Scars

Ria's POV

Kumakain ako ng ice cream habang hinihintay yung tatlong girls. Mayamaya, lumabas na rin sila bitbit ang ilang bags na may lamang nga bagong kagamitan ni Thea sa mechanical room niya.

Now that I mentioned it, minsan ko nalang siyang nakikita sa labas ng dorm. Seems like lahat ng oras na bakante niya ay ginagamit niya para maayos ang mechanical activities ng Academy kasama si Bo.

She's been busy these days actually.

Hindi ako si Kara o Cesia at hindi ako marunong magbasa ng tao pero halata kasing may nangyari sa kanya.

I mean. Tignan niyo nga yang eyebags niyan na mas malaki pa sa Australia.

"Please deliver it to our dorm.. thank you..." nakangiting tugon ni Cesia sa dalawang aurai na ginantihan rin siya ng mga ngiti. Seems like kahit anong nilalang ang pwedeng malagyan ng spell ng kaibigan ko.

And I'm somewhat proud of her.

I will never stop saying how much she grew.

Marami yung advantages ng abilities niya. Pero yun nga, marami rin ang kabaligtaran.

Damn. Sinadya talaga na sa kanya ang special abilities ng isang anak ni Aphrodite. Kung ibang tao pa yun, siguradong gagamitin lang niya ang kakayahan niya para sa kapangyarihan o kayamanan.

"Kanina ka pa nakatitig sa'kin Ria. May dumi ba sa mukha ko?" nagulat ako nang sumulpot si Cesia sa harap ko.

I blinked a few times bago mapangiti.

"Gumanda ka kasi." siniko ko siya ng pabiro. Yumuko siya bilang sagot at nakita ko ang pagpula ng mga pisngi niya.

"Bola." natatawa niyang sabi.

"Di kaya." I gave her a pout.

Napansin kong nawala ang ngiti sa mukha niya at naging seryoso ang ekspresyon niya.

"Ria... gusto ko lang matanong... kung.. kung ano yung pangalan mo dati..." aniya at tila nahihiya.

Syempre napatigil ako. Pero nagpatuloy rin naman ako sa paglalakad. I know for one na useless kang pag hindi ako sasagot with her other abilities and all. Siguro nga nakita na niya yung pinagdaanan ko.

"Arianne Lilah Suzan." sagot ko na tinanguan niya.

"My mom is Cary Almira Suzan. Isa siyang sundalo basically, just like what the God of War would prefer." dagdag ko. Wala akong alam kung bakit ko nasabi yon. But it must have been Cesia. Kapag kasama mo siya, di mo maiiwasang mag open up sa kanya. I'm not mad though dahil kaibigan ko siya. I know I can trust her.

"Teka..." sumingit si Thea sa gitna namin ni Cesia. "ano ulit yung pangalan ng nanay mo?" usisa niya.

"Cary Almira Suzan. Bakit?" my brows met. "Kilala mo ba siya?"

Nanlaki ang mga mata ni Thea. "Hindi. Pero kilala siya ng mama ko... magkakilala ata sila eh..."

Kumunot ang noo ko saka tinignan si Cesia na kumibit-balikat lang. Dahan-dahan siyang tumabi kay Kara para makipag-usap sa kanya.

This demigod. Nirerespeto niya pa rin ang confidentiality ng mga bagay-bagay.

Anyways, bumalik ang atensyon ko kay Thea.

"Si mama kasi... ay isang nurse. Palagi siyang pinapadala sa digmaan kaya kung saan-saang lugar ang narating niya. Kung sinu-sino rin ang nakasalubong niyang mga tao at kinwento niya sa'kin kung paano niya nakilala si Cary Suzan. May pumutok daw na bomba sa loob ng tent nila tas bumaliktad yung sitwasyon." nagsimula siyang tumawa na mas ipinagtaka ko. "Yung mama mo ang tumulong sa paggamot ng mama ko. Tas may isang instance rin na sinamahan niya si Cary para mag check sa grounds tas isang bala ang tumagos sa tiyan ni mama. Ayun. Nagconduct ng surgery yung mama mo para sa kanya. Sa tuwing magkasama sila, si Cary ang nagiging nurse ni mama." pagkwento niya sa'kin. Namalayan ko nalang na nakangiti na pala ako habang nakikinig sa kanya.

