Saved by Death

(A/N: Surprise surprise! *laughs behind the curtains*)

Kaye's POV

What consumes your mind, controls your life..

"I deserve this." bulong ko sa sarili ko.

Wala akong nakikita.
Wala akong nararamdaman.

Ang tanging naririnig ko lang ay ang bawat hininga ko...

Hinipo ko ang nakasarado kong mga mata. Hindi ko ito nabubuksan... nabulag na ako.

Binulag ako ng mga deities na'yon. Ang mga boses na gumugulo sa'kin noon. Siguro nga karapat-dapat sa'kin 'to.

Pinatay ko ang elysian oracle na si Matilda.

Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon kasi binulag ako ng kasamaan.

Tinraydor ko ang mga Alphas. Maraming katanungan ang umiikot sa utak ko. Kung ano ang nangyari pagkatapos ng digmaan...

Yet there's one thing I'm certain of.

I was tricked.

Nalinlang ako. They took control at wala akong nagawa para iligtas ang sarili ko. Ginamit lang nila ako. The war I created was just the first step. May masusunod pa...

At ngayon... huli na ang lahat para sa'kin.

Alam kong nasa underworld ako. Stuck in this dark abyss.

"I deserve this." paulit-ulit kong pinapaalala ang sarili ko sa malaking kasalanan na nagawa ko.

I'm a failure.

Walang makakarinig sa'kin dito.. pati na ang sarili kong deity.

Isa akong demigod... a direct descendant.

Ginamit ko lang ang pagiging 'oracle of Apollo' since I was hiding my identity.

I knew others can sense my abilities, my oracle abilities na natamo ko pagkatapos patayin ang elysian oracle... kaya pag sinabi kong anak ako ni Thanatos, maraming magdududa.

Napangiti ako.

How awkward would that be. Ang anak ni Thanatos ay isa ring oracle ni Apollo.

Unlike every other love story, nagkita ang mga magulang ko sa cemetery. Kamamatay lang kasi ni lolo. Nandoon si Thanatos para kunin sana si lolo kaso mas naunang nabihag ni mama ang puso niya.

What got his attention was that habang umiiyak ang mga tao sa burol, nakangiti ang isang babaeng may dalang puting bulaklak.

The black-winged Thanatos was interested with her. One day, mag-isang bumisita si mama sa sementeryo. Pumunta si Thanatos sa kanya para tanungin kung bakit siya nakangiti.

And then she told him something that struck him.

A few months later at nagmamahalan na sila...

They bore a child and named him 'Archer' pero pinatay siya ni Zeus.

You see, hindi kasi pwedeng magmahal ng isang mortal si Thanatos. He IS the God of Death afterall.

Bumalik si Thanatos sa trabaho niya.

He resides in the Underworld. Kahit busy siya, nagawa niyang bantayan si mama. My mom, was so inlove with him that she was willing to kill herself para lang magkita sila ulit.

Alam ni Thanatos 'yun kaya nagpakita siya. The night I was conceived. Nang malaman na naman ni Zeus, pinatawag niya si Thanatos.

He gave my father a choice.

To let me live... or my mom.

The plan was, pag naipanganak na ako, itatakas ako ni Thanatos. He will present to Zeus a dead baby proclaiming that it was me.

It failed.

Itinakas ako ni Thanatos ngunit pagbalik niya kay mama, wala na siya. Pumunta siya sa Underworld pero hindi niya nahanap si mama.

Kaya siguro ni isang beses hindi ko pa nakita ang ama ko... kahit boses niya hindi ko pa narinig.

I was unwanted.

Iniisip ko nalang na sa tuwing nakikita niya ako, maaalala niya ang pagkawala ni mama.. masasaktan lang siya.

Umupo ako.

May alam na ako kung bakit madali akong nalinlang ng mga rebel deities. They knew I was depressed... and alone.

"I deserve this..." isang luha ang pumatak.

"I deserve this..." sinundan ito ng iilan.

"d-deserve this..." sinubsob ko ang mukha ko sa aking tuhod. Humagulgol na ako ng iyak.

Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko.


"Sabi ko sa'yo Cal... buhay pa siya." narinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae.

Inangat ko ang ulo ko. "S-sino yan?" tumayo ako nang maramdaman ang presensya ng dalawang tao.

"Teka. Nakalimutan mo na ba kami?" tanong niya.

