Through It All
(A/N: Watch out for the Media!!! Medyo mahaba rin ang chap na'to kasi nadala ako sa scenes. Hehe.)
Cesia's POV
Sinamaan ko ng tingin ang gigantes na sinubukan akong apakan.
"Ah- sino bang mag-aakala na makakaharap ko ang isang anak ni Aph-"
"Tumahimik ka." hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.
Tinignan ko ang gigantes. "Pwede mo naman siguro akong tulungan ano?" nginitian ko siya.
"Ha- akala mo mahuhulog ako sa mga patibong mo? Alam namin ang kapangyarihan na tinataglay niyo." humalakhak siya.
Lumapad ang ngiti ko. "mabuti naman."
"Cesia! Watch out!" narinig kong sigaw ni Ria. Tinaas ko ang aking kamay sa direksyon ng dalawang palaso na patungo sana sa'kin.
Nasa ere ito nang makita ko ang isa pang gigantes na akmang aatakihin ako. Pinadiretso ko ito sa mga mata niya dahilan na matumba siya.
Narinig ko ang sigaw ng gigantes pagkatapos makita ang ginawa ko sa kapatid niya. Itinaas niya ang kanyang kamay. Pero bago pa tumama ang palad niya sa katawan ko, halata ang pagkagulat niya.
"Makinig ka." alam ko namang bulag lang sila at hindi bingi kaya sigurado akong makikinig siya.
"Tutulungan mo ako dito. Papatayin mo lahat ng magtatangka sa buhay ng Alphas." diniinan ko ang bawat salita para tumatak sa isipan niya.. kung meron man silang utak.
"Sinabi ko sa'yo, pinaghandaan namin ito." natatawa niyang sabi.
Sabihin nalang natin na nagulat nga ako... ng kaunti.
"Talaga?" tinaasan ko siya ng kilay. "ba't di mo subukang saktan ako?"
Napasinghap ako nang maramdaman ang pagpupumiglas niya mula sa inveiglement ko.
Natawa ako nang masindak siya sa pangyayari.
"Hindi mo ako makakaya. Mapapagod ka rin. Babalik sa dating kulay ang mga mata mo at papatayin kita." tumawa na naman siya.
"Yun na nga eh.." binigyan ko siya ng naaawang tingin. "Hindi na babalik sa dating kulay ang mga mata ko."
Natawa siya sa sinabi ko. Mayamaya, napagtanto niyang seryoso ako.
"Imposible." puna niya.
"Ipapakita ko sa'yo kung ano ang imposible."
Long story short at may limang giants na akong nautusan na kumampi sa'min. Sa totoo lang, nakakapagod pero di gaya ng dati, alam ko na kung paano i-restrict ang abilities ko.
"Di sila nauubos!" nilingon ko si Dio na nasa gitna ng anim na giants.
"Gods. This was such a terrible idea." ani Ria pagkatapos bumagsak mula sa himpapawid.
Ang dami nga nila.
Kailangan namin ng tulong.
As if on cue, nagsilabasan ang mga huntres at amazons bitbit ang kani-kanilang weapons.
"Eris... she visited the Academy." pagbibigay-alam ni Heather katabi si Kia.
"A-ano?" kusa akong nanghina pagkatapos marinig iyon.
"Don't worry Cesia." pinatong ni Kia ang kamay niya sa balikat ko. "She couldn't deceive us. It was your voice that was louder in our minds."
Agad akong nakahinga ng maluwag. Pag nalaman kong may nangyari sa Academy, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Ibig sabihin papunta na siya dito?" tanong ni Thea.
'I am already here.'
Napaatras ako dahil sa boses niya.
Narinig ko na 'yan dati...
'You're too late demigods.'
Aish. Saan ko ba narinig ang boses na iyan...
'Oh you will... when you witness the destruction of the world the Titans have created. The collapse of the walls the Gods have built. Under my hand is the most powerful. A revolution against the good. It's our turn to rule everything now.'
Naalala ko na.
Siya nga yung narinig ko nang hinahanap namin si Mayethrusa.
Pero.... dalawa yun.. dalawang boses ng babae ang narinig ko.
So kaninong boses yung pangalawa?
"Enough!" lumitaw sa gitna ang deity na hinihintay namin.
Eris. Ang goddess of strife, chaos and discord. Nakasuot siya ng maitim na chiton. May maitim rin siyang pakpak at lumulutang sa hangin ang buhok niya.
"Tangina. Para siya yung nasa exorcism." tumabi si Thea sa'kin.
Kung gaano kaitim ang pakpak niya, ganundin kaputi ang balat niya.. pati na ang labi at mga mata niya.
Para nga siya yung nasa exorcism...
"This is your last chance demigods. You can die... or join us, the new deities of the realms. Together, we will rule everything and everyone." nakakakilabot ang boses niya.
Tahimik lang kami habang minamasdan ang bawat galaw niya.
"Hmm. Andito na nga siya." katatapos lang rin ni Chase sa trabaho niya kaya kasama namin siya ngayon.
"We are the strongest of the strongest. We are undefeatable." dagdag niya.
"Hiyang-hiya naman yung Olympians sa'yo." singit ni Thea.
Mukhang narinig ng goddess ang sinabi niya dahil naging matalim ang titig niya sa gawi namin.
