What is Air

Dio's POV

"Cesia..." tinapik ko ang balikat ng babae na nakatulala sa tabi ko. "Hindi natin maiiwasan ang mga ganitong pangyayari."

I sighed. Betrayal only brings back bad memories. Alam kong ayaw na niyang bumalik ang nakaraan. Ang digmaan na naganap ay nangyari kasi may nagtraydor sa'min.

"The Academy is divided." ani Seht habang nakatingin sa Academy mula dito sa baba.

"Ayokong makita ang mga pagmumukha nila sa Academy." bakas sa boses ni Cesia ang galit.

Ako rin naman. Galit rin ako...
Kung bakit nagawa nilang patayin ang mga sariling kasamahan nila. Malaki ang decrease ng mga Beta ngayon.

Nakita namin ang pagbaba ng platform. May dalawang centaurs at tatlong aurai na nakasakay.

"Cesia..." Ria gave her a nudge.

Napatingin ako sa mga Beta na nahuli namin. They're lucky at naabutan pa namin sila.

"Ayoko. Ayokong pabalikin sila sa Academy." sagot ni Cesia habang nakayuko.

Tinignan ko ang mga tuhod ng Beta na kasalukuyang puno ng sugat. Paano ba kasi, inutusan sila ni Cesia na umakyat sa bundok gamit lang ang mga tuhod nila. Walang magawa ang mga katawan nila kundi sundin ang utos ng anak ni Aphrodite.

Yung ibang mga tuhod nga nawalan na ng balat. Isang red patch nalang ang natitira. I am actually cringing while looking at them right now.

Tahimik lang ang Beta. Alam nilang suicidal mission kapag magsasalita pa sila.

Ayon nga. Hindi sila makakagalaw kung hindi sila uutusan ni Cesia.

"Cesia naman eh.. para matapos na tayo dito." tinabihan ni Thea si Cesia.

"Mga totoong demigods ang naninirahan sa Olympus Academy. Hindi mga traydor, mga mamamatay-tao." she looked at the Beta with disgust.

At ngayon ko lang nakita si Cesia na ganito. Ngayon ko lang siya nakikita na pinapalabas ang galit niya. Noon, umiiyak lang siya pag nagagalit siya.

But she knows now what she's capable of doing. And yes. She is dangerous.

"Cesia... hindi naman sila mags-stay sa Academy eh. Sa prison lang natin." Thea gave a gentle squeeze while holding Cesia's hand.

Umiling si Cesia.

"Daughter of Aphrodite." boses na ni Trev ang narinig namin.

Inangat niya ang ulo niya at tinignan ulit ang mga Beta na nakayuko.

"Luhod." utos niya na agad nilang sinunod.

Bumigat bigla ang katawan ko. Pero hindi naman ako bumagsak sa lupa katulad nila. Naramdaman ko lang ang ability ni Cesia penetrating inside my body.

The question remains.

How the hell can a demigod do that?!

"Maaari kayong pumasok sa Academy. NANG NAKALUHOD. WALANG TATAYO!" sinigawan niya ang Beta.

Nakita ko ang dalawang centaurs at tatlong aurai na napaluhod sa boses ni Cesia. Tinulungan naman sila ni Kara at Ria na makatayo.

"WALANG TATAYO." umatras siya to make way for the Beta.

Narinig namin ang mga iyak nila nang nagsimula na silang tumungo sa platform nang nakaluhod.

Nakasakay na silang lahat at binigyan sila ni Cesia ng tingin na hindi pa rin kapani-paniwala ang buong existence nila. She's still confused kung paano nila nagawa 'yon.

"The moment you step foot in the Academy, you will feel guilty that you killed your family. All of you will feel guilt. Nothing but guilt." yan ang huling utos niya bago lumipad pataas ang platform.

'You will feel guilty that you killed your family'

She knows every kind of pain. Wag mo lang pagalitin ang taong malaki ang puso. Dahil ipaparamdam niya sa'yo ang iba't-ibang sakit na nararamdaman niya.

No one dared to speak to her.

"Hintayin niyo lang na makababa ulit ang platform. Babalik kami sa camp ng Gamma." pagbibigay-alam ko sa kanila. Hindi pa naman kami tapos sa mission namin.

"We're coming with you." magkasabay na sambit nila Kara at Ria.

When it comes to them, alam kong wala na kaming magagawa kahit anong hesitate namin kaya tumango nalang ako.

Chase was the one who introduced the four of them to the three Gamma students who accompanied us earlier and vice versa.

