The Third Prophecy
Thea's POV
Papunta ako sa mechanical room nang makasalubong ko si Trev na galing sa clinic.
"Kumusta na siya?" nag-aalala kong tanong.
Isang araw na ang nakalipas simula nung marinig ko ang nangyari kay Cesia. Natagpuan daw siya ni Doc na walang malay sa labas ng clinic.
"No progress." maikli niyang sagot.
Binigyan ko siya ng malungkot na ngiti. "Bibisitahin namin siya mamaya."
Tumango siya bago magpaalam since may pupuntahan pa daw siya. Eh ako naman dumiretso lang sa paglalakad papunta sa destinasyon ko. Pagpasok ko, nakita ko si Seht na tinutulungan si Bo sa paglilinis ng iilang machineries.
"Hindi pa ba kayo tapos?" sabay silang napalingon sa'kin pagkatapos marinig ang boses ko.
"Actually, I will have to leave. Pinapatawag kami ng principal. Something about the barriers I think." tumayo si Bo. Narinig namin ang tunog ng hooves niya hanggang tuluyan na nga siyang makalabas.
Tumayo na rin si Seht saka pinagpag ang jeans niya. Nagtinginan kami bago pumunta sa malaking painting. Binuksan namin ito at pumasok sa hidden office.
"Nakita ko nga pala si Trev galing sa clinic." pagbibigay-alam ko sa kanya habang pinapaliwanag ang torches na nasa nakatagong silid.
"Did he say anything?" dumiretso si Seht sa mesa.
Nagbuntong-hininga ako. "Walang pagbabago..."
Inangat niya ang ulo niya para tignan ako. Lumapit siya sa'kin. Nakayuko ako pero naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.
"It's okay... I'm sure gigising rin siya... just like the old times..." bakas sa boses niya ang pag-asa.
Sinubukan niyang pagaanin ang loob ko kaya kusa akong napangiti. Mayamaya, nakasimangot ulit ako.
"Bukas aalis na naman tayo... sana nga magising na siya..." malumbay kong sabi.
Kararating lang namin tas papaalisin na naman kami. Wow naman. Parang pakiramdaman ko na ata wala kaming panahon para magpahinga.
Kung saan-saan lang kasi kami pinapadala. May malaking octopus pa kaming nakilala papunta dito. Eh ano kasunod? Magkikita ba kami ni Dora at Boots?
Binaling ko ang atensyon ko at napatingin kay Seht na seryosong nagbabasa ng mga libro.
Napagdesisyunan niyang basahin lahat ng mga libro na andito. Yung iba di naman ganoon ka useful pero may iba rin na mahalaga para sa kanya. Katulad nalang ng lumang medicine book na nahanap namin.
"You know.. I was really wondering how Theosese knew all of these..." lumipat siya sa susunod na pahina.
Tumulong si Theosese sa paggawa ng Academy. Siya rin ang lumikha ng logo. Siya ang may kapakana ng mga pakpak at siya rin ang nagdisenyo ng buong school. Nagtataka nga ako kung paano 'yun nagawa ng isang demigod.
Ang laki ata ng tiwala ng mga gods sa kanya...
Kinuha ko ang litrato namin ni mama na nakapatong sa mesa. Napangiti ako saglit. Napapangiti nalang talaga ako sa tuwing naaalala ko ang ngiti ni mama.
Binaba ko ang frame bago kinuha ang larawan ng lola ko.
Sa ngayon, ang alam ko'y kilala ni Theosese ang buong pamilya ko.
Naabutan niya kaya si Arah?
Isang kamay ang kumuha ng picture at ibinalik ito sa mesa.
"How about we visit Cesia? May meeting tayo mamaya. We might not have the time to visit her later on." alok niya.
Hmm. Mas mabuti pa nga...
Dumiretso kami sa clinic pagkatapos. Pagpasok namin, tumakbo kaagad ako sa babaeng nakaupo sa higaan para yakapin siya ng mahigpit.
"Kayong dalawa talaga ang palaging bumibisita sa'kin ah?" binigyan niya kami ng matamis na ngiti.
"Actually... si Trev rin pero may lakad siya ngayon..." sambit ko. Nakita ko kung paano namula ang pisngi niya nang marinig ang sinabi ko.
