Pierced
Cesia's POV
Bitbit ang tray na may mga gamot, pumasok ako sa dorm namin. Galing ako sa clinic.
Apparently, maraming huntres at amazons ang nainjure sa nangyari kanina kaya punong-puno ang clinic ngayon at wala kaming choice kundi gamutin ang mga sarili namin.
Napangiti ako.
Pero atleast nag enjoy kami diba?
"Eh kamag-anak ko si Iaso! GODDESS OF RECOVERY! Alam mo ba yun?! Wala lang talaga sa'kin-TANGINA SEHT!" inilayo ni Thea ang kamay niya mula kay Seht na sinusubukang gamutin ito.
"I'm not risking an infection." Hinatak ni Seht ang kamay niya.
Napailing nalang ako.
Meanwhile, nasa clinic naman si Ria. Siya kasi ang may pinakamaraming sugat na natamo sa'ming walo.
"Ah-nasan nga pala si Kara?" tanong ko kay Thea.
Natawa ako nang makita ang hitsura niya. Naiiyak siya dahil sa hapdi ng gamot. Panay rin ang pagmumura niya kay Seht.
"There. You're done." ani Seht.
Nakita kong nagbuntong-hininga si Thea. Tumayo siya saka pinagpag ang damit niya. "Kasama si Chase. Bumalik sila sa clinic para icheck ang kalagayan ni Ria. Pupunta na rin kami sa clinic. Tas si Dio naman, nag-order ng pagkain. "
Tumango ako.
Nilapag ko sa mesa ang tray na may gamot at umupo sa sofa. May ilang sugat rin kaya akong natamo.
"Lah. Mas malalim ata yung sugat mo ah.." puna ni Thea nang makita ang hiwa sa ibabang bahagi ng tiyan ko.
Hinipo ko ito.
Aish.
"sure ka bang ayaw mong magpatulong?" nag-aalalang tanong ni Thea.
Umiling ako at nginitian sila. "Susunod nalang ako sa inyo pagkatapos kong gamutin 'to."
Nag hesitate yung dalawa pero di ko tinanggap ang offer nila na tulungan ako. Isa lang naman 'to eh. Alam kong saglit lang 'to.
Umalis na sila kaya sinimulan ko nang linisin ang sugat ko. Tinali ko ang suot kong shirt para di ko na kailangang hawakan ang bahagi ng damit kung saan nandoon ang sugat.
Yumuko ako at tinignan ito ng maayos.
Grabe naman pala pag pinagsama-sama ang huntres at amazons. Ewan ko nalang talaga.
Nalibang nga ako sa napakaintense training namin kaso... di ko inaasahan na seryoso sila pag nasa field na.
Napakaseryoso.
Napapangiwi ako sa sakit sa tuwing nagkakaroon ng contact ang gamot sa dumudugo kong balat.
Ewan pero sa tuwing nararamdaman ko ang sakit, nahihilo ako. Dahan-dahan akong nanghihina.
Siguro dahil wala itong halong ambrosia.
Naubusan na rin kasi ng ambrosia ang clinic. Mas dumarami ang mga taong nangangailangan nito dahil kasali na sa mga pasyente ni Doc ang mga refugees. Hindi ko naman sinasabing pabigat sila.
Kaso mas nagiging busy ang staff kaya sinabihan nalang kami nila na 'take matters on your own.'
Kaawa-awa man, naiintindihan ko naman sila.
Pagkatapos, kinuha ko ang pangalawang bottle.
Pilit kong buksan ito pero ang hirap... bago siguro ang container nito o wala lang talaga akong lakas para matanggal ang cap.
Sumuko na ako saka binaba ang kamay ko.
Pakiramdam ko talaga masusuka ako. Urgh. Umiikot yung paningin ko.
Ano ba namang klaseng gamot 'to...
Nagbuntong-hininga ako.
Nakakapagod na.
May kumuha sa maliit na bottle mula sa kamay ko kaya nagtaka ako. Inangat ko ang ulo ko at tinignan ang lalaking nakatayo sa tabi ng sofa.
Dalawang segundo lang ang kinailangan niya para mabuksan ito.
