Revived
Kaye's POV
"WAAAHHHH!!!"
Napahinto kami dahil sa biglaang pagsigaw ni Art.
"B-bakit? Anong nangyari?" nauutal kong tanong sa kanya. Bakas kasi sa mga mata niya ang matinding takot.
"iiiihhh!!! lumabas na ang totoong kulay ng mga mata niya ehhh!!" tumili siya.
Wala kaming alam kung sino ang tinutukoy niya pero mamaya nalang ang mga katanungan.
Tatapusin muna namin 'to. Dahil kagaya ng sinabi niya, kailangan TALAGA naming magmadali.
Tumakbo kami papunta sa kweba.
Dito raw nakalagay ang katawan ni Matilda, ang oracle na.. uh.. napatay ko. Kaso, binabantayan siya ng tatlong arae, female spirits of curses.
Buti nalang at hindi mga erinyes ang nagbabantay. Occupied lahat ng rebels dito dahil kailangan pa nilang i-assemble si Cronus on time... saka.. may pinaghahandaan rin sila.. ewan ko kung ano.
"Someone's coming." pagbibigay-alam ko sa kanila. My system was alarmed.
Nagtago kaming tatlo sa likod ng isang boulder.
Dumaan ang iilang giants. Dala-dala nila ang bituka ni Cronus. I was grossed out when I heard the sloppy sounds.
Nang mawala na nga sila, dahan-dahan kaming pumasok.
Sa gitna, ay may higaan na gawa sa broken glass. Dyan dapat nakalagay ang katawan ni Matilda... pero.. asan na nga ba ang hinahanap namin?
"Anong ginagawa niyo dito?"
Sabay kaming napalingon sa bahagi ng kuweba na naging itim dahil sa dilim. Lumabas ang isang babae. Hinding-hindi ko siya nakalimutan.
Ang kauna-unahang Elysian Oracle.
"Matilda..." lumapit ako sa kanya para sana magpatawad kaso lumayo siya mula sa'kin.
Nag-abot ang kilay ko. "Hindi mo ba ako nakikilala?" nagtataka kong tanong.
Naramdaman ko ang kamay sa balikat ko. Nakita ko si Art na may concerned look sa mukha niya. "Kaye. Unti-unti nang bumabalik ang mga ala-ala niya kaso... kailangan pa niya ng oras. Hindi pa ata niya tayo kilala saka-"
Nakarinig kami ng mga boses kaya nagtago kami.
Ang mga Arae.
Walang ginawa si Matilda kundi sundan lang kami ng tingin.
Binigyan ko pa nga siya ng 'shh' gesture. At ganun pa din ang reaction niya. Nakatitig lamang siya.
Nakaramdaman ako ng kaba nang pumasok ang tatlong matatatandang baabe na nakaitim.
Ilang minuto na ang lumipas.. naghihintay lang talaga kami na sasabihin niya sa mga matatanda na may nagtatagong demigods. Sa laking gulat ko, parang wala lang siya.
Patuloy pa rin ang pag uusap-usap nila.
"The strongest will be defeated!" narinig ko ang matinis na sigaw mula sa isa sa mga arae. "Olympus will fall!"
Napasinghap si Art. "Lah. Almost. Kaso kulang yung statement nila. Hehehe..."
Napailing ako. Sa tingin ko talaga may sariling language siya. Yung siya lang ang nakakaintindi.
"Ano ba ang kailangan niyo sa'kin?" tanong ni Matilda sa kanila.
Nagtawanan sila. "We need you to side with us! As you can see, we have the advantage. Narito ang katawan ni Cronus. Nasa amin rin kumampi si Gaia. Two titans!" pagmamalaki ng isa.
I know the Alphas. Nasa kanila nga ang advantage. Mas malaki ang posibilidad na mananalo ang mga rebels.
But then.
May nakalimutan sila.
The Alphas have more than just golden blood. Sa tingin ko nga, they are more than just demigods. In addition, kasama rin nila ang Olympians. The reigning supreme.
"But the demigods have the Olympians. May mga deities rin na handang lumaban sa panig nila." sagot ni Matilda.
Napatango ako.
Yan ang katotohanan.
"They have the Fates. We have the Erinyes. They have olympians. We have two titans. They have their aurai's. We have our daemons. Ano pa ba ang kakailanganin natin?" natatawa yung isa.
