Tidal Problem

Chase's POV

"Bro. Wala kabang trust sa'kin? Trust? Trust me. Ganun." sabi ko habang nagmamaneho.

Panay kasi pagtatanong nilang dalawa ni Seht kung saang lugar na kami.

Asan na nga ba kami?

Napangiti ako nang makita ang malaking fountain sa gitna ng sinasabi nilang seaside park.

Takte. Ang galing ko na naman.

Sana nga lang di nila napansin na limang beses na kaming umiikot sa pwesto na'to. Kasalanan ko ba na malabo yung pagbigay ng instructions sa'min. Tsk.

"Looks like they cleared the area." narinig kong sabi ni Seht paglabas namin sa sasakyan.

Tinignan ko ang buong lugar at wala nga akong nakikitang mga tao. Baka nailipat na nga nila.

Nakarinig kami ng ingay mula sa di kalayuan.

Agad akong pumunta sa pinanggagalingan ng mga tunog at nakita ang limang halimaw na naguusap-usap. Nakasandal lang ako sa isang poste habang nakikinig sa kanila.

"Balita ko marami na ang demigods sa pook na'to." tumaas ang kilay ko nang marinig ang sinabi ng isa.

"Aaaarrrrghh! Nagugutom na ako!" sigay nung kasama niya.

"Teka." tumigil silang lahat at nagtinginan.

"Naaamoy niyo ba yon?" tanong ng isa.

Kumunot ang noo ko bago mawala sa kinatatayuan ko at bumalik sa park para sabihin sa kanila ang mga nilalang na papunta dito.

Nakita ko ang pag iba ng kulay ng mga mata ni Trev saka namin narinig ang ulan sa direksyon ng mga higante. Para daw hindi kami nila maabutan at maamoy.

"So... where are they? Akala ko sasalubungin nila tayo." halatang naiinip na si bro Dio.

Dito kasi ang sinabing location. Di kaya may bago na silang camp?

Lumapit ako sa fountain at naging interesado sa tubig na hindi gumagalaw.

Mayamaya, napalingon ako nang makarinig ako ng mga boses.

May kausap sila na tatlong estudyante.
Alam kong mga estudyante sila dahil sa pins na suot nila.

Lumapit ako at napag-alamang mga gamma sila na katatapos lang ng misyon.

Kaya pala balot na balot sila ng tuyong dugo.

"I am Krisna. This is Evette and Hans." pakilala ng isa sa mga kasamahan niya.

"Kayo? Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Evette na may dalang pana.

Tinignan ko ang dugo na tumutulo mula sa noo ni Krisna. Syempre walang nagreact sa'min sa mga hitsura nila. Galing kaya sila sa misyon.

Mas okay na nga yan kesa umuwi silang kulang ang mga daliri nila.

Tangina ewan ko nalang kung mangyayari sa'kin yan. Ang maputulan ng kamay nang dahil sa misyon. O di kaya mapugutan ng ulo.

Napailing ako.

Bawas pogi points yan mga 'tol.

"Pwede ba naming makausap kung sino man ang in charge ng gamma? Kararating lang namin and we can't wait any longer." reklamo ni Dio.

Nireregla ba siya ngayon?

Palagi nalang.

O... sadyang wala lang talaga dito yung inspirasyon niya.

"Umm... nasa camp yung leaders namin." sagot ni Krisna.

"Good. Then lead the way." utos ni Dio.

Nagtinginan lang silang tatlo pagkatapos ay tumawa ng mahina na siyang ipinagtataka namin.

Tumango naman sila at nagsimula nang maglakad sa kanilang camp.

O sa pantalan na ilang metro lang ang layo mula sa park.

"Teka bakit tayo nandito?" napakamot ako ng ulo.

"Kailangan pa nating sumakay ng barko. Nasa isla kasi yung camp ng gamma." pagbibigay-alam ni Krisna. Unang humakbang sa isang yacht ang dalawang babae na sinundan naming apat. Tinanggal muna ni Hans ang lubid na nakatali sa cleats bago tumalon sa harap namin.

"Pang mayaman naman 'to kaya I'm sure makakahanap rin kayo ng komportableng pwesto sa loob." natatawang sabi ni Krisna saka umakyat sa itaas pero napatigil siya at nilingon kami.

"may anak dito si Poseidon hindi ba?" tanong niya.

Tinaas ni Dio ang kamay niya at agad sinalo ang susi galing kay Krisna.

Bumaba si Krisna at tinapik ang balikat ni Dio. "Good. Because you're piloting it."

Tinignan ni Dio ang susi sa kamay niya pagkatapos ay umakyat sa taas kung saan nandun ang mga control ng barko.

Pagpasok namin, nalaman kong pribado ang yate na'to. May living area, may diner at maliit na section ng kitchen... tas ang laki laki pa ng mga bintana.

Hindi talaga ako magpapakamatay sa digmaan dahil bibili pa ako ng barko katulad nito pagkatapos.

•••

"Broooooooo" tinawag ko si Dio na nakaupo at abala sa mapa na ibinigay sa kanya ni Krisna.

Inabot ko sa kanya ang clubhouse sandwich na nakuha ko sa ref.

Hindi naman uso ang expiration date ngayon kaya kinuha ko nalang ang unang pagkain na nakita ko at pinainit ito.

Tinanggap niya naman ito.

Bumaba na ako kasi alam kong wala akong makukuhang salita mula kay Dio. Kill joy kasi. Dati pa talaga yan nireregla.

"Okay lang yan bro... alam ni Kara na namimiss mo-" tinapon niya sa'kin ang styrofoam kaya natawa ako.

Guilty yung gago. Huli ka na talaga 'tol.

