Release the Kraken

Ria's POV

Tumigil kami sa may entrance ng forest. What we're looking at just confirmed na andito nga talaga yung dalawa.

Limang giants ang nakahiga sa gitna ng daan. I mean, it should be an unusual sight in the middle of the street. The thing is, nakabukas pa ang mga mata't bibig nila. As if in a permanent shock.

"It's Trev." puna ni Kara pagkatapos makita ang naging hantungan ng lima.

Nakarinig ako ng tunog mula sa sasakyan kaya lumapit ako. Nagulat ako nang makita si Galatea na nakahiga. Kinuha ko ang maliit na statue.

Sinampal-sampal ko pa nga ito gamit ang dalawang daliri ko.

Wait. Paano ko ba malalaman kung buhay pa'to?! Eh statue to!

"Ahhh!!" nagulat ako nang sumigaw siya pagkagising niya.

Well I guess that answers my question.

"May f-fog na itim t-tapos may-" nanlaki ang mga mata niya. She stopped to take a deep breath. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya.

Huminahon na nga siya ng tuluyan. I cringed when she suddenly inhaled just to release the loudest whistle I have ever heard.

Napailing nalang ako.

"Kararating lang namin. We're going to the camp right now." sagot ko at pumunta kina Kara with Galatea on my hand.

"Hindi na kailangan." saad ni Chase.

Kumunot ang noo ko at napansing nakatingin sila sa ibang direksyon kaya napatingin rin ako. My eyes were fixed on the man with dead eyes slowly emerging from the woods.

Siningkit ko ang mga mata ko at nakita na bitbit niya pala si Cesia.

Agad naming pinuntahan si Trev.

"Is she okay?" nag-aalalang tanong ni Kara. Sinuri ko si Cesia and her breathing is deep and uniformed. Hula ko natutulog 'yan.

Hindi kami sinagot ni Trev at dumiretso lang siya sa sasakyan.

"Ano ba talaga ang nangyari?" tanong ko kay Galatea na nakayuko.

"May tatlong giants.. tapos naging lima... nasa bulsa lang ako ni Trev noon. And then... he asked Cesia to go... iniwan niya ako dito sa sasakyan.. so just in case na matalo siya sa laban, I can sneak my way up to Cesia and tell her what happened and then ask her to go run away from this place." she answered. Nararamdaman ko ang panginginig ng katawan niya.

"and if he was able to defeat them, I can give a whistle from here to signify your arrival." dugtong niya.

Tinanguan ko siya. Inaasahan ko na 'yan mula sa leader ng Alphas.

May naalala ako kaya tinanong ko siya kung ano pa ang nakita niya. Napansin ko ang takot sa mga mata niya nang maitanong ko 'yon.

Nagbuntong-hininga siya. "Natagpuan mo akong nakahiga sa loob pero hindi ako nakatulog Ria. NAHIMATAY AKO."

Tumayo siya sa kamay ko para hawakan ang magkabilang pisngi ko. "I WAS IN A STATE OF SHOCK!"

Dinistansya ko siya mula sa mukha ko.

"There was a black smoke and then there's lightning and then- HINDI GANYAN ANG ISANG DEMIGOD RIA-" tinakpan ko ang bibig niya.

I hushed.

"Dahil dalawa ang deities ni Trev, Galatea. He is a descendant of both rulers of the Heavens and the Underworld." pagkatapos marinig 'yon, napaupo siya sa palad ko. Buti naman at hindi siya nahimatay ulit.

"I want to go to Lady Cesia." mahina niyang tugon.

I sighed and went to the rest of them. Pinag-uusapan nila ang patungkol sa mga bagong nilalang na nakakalat sa mortal realms ngayon.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at binaba si Galatea sa tabi ng natutulog na Cesia.

Hinayaan kong nakabukas ang pinto bago tumungo sa kanila para maki-usisa.

As what I have heard, mga bulag sila. And then Trev told us about their other brothers and sisters na paborito daw ni Gaia. Ang tawag sa kanila'y 'Leviathans'.

