The Sorceress

Thea's POV

Nakatitig lang ako ngayon kay Cesia na nakapikit habang ginagamit yung abilities niya para hanapin ang mga kasama namin.

Nakakamangha talaga ang babaeng 'to. Pakiramdam ko nga na u-underestimate ang pagiging daughter of Aphrodite niya. Nakita ko na ang totoong kapangyarihan ng deity niya.

Napatulala lang talaga ako nang kausapin niya kami tungkol sa bagong misyon namin. Pagkatapos niyang mapaluhod ang lahat ng mga nilalang sa isla. Tangina. Pati nga yung buong isla lumindol dahil sa kanya.

Saka yung sinabi ni Kara tungkol sa mga mata niya...

Hay ewan...

Di naman niya kasalanan na ipanganak na ganyan. Saka.. full package na ata 'tong si Cesia eh.

Sa wakas, binuksan na rin niya ang mga mata niya. 

Dito kami dinala ng paru-paro sa likuran na bahagi ng bahay. Wala naman akong nakikitang mga tao o kahina-hinala kaya nag suggest ako na subukan niyang hanapin ang heartbeats mula dito sa kinatatayuan namin.

"ano na?" lumapit ako kay Cesia na nakakunot ang noo.

Umiling siya na ipinagtataka ko. "wala... wala pa rin akong naririnig.."

"huh? paano nangyari 'yon?" umikot ako para makita ang kabuuan ng lugar.

Yung bahay lang talaga ang nakikita kong pwede naming mapasukan.

Lumapit ako sa pinto pero agad akong napaatras nang mag-iba ang buong kapaligiran. Sa unang pagkakataon, nakikita ko ang mga bituin.

Napalitan kasi ng gabi ang kalangitan. Nasanay na ata ako na hindi ito dumidilim.

Lumingon ako kay Cesia na seryosong nakatingin sa bahay saka nagsimulang humakbang papasok.

Halatang galit siya.

"patay talaga ang gurang na'to." bulong ko sa sarili ko saka sinundan siya sa loob ng bahay.

Inaasahan kong puno ng alikabok ang mga furnitures kaso kabaligtaran ang nakikita ko. Ang linis linis ng mga silid.

Para ngang katatapos lang ng general cleaning.

"Thea?" narinig ko ang pagtawag niya sa'kin kaya napatingin ako sa kanya. "dun ka sa upper floor... dito lang ako maghahanap." 

Tumango ako at umakyat patungo sa ikawalang papag ng bahay. Malaki rin ang tahanan ng gurang. Yun nga lang.... ba't ang tahimik ata?

Dahan-dahan akong naglalakad habang nakikiramdam. Mahirap na kung may surprise party pala na mangyayari dito.

Jusko.  Wag naman.

Naswertehan nga lang at di kami napasama sa nakidnap nila.

"Sabi ko nga sa'yo pre. Maganda yung anak ni Aphrodite."

Tumigil ako at agad nagtago sa likod ng isa sa mga antiques na cabinet nang marinig ang mga boses.

"Nasa basement lang ba siya?" tanong nung isa.

Basement pala ah...

"Nakuha daw nila lahat ng demigods kaya sigurado akong isa sa kanila ang demigod na 'yon." sagot ng kausap niya.

"Sige bibisitahin natin siya mamaya habang wala pa si madam." narinig ko ang mga halakhak nila. Madam? So hidi nga nandito yung matandang witch na yun?

"Share share lang pre ah?" 

"sureee"

Mga lasing siguro 'to. Bukod sa boses nila, naririnig ko rin kasi ang maingay na paglapag ng bote sa mesa.

Pinigilan ko ang sarili ko na sugurin ang dalawa at sunugin sila. Dahil yun lang naman talaga ang bagay para sa kanila.

Si Cesia na ang pinag-uusapan nila eh. Ang fragile at sensitive naming prinsesa...

Pero isa sa pinakamalakas na demigods.

Tsk.

Wala silang alam sa mangyayari sa kanila kapag itutupad nila ang plano nila. Bago pa nila malapitan si Cesia, kailangan muna nilang harapin ang anak ni Zeus.

R.I.P. mga kuya.

Napailing ako.

Wala na akong naririnig na ingay maliban nalang ng tunog ng mga paa kaya sumilip ako.

Nag antay muna ako na tuluyan na silang bumaba bago tumayo mula sa kinatataguan at isa-isang pinasok ang tatlong kwarto.

Nang makaapak na ako sa loob ng pangatlong kwarto, naramdaman ko ang pag gaan ng katawan ko.

Kulang nalang lilipad ako... katulad ng mga astronauts sa outer space.

Pero may gravity pa rin na humihila sa'kin pababa.

