Reflection

Ria's POV

Siningkit ko ang mga mata ko habang sinusundan ng tingin ang dalawang Alphas na nag-uusap sa canteen.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Cesia sa tabi ko. Nasa tent kami para sana isauli yung mga plato na pinagkainan namin. Kaso napatigil ako kasi...

kasi nakikita kong nakangiti si Kara...

kasama si Dio...

Well not fully smiling but... I can see it.

she's happy.

"Hindi ka rin ba masaya para sa kanila?" tanong ni Cesia nang malaman kung saan ako nakatitig.

"Masaya naman ako ah..." sagot ko.

Yeah. I'm happy for her. Sa tagal ng pinagsamahan namin ngayon ko lang siya nakikita na ganyan. Alam ko kasing nasa likod palagi ng isipan niya ang pinagdaanan niya. Akala ko walang tao na makakagaan ng loob niya.

I was wrong. I failed to see how these two are somewhat... compatible.

"How are they like that? How did they become like that?" nakakunot ang noo ko.

I didn't notice it before. Ngayon lang. Kaya paano?

"The best things in life are unexpected, Ria." nakangiting tugon ni Cesia. "Eh kayo?"

Kami?

She gestured me to look at the guy who just walked in the tent. Kasama niya si Trev na may bitbit ring tray.

"Anong kami?" tinaasan ko ng kilay si Cesia. If she's referring that there's something with the two of us then she's definitely wrong.

"walang kami." dagdag ko.

She tilted her head and smiled. So hindi siya naniniwala sa'kin?

"Talaga? Sigurado naman akong suportado si Hermes sa inyong dalawa. Wala namang mawawala kung magpapakasal nga kayo diba?" kinindatan niya ako pagkatapos ay nagtungo na sa counter.

I blinked several times bago magsink in sa'kin ang sinabi niya.

P-paano niya nalaman 'yon?!

•••

"Ang galiiingg!" pumalakpak si Thea habang nakikinig kay Kara.

Naka pack na yung mga gamit namin and we're just waiting for the rest of the Gamma to gather their things saka kami luluwas pabalik sa Academy.

"Yeah. She's something." lumingon siya sa direksyon kina Cesia at Trev na nag-uusap sa baybayin.

So... basically, mas marami pang abilities si Cesia. Kaya may kutob si Kara na hindi lang si Aphrodite ang deity niya.

"Kung totoo ngang may deity pa siya... which one is it?" usisa ko.

"She can somehow bend time... And she can see the past. Maybe it's a deity of time." sagot ni Kara.

"umm?" matagal ko silang tinitigan. "still have no idea." I sighed.

Imposibleng titan o titaness ang deity niya dahil natutulog lang sila for these past few hundred years.

Di bale nalang. I'm doing my own research of all the deities related with time.

"So does that mean she knows?" tanong ko.

Kumunot ang noo ni Thea. "ang alin?"

Tumango si Kara dahilan na umusog papalapit sa'min si Thea saka bumulong "ano?"

Napailing nalang ako. "Trev... is like you. May dalawang deities rin siya." I leaned forward whispering back. Chismosa talaga ang babaeng 'to.

"Talaga?" nanlaki ang mga mata niya. "Sino?"

"Zeus and Hades." I subtly replied.

Tila nabulunan siya ng hangin sa sinagot ko. Kinurap-kurap niya ang mga mata niya na ngayo'y nakapako na sa lalaking kasama ni Cesia.

I believe he is the most powerful demigod I know. Combine the abilities of Zeus and Hades, two of the big three deities.

Siya lang naman ang alam kong may abilities na pinagsama-sama ng dalawang deities.

Black Lightning Manipulation for instance is a combination of both Hades... and Zeus.

He is the most powerful demigod...

for now.

Until we find out kung sino ang isa pang deity ni Cesia.

"Tangina." I heard Thea curse. "POSIBLE PALA YON?!" bigla siyang sumigaw.

"sssshhhh!" sinenyasan ko siya na manahimik.

"nga pala." umayos siya ng upo. "alam niyo ba kung anong kulay ng mga mata ni Cesia pag nag susupreme divination na siya?"

