Land Ho
Ria's POV
"Ria. Alam mo bang nahihilo na kami kakatingin sa'yo? Maupo ka nga!" inis na sambit ni Thea.
Umiling ako. Ilang minuto na ba nung tumalon sa dagat si Kara? Sinabi kasi ni Cesia na narinig niyang nanghihina ang heartbeats ni Dio kaya ayan.
Siya mismo ang dumiretso sa tubig.
"Andito na sila." pagbibigay-alam ni Cesia.
Nakita ko kung paano lumabas sa tubig si Dio na bitbit si Kara. They landed on the deck. Nakahinga rin ako ng maluwag nang binaba ni Dio si Kara na umuubo ng tubig.
Mabilis akong kumuha ng tuwalya at inalalayan si Kara na makatayo.
"N-no.. I'm fine.. I'll change by myself." tugon niya saka pumasok sa loob.
Tinignan ko si Dio na hinubad ang damit niya at dumiretso sa itaas para paandarin ulit ang yate.
I sighed.
Lumabas si Trev na nakabalot ng tuwalya ang buhok. He took off the towel and began controlling the air to dry his hair.
As if a fight never happened with a monster. I thought.
Humarap ako kina Krisna at Evette. "Does the gamma know about the creatures?" tanong ko.
Umiling sila. "I guess the monsters recently moved." sagot ni Krisna.
The creatures are free to roam around wherever they want. Wala na ang dating daloy ng mundo. The laws of nature are already nonsensical sa panahon ngayon. We need to do something habang hindi pa nagigising ang mga titans.
Nakadilat lang ang mga mata nila. Nakikinig. Pero hindi pa sila gumagalaw. They're just observing the chaos.
Preserving power... and gathering energy.
"Nakikita ko na yung isla." tinuro ni Thea ang tinutukoy nilang camp ng Gamma. Napilitan silang mag camp sa lugar kung saan malayo sila sa Beta because of what happened.
A good move for their leaders. But not a good move for the time being dahil nakalimutan nila ang mga nilalang na pwedeng humadlang sa daan papuntang camp nila.
Nang nakarating na nga kami, sinalubong kami ng mga Gamma.
Dinala nila kami sa bahagi ng isla kung saan nila napagdesisyunang mag camp at manatili for the time being.
May nakikita akong mga estudyante na nakasuot ng letter 'B' na pins. Kumunot ang noo ko at agad pumunta kay Evette.
"Beta?" a one-word question but enough to understand.
She shrugged at may tinawag na isa pang Gamma para kausapin.
Bumalik siya saka sinagot ang tanong ko. "May ibang beta na nakatakas. Dito sila nakahanap ng refuge."
Nakita ko kung paano umangat ang ulo ni Cesia nang marinig ang sinabi ni Evette.
I sighed out of relief. "Mabuti naman.."
Tama nga ang hinala ko na imposibleng naubos nila lahat ng beta. Sigurado akong may iba na buhay pa rin hanggang ngayon.
Pinapasok nila kami sa isa sa tents at sinabihang magpahinga muna habang naghihintay sa leader nila o camp manager.
Umupo ako sa higaan at napapikit. I let out deep breaths bago tignan sila na nakatayo at naghihintay.
Tumabi sa'kin si Thea na halatang pagod sa byahe.
"Paano ba tayo makakabalik?" tanong niya.
"I'm sure maghahanap na ng bagong tirahan ang charybdis at scylla. Maybe at narrower straits. Bad timing lang talaga ang nangyari sa'tin." sagot ni Dio.
I'm guessing too, na nasa kalagitnaan sila ng paghahanap ng bagong tirahan nang makasalubong namin sila.
Pumasok ang isang lalaki na may bitbit na staff... at isang babaeng nakangiti ng malapad.
"It's a pleasure to meet you Alphas." they took a bow.
"This is Ice, Khione's successor of her temple.. and I'm Rosie, a chosen healer of Asclepius." she introduced.
"You should befriend her." sambit ko kay Thea na nakasandal ang ulo sa balikat ko.
"Huh?" nagtaka siya saka ako tinignan.
"Asclepius is the father of Iaso. Baka may alam siya sa goddess. Unless hindi ka naman interesado, it's okay." nagkibit-balikat ako. Alam ko kasing wala siyang nailaan na oras para kilalanin ang isa pang deity niya.
Si Asclepius, ay isa pang hero or god of medicine. He fathers Hygieia, or Hygiene, the goddess of cleanliness and sanitation. Iaso, the goddess of recovery. Aceso, the goddess of the healing process. Aglaea, one of the graces... and Panacea, the goddess of universal remedy.
That's one deity that I learned from the Academy. Halos lahat ng mga aspects ng mundo ay napag-aralan namin.
Kabilang na ang mga minor gods and goddesses.
I remember eating gallons of ice cream habang nagme-memorize ng isang libro containing the different gods.
Although, may iba na nakalimutan ko na.
It was the day I had a heart attack.
Seriously, inatake talaga ako sa puso.
"You are... a healer of the Amazons?" Kara asked.
Tumango si Rosie. "Noon... pero pinadala ako nila dito as a gift for the Academy."
It's really ironic kung bakit mas close ang mga Amazons kay Kara. Supposed to be, dapat ako at ang mga Amazons. We have the same dad anyways. Our father is Ares, the god of war.
Or maybe... their eyes say it all. The amazons have natural gray-ish eyes. And Kara...
I looked at her sitting beside Cesia.
Sometimes, poets call Athena, 'gray-eyed' and some might not notice it.. pero iba rin ang kulay ng mga mata ni Kara. It has both the color of brown... and hint of ash gray.
"I believe Art is busy with some other things?" tanong niya.
Nagtinginan lang kami. Gods. Wala pa pala kaming maisasagot sa tuwing may magtatanong tungkol sa kanya.
Tumayo ako. "Why don't you give us a quick summary of the Gamma's condition?" I changed the topic.
"Sumunod lang kayo." ani Ice saka lumabas.
We followed them like what he said.
But I can't help staring at their hands. Magkahawak ang kamay nila habang naglalakad.
Sila na siguro...
Hindi naman ipinagbabawal ng Academy ang relationships among the students dahil hindi maiiwasan 'yan.
Well, I'm glad.
Dahil hindi sila takot ipakita na sila na nga. I mean.. who wouldn't? I bet marami na ang pinagdaanan nila. Even life-death situations knowing na half-gods rin sila.
Nagulat ako nang may naramdaman akong kamay sa kamay ko.
"ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" inis kong bulong sa kanya.
"Nakatitig ka kasi sa kanila." aniya na nakangiti. Nag eenjoy ata sa ginagawa niya.
"Hindi ako naiinggit." pilit kong tinatanggal ang kamay ko.
"Pag sisirain mo yung holding hands natin..." tumigil siya at tinignan ako.
Only now did I realize kung gaano siya katangkad. Nahirapan kasi akong tignan siya mata sa mata dahil ang lapit namin sa isa't-isa.
"hahalikan ulit kita." dugtong niya.
Nanlaki ang mga mata ko.
WHAT THE FUCK DID HE JUST SAY?!
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko kaya hinila niya ako para makalakad ulit.
"Bwisit ka." inis kong sabi. "Papatayin talaga kita."
I heard him snicker. "Ilang beses mo nang sinabi sa'kin 'yan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top