Introduction

Chase's POV

Sinundan ko ng tingin si Ria na kalalabas lang ng dorm. Hatalang nagmamadali.

Pumasok ako ng dorm at natagpuan si Trev sa kusina. Tinanong ko siya kung may emergency ba. Di naman siya sumagot.

May topak talaga ang lalaking 'to.

Tinanong ko nalang kung saan patungo si Ria. Mabuti naman at naisipan niyang sumagot.

Nakaisip ako ng ideya.

"Hmmm.." sumingkit ang mga mata ko. "Sa principal's office pala? Sige bro!"

Napagdesisyunan kong samahan si Ria.

Ginamit ko ang ability ko. Saktong binuksan ni Ria ang pinto ng office kaya nakapasok rin ako. Sinigurado kong walang makakapansin sa presensya ko. Nagtago ako sa likod ng maliit na library area ng office.

Nakita ko ang dalawang senior maestro ng Academy.

"I'm sorry pero pinatawag daw ako ng principal?" ani Ria nang masarado niya ang pinto.

Ah... ba't wala yung principal dito?

Agad nakuha ang atensyon ko nang banggitin ni Sir Glen ang mga anak ni Gaia.

Ilang minuto ang lumipas at napag-alaman ko na kaagad ang dahilan kung bakit si Ria lang ang pinatawag.

"Don't let anyone know where you're going to avoid mishaps. Understood?"

"Tch." Napasimangot ako nang marinig ang utos ni Sir Rio.

Gusto niya atang suntukin ko siya para matauhan.

Papupuntahin nila si Ria sa teritoryo ng mga giants. Aba. Napakabobo ng kung sino man ang nagsuggest ng plano na yan. Sana man lang may kasama si Ria pero di eh. Mag-isa lang siya.

Mga gago amputa.

EH PAANO KUNG HINDI MAKAKABALIK ANG BABAENG YAN.

Gusto kong lumabas mula sa pinagtaguan ko at bigyan sila ng 'presence of mind' master Chase style. Kaso, lumabas na si Ria kaya wala na akong magagawa kundi sundan siya.

Alam kong pababa siya sa lupa kaya inunahan ko na siya.

Tumungo ako sa grupo ng mga aurai para mangumusta sa kondisyon ng mga refugees.

Hindi ko nga lang narinig ang mga sagot nila dahil nakatuon ang atensyon ko kay Ria na kausap si Heather.

Ano bang plano niya?

"Ayokoo! Bigay sa'kin yan ni ate!"

Napalingon ako sa direksyon kung saan may isang huntre na pilit kinukuha ang dagger mula sa mga kamay ng batang lalake.

"Makakasakit ka ng iba! Alam mo ba yon? Ang bata-bata mo pa para maglaro ng ganitong bagay." tuluyan na ngang nakuha ng huntre ang maliit na weapon.

"P-pero.." humagulgol ng iyak ang bata. "B-bigay sa'kin yan ni A-ate Ria eh!"

Kumunot ang noo ko.

Ria?

Bumalik ang mga mata ko kay Ria na kausap pa rin si Heather.

Naglakad ako papalapit sa huntre.

Kinuha ko mula sa kamay niya at napagtantong ganito nga ang uri ng mga daggers na palaging sinusummon ni Ria.

Tinignan ko ang bata na luhaan ang mga mata.

Nagbuntong-hininga nalang ako at hinarap ang huntre na seryosong nakatingin sa'kin. Halatang nainis siya sa ginawa ko.

"Ibigay mo nalang sa kanya 'to. Wala pa siyang nasaktan kaya siguradong alam niya kung ano ang mga bagay na'to." sinuri ko ang blade.

"It is not safe for a wildling to keep a weapon. He can kill-"

Tsk. Wildling daw.

"Teka. Anong wildling ang sinasabi mo? Hindi yan wildling. MORTAL yan MORTAL. Tao. Atsaka, binigay naman 'to sa kanya kaya para sa kanya talaga 'to. Panghuli, wala ka ring karapatan kunin ang mga bagay na mahalaga para sa mga batang katulad niya." mahigpit kong hinawakan ang weapon.

"Who are you to tell me what I think is right-"

Pinilit kong baguhin ang kulay ng mga mata ko sa harap niya kaya napatigil siya.

"I'm Chase, a son of Hermes." I smirked. "and you are?"

Natagalan siya sa pagsagot. Nang magising siya mula sa sindak, tinignan niya ng masama ang bata.

"Once he causes trouble, no God will stop me from throwing that knife to Tartarus." inis niyang sabi bago mawala sa harap namin.

Binalik ko ang dating kulay ng mga mata ko at huminga ng maluwag.

Mayamaya, inabot ko sa bata ang weapon niya. "Hintayin mo'ko."

Paglipas ng ilang segundo, bumalik ako na may bitbit na leather case. Nasa cabinet ko lang 'to nakatago at alam ko namang di ko na ito magagamit dahil may bagong weapon na ako.

"S-salamat po.." bumagsak ang mga mata niya sa lupa.

