid!!"
"Dare to say that one more time!" baling naman ni Damnable kay Unbearable.
"Oh?? Watch me dare!! Stupid parrot!! Stupid Lizard!!!!" tugon ni Unbearable
Akala ko ay titigil na sa bangayan ang tatlo. Pero lalo lamang palang gugulo dahil sa pagsali ni Unbearable sa usapan. Sa lugar namin maraming nagsasabi na madaldal daw ako. Na maingay daw ako. Pero kumpara sa tatlong ito, ang tahimik ko pala!! Tatlong araw pa lang akong nakikisalamuha sa tatlo pero sumasakit na ang eardrums ko.. Paano kaya sila natatagalan ni Amara???
Seryoso pa ring naglalaro mag-isa si Amara ng chess. Tila hindi nya naririnig ang kadaldalan ng tatlo nyang mga alaga.. Napabuntong hininga na lamang ako. Naupo ako sa ilalim ng isang puno at doon nagsimulang magbasa ng isang medicinal book..
Ililipat ko pa lang sana sa sunod na pahina ang librong binabasa ko nung bigla akong matigilan.
Isang babaeng may mahabang puting buhok ang bigla na lang lumitaw.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko. Pati ang temperatura ng lugar ay tila lalong lumamig dahil sa presensya ng babae.
“Brat, so you finally decided to visit your Master.” Nakangiting saad ni Amara na hindi pa rin inaalis ang tingin sa chess pieces sa kanyang harapan.
Nakita kong ngumiti ang babaeng may mahabang puting buhok. M-magkakilala sila?
“It’s been a while Master.”
“You still look as young as ever.” Komento ni Amara
Isang ngiti lamang ang itinugon ng babae.
“How’s everyone?” Amara
“They are doing just fine. The kids decided to walk on their own paths. This generation belongs to you, they will only be disappointed if they decide to compete with you.” Saad ng babae
“Are you worried that I will bully them?” amuse na tanong ni Amara
“Master knew me so well.” Tugon ng babae
“Don’t worry. Since you personally come, I will be lenient with them.” Amara
“Thank you Master.” Nakangiting saad ng babae
Gusto kong magtanong kung anong nangyayari. Pero pakiramdam ko wala ako sa posisyon na gumawa kahit kaunting ingay. The pressure is going to kill me!
“Anyway, what exactly happened thirty years ago?” tanong ni Amara habang abala pa din sa paglalaro ng chess.
“I don’t know much. But there is someone behind this.” Sagot ng babae
“You should help me solve this..” saad ni Amara
“Cobalt warned me not to. This is your destiny, I cannot meddle.” Seryosong saad ng babae
Ngumiti si Amara.. “Good answer.”
“……..”
“I was just testing your resolve. You are too righteous. You want to solve this on your own but you cant. Don’t worry, I won’t fail.” Saad ni Amara
“I have faith in you. You’re still our master.” Saad ng babae.
Tumango si Eclipse.
“Since Im already here. You can now move on. You want to visit other worlds right? I made you wait for me for a long long time. You are destined for greatness Charmaine.” Saad ni Amara, nag-angat sya ng tingin at binigyan ng isang ngiti ang babae.
“Thank you Master. I’ll entrust Aralon to you.” Tugon ng babae
Sa isang kisap mata, naglaho ang babae.
Muling nabalot ng katahimikan ang lugar..
Kinusot ko ang aking mga mata.. Ilusyon lang ba ang mga nakita ko?
Ang weird..
Since abala na ulit na naglalaro ng chess si Amara, ipinagpatuloy ko na lang din ang pagbabasa ko.
Hindi ko na namalayan kung ilang oras na ang lumipas, wala na ang tatlong maiingay na alaga ni Amara. Hindi ko alam kung nasaan sila. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit ako natigil sa pagbabasa. Naagaw ng isang misteryosong lalaki ang aking atensyon. Sugatan ito at tila nagulat na sa tuktok nitong burol at sa gitna ng kakahuyan na bumabalot sa burol ay may isang mansion.. Kumpara sa babae kanina, hindi katiwatiwala ang isang ito! Napatayo ako dahil sa pag-aalalang baka isang masamang tao ang lalaki. Baka masaktan si Amara!!
"Good timing. I'm getting bored playing alone. Why don't you join me??" tanong ni Amara sa lalaki habang naglalaro pa rin ng chess. Natigilan ako dahil sa narinig. Maging ang lalaki ay nabalot ng pagtataka ang muka..
Alam kong bored na bored na sya, pero tama ba naman na ayain nyang maglaro ng chess ang isang kahina-hinalang tao?? Sa itim na kasuotan ng lalaki, may kutob akong hindi sya isang pangkaraniwang tao. Sa mga sugat nito, may kutob akong hindi maganda.
Sasabat sana ako para pigilan si Amara pero nakita kong tumango ang lalaki bilang pagsang-ayon sa imbitasyon nito..
Noong ikumpas ni Amara ang kanyang isang kamay, nagbago ng anyo ang itim na kasuotan ng lalaki. Napalitan ito ng isang asul na panglamig. Naglaho din ang mga sugat ng lalaki. Maging ang mantsa ng dugo ay naglaho.. Dahil dito, napansin kong bata pa ang lalaki, marahil ay seventeen lamang ito, o eighteen. May inosente itong muka na hindi mo paghihinalaan ng masama. Kung hindi ko nasaksihan ang mga nangyari ay hindi ako maniniwalang sya ang misteryosong lalaki kanina..