Kung hindi ako bulag edi sana kanina pa nanlaki ang mga mata ko. "A-art?"

Naramdaman ko ang kamay sa balikat ko kaya napaatras ako. Mayamaya, kinuha niya ang kamay ko.

"Anong ginagawa mo rito? Bumalik kayo!" tinulak ko siya ng mahina.

"Kasama ko si Cal." hinila niya ako. "At huwag kang mag-alala. Babalik kami... kasama ka."

Tumigil ako. "Hindi pwede Art. Naalala mo ba ang ginawa ko? Ang laki ng kasalanan ko."

"edi bumawi ka." nagulat ako sa sagot niya.

Ang dali lang sa kanya na sabihin 'yan.
"P-pero nasa Underworld na ako... patay na ako Art. Hindi ako makakabalik-"

"Hindi ka patay Kaye." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Humihinga ka pa. Tumitibok pa ang puso mo."

Totoo. Totoo ang sinabi niya pero.. "Imposible." umiling ako.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Nandito ka Kaye dahil hindi ka hinayaan ng ama mo. Hindi ka niya natulungan sa mortal realms dahil hindi siya makapunta sa realms. At ngayon, nasa Underworld ka na. Hindi ka ba nagtaka? kung bakit nandito ka? Kung bakit buhay na buhay na buhay ka pa?"

Kumunot ang noo ko. "A-asan ba ako?"

"NASA ILALIM KA NG MGA PAKPAK NI THANATOS KAYE. Siya mismo ang nagtago sa'yo para hindi ka mahanap ng mga redel deities alam mo ba 'yon?!" niyugyog niya ako.

"P-pero bulag ako. Paano ko naman malalaman kung totoo yang sinasabi mo?"

Nasagot ang katanungan ko nang pinalibutan kami ng hangin. I felt feathers encircling my skin. Naramdaman ko rin ang mala-higanteng presensya sa likod ko paglipas ng ilang segundo.

"Oh ano? Tara na! Bye Thanatos!" hinatak ako ni Art.

"Maaari ko bang makausap ang anak ko?" narinig ko ang boses niya.

Binitawan ako ni Art. "Okie! Pero saglit lang ah? May kukunin pa kaming isa eh!"

Nakatayo lang ako. Hindi ko alam kung saang direksyon ako pupunta. Ako ba ang lalapit sa kanya o siya?

Kinakabahan ako.

Nawala na sila sa harap ko. Slowly, I felt another presence replace them. I was taken aback at first nang maramdaman ko ang kamy niya sa balikat ko.

Giving it a gentle squeeze, narinig ko ulit ang boses niya. "You were never a failure, Kaye. You were never... unwanted."

He sighed. "Sana'y mapatawad mo ako. It is I that is a failure. I am not worthy to be a father of a great child. A child that is destined to be a hero."

Napalunok ako. I was trying to hold back the tears. Hindi ko nga nakikita ang mukha niya pero ramdam na ramdam ko naman ang sincerity sa boses niya.

"H-hero?" I managed to speak.

"You will know of it later. But for now..." he paused. I felt his hands on my eyes.

"Death sees more than what the eyes can see. You were blinded.." tinanggal niya ang kamay niya.

"you were meant to be blind, Kaye." dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. "because you were meant to see what only death can see."

Kinurap-kurap ko ang mga mata ko.

Napasinghap ako.

Wala akong nakikitang tao. Pero nakikita ko lahat.

But souls...

I can see souls. Everything is negative but I can see black flames. Nakita ko pa nga sina Art na nasa labas. I can see through walls... doors...

Napatingin ako sa baba at nakita ang napakaraming mga kaluluwa.

I can even see through the ground!

I saw the line on his face curve. Ngumiti siya.

"Umm.. excuse me po pero kailangan na talaga naming umalis.. ahihi" bumalik si Art para kunin ako.

Tumango si Thanatos. He gave me a nod kaya sumama na ako sa kanila.

I felt death's eyes follow me on our way out.

'Your mom told me once... na may mga bagay tayong dapat tanggapin at mga taong kailangan nating pakawalan. Once death touches someone, you cannot save that person anymore. All you can do is make them feel loved.'

Napangiti ako nang marinig ang boses ni Thanatos sa isipan ko.

'Your mom is funny. Hindi niya alam kung sino ang kausap niya noon.'  narinig ko ang mahina niyang tawa.

'She never knew then... that death was willing to save her.'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top