Mass Betrayal
Cesia's POV
Kanina pa talaga masama ang kutob ko. Ang tanging naririnig ko lang ang heartbeats naming apat. Nasa loob kasi kami ng tunnel. Underground daw yung camp ng Beta kaya eto. Ang nakalutang na apoy sa palad ni Thea ang naging liwanag namin.
"Are we getting lost? Kanina pa tayo naglalakad." halatang naiinip na si Ria.
"We're not." tinuro ni Kara ang opening ng tunnel sa dulo.
Lumabas kami sa tunnel at nakita ang camp ng Beta...
na walang tao?
"Asan ba yung Beta?" tanong ni Thea.
Maraming mga torches ang nakatayo kung saan-saan. May mga tents nga akong pinuntahan pero wala pa rin akong nakikitang ni isang anino ng tao.
Pumunta ako sa tent na may puting liwanag mula sa loob at nakita ang clinic or experimentation nila. Naka andar rin naman ang mga machines nila dito eh.
Pati yung generator na gawa ni Thea nakaandar rin.
Napatigil ako nang maramdaman ang matulis na bagay sa leeg ko. Umikot ako at nakita na isang babaeng estudyante ang may dala ng dagger.
"A-anong ginagawa mo?" bumaba ang mga mata ko sa pin niya na may letrang 'B'.
"Better betray the school than our deities. I'm sorry." sagot niya.
Nakita ko rin ang mga kasamahan ko na nakagapos na pala at may kasamang mga estudyante.
Nakatingin silang lahat sa direksyon ko.
Diniin niya ang dagger sa leeg ko at tinulak ako ng mahina.
Pero hindi ako nagsimulang maglakad.
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Ibaba mo 'yan." utos ko.
Napaatras siya at bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang nahulog ang dagger mula sa kamay niya.
Ginamit ko ang bracelet ko para maipasakamay ito.
Dala-dala ang dagger, pumunta ako kina Ria para sana pakawalan sila mula sa pagkakatali kaso hinadlangan ako ng apat na demigods.
Napaluhod ako nang may sumipa sa'kin sa likod. Isang kamay ang nakapatong sa balikat ko kaya hindi ako makatayo.
"You will kneel like this infront of us. Get it? Dahil kami na ang lalamang sa inyo!" nakatanggap ako ng malakas na sampal mula sa isa.
Ano?
"Oh Gods. You should not have said that." napailing si Ria sa mga Beta na nasa harap ko.
Sila? Lalamang sa'min?
At ganito ang gagawin nila para mangyari 'yon?
Psh.
Ang kakapal ng mga mukha para traydorin ang Academy... at ngayon pinapaluhod nila kami sa harap nila.
Wala ba silang alam na paborito yan ng mga dugong Aphrodite?
Pero imbes na kami ang lumuhod.
Sila ang luluhod sa'min.
"Makinig kayo." inangat ko ang ulo ko.
"Kayo ang luluhod." mahina ang ginamit kong boses.
Narinig ko ang tawa ng isang Beta saka niya hinatak ang buhok ko.
Ang buhok ko.
Ginalaw niya... ang buhok ko.
Bago pa siya magsalita nagsalita na kaagad ako.
"BITAWAN MO AKO NGAYON NA!" galit kong tugon sa kanya na agad niyang sinunod.
Naiinis na talaga ako ha.
Mabilis akong nakatayo. "Kayo ang luluhod sa harap ko."
Isang segundo lang at bumagsak na sila sa lupa.
Alam ng lahat na pinakaayaw ko ang mga traydor. Mga taong kinain na ng kapangyarihan.
"Tanggalin niyo ang pins niyo dahil mula ngayon, hindi na kayo mga estudyante sa Academy." galit ako dahil pinili nilang sundin ang deities nila. At alam kong alam nila ang ginagawa nila. Hindi man lang sila nakaisip kung ano ang mangyayari sa iba.
"Sino? Sino ang luluhod? Kami?" tinapon ko ang pins nila. "Mga traydor..."
"Hindi ko hahayaang magkawatak-watak ang Academy dahil sa inyo. Tapos na ako sa mga katulad ninyo." Gusto ko silang saktan. Sobra.
Nakarinig ako ng heartbeats na nakapaligid sa'kin. "kayong lahat. PUMUNTA KAYO SA HARAP KO AT LUMUHOD NGAYON NA!" I willed the same amount nang inutusan ko ang higante noon.
Narinig ko ang mga paa na naglalakad sa putik. Sabay sabay silang bumagsak nang nakayuko.
Marami-rami rin sila.
Yung iba, binibigyan ako ng nakakamatay na tingin.
"Papatayin ko kayo." and with that, narinig ko ang maiingay na tibok ng mga puso nila. Yung iba, galit.
Pero karamihan sa kanila ay kinabahan pagkatapos marinig ang sinabi ko.
Nagbuntong-hininga ako. Hindi dapat ako magalit ng ganito. "Papatayin ko kayo.. kapag makikita ko ang mga pagmumukha niyo sa Academy."
Tinignan ko sila, at unti-unting nanlambot ang ekspresyon sa aking mukha.
Baka... wala nga silang alam sa ginagawa nila. O di kaya napilitan lang sila kasi deity na nila mismo ang nag-utos.
Naawa ako kaya tinanggal ko ang koneksyon ko sa katawan nila.
Isang desisyon na pinagsisisihan ko dahil naramdaman ko ang blade ng dagger sa tiyan ko.
"Cesia!" narinig ko ang pagsigaw ni Thea sa pangalan ko.
Isang Beta ang tumayo at umatake sa'kin.
Napangiti ako.
Buti nalang at ordinaryo ang metal na gamit nila.