Kitang-kita sa mga mata ng lalaki ang pagkamangha.. "A-are you Grandmaster Vermilion??" tanong nito
Nakita kong ngumiti si Amara, "Please have a seat." Tangging tugon nya at marahang umupo ang lalaki..
Hindi ko alam kung paano nagawa ni Amara ang mga bagay na ginawa nya.. Pero simula pa lang ay alam kong hindi pangkaraniwang tao si Amara. May mga kakaiba syang abilidad. May mga alaga syang hayop na hindi pangkaraniwan. Hindi ako magugulat kung isa syang Grandmaster Alchemist. Pero kung bakit sya nandito bilang isang Expert, wala ako sa posisyon na magtanong tungkol sa bagay na yun.. Pero isa nga ba syang Grandmaster Alchemist?? Ah ewan!
Noong makita na kalmado at seryosong naglalaro ang dalawa ay muli akong umupo at muli kong ibinalik ang aking atensyon sa aking binabasa. Pero matapos kong basahin ang isang pahina ng aklat na aking hawak, may ilang mga kalalakihan ang lumitaw mula sa kakahuyan..
Namumukaan ko ang ilan sa kanila. Mga alchemist sila ng guild.. Bakit sila nandito???
"Ahm L-lady Amara.. Pasensya na sa abala, may napansin ka bang kahinahinalang tao na napadaan o napadpad dito??" tanong ng isa... Anim ang bilang ng mga lalaki, may ilan sa kanila na sugatan. At malakas ang kutob ko na ang lalaking hinahanap nila ay ang lalaking nakikipaglaro ngayon ng chess kay Amara.
"Checkmate." Saad ng lalaking kalaro ni Amara.
Nakita kong muling ngumiti si Amara. Mukang natutuwa ito sa takbo ng laro. "I hate to break this to you but," saad ni Amara at nakita kong iginalaw nya ang isa sa mga chess pieces, ang Queen. "Checkmate." Saad nya na may kasama pang matamis na ngiti. Sa muka ng lalaki ay makikita na mukang hindi nito inaasahan ang nangyari. Hindi ko napanood ang kanilang laban, pero mukang naging mainit ang laban na iyon.. Hindi nila pinagtuunan ng pansin ang mga lalaki na ngayo'y tila nawala sa mga pantasya nila noong makita ang ngiti ni Amara. Tsk.
Tumikhim ako at agad napukaw nun ang pansin ng mga lalaki. Sina Amara naman ay tila muling magsisimula ng panibagong game, completely ignoring us..
"Hey fellow Experts, wala kaming nakitang kakaiba. Kaya kung wala na kayong kailangan ay pwede na kayong umalis.." nakangiti kong saad kahit pa halatang itinataboy ko sila..
Inilibot ng mga lalaki ang paningin nila sa kabuuan ng bakuran ni Amara para marahil siguraduhin na wala nga dito ang hinahanap nila..
"Sa mga tinamo nyang sugat, siguradong sa halip na magtago ay tumakas na ang lalaking yun." Narinig kong saad ng isa
Nagtagal ang paningin ng isa sa kanila sa lalaking kalaro ni Amara, pero dahil iba na ang itsura nito kesa kanina, impusibleng maisip na ito ang lalaki..
"Lady Amara aalis na kami. Pasensya ka na sa abala.." paalam nila kahit pa hindi sila pinapansin nito...
Umalis na ang anim na lalaki... Isang bully si Amara. Pero hindi ko akalain na isa rin syang schemer! Ang rason kung bakit nya niyayang maglaro ang lalaki ay hindi dahil bored sya! Alam nya na may humahabol dito.. Kaya paano aakalain ng mga humahabol sa lalaki na sa halip na tumakas ay maglalakas loob na maglaro ng chess ang hinahanap nila???
"Checkmate." Narinig kong saad ni Amara kahit halos kakasimula pa lamang ng laro nila...
Hindi rin makapaniwala ang lalaki na natalo sya ng ganoon kabilis. Ibig sabihin ay pinagbibigyan lamang sya ni Amara sa mga nauna nilang laban! Mabuti na lang talaga tumanggi ako kaninang makipaglaro sa kanya! She's terrifying!
"You and I are connected by fate. Just like your sister." Saad ni Amara na ikinakunot ng noo ko maging ng lalaki..
"My sister?? You know her?? Do you know where she is??" tanong nito
"I don't know her personally. She's in the Dark Hands Guild in Uddara." Tugon ni Amara
Hindi tumugon ang lalaki. Bakas sa muka nito ang pagdadalawang isip, pagdududa at kyuryosidad..
"Kung hindi ka naniniwala, wala na akong pakialam. Maaari ka nang umalis. Kung may magtatanong kung sino ka, sabihin mo ay bisita ka ni Amara ng 1st Division." Saad ni Amara pagkatapos ay tumingin ito sakin.. "Aurio ihatid mo sya."
Ehhh??? "Ok." Tugon ko.. Sino ba kasi ang lalaking ito??
Tumango si Amara.. "Kapag naihatid mo na sya, bumalik ka agad dito. I'll teach you about pill refining." Saad nya at agad nagtungo sa loob ng kanyang mansion.
"Huh???" tanong ko pero wala na sya
Tumingin ako sa lalaki. "Hi, I'm Aurio of the 2nd Division.." pakilala ko
"Let's go." Saad nito at halatang hindi interesado na makipag-usap sakin.
Bakit ang cold ng mga tao sakin?? Huhu
~~~~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top