Yun nga... dahil sa biglaang pag gaan ng atmosphere, nahilo ako saglit.

"Tangina." napamura ako nang magpakita ang isang lalaki sa harap ko.

"Ang lakas mong magmura, kababaeng tao." reklamo niya.

"Ay shet sorry ha? Puta. Di ko kasi alam di pala pwede eh." tinaasan ko siya ng kilay.

Marami nang nakapagsabi sa'kin niyan. Hello kuya? nasa 21st century na po tayo ngayon. Hindi na'to panahon ni Rizal.

MAY INTERNET NA KUYA.

MAY MEMES NA.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Nagto-tour lang bakit?" sarkastiko kong sagot.

"Tinatanong kita ng maayos." seryoso niyang sabi.

Nagbuntong-hininga ako saka sinabi sa kanya ang pakay namin sa pagpunta dito. Nagtaka ako kung bakit bigla nalang siyang natawa.

"Hindi na kayo makakabalik pa." inayos niya ang puting tunic na suot niya. Sumingkit ang mga mata ko nang makita ang mga tahi sa balat niya.

Ngayon ko nga lang napagtantong para siyang si Frankenstein na nakatahi ang iba't-ibang piraso ng katawan para mabuo siya.

Hindi ko tuloy maiwasang magtanong kung sino siya.

"Absyrtus, prince of Colchis." nag bow siya.

Tahimik lang ako at napailing. Ngayon ko lang narinig ang pangalan na 'yan.

"so...aling parte ka ba ng greek mythology?" EH SYEMPRE YAN TANONG KO.

Halata naman sigurong galing sa greek myth ang pangalan na yan. Di nga lang ako pamilyar.

"Aling parte?" nagtataka siya.

Tumango ako. "ano pong story niyo sa greek myth?"

Binigyan niya ako ng 'seryoso-ka-ba-hija' na tingin kaya tumango ulit ako. Wala talagang ideya eh.

Narinig ko ang pagbungtong-hininga niya. "Ang kapatid kong si Medea, tinadtad ang katawan ko para mabaling ang atensyon ng hari, ama namin. Wag mong sabihin di mo rin kilala ang kapatid ko?"

Medea...

Medea...

narinig ko ang tunog ng bell sa utak ko.

"Yung... asawa ni Jason the Argonaut tas iniwan niya? Yung sorcere-" nanlaki ang mga mata ko. "YUNG SORCERESS?!"

YUNG WITCH? SI MEDEA YUN?!

Tumango siya kaya't kung-anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Kinakabahan ako.

"Kailan siya babalik?" napadako ang mga mata ko sa bintana. May kulay na ang kalangitan.. hindi na gabi.

"Sa pagbangon ng araw mamaya... darating siya sakay sa paboritong chariot niya." kinamumuhian niya talaga ang kapatid niya. Sino ba namang hindi? Ikaw kaya chop-choppin ng kapatid mo?

Tinignan ko ang hindi pantay-pantay na mga tahi sa balat niya at napalunok.

Wag naman sanang ganyan ang hitsura namin pag nakalabas na kami dito...

kung makakalabas pa nga kami.

"Nasa basement ang hinahanap mo. Binigyan sila ng narcotic herbs ni Medea na ginamit niya rin noon sa dragon na nagbabantay ng-"

"golden fleece para matulungan si Jason. Salamat!" sigaw ko saka humarurot palabas at tumalon pababa. Tumalon talaga mula sa second floor. Malapit na kasing lumitaw ang araw!

"Cesia!" sigaw ko habang hinahanap siya.

"Hoy sino yang-" lumabas ang dalawang lasinggero mula sa kusina.

Hinarangan pa nila ako kaya wala na akong nagawa kundi bigyan sila ng tig-iisang nag-aapoy na bola.

Tumakbo ako at unang napansin ang nakabukas na cupboard. Yumuko ako saka gumapang para makapasok. Hindi ko pa naman bet ang masisikip na mga lugar.

Tumayo ako nang nahagip ng mga mata ko ang kaunting liwanag mula sa isang kandila na nakalagay sa gitna ng basement.

Ginawa kong sariling torch ang kamay ko at nakita si Cesia na nakatayo.

"Hindi pa sila nagigising.." nag-aalala niyang sabi.


"I am so sorry for leaving the two of you." narinig namin ang boses ng babae. "Akala ko ba naman kompleto kayo.. yun pala.. may natira. Pasensya na talaga kung muntik ko na kayong makalimutan." nag echo ang tawa niya.

"si Medea.." lumapit ako kay Cesia saka hinawakan ang kamay niya.

"narinig ko nga..." bulong niya. "kaya pala siya lang ang nag-iisang witch na nahanap naming may sun stones..." dagdag niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top