Siniko ko si Thea bago pa siya magsalita ulit.
"You think this is funny, child?" kinuha ni Eris ang spear ng giant na nakalatay sa paanan niya at hinagis ito sa'min.
Gamit ang weapon ko, iniba ko ang direksyon nito.
"I will make sure you will witness the fall of the Olympians."
Labindalawang deities ang nakayuko sa harap ni Eris. Lahat sila ay nakasuot ng gintong robes.
Nakita ko na 'to dati.
"You see this? This is what will happen. This is the future and there is no stopping us." nakangiting sambit ni Eris.
Tumigil ang mga mata ko sa babaeng umiiyak. Nawala na ang aura na parating umaaligid sa kanya. Nawala na ang kagandahan niya.
Aphrodite.
Agad kong sinira ang trance ni Eris. Tinutukso niya kami. Gusto niya kaming mawalan ng pag-asa.
Kaya siguro binalaan kami ni Harmonia...
"Bring me that child." tinuro ni Eris ang isa sa mga huntres na sa pagkakatanda ko'y kapatid ni Thea.
Si Arah.
"A-anong balak mo?" nauutal na tanong ni Thea.
Biglang nawala si Chase sa kunatatayuan niya. Kukunin niya sana si Arah mula sa giant pero natapon lang siya ni Eris. Kasunod na umatake si Seht at Dio ngunit wala pa ring nangyari.
"Ria. Distract her." tumakbo si Kara.
Tumango si Ria at nagsummon ng maliliit na daggers. Occupied si Eris kay Ria kaya madaling natalo ni Kara ang giant. Hinatak niya si Arah at tumakbo ng mabilis.
Napasinghap ako nang ibinuka ni Eris ang pakpak niya.
Saka ko niyakap si Thea ng mahigpit para hindi niya makita ang susunod na pangyayari.
Sinaksak ni Eris ang likuran ni Arah gamit ang dulo ng pakpak niya.
"T-thea..." nanlambot ang tuhod ko. "pagod ka na."
Sabay kaming bumagsak sa lupa.
Nakayakap pa rin si Thea sa'kin kahit wala na siyang malay.
Naging mas maingay ang kapaligiran dahil sa mga sigaw ng amazons na galit na galit sa pagkawala ng isa sa kanila.
'Stop breathing.' narinig ko ang boses ni Eris.
Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib kaya nahirapan akong huminga.
Napaluhod si Trev sa tabi ko na humihingal. Nakita ko ang iba na ganundin ang nangyayari.
Inveiglements.
Hindi ko aakalaing may kapangyarihan din pala siya na katulad sa'kin.
"Now.. where were we?" nakangiting tugon ni Eris.
"Right..." tumigil siya sa harap ni Kara. "I'll eliminate you one by one."
Tinignan niya si Dio at sinenyasan na lumapit. Pinagpapawisan si Dio habang nakatayo. May ibinulong si Eris sa kanya dahilan na mamula ang mukha niya dahil sa galit.
"I know what you have been through. Each and every one of you."
Tinapik ni Eris ang balikat ni Kara. Agad tumayo si Kara pagkatapos.
"Now sweetie. Will you do me the honor?" may inabot na kutsilyo si Eris kay Dio.
Gusto kong sigawan siya pero walang lumalabas na boses.
'Dio... wag kang makinig sa kanya...'
Sinubukan kong maghanap ng koneksyon para mapatigil siya...
Hindi na kaya ng katawan ko.
Hindi niya ako maririnig...
Unti-unti na nga akong nawalan ng hangin.
Nakita ko nalang kung paano tumulo ang dugo mula sa leeg ni Kara bago tuluyang ipikit ang mga mata ko.
Akala ko... tapos na ako.
Pero naramdaman ko ang kamay niya.
Napasinghap ako. Kasunod na bumalik ang hangin sa sistema ko kaya umupo ako.
Natagpuan ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Gumagapang ang kuryente sa balat namin.
Spectra. Spectra ang tawag ni Kara sa ganitong uri ng electricity.
"Trev..." tinignan ko siya na nakapikit at nakahiga sa tabi ko.
Dumako ang tingin ko kay Kara na may nakabaon na kutsilyo sa leeg niya.
Sigurado akong buhay pa siya dahil naririnig ko ang heartbeats niya. Stable naman kahit fatal ang sugat niya.
Inutusan ko ang lahat na gumising at makinig lamang sa boses ko.
It was overwhelming pero narinig nila at sinunod ito.
"Ahh... the daughter of Aphrodite. I like your eyes." humarap si Eris sa'kin.
Napaatras ako dahil kay Trev na humarang sa harapan ko.
"and of course, the infamous son of Zeus." natatawa niyang sabi.
Kumunot ang aking noo. Trev? Infamous?
Napahinto ako sa pag-iisip nang dahan-dahang lumabas ang buwan kasama ang mga bituin. Napalitan na rin ng puti ang noo'y mga ulap na kasingkulay ng dugo.
Saka ko nakita ang malaking ibon na patungo sa'min.
Hindi ibon...
Kusa akong napangiti.
"Bumalik ka nga..."
(A/N: TLEO, Chap: The Voices. Yan yung narinig ni Cesia ang boses ni Eris at... secret hehe. Anyways malapit na talaga tayo guys! xx.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top