"Ah... thank you?" sinubukan kong kunin ang gamot kaso tinabig lang niya ang kamay ko. Saka siya umupo sa tabi ko.
Tumaas ang isang kilay niya nang makita ang sugat. Tinignan niya ako. "It's deep."
"Ano kasi... sabi ng aurai na maghihilom ito pagkatapos lagyan ng-" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ang sugat.
Shoot. Di yan ganyan kanina ah?
Mula sa kulay ng skintone ko naging bluish-purple ito.
Hmm...
Mukhang kailangan ko na talagang pumunta sa clinic.
Tumayo ako.
Pero sa laking gulat ko, natumba kaagad ako.
What the fudgeee. Manhid ang lower half ng katawan ko.
AAAAAHHHHHHHH!!!!
"How careless are you really?" naiinis niyang tanong. Binalik niya sa mesa ang cotton swabs pati yung gamot.
"Everyone knows to stay away from amazons' spears." tumayo siya. "It contains poison."
Ah... naalala ko na.. spear nga pala ang ginamit ng amazon na kinalaban ko. Malay ko ba may poison pala yung spears nila.
Yumuko siya at dahan-dahan akong inangat dahilan na bumilis ang tibok ng puso ko. Nabigla ako nang makita ang pagtama ng kidlat sa doorknob.
Sinira niya.... ang pinto.... para... mabuksan ito.
"T-trev. Hindi 'to emergency-" nangangamba kong sabi sa kanya.
"It is." maikli niyang sagot nang makalabas na kami sa dorm.
"Trev.." napansin ko ang tingin ng mga estudyante. "Ibaba mo'ko..."
Tumigil siya sa paglalakad.
Napasinghap ako nang tignan niya ako gamit ang mga mata niyang kakaiba na ang kulay.
"Do not make it hard for me. Daughter of Aphrodite."
Hindi ako nagsalita dahil sa sindak at hinayaan nalang siyang dalhin ako sa clinic.
•••
Kumunot ang noo ko nang maramdaman ang dahan-dahang pag gapang ng kuryente sa balat ko.
"Son of Zeus." bulong ko.
Kinabahan ako nang wala akong marinig na boses. Binuksan ko ang mga mata ko.
"I'm here."
Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siya na nakatayo.
"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.
"You lost consciousness the moment we stepped inside the clinic." sagot niya.
Iniwasan ko ang kanyang tingin at napakagat sa labi ko. "S-sorry..."
"They're here." aniya.
Tinignan ko kung sino ang tinutukoy niya.
Pumasok ang apat na amazons at isa sa kanila ay si Kia. May dala siyang basket na puno ng berries.
Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto at napagtanto kong lumabas na nga si Trev. Mas lumala ang guilt na nararamdaman ko.
"We're here to give you berries from the country where we do not age, Themiscyra." kinuha ni Kia ang basket at ipinatong ito sa mesa. "It will help quicken the healing process."
"Gusto ko rin sanang magpaumanhin. In behalf of the amazon who wounded you with a spear. She didn't know they were not allowed to use our ancestral blades." binigyan niya ako ng apologetic look. Though, hindi halata dahil fierce-looking sila by nature.
Naramdaman ko lang na sincere nga siya sa sorry niya.
Binigyan ko sila ng matamis na ngiti. "It's okay."
"Very well." tumango siya. "I will have to thank the man who brought you here."
"S-sige.." bumaba ang mga mata ko.
Lumabas na sila.
Bumagsak ako sa higaan at ginulo ang buhok ko.
"Aray!" napapikit ko ako dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko.
ANO NA NAMAN BA ANG PROBLEMA MO CESIA. Gods. Pag sasabihin ni Doc na wala na namang explanation tong' nangyayari sa'yo ewan ko nalang.
Mayamaya, narinig ko ang pagbukas ng pinto.
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita si Kara. "Just dropped by-" huminto siya.
Hindi siya nagsalita at nanatili lang siyang nakatayo.
"B-bakit?" nag-abot ang kilay ko.
"Your eyes..."
Kusa akong lumingon sa likod ng pinto kung saan nakadikit ang salamin.
Nanlaki ang mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top