Napansin ko rin ang pagod sa mga mata niya. Ang tagal niyang natulog pero kulang ata 'yun para sa kanya.
"Thea, sasama nga pala ako bukas. Wag kayong mag-aalala, may permission ako mula kay Doc." lumapad ang ngiti niya.
May nakapagsabi sa'min na sinusundan ng giants ang mga refugees. Marami kasi sila kaya't madali silang naaamoy ng mga anak ni Gaia. At alam namin kung gaano nag improve yung bagong senses nila.
Kaya ayun na nga. Tutulungan naming ideliver ang mga refugees mula sa huntres camp patungo dito sa Academy.
Pumasok si Doc na nakabulsa ang mga kamay sa robe niya. Binati niya kami at gayundin ang ginawa namin.
"You're good to go now Cesia. The pills you have taken will take effect in an hour kaya dapat nakahiga ka na by then." tugon niya.
Hindi ko na kailangang magtanong kung anong klaseng pills ang ibinigay ni Doc sa kanya.
Sleeping Pills.. ibig sabihin kailangan pa niyang magpahinga.
Mayamaya, sinabayan namin si Cesia pabalik ng dorm.
"Nakakapagod rin maging Alpha ano?" nakangiti siya habang nakatingin sa harap. Naglalakad kami sa corridors at pinag-uusapan namin ang bagong task na ibinigay nila para sa'min.
"I didn't sign up for this..." reklamo ni Seht.
"ako rin." sumang-ayon ako.
Narinig namin ang mahina niyang tawa. Nagtaka ako kung bakit bigla siyang napatigil kaya napatingin rin ako sa harap namin.
Nakita ko si Trev kasama si Dio na nasa labas ng dorm. May kausap siyang lalaki na kalbo at nakapormal na suot. Sa tingin ko isa siya sa mentors ng Gamma.
Pumunta kami sa kinaroroonan nila.
"I will see to it that your request will be accommodated." narinig kong sabi ng guro. Nagpaalam na siya sa'min. Tinignan niya kami bago tumungo.
"Cesia!" masayang bati ni Dio sa kanya. Niyakap niya si Cesia at nakita ko kung paano sumingkit ang mga mata ni Trev nang makita niya 'yun
Nakahalukipkip ang mga braso ni Trev sa dibdib niya habang nakikinig sa pagpapalitan ng pangungumusta ng dalawa.
Inakbayan ako ni Seht kaya napatingin ako sa kanya.
"How about we go inside?" aya niya na tinanguan ko.
Pumasok na kami sa dorm. Nasa sala si Ria kumakain ng ice cream habang si Kara naman, nasa kusina nagtitimpla ng kape.
Biglang lumitaw si Chase na siyang ikinagulat namin.
"Nasa'n yung iba?" tumingin siya sa likod namin na tila may hinahanap.
"Nasa labas ng dorm. Papasok na rin sila."
Saktong pumasok na yung tatlo pagkasabi ko nun. Sinundan ko ng tingin si Cesia na sinalubong ng mga bati mula kina Ria at Kara.
Napangiti ako.
"It's rare to see us like this..." bulong sa'kin ni Seht.
Mabibilang lang ang mga ganitong pangyayari. Nasa dorm kaming lahat... na para bang walang nangyayaring mali sa mundo.
Na walang mga anak ni Gaia na nakakalat sa mortal realms...
"Any news about the third prophecy?" kinuha ni Dio ang baso na nasa kamay ni Kara.
Napabuntong-hininga nalang si Kara bago siya sumagot. "Actually... yes."
Nakatuon lahat ng atensyon namin sa kanya nang marinig 'yun. Naghintay kami sa susunod na sasabihin niya.
"The first prophecy talked about the portal, the womb of Gaia. The second pointed out what will happen to the deities, the rebellion. The third...."
"is about the demigods destined to choose which side of the war will win." dugtong ni Galatea na nakatayo pala sa mesa sa gitna.
"and we all know who are the demigods we are talking about." isa-isa niya kaming tinignan.
"From the ends of the world, the war will cease. Each of the twelve will hold a piece. Together they will look for the key that is buried deep within time."
Ang third prophecy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top