Hinila ko ang nakasubsob na bagay sa tiyan ko. Isa sa natutunan ko sa training namin ng principal ay ang pag gamit ng physical pain at gamitin ito para mas gumana ang inveiglements namin.
Maliban nalang kung blade ito na may halong liquido na nakakapanghina.
Nagulat ang lahat sa ginawa ko.
Bakit?
Akala ba nila mahina ako dahil anak ako ni Aphrodite?
"Pinili niyo ngang maging ganyan..." saad ko.
"Quick! The trance!" sigaw ng isa.
Biglang nag-iba ang kapaligiran.
Nasa parehong camp ako pero wala nang tao.. at nakahandusay ang mga katawan ng Alphas sa harap ko.
Lahat sila.
Napangiti ako at pinikit ang mga mata ko saka narinig ang pagkabasag ng salamin. Pagdilat ko, nasa dating kinatatayuan na ako.
Halatang ginulat ko na naman sila.
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. "KNEEL." utos ko.
"You might regret showing her things like that." narinig kong sabi ni Kara.
Nakita niya siguro ang nakita ko since siya mismo ang nagturo sa'kin kung paano kontrolin ang isang trance. Kung paano maghanap at pabagsakin ito.
"Yun ba ang gusto niyo? Na mamatay ang kapwa demigods ninyo?" naiinis kong tanong sa kanila.
"Na..." napatingin ako sa gawi ng tatlo. "mawala ang pamilya ko?"
"Why the hell would they show her that?" siniko ni Ria si Thea na katabi niya.
"Aba malay ko sa kanila. Akala siguro nila manghihina siya pag nakita nya 'yun." sagot ni Thea.
Muntik na... muntik na akong madala sa nakita ko.
Pero tinatago ko lang.
Dahil kilala ko ang sarili ko. Gagawin ko ang lahat hindi lang magkatotoo ang mga trance na ibinibigay sa'kin.
Alam kong hinding-hindi magkakatotoo ang makikita ko.
Inabot ko kina Ria ang kutsilyo na puno ng dugo.
Tinignan ko ang sugat ko na walang tigil ang pag agos ng dugo. Umiling ako at hinarap ang mga taksil.
Sinabihan ko sila Kara na hanapin si Sir nang makatayo na sila.
"Nasaan ang iba pang mga Beta?" tanong ko sa mga demigods na nakaluhod sa harap ko.
Yumuko lang sila.
Mayamaya, kumunot ang noo ko.
"Anong ginawa niyo sa kanila?"
At wala pa rin akong natamong sagot.
Tinignan ko ang kabuuan ng camp.
Napatigil ang mga mata ko sa isang tent na nasa pinakalikurang bahagi kung saan may kamay na nakalabas.
Sinubukan kong gamitin ang ability ko para marinig ang ilan pang heartbeats.
Pero wala...
kaya nanlaki ang mga mata ko.
"P-pinatay niyo sila..."
Kusang bumagsak ang katawan ko sa lupa. Tinignan ko sila nang namamasa ang mga mata.
Posible ba'yon?
Gusto kong makatanggap ulit ng sampal. Ayoko nito... ayoko dito.
"Paano... niyo nagawang-" nagsimulang pumatak ang mga luha ko. "P-paano..." bulong ko.
Napatulala ako habang naluluha.
Paano?
"because they're weak!" isang Beta ang tumayo.
Mahina...
Naniwala sila sa deities nila.. nagpadala sila...
Pinangako ko sa sarili ko na wala ng estudyante ang dapat masaktan o mamatay sa kamay ng mga traydor.
Pero sila...
Isang panaginip lang ang kinailangan para patayin nila ang kapwa Beta nila.
Hindi ko inaasahan na mangyayari 'to.
"Luhod!" sumigaw ko.
Tumayo ako at kinuyom ang mga kamay ko.
Nanginginig ang tuhod ko dahil hindi ko na makayanan ang galit na nadadama ko ngayon.
"Lumuhod kayo hanggang sa kainin kayo ng lupa. LUMUHOD KAYO HANGGANG KAMATAYAN." Inubos ko na lahat ng will ko para sa huling utos.
Isa-isa ko silang tinignan.
"Hindi... hindi sapat na lumuhod lang kayo." puna ko.
Gamit ang bracelet at lahat ng makakaya ko, inangat ko ang malaking bahagi ng putik.
Mabigat nga pero mas mabigat pa rin ang nagawa nilang kasalanan.
Kaya ililibing ko sila ng buhay.
Nawalan ako ng control sa lupa nang gumapang ang kuryente sa buong katawan ko.
Napasigaw ako nang kumirot ang sugat ko.
"We're done with this mission." narinig ko ang pamilyar na boses.
"Pero pinatay nila..."
"I said we are done with this mission." lumapit siya sa'kin saka kinuha ang duguan kong kamay para tignan ito saka dumako ang kanyang mga mata sa malaim na sugat sa tiyan ko.
Nakita ko si Sir Rio na walang malay sa balikat ni Seht.
"p-paano nila nagawa yun Trev?" mangiyak-ngiyak kong tanong.
Handa akong ibigay lahat maprotektahan lang ang ibang demigods. Napamahal na ako sa mga estudyante kaya gagawin ko lahat... mailigtas lang sila.
Pero bakit madali lang para sa kanila ang pumatay...
"you're wounded..."
Tinignan niya ako at hinawi ang buhok na nakatakip sa mata ko.
Nagbuntong-hininga ako.
"Nagalit na naman ba ako?" tanong ko sa kanya.
Naalala ko ang nagawa ko sa kanya sa gabing nahanap namin ang mga ahas ni Iris.
Tumango siya.
Tinignan ko ang violet sparks na lumalabas mula sa mga kamay namin.
'it means you're my weakness'
I sighed again.
'and I am yours'
"Bumalik na tayo..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top