Vengeance
Cesia's POV
"Nandito ka pala." pumasok si Doc.
Dumiretso ako dito sa clinic pagkatapos sabihin ni Thea ang nangyari.
"Ngayon ko lang nalaman.." bumagsak ang tingin ko.
Chineck ni Doc ang monitor na nakakonekta sa dalawang professors. Nagcomment siya na stable naman daw at wala namang kakaiba maliban sa marka na nasa balat nila.
"You see this?" tinrace ni Doc ang visible na mga linya sa braso ni Sir Rio. "These are marks from lightnings."
"Mawawala po ba yan?" tanong ko.
Tumango siya. "After maybe.. one or two weeks.. mawawala rin 'to. Di naman severe yung natamong electric charge nila."
Haayy. Mabuti naman...
"How about you Cesia? Are there any unusual feelings.. or pain..?" may sinulat siya sa folder niya.
"Wala naman.. pero nababaguhan pa rin ako eh..." nagbuntong-hininga ako.
Hanggang ngayon may naririnig parin akong faint heartbeats. Wala akong alam kung kanino kasi di ko gustong malaman. Ayoko talagang gamitin ang abilities ko ngayon.
"Here. Let me check." kinuha ni Doc ang maliit na flashlight mula sa bulsa niya saka lumapit sa'kin.
Inangat niya ang ulo ko at sinuri ang mga mata ko.
"I think you're fine." giit niya nang matignan ako. "Just tell me when something uncomfortable happens okay?"
Tumango ako.
Napagdesisyunan kong magpalipas ng dalawang oras sa clinic. Panay ang paglabas at pasok ni Doc para tignan ang mga pasyente niya.
Tumayo na ako at lumabas ng cubicle. Nagpaalam na rin ako kay Doc at sinabing babalik na ako sa dorm.
"Cesia!" napaatras ako nang biglang nagpakita si Chase sa harap ko.
"Ano? Okay ka na ba?" tanong niya.
Nginitian ko siya at tumango.
"Nga pala Cesia.." nagkamot siya ng ulo. "Pasensya ka na... di ko talaga alam yung tungkol sa abilties mo.."
"Pareho lang naman tayo. Di ko rin alam na may mangyayari palang ganon." pag-aassure ko sa kanya.
Wala naman sigurong nag-aakalang ganito pala ang naaabot ng kakayahan ko. Ngayong alam ko na, mukhang kakailanganin ko pa ng maraming trainings.
"Nakita mo ba si Trev?"
Halatang nagulat siya sa tanong ko.
"Huh.. di mo alam? Pinadala siya sa council kanina para tanggapin yung punishment niya." sagot niya na mas ikinagulat ko.
Napakagat ako sa labi ko.
Ba't ba late ako palagi sa mga balita. Aish.
"Bukas siguro siya makakauwi.." dagdag pa niya.
"Ah.. sige..."
Nawala na si Chase pero nanatili pa rin akong nakatayo sa gitna ng corridors, nakatulala.
Ano ba talaga ang trip ng lalaking yan.
Bigla na namang sumakit ang ulo ko kaya napag-isipan kong magpahinga nalang muna sa kwarto.
•••
Kumurap-kurap ako.
Tinignan ko ang relo.
2 am...
Pinakinggan ko ang mahina ngunit stable heartbeats ng iba pang Alphas kaya napagtanto kong mahimbing ang tulog nila ngayon.
Tuluyan na nga akong bumangon.
Napangiti ako pagkatapos makita si Galatea na natutulog sa maliit niyang bahay. Nakalimutan niyang patayin yung ilaw ng dollhouse niya kaya ako nalang ang pumindot ng switch.
Ang aga-aga kong nagising kasi maaga rin akong natulog.
Tumungo ako sa kusina para magtimpla ng gatas o tsaa.. depende kung alin ang una kong mahahanap sa cupboards.
Bitbit ang mug, lumabas ako sa veranda.
Wala akong naririnig na heartbeats mula sa kwarto niya...
Bumigat ang pakiramdam ko. Dala na rin siguro sa nangyari. Ewan ko ba kung magagalit ba ako sa lalaking 'yon dahil sa ginawa niya...
Pero nawala kasi ang galit ko sa kanya nung sinabi ni Chase na paparusahan siya. Alam kong matindi yung punishment niya dahil galing ito sa council ng oracles.
Pag sinaktan siya ng council... malalaman ko naman diba? dahil sa ability ko? Mararamdaman ko naman kung may ginawa sila sa kanya...
Pinikit ko ang mga mata ko.
Wala naman akong nararamdaman ngayon ah... Nacucurious tuloy ako kung ano yung natamo niyang parusa...
"Daughter of Aphrodite."