"Ang liit naman pala ng mundo..." saad ko.

Nabura ang ngiti niya pagkatapos marinig ang sinabi ko. "Bakit?" tanong ko.

"Ria.." nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "alam mo ba kung paano namatay ang mama mo?"

"In the middle of the war... yun lang ang sinabi nilang lahat sa'kin.." mahina kong sabi.

Tumango siya. "namatay siya sa gitna ng digmaan... sa gitna ng isang nurse at apatnapu't isang mga kalaban. Isa yung base nila na nakuha ng mga kalaban Ria... nagpahuli silang dalawa at pinauna yung iba na makatakas." bumalik ang ngiti niya. Pero this time, may halo na itong lungkot.

"Naabutan sila ng mga kalaban. Nasa tent si mama noon para kunin yung mga gamit niya. Paglabas niya, pinalibutan na siya ng apatnapu't isang mga kalaban." napalunok siya. Tila hindi niya gustong sabihin ang sunod na nangyari pero umiling siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na desidido siyang ikwento sa'kin ang totoong nangyari sa mama ko.

Magsasalita na sana ako para sabihin sa kanya na okay lang kung titigil siya kaso naunahan na niya ako. "Yung mama mo... si Cary... siya ang pumunta sa gitna at lumaban sa kanila para mailigtas ang mama ko... kaya malaki ang pasasalamat ko sa mama mo Ria..." she gave me a subtle smile at dahan-dahang tumulo ang isang luha sa pisngi niya na agaran niyang pinunasan.

"kung wala ang mama mo... edi sana... wala na yung mama ko... at si Arah... buntis kasi siya sa mga panahong 'yun..." nakangiti niyang sabi.

My eyes widened for a second pero nginitian ko lang siya at tumango. "Thank you." naiiyak rin ako kaso ayokong maging emotional ngayon.

Now that I know kung paano siya namatay, I'm relieved. I always wonder specifically kung paano siya namatay to the point na I didn't care anymore.

Lumipas ang ilang minuto kasama ang tatlo, tatlong Beta ang tumigil sa harap namin.

Tumaas ang isang kilay ko. What is their business?

"We're here to ask..." the girl in the middle held her breath. "for your forgiveness."

"We're sorry."

"Patawarin niyo po kami." magkasabay na nagsalita ang dalawang lalaki.

Bumaba ang mga mata ko sa tuhod nila. My eyes widened. I never thought na ganito  kalaki ang maiiwan na galos sa kanila.

Umiling si Cesia. "No... patawarin nyo'ko.." nagbuntong-hininga siya. "hindi ko alam na nasa plano pala yun ni Medea... nadala lang ako sa galit ko..."

"I'm s-sorry..." yumuko siya. "Nasaktan ko kayo... at hindi na mawawala ang sugat sa mga balat nyo.."

"Pero napatay namin ang mga kaibigan namin Cesia. Mas malaki ang kasalanan na ginawa namin." inangat ng Beta ang ulo ni Cesia. "the scars you left us..."

"gave us strength... it reminded us not to be deceived. This is the mark of Beta's downfall. And because of this, we learned how to rise again." tumango ang dalawang Beta sa likuran niya to agree on what she just said.

Cesia held back the tears. "T-talaga?"

Tumango ang babae. "Mamayang gabi ihe-held ang funeral ng mga kasamahan namin. Some of us can't go... because of guilt... but you should." tinignan niya kami.

"We will." Kara tapped the beta's shoulder. "and don't blame yourselves. Tell everyone to come."

The beta nodded. "Sige. Magkikita nalang tayo mamaya."

We all went in our own ways nang matapos na ang saglit na usapan. The encounter made me think though...

how a scar can be one's strength.

Iniisip ko kasi... that scars are the worst. When you look at them, you only remember how you got them.

"Since tapos na tayong bumili ng mga gamit ko. Kumain muna tayo!" alok ni Thea.

Di bale. Makakakuha rin ako ng mga sagot balang araw...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top