•••

Napailing ako.

Kasama ko ngayon si Krisna na napailing rin habang sinusuri namin ang mapa.

Kung iiwasan namin si Charybdis na nakasalubong namin noon, makakalaban naman namin si Scylla, isa pang sea monster. She was once a beautiful naiad but turned into a hideous creature because of jealousy.

A monster with four eyes, six long necks, three rows of sharp teeth, 12 tentacle-like legs, a cat's tail and four to six dog heads encircling her waist.

NOW SINO NGA BANG GUSTONG MAHARAP ANG NILALANG NA YAN.

"Steer the wheel or not? Malapit na tayo. Make your decision. We'll be preparing." sabi niya saka bumaba.

I saw the whirlpool ahead of us. I cursed the Gods and steered the ship to the other direction.

Nakita ko silang lahat na nasa deck na ng yacht. May pinag aagawan na styrofoam sina Chase at Ria. Pero napatigil rin sila nang makita ang halimaw na naghihintay sa'min.

Slowly emerging from the fog is a woman with four eyes.

"Someone make a distraction!" sigaw ko.

Nakatingin sa'min ang apat niyang mga mata. Then we heard her shriek. I guess seeing us triggered her alarm.

Lumabas na rin ang tentacles niya pati na ang anim na mga ulo ng malalaking aso.

Tinignan ako ni Trev gamit ang mga mata niyang kakulay ang dugo ng Gods. He actually flew straight up and closer to the monster.


Meanwhile, I deactivated the ship bago bumaba at dumiretso sa deck.

I have decided na ako na mismo ang magkokontrol hindi sa barko kundi sa tubig.

Pinikit ko ang mga mata ko saka huminga ng malalim. The sea is overwhelming.. and HEAVY AS FUCK.

Naramdaman ko ang pag-iba ng kulay ng mga mata ko. Kasabay nito ang pagpasok ng kapangyarihan sa katawan ko.

Alright Scylla. Let's play.

Kinuyom ko ang kamao ko para itigil ang galaw ng tubig when three of her tentacles splashed in front of us.

Trev is making a good distraction.

Tinaas ko ang kaliwang kamay ko pushing the boat to the right. Napasigaw ako nang maramdaman ang bigat ng tubig. One of the dogs on her waist started barking dahilan na makuha namin ang atensyon niya.

But a lightning struck one of the dogs kaya nabaling ulit ang atensyon niya.

I made a gesture of pushing the waters from behind us to go faster. Malapit na.

Nilingon ko sila na kumakapit sa kung anong makikita sa deck ng barko.

I turned to face the monster again when one of her tentacles threw me off the deck and sent me into the waters.

Well shit.

Nasa ilalim ako ng tubig nang makita ang kabuuan ng katawan ni Scylla.

She's huge.

Nakita ko ang isa sa tentacles niya na gumagapang sa ilalim ng barko. Plano niya sigurong gawing eroplano ang barko namin at paliparin ito.

I made an encircling motion with my hand at kinontrol ang nakapaligid na tubig sa tentacle niya.

Saka ko hinila ang tentacle papalayo sa barko. Narinig ko ang hiyaw niya sa taas and I knew I need to move fast.

My eyes went to a deeper blue nang sinubukan kong tawagin ang tubig na nakapaligid sa barko.

C'mon Dio.

Naramdaman ko ang bigat ng barko pero binalewala ko nalang ito.

I let out bubbles of air when finally,
FINALLY. Ginamit ko lahat ng natitirang kaya ko para itulak ang barko and sent it speeding away from the creature.

I felt acid in my lungs.

I can't even move my arms anymore.

Naubos na lahat ng hangin ko.

Pinikit ko ang mga mata ko letting the water pull my body nang mapagtanto kong ayaw nang rumesponde ng sistema ko.

Agad kong naramdaman ang isang kamay na mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

Binuksan ko ang mga mata ko at nakita siya.

Bakit siya nandito?

Kumunot ang noo niya at hinila ako papalapit sa kanya.


I was about to lose consciousness when suddenly, naramdaman ko ang pagpasok ng hangin sa katawan ko.

Dinilat ko ang mga mata ko habang giniginhawa ang hangin na ibinibigay niya sa'kin. The air stopped but it was enough supply for me to regain a bit of my abilities.

This time, siya na ang nawawalan ng hangin at unti-unting nanghihina.

I smiled.

And gave her a kiss before carrying her out of the water.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top