Muntik kong mahulog ang mug nang marinig ang boses niya.
Lumingon ako sa direksyon ng lalakeng nakaupo sa marble railings ng veranda at nakasandal sa pader.
"Bumaba ka nga." utos ko.
"Teka. Kanina ka pa ba diyan?" May kutob akong lumipad siya pabalik dito kaya magulo ang buhok niya.
Tinitigan niya lang ako bilang sagot. Tas pumikit siya as if walang narinig.
Trev na Trev.
"Alam ko kung ano ang ginawa mo kina Sir Glen at Sir Rio." kinuha ko ang mug para uminom ng kaunti mula dito.
"So?" narinig kong sabi niya.
"Anong 'so'?" nainis ako sa reaksyon niya. Muntik na niyang patayin ang dalawang profs namin tas... 'so' lang ang masasabi niya? Aba. "Trev. Alam kong matino ka.. pero... pero yung ginawa mo sa kanila? that was too much."
"It was what they needed." kalmado ang boses niya. Di man lang nag bother na tignan ako habang sumasagot. Psh.
"Gods." ang hirap intindihin ng lalaking 'to. Daig pa niya ang mga bipolar. "Mali pa rin yung ginawa mo."
Bumaba siya mula sa ledge at humakbang papalapit sa'kin kaya't napaatras ako. Nagsimula na akong kabahan sa susunod niyang gawin.
Naramdaman ko ang malamig na semento sa likod ko at isang inch nalang ang layo niya sa'kin nang tumigil siya.
Mabilis kong iniwasan ang tingin niya.
Konti nalang talaga at-
"There's something wrong." narinig kong bulong niya.
Nagtaka ako. "H-huh?"
Bago pa ako makasalita ulit, nakaramdam ako ng matinding takot. Kasabay nito ang mabibilis na pintig ng mga puso.
Lahat ng nararamdaman ko ay nagmula sa baba.
Takot na takot ang mga refugees.
Bakit? Anong nangyari?
Saka kami nakarinig ng malaking pagsabog. Hindi ko alam kung saan galing pero nagmistulang sigaw ng babae ang narinig namin.
Kasunod na tumunog ang alarm ng buong Academy.
"Urgent Announcement. Students are requested to gather inside the ceremonial hall as of this moment." narinig namin mula sa speakers ang boses ni Kerensa.
Nagtinginan kaming dalawa at nagmadaling pumasok sa dorm. Nagsilabasan na rin yung iba mula sa mga kwarto nila.
"Anong meron?" tanong ni Thea habang kinusot-kusot ang mga mata niya.
Si Chase ang nagbukas ng pinto nang marinig namin ang iilang katok mula sa labas.
Isang aurai ang nakatayo. Bakas sa mukha niya ang takot.
"Alphas, a volcanic eruption has happened and the camp is currently engulfed in flames. Some refugees are choking due to the ash." pag-iinform niya.
Hindi nga pala kasali sa barrier namin ang camp ng mga refugees sa ibaba...
•••
Nagbihis muna kami saka tumakbo patungo sa hall.
Sunod sunod na ang mga pagsabog.
"Akala ko talaga may narinig akong sumigaw na babae eh." ani Thea.
Tumigil kaming lahat.
"Wait. Did we all hear a woman scream?" humihingal na tanong ni Seht.
Napahawak ako sa dibdib ko. Shoot. Ang mga refugees. Nanghihina na ang karamihan sa kanila.
"Alphas!" sinalubong kami ni Heather. "There's something you should know."
"A supervolcano grew overnight within a mile from the giants' lair." pagbibigay-alam niya. "We were supposed to report it this morning but.. we didn't know it would erupt immediately."
"Thea?" tinawag ni Bo si Thea. "Thea!"
"Bakit?" nilapitan ni Thea si Bo.
"It's the wings. Hindi na gumagana yung wiring sa isa. Well.. maybe because A HUGE FALLING ROCK LANDED ON IT!" sumigaw ang satyr.
Nakarinig kami ng maingay na screeching sound ng makina.
"Tawagin mo yung ibang satyrs. Kakailanganin natin sila." utos niya.
"Una na'ko guys. Aayusin ko muna 'to." kumaway si Thea at tumakbo sa direksyon ng mechanical room.
"Heather. We need more people to protect the refugees!" sigaw ni Kia na nasa kabilang building.
Bumaba kami para tulungan ang mga refugees. May iba na tumakbo papasok sa gubat para iwasan ang nahuhulog na mga debris.
"They're scattered everywhere." ani Kara.
'For thousands of years I have slept.'
Sa laking gulat ng lahat, may narinig kaming boses na nagmula sa ilalim ng lupa.
'Today, I shall reign again.'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top