Journey

Ria's POV

Kinatok ko ang pinto ng kwarto ni Cesia. I think she overslept.

Nagulat ako nang bumukas ang pinto at nakita ko siyang nakatayo. Wala siyang dalang bag pero nakabihis na siya.

"I thought you weren't coming. Hahayaan sana kitang magpahinga." I tell her as she closes the door.

Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "Nah. Gusto kong sumama."

I smiled back at her.

She's really something else. Imbes na matulog, pinili niyang sumama sa'min. I mean, this is just a one-day mission afterall.

Kailangan lang naming gabayan ang mga refugees papunta dito sa Academy.

Saglit lang 'to... umm maybe?
Dahil may chances na maaamoy kami ng mga anak ni Gaia. It would be easier for us to detect because we're a large group.

We felt a gust of wind. I didn't even have to take a second look at tinignan si Chase na kalalabas lang ng kwarto niya at nasa sala na.

A few moments later, nagsilabasan na rin sila.

Sabay kaming tumungo sa harap ng Academy. We were greeted by a sunless sky and cold atmosphere. Ganito na palagi ang klima namin. Walang araw... mabibilang lang ang mga bituin... no breeze or wind to move my hair... no rain... no plants are growing... nothing is moving..

I sighed.

We're used to it already... at pag bumalik na ang daloy ng oras, sigurado akong mababaguhan kami.

Bumaba kami gamit ang levitating platform. As usual, may naghihintay na namang sasakyan pero ibang klase na ang mga ito.

"Isa lang?" reklamo ni Chase.

"We'll have to leave it anyways so it won't matter. Maglalakad lang naman tayo papunta dito." sabi ko sa kanya at unang pumasok.

Sumunod na rin yung iba. Chase was in the driver's seat at katabi niya sa front seat si Trev. Beside me are Seht and Thea. Nasa pinakalikuran sina Cesia, Kara, at Dio.

Insert na rin ang maliit na babaeng mahimbing ang tulog sa front seat. Galatea is sleeping on Trev's lap.

Surprisingly, hindi naman umangal si Trev.

I took my rest nang paandarin na ni Chase ang makina.

An hour later, tumigil ang sinasakyan namin sa harap ng mga tents na itinayo ng mga huntres for the refugees.

"You're early. Have you eaten breakfast?" sinalubong kami ni Heather paglabas namin. Kasingkulay ng mga mata niya ang buwan. Gayundin ang mga mata ng kapwa huntres niya.

Blessed by the moon goddess herself.

Tinignan ko ang relo na suot ko saka napailing. We were all required to wear watches with small barriers to keep track of time. But we'll have to reset this if time gets restored... hopefully.

"Umm... si Arah?" tanong ni Thea kay Heather as her eyes wander around the busy huntres.

"She's a few kilometers away from us. Sumama kasi siya sa roaming troops pero wag kang mag-alala, she's with our third-in-command." Heather assured her.

"Ah..." napatingin siya sa baba. Obviously, she was disappointed. Alam ko kung gaano niya namiss ng sobra ang kapatid niya.

We were on our way to eat when a boy stopped me. May hawak siyang pulang bulaklak na inabot niya sa'kin.

Ginulo ko ang buhok niya at napangiti. "Hey there..."

"Ikaw po ba yung anak ni Ares?" nakita ko ang pagliwanag ng mga mata niya. Yumuko ako para magkalevel na kami.

"Oo.. bakit?" tanong ko.

"Deity ko rin po si Ares! Gusto ko pong maging katulad mo. Sabi nga po nila nag-iiba yung kulay ng mga mata mo..." malapad ang ngiti niya.

"Ria?" narinig ko ang pagtawag ni Kara sa'kin.

"Totoo po ba yun?" sabik na sabik niyang tanong.

"Hmmm..." I looked left and right to see kung may nakatingin ba sa direksyon namin.

I found no one so I closed my eyes. Naramdaman ko ang pag-iba ng kulay nito saka ko iminulat ang mga mata ko.

Lumawak ang ngiti ko nang makita ang reaksyon niya.

"Waaahhh!!" tinignan niya ng maigi ang mga mata ko.

Tumayo na ako. I pinched his cheeks. Nanggigil kasi ako sa kanya.

"Hindi lang yan ang kaya kong gawin." I summoned a dagger and gave it to him. "Keep it."

Nanlaki na naman ang mga mata niya.

"Magkapareho lang naman tayo. We're team Ares." I chuckled lightly before winking at him.

I changed my eyes to its original color. Nag jog ako papunta kina Kara na nasa labas ng malaking tent.

"That was... sweet." puna ni Kara pagkatapos makita ang ginawa ko.

"He actually lost his mom when the last camp was destroyed. It's good to see him happy." napatingin rin si Heather sa bata na hawak-hawak sa dibdib ang weapon na ibinigay ko sa kanya.

•••

"Wait. Why aren't we using the shortcut again?" tanong ni Dio.

Nakaupo kaming lahat sa circular table. Nakalatag sa gitna ang map ng buong mortal realm.

Heather was tracing the path we are supposed to take.

"I have sent huntres to check the road. Their reports say it's dangerous. Dadaan tayo sa highway and our scent is open for the giants to smell. If we pass through here." tinuro niya ang pulang linya sa mapa. "May malaking plantation dito and it's far off the city."

"Cities are the most populated with monsters right now, you know..." ani Galatea na nakaupo sa balikat ni Cesia.

Kinuha ni Trev ang reports ng mga huntres para magbasa and after a few seconds, binalik niya ito sa mesa.

"The Alphas will lead the way. Huntres stay at the back. The Gamma will accompany the refugees throughout." he instructed.

"Natignan niyo na ba yung dadaanin natin?" tanong ko.

Tumango si Heather. "It was easy to clear."

"Good. The last thing we want would be a disturbance." tumayo si Kara at sinuot ang jacket niya.

I guess that settles it. Our final choices were planned pati narin ang iilang back-up plans if ever something happens.

I saw the relieved faces of the refugees pagkatapos marinig ang anunsyo ni Heather. Nagbriefing na din sila sa kung ano ang dapat at hindi dapat gagawin.

"I'll be bringing the supplies."

"Ako sa medicine kit!"

Narinig ko ang boses ng mga Gamma habang hinahanda ang mga kagamitan nila. We will be leaving after a few minutes. May ilang huntres na maiiwan dito at yung iba naman sasama sa'min, kasali na si Heather.

The journey has started.

Lumayo ako sa camp. Nag-iisa lang akong nakatayo dito. Huminga ako ng malalim bago iniba ang kulay ng mga mata ko.

Tumakbo ako at a steady pace at naramdaman ko ang pag-init ng katawan ko.  All I could see was red rays coming out of my body and then I felt my arms extend into fiery wings. I circled above the ground as I launched.

Seconds have passed at nakamasid na ako sa kanila mula dito sa himpapawid. They look like miniature people from here.

With my eagle-like sight, I surveyed around the perimeter. Wala naman akong nakikitang gumagalaw na mga kahoy.

"so far, so good!" I informed them but then nakalimutan kong isa pala akong malaking ibon ngayon so I made a loud noise instead.

Tinanguan ako ni Kara sa baba. Binigyan naman ako ni Thea ng thumbs up.

I nod at them before soaring higher.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top