How come ngayon ko lang rin natanong 'yan?

"Oo nga.." nilingon ko si Kara dahil alam ko namang palagi siyang may sagot sa mga tanong namin.

I heard her sigh bago magsalita. "The principal says it's the color of royal purple." she responded.

Tumango-tango lang kami. Syempre royal purple. Ano nga bang aasahan mo sa goddess of love?

"However..." sumingkit ang mga mata niya. "Remember when we saved Iris' snakes Ria? When she ended up stabbing herself?"

I nodded again habang inaalala ang nangyari sa illegal smuggling na nangyari noon. Nung inutusan kami ni Hermes na hanapin ang mga ahas niya. Turns out, yung mga ahas pala ni Iris ang nahanap namin.

"Naalala ko. Galit na galit siya..." puna ko.

"Kaya ba nagawa niyang ilabas ang mga sugat ng mga lalaking 'yon? Because of her abilities regarding time?" hinding-hindi ko talaga malilimutan ang iyak nila nang unti-unting nagpakita ang mga sugat na natamo nila noon. Punong-puno ang balat nila ng dugo so I'm guessing Cesia actually brought back their wounds since their birth.

Narinig ko nga ang pagbali ng buto ng isa.

"I saw her eyes and it was not royal purple." she looked at Cesia from a distance again. Halatang interesado siya sa buong pagkatao niya.

Me too. Sino ba talaga siya?

"When she was torturing those guys, her eyes didn't have any color at all." pagtutuloy ni Kara.

"anong ibig mong sabihin?" sabay kaming napatanong ni Thea.

"You look at her eyes and you see yourself.. her eyes were like two mirrors that reflect on anyone looking at it." she added.

"Nakakagigil na talaga ang babaeng yan." napailing si Thea.

"you look at her eyes and you see everything. You see your whole life... and at those moments.. what those guys saw... was their memories of murdering people." I noticed Kara's deep breathing. Takot ba siya sa sinasabi niya? O takot siya habang inaalala ang nakita niya?

"The real torture was not her ability to bring back pain..."

Mabilis ang tibok ng puso ko. Kara is serious. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari kapag mawalan na ng kontrol si Cesia sa sarili niya.

Baka matulad siya sa'kin...

Hindi pwede.

"it was her eyes. Her eyes were the real torture devices." tumayo na si Kara para salubungin sina Ice at Rosie na may dalang mga bags.

Napatayo rin kaming dalawa ni Thea at nginitian ang leaders ng camp.

I felt a whoosh of air beside me saka ko nakita si Chase na nakatayo na pala sa tabi ko bitbit rin ang bag niya.

They confirmed na handa na ang lahat para umalis sa isla. Before going, Trev made sure na wala na nga yung mga nilalang na maaaring naghihintay sa'min. He flew back to the direction and assured us nothing was there and we're safe to pass through.

In addition, hindi kami kasya sa isang barko so we ended up dividing ourselves into three batches.

Wala akong ideya kung sinu-sino sa Alphas ang kasali sa first batch habang kinakawayan ang yate na dahan-dahan nang nawawala sa paningin ko.

Umikot ako at nakita si Cesia na naglalakad patungo sa'kin kaya nginitian ko siya.

"Mind telling me about your new abilities?" nakangisi kong tugon sa kanya.

Tumigil siya saka ngumuso. "Alam mo na pala?"

I smiled and nodded.

"Ewan ko kung anong nangyayari sa'kin." malungkot niyang sabi.

"Kakain nalang tayo ng ice cream pagdating natin sa dorm. Okay?" aya ko na siyang dahilan na mawala ang lungkot sa mukha niya at napalitan ito ng saya.

"okay.." she smiled.

I took the chance to look at her eyes. Wala namang unusual eh. Just the common brown color.

Yun nga lang... my reflection is clearer.

Clearer than ever.

And then I saw myself the last time I cried. Nang maalala ko si Art.

Nagulat ako sa nakita ko kaya napaatras ako.

"R-ria.. okay ka lang? Nahihilo ka ba? Maupo ka..." nag-aalala niyang sambit.

She sees the invisible.

Who is she?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top