Pumasok ako at hinalungkat ang knapsack ko dahil nagugutom na rin ako.

"Puta." bulong ko.

"Bakit?" usisa ni Seht na katabi ko.

"Kinuha ni Ria yung pinabili kong cake." binaba ko ang bag ko at napailing.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Seht at kinuha ang bag niya.

"You can have mine-" napatigil siya nang makita na wala ring pagkain sa bag niya.

"na... kinuha rin ni Thea." dugtong niya.

Mga babae talaga. Kami na nga lang yung nag grocery para may madala kami kahit kaunti tapos kukunin lang pala nila.

Yung cake ko pa.

Yung cake ko na pinaorder ko at sinikreto mula sa kanya kasi alam kong mag-aagawan na naman kami.

"Don't you think he's too silent?" nabaling ang atensyon ko kay Hans na gumagawa pa ng sandwich nang tinuro siya ni Seht.

Pansin ko rin. Hindi naman niya ka vibes si Cal ah.

"We're indirect descendants of the Litae, the spirit of prayers." binigyan kami ni Evette ng dalawang juice na agad naming tinanggap. Umupo siya sa tapat namin at nilapag ang plato ng sandwiches sa gitna.

"He is actually mute... Krisna is deaf and I... am blind." nginitian niya kami.

Muntik ko nang mabitawan ang baso ko nang marinig ang sinabi niya.

"Ba't parang hindi?" tanong ko.

Tumawa siya ng mahina. "Because of our disabilities, nagkaroon kami ng panibagong kakayahan... For instance, marunong akong gumamit ng echolocation. Si Krisna naman, Sonic explosions, marunong din siyang bumasa just by observing the lips." sagot niya.

Napawoah ako. Ang alam ko kasi, ang mga litae, ay mga babaeng anak ni Zeus na may mga kapansanan. Nagdadala sila ng matinding graces kapag may nagugustuhan sila. Pero kung gaano katindi ang graces nila, gayundin ang galit nila.

"Eh yung isa?" sabay kaming napalingon kay Hans na nakaupo sa deck at umiinom ng kape ata. 

"Sound Thievery... alam nyo yun? kaya niyang kunin ang boses ng isang nilalang at gamitin ito." Uminom muna siya bago nagsalita ulit. "It's dangerous actually.. lalo na kung boses ito ng mga sirens, spellcasters..." 

Tumango-tango kami. Iba-iba pala ang abilities nila depende sa disabilities nila.

Masasabi kong makapangyarihan kahit ang mga indirect descendants ng mga minor gods.

Teka... paano nalang kaming mga direct descendants ng major gods?

Kaya pala problemado ako sa kagwapuhan ko.

MAJOR GODS kasi. Naks naman. Tinadhana talaga ako para maging anak ni Hermes. Wew.

"Ngapala, pwede ko bang matanong kung ano ang pakay ninyo?" kumuha siya ng isang sandwich at nagsimulang kumain. Nakatitig siya sa'min. 

Kinikilabutan nga ako kasi ngayon, alam na naming bulag siya pero... para talagang hindi. Iniisip ko tuloy na may third eye siya. Yung third eye na pang multo.

"Babalik kayo sa Academy. Pati ang Beta. Nangangailangan kasi ng tulong si Sir Rio. Nagkaproblema siguro sa mortal realm." habang nagsasalita, nakatitig ako sa noo ni Evette. May kutob talaga akong lalabas ang third eye niya.

Eh kasi spirit of prayers din eh diba may koneksyon rin yan sa mga multo?

"ipapatigil muna ang mga misyon." dagdag ko.

Kumunot ang noo niya. "hindi niyo ba alam?"

Mukhang may alam na sila kay sir Rio ah. "ang alin?"

"na hinostage ng Beta si Sir Rio." nabulunan ako sa sinabi niya. Hostage? Sir Rio? ng Beta? Umubo ako saglit saka nilagay ang baso sa mesa. 

"Paano nangyari yon?!" nagtataka kong tanong nang napatingin ako kay Trev na nakasandal sa bintana at nakapikit. Nakakunot ang noo niya kaya alam kong nakikinig siya sa usapan namin.

"May ibang beta kasi na tinawag ng mga deities nila. Lalo na yung mga anak ng mga deities na kasali sa rebellion. They chose to side with their deities." nagkibit-balikat siya.

Alam kong apektado ang buong mundo sa rebellion.

Pero eto.

Hindi namin inaasahan na may mangyayaring pagitan mula sa dalawang side. Dapat malaman kaagad ng Academy 'to.

"We need to get back." bulong ni Seht. "WE NEED TO GET BACK." agad siyang tumayo.

Napatingin kaming lahat kay Seht dahil sa reaksyon niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kung sino ang nasa mortal realm para kunin si Sir Rio at ang mga Beta...

Wala silang alam tungkol sa pangyayari.

Agad akong tumayo para puntahan sana si Dio nang natumba ako sa biglaang paggalaw ng yate. Nakita kong lumabas si Krisna na may problemadong mukha.

Lumabas kaming lahat sa deck at nakita ang malaking whirlpool sa harap namin. Para itong portal ng kamatayan.

Isang nilalang lang ang pwedeng gumawa ng ganito.

At bakit nasa Pilipinas yan?!

Teka. Libre na nga palang maglibot kung saan-saan ang mga mythological monsters kaya andito yan.

Tsk. Dapat nasa Greece ang literal na hayop na'to!

Kung kailan pa kami dapat babalik. Bigla nalang papasok ang Charybdis.

Napamura ako.

Hintayin niyo muna kami girls. May sagabal lang. Tsk.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top