Inangat niya ang ulo niya at tinignan si Ria. Napasinghap siya bago tumakbo papunta sa kanya.

Kinawayan niya si Ria. Habang si Ria naman, tumigil sa paglalakad. Pinakita ng bata ang binigay ko sa kanya dahilan na mapangiti ako. Yumuko si Ria para tignan ito.

Hindi nakaabot ng segundo ang pagpunta ko sa likod nila.

"Kuya!" tinuro ako ng bata.

"Chase." tumayo si Ria.

"Kukunin na sana ng huntre ang binigay mo sa kanya. Buti nalang matalino ako." nakangiti kong sabi.

Nginitian niya ang bata at ginulo ang buhok nito.

Hindi man lang siya nagpaalam at dumiretso na sa paglalakad. Samantalang ako, sinusundan siya.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ko.

"Just shut the fuck up Chase and don't stick your nose to other people's businesses." pagbabala niya.

"Harsh." napailing ako.

"Do I look like I care about your feelings?" nakatalikod pa rin siya sa'kin pero nakakuyom na ang kamao niya.

"Sagutin mo muna ang tanong ko." tumigil ako.

Huminto siya saka umikot para harapin ako. "May pupuntahan akong remote camp ng huntres. Now if you'll excuse me."

Napangiti ako saka tumango.

Remote camp ng huntres pala ang tawag sa lair ng giants? Now I know.

Naglaho ako mula sa pananaw niya, pero di niya alam, palaging nasa kanya ang mga mata ko habang sinusundan siya papasok sa kagubatan.

Chineck nya muna ang kapaligiran bago mag anyong phoenix.

Hanggang ngayon, namamangha pa rin ako sa tuwing nagbabago ang anyo niya.

•••

Humihingal akong tumigil at sumandal sa isang puno.

Puta. Ilang oras ko na ba siyang sinusundan?! Akala ko talaga titigil siya sa paglipad para magpahinga pero walang nangyaring pahinga.

Nakarinig ako ng mga boses sa di kalayuan.

Malapit na pala kami.

Nag-inat muna ako ng buong katawan saka pinagpatuloy ang pagsunod sa kanya.

Nakatatlong ikot na siya para suriin ang mga giants nang marinig ko ang iyak niya mula sa itaas.

"Haha! Akala niyo siguro demigods- hindi namin kilala ang isang phoenix!" narinig kong hiyaw ng giant.

Na alarma ang buong katawan ko.

Sabi ko na nga bang may mangyayaring masama sa kanya.

Iilang palaso ang bumaon sa mga pakpak niya kaya't madali siyang nanghina at bumagsak sa lupa.

Shit.

Narinig ko ang sigaw ng mga giants at gigantes.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ria sa gitna na duguan at walang malay. Napuno ng dugo ang mga braso't paa niya.

"Gutom na ako-"

Pinalo ng giant ang kapwa giant niya. "Oh shut it! Kailangan pa nating hintayin ang iba pa nating mga kapatid."

"Tama!" sumang-ayon ang isa. "Mamaya! Magsasalo-salo tayo!"

Pagkatapos, pinasok nila si Ria sa cage na nag-aapoy.

Nagisip-isip ako ng paraan nang marinig ko ang boses ng isang lalaki kaya't napatago ako.

"She's more than just injured." puna ng lalaki na... sa tingin ko'y ka edad ko lang?

"Sino ka? Isa ka ba sa kanila?" naging maingat ako sa mga galaw ko.

Tumayo siya at ngayon ko lang napansin ang suot niyang mala-warrior ang dating. Yung tipong sa TV ko lang makikita.

Nakasuot rin siya ng helmet na nag-aapoy.

May bagong level ang pagiging weirdo teenager niya. Galing ng cosplay niya ah.

"The king ordered me to clean this area to pave way for you demigods and accomplish your task..."

Nagtaka ako saglit sa sinabi niya.

Tumayo ako. "Alam mo bro..."

"bro..?" tumayo ang balahibo ko sa tono ng boses niya.

Natahimik ako bigla.

Sino bang lalaking 'to.

"Nice. I like that... bro..." tumango-tango siya.

Binigyan ko lang siya ng naguguluhang tingin.

Ito kaya ang 'wildling' na tinutukoy ng huntre kanina?

Napailing nalang ako. Mamaya ko nalang aasikasuhin ang abnoy na'to. May Ria pa akong ililigtas.

"Pasensya ka na pero.. may hinahabol akong oras." tugon ko sa kanya.

"Oras? Nice joke bro. Hindi uso ang oras ngayon. You know.." natatawa niyang sabi.

Lilipat na sana ako ng lugar nang tawagin niya ako.

"Where are you going... bro?" tanong niya.

"May... may ililigtas pa ako.." sagot ko.

"I wanna go with you bro!" lumutang ang espada sa kamay niya.

"Ano?" nag abot ang kilay ko.

"I wanna save my daughter too." sumunod siya sa'kin.

I wanna save my daughter too...

I wanna save my daughter too...

"ARES?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top