"Hindi na ako magugulat." Chase remarked.

"We have to return soon." ani Trev bago dumiretso sa sasakyan na dinala nila ni Cesia.

We left the place... and the giants on their spot. Napagdesisyunan naming huwag galawin ang mga giants. We'll just ask the Gamma to clean this mess. Ang mahalaga'y makabalik na kami sa Academy.

Nilingon ko si Kara na may papel sa kamay niya. Is that a paper or... malay ko ba. She's been clutching it for a while now.

Mahimbing pa rin ang tulog ng anak ni Aphrodite sa likod. Katabi niya si Thea na halatang nag-aalala rin para sa kanya. Samantalang si Galatea, nakasandal at nagkainteres sa sarili niyang mga paa.

Kailan kaya 'to matatapos....

Ba't ba kasi kami ang itinadhana para dito. Nang malaman ko ang totoong pagkatao ko, tinanggap ko ito. These are one of those times that I wish I wasn't born a demigod. Mas nanaisin ko pang maging mortal na walang kaalam-alam sa mundo na ginagalawan ko.

Huminto ang dalawang sasakyan na sinusundan ko kaya 'yon din ang ginawa ko.

Suddenly, I found Chase knocking on the window.

"Anong problema?" tanong ko nang maibaba na ang bintana.

"Just one giant. Saglit lang 'to." sagot niya bago maglaho sa harap ko.

Gaia's new set of babies may be blind... but they got a whole lot of other senses.

Gaya ng sinabi ni Chase, mayamaya lang at bumalik ulit ang daloy ng tatlong kotse. I noticed that we are passing on a long bridge.

I was feeling kind of eerie. Kaya siguro iba ang pakiramdam ko dahil nakabukas ang bintana.

So I decided to close it.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero tumigil kami sa pagtakbo. Nakaandar naman ang makina ah...

We heard a loud thump.

"K-karaaaaaaa!!!" napahiyaw ako nang umangat ang sinasakyan namin mula sa lupa.

Mahigpit akong kumapit sa manobela.

"Aish." kinusot-kusot ni Cesia ang mata niya. "Ano-AAAAAHHHH!!!!" she shrieked saka niya kinuha si Galatea na tila lumulutang na sa loob ng kotse.

"HINDI PA AKO HANDAAAAAA!!!!" sigaw ni Thea. "PUTANGINA!!!!!"

"Just hold on okay?!" ani Kara. And we were clinging for our dear lives kahit hindi pa niya sabihin.

WHAT THE UNDERWORLD IS HAPPENING.

Nakita ko kung paano gumapang ang isang tentacle-like arm na ewan ko ba pero pakiramdam ko kaya nitong patayin ang isang tao with just its grip.

Tumigil ang kotse sa harap ng isang napakalaking mata.

I gulped. It actually took a lot of time for me to stare at the squid-like eye...

Napasinghap ako.

"Kara? can you climb your way out?" tanong ko.

"Can't you see that directly outside my window is its eyes?!" natataranta niyang sagot.

Tumango ako at napagdesisyunang ako nalang ang magsisilbing distraction para mabitawan nito ang kotse namin.

"Cesia? How good are you at carrying heavy things with your bracelet?" madali akong nakalabas sa bintana.

I summoned my weapon. A gold sword. I watch it turn into a massive weapon enough to cut one of its long arms.

"Hoy! Nandito ako!" kinuha ko ang atensyon ng nilalang. I took jumps from one tentacle to another hanggang nabitawan na nga niya ng tuluyan ang sinasakyan namin. Akala ko nga malakas ang magiging impact ng bagsak pero buti nalang at parang bumagsak sa unan ang sasakyan dahil sa weapon ni Cesia.

"Oww-" nabitawan ko ang espada.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na pilit kumakawala. This is worse than being held tightly by a giant! Pati paa ko di ko magalaw eh. From my neck to the tip of my toes.

Nawala na sa pananaw ko ang dalawang sasakyan. Napakaimba naman talaga ng mga boys...

at nagawa pa nila kaming kalimutan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top