Still Changing

Cesia's POV

Nasilawan ako ng kaunti pagbukas ko ng mga mata ko.

Nakita ko si Doc na may binabasa na papers habang nakatayo sa tabi ko. Panay rin ang pagchecheck niya sa monitor.

"Good. You're awake." narinig kong sabi niya saka binaba ang mga papeles.

Tinignan niya ako na may concerned look sa mukha na siyang ipinagtataka ko. Ayokong bigyan ako ng mga ganyang tingin eh kasi natatakot ako.

Sunod-sunod na ang problema at ayokong malaman na may mapupuno na naman.

"do you have any idea what happened to you?" tanong niya.

"Power Limit?" sinubukan kong manghula.

Umiling siya.

Ano nga ba?

Naalala ko ang sinabi sa'kin ni Thea na magkapareho daw ang karanasan naming dalawa kaya sinabi ko ito kay Doc bilang sagot.

"Tama ka nga Cesia. The sudden change of temperature indicates that your body is changing. It's a natural process of a demigod for people like Thea since bago pa sila sa mundong 'to." pagbibigay-alam niya.

Tumango ako.

"but not for you." aniya at kinuha ang pulso ko.

Hindi ito natural para sa'kin? Anong ibig niyang sabihin?

"You have been using your abilities for months now. For a demigod, that means stable na ang kakayahan mo. But you... your body is still changing." tinignan niya ako. At alam kong base sa tingin niya, wala rin siyang alam kung bakit ganito ang katawan ko. Alam kong wala pa siyang maibibigay na dahilan kung bakit nangyari ito sa'kin.

"Hindi po ba pwedeng slow lang talaga yung process para sa'kin?" tanong ko.

Tumango siya. "maybe... Cesia. We don't know." sagot niya.

Napatingin ako sa kamay ko. Sa sarili ko.

May mali ba sa'kin? May mali ba sa pagiging demigod ko? Maraming tanong ang pumasok sa isipan ko.

Pero isa lang ang lumabas sa bibig ko.

"Nasa'n siya?" napansin kong si Doc lang ang kasama ko ngayon.

Inaasahan ko kasing siya ang unang makikita ko pag gising ko.

"He went to change. He says he'll be back for a few hours." sagot ni Doc.

Humakbang siya papalabas ng cubicle. "Rest for a while okay? You can sleep again." huli niyang sambit bago nawala sa harap ko.

Huminga ako ng malalim.

Naalala ko si Art at ang panahong nakaconfine siya palagi sa clinic. Di kaya siya nabobored sa cubicle kapag wala si Cal?

Nakatitig lang rin ba siya sa kisame katulad ng ginagawa ko ngayon?

Nakaramdam ako ng lungkot sa panahong nag-iisa siya dito. Kung alam ko lang.. edi sana araw-araw ko siyang dadalawin dito sa clinic. Sasamahan ko siya sa pagbili ng stickers niya...

"Hi Cesia!" biglang pumasok si Thea kasama si Seht na may dalang grocery bags.

Nakita ko ang hitsura ni Thea na punong-puno ng mantsa ang shirt at may maiitim na patches sa balat niya.

Hula ko galing siya sa mechanical room. Tas may inaayos silang transformer or... may umusok na battery.

Yan kasi ang palaging niyang sinasabi sa tuwing ganito ang ayos niya.

"Should I put it here.. or"

"Tanga ka ba? Gusto mong ipatong yan sa kanya?" sarkastikong tanong ni Thea.

"Tsk. I'm leaving." inis na sambit ni Seht at nag aksyong lalabas ng cubicle na kaagad namang pinigilan ni Thea.

"Joke lang po. Ayun po oh. May table no?" tinuro niya ang mesa sa tabi ko.

Natawa ako sa dalawa. Nakakainggit silang tignan paminsan-minsan. Alam kong magkasabay ang heartbeats nilang dalawa.

Buti naman at pinagtagpo sila ng tadhana.

"May dala kaming pagkain." nawala ang mga mata ni Thea nang nginitian niya ako.

Well I know for sure na isa sa dahilan ng pagiging masayahin niya ngayon ay ang muling pagbabalik ng 'bebe Seht' niya.

"Salamat..." tinignan ko ang bags at nakitang marami nga ang binili nila sa'kin na pagkain. May yogurt, bacon bread, may mga prutas rin.

"May sinabi na ba si Doc?" umupo si Thea sa tabi ko.

Tumango ako. "Actually... pareho lang tayo... pero... mas complicated yung sa'kin." sagot ko.

Binigyan niya ako ng confusing look.

"Umm.. nevermind. Sabi niya okay lang ako. Kinailangan ko lang daw magpahinga." pagbibigay-alam ko.

Tumango-tango naman sila saka tumayo si Thea at nagpaalam na. May itetest pa daw sila ni Bo na mga hardwares. Something na hindi ako makakarelate dahil hindi naman ako mahilig diyan.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakita ko na naman ang sarili ko na nag-iisa sa cubicle.

Nang naramdaman ko ang pamilyar na presensya.

Tinignan ko ang violet light waves at sparks na lumalabas mula sa balat ko.

"Son of Zeus." bulong ko habang tinitignan ang mga braso ko.

Namamangha kahit pang ilang beses ko nang nakita ang sarili ko na nagkakaganito.

"Daughter of Aphrodite." inangat ko ang ulo ko at nakita siyang naka polo at jeans habang nakatayo sa paanan ng higaan.

Matagal-tagal na rin since may tumawag sa'kin nyan.

Hindi ko alam kung bakit pero nagustuhan ko na ang label na yan. It makes me special... kahit papano na anak ako ng goddess of love.

Napadako ang mga mata niya sa katabi kong table kaya sinabihan ko siya sa pagbisita nila Thea at Seht.

"May nakuha na ba kayo tungkol sa ikatlong propesiya?"

Isa kasi sa misyon nila ang maghanap ng ibang sources maliban kay Rhea na maaaring makatulong sa'min.

I'm sure bumalik sila sa tahanan ng mga Moirai. Pero sa tingin ko, wala na ang mga Moirai sa village na natagpuan nila noon. Nagtatago para makaiwas sa gulo.

He nodded. "We will talk about it tonight." Andyan pa rin talaga ang pagiging emotionless niya.

Which makes me wonder kung ano ang buhay niya bago siya napasok sa mundong ito...

Kung may pamilya ba siya noon..

Pero alam kong magagalit siya pag sinubukan ko siyang basahin kaya wag nalang. Gusto ko pang mabuhay.

"Tatayo ka lang ba diyan?" natatawa kong tanong sa kanya.

"I... I'm just checking. I need to go help the staff with something." nadismaya ako sa sinabi niya pero dinismiss ko nalang ito at nginitian siya.

Naiintindihan ko naman siya eh.

Ngayong wala na si Cal, siya na ang papalit sa usual routine ni Cal noon. Si Cal ang representative ng Alphas sa mga meetings.

Madali lang naman yun para sa kanya kasi ang tahimik niya.. at wala ring gustong makipag-usap sa kanya.

Tumango ako. "Sige..."

He gave me a smile kaya napalunok ako.

What's with that smile.

Bago pa siya makaalis, tumigil siya sa paglalakad. "Daughter of Aphrodite."

"Mm?" tinignan ko siya.

"I missed you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top