Right now, gusto kong sumugod at pagsasaksakin silang tatlo. Gods. I cannot contain my anger anymore. Nang dahil sa kanila naging traydor ako!
"They have the Omegas." isang sentence lang ang sinabi ni Matilda at malaki na ang naging epekto nito sa mga Arae.
Naging seryoso ang ekspresyon nila. Halatang nainis nang marinig 'yon.
"We have the great mother Nyx! and Eris! Seriously what can they do to stop us?!" nanlilisik ang mga mata nila.
I have a bad feeling about this.
"The prophecy. Naalala ko na. Ang mga itinakdang demigods lamang ang makakapili kung sino ang mananalo. They are the Omegas. The end of the war." galit na tugon ni Matilda. "Isn't it obvious? they are against you! they choose to be against you! They will end this all by ending you-"
"HINDI MAAARI!" sigaw nilang tatlo dahilan na mapaatras si Matilda.
"Bakit niyo pa ako ginising?! Hinding-hindi ko kayo tutulungan!" naka emphasized ang bawat salita ni Matilda. "Wala akong balak tulungan ang mga deities na walang ibang iniisip kundi kapangyarihan-"
Sinakal ng Arae si Matilda.
"You child. Be careful with what you say. Ginising ka namin dahil ikaw. Ikaw ang isa sa kanila!" hinigpitan niya ang kanyang kamay na nakapalipot sa leeg ni Matilda. "You. An Omega. Will side with us."
"or else.. we will kill you..." binitawan niya si Matilda na kasalukuyang humihingal. "at hahanapin namin ang espirito ng anak mong si Adelphine. We will see to it that she will end up in the pits of Tartarus."
Pinagpag ng aurai ang suot niyang robe. "Now if you'll excuse us. WE HAVE A REBELLION TO ATTEND TO!"
With a snap of her fingers, nakatali na ang mga kamay at paa ni Matilda.
Naghintay kami na makaalis ang mga aurai saka lumabas mula sa pinagtaguan namin.
"Paninindigan ko ang sinabi ko. I will not help them with anything kaya umalis na kayo." sambit niya.
"Nah. Maghahanap sila ng paraan para ma extract ang kapangyarihan mo if that's the case. Saka... haven't you heard them? Isa ka sa Omegas.. or whatever they're called." natahimik siya dahil sa sinabi ko.
Isa-isang pinutol ni Cal ang mga tali.
The good thing is, normal ropes lang ito. Hindi siguro inaakala ng mga Arae na makakatakas si Matilda dahil nandito siya sa teritoryo nila.
Inalalayan siya ni Art na makatayo.
"Ikaw yung pumatay sa'kin diba?" tanong niya.
Tumango ako.
"at ako yung pumatay sa kanya... hehehe.. pero hindi ako full-time oracle ah! Binigay ko kasi sa kapatid ko yung... kalahati ng oracle abilities ko...." nagpeace sign si Art.
Pabalik-balik ang tingin ni Matilda sa'ming dalawa.
"Hmm. Ang dami palang nangyari pagkatapos akong mawala ano?" nakasingkit ang mga mata niya.
Tumango-tango si Art. "Mmm!! Malaki na rin yung apo mo!"
"Alam ko." I can see the faint smile on her lips. Pero napalitan kaagad ito ng lungkot.
Napatingin ako sa katawan niyang walang sugat. Nawala na nga yung marka ng kamay sa leeg niya.
Hindi naman ako nakaranas ng fast healing sa panahon na Elite pa ako ah...
"Wait. The Omegas are demigods right? At sinabi ng arae na isa ka sa Omegas. Which means you are a demigod... sino ba ang deity mo?" curiousity overwhelmed me.
"Matilda Yvenne Reyes of Beta Class. Descendant of Apollo, Granddaughter of Asclepius and Daughter of Iaso." kinindatan niya ako.
Oh wow.
No doubt. Nasa kanya na siguro lahat ng healing abilities.
"So saan tayo?" napatingin si Matilda kay Art.
"Sa palace muna ni Hades. May mangyayari kasing rebellion mamaya." sagot niya.
Kumunot ang noo ko. "Umm?"
Digmaan sa Underworld? Di ko ata alam yan?
"You remember Cesia right? Nagkaroon kasi ako ng vision. Ang paglabas ng totoong kulay ng mga mata niya ay ang starting point ng rebellion... at uunahin nilang pabagsakin si Hades."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top