Founding Father

Thea's POV

"Pagkatapos mag-almusal, dumiretso na tayo sa hall. Today, we celebrate the creation of our Academy." paalala ni Seht na kumakain sa tabi ko.

"Naisip pa talaga nilang mag celebrate sa sitwasyong 'to..." ani Chase saka umupo sa sofa para manood ng DVDs.

Nga naman. Tumigil ang daloy ng oras. Walang araw. Kasingkulay ng dugo ang mga ulap. May mga higanteng gumagala sa mortal realms. Gigising si Cronus at Gaia.

At magcecelebrate kami dito sa Academy.

Galing ah.

"You forgot Chase. We aren't just celebrating the Academy but also the Olympians. Today is our deities' day remember?" kalalabas lang ni Kara sa kwarto niya. Nakabihis na siya sa casual attire niya.

"You know what?" kumuha si Ria ng ice cream at umupo sa tabi ni Chase. "I'm not going either. Why are we celebrating them anyways? Sila lang naman ang nagpasimuno ng lahat ng 'to."

Nagbuntong-hininga ako. Galit pa rin talaga si Ria sa mga Gods. Lalo na sa sariling deities namin.

"Pupunta tayong lahat." tila nagising ang kaluluwa ko nang marinig ang utos ni Cesia.

Ngayon, gusto ko nang pumunta.

"Baka kasi.. kaawaan tayo ng deities tas may posibilidad rin na tutulungan nila tayo diba?" may bakas ng pag-asa ang boses ni Cesia. Namuo ang isang malambot na ngiti sa mukha ni Kara nang marinig ang sinabi ni Cesia.

"True. Today is for our parents.. well not really something we'd prefer to call them.. but let's just respect them as who they are... Gods." nakangiting sambit ni Dio.

"Saka.. ngayon din ang araw kung kailan mas mabisa ang koneksyon natin sa Olympians. Siguro maririnig nila tayo.. atleast." tinignan ni Cesia si Ria na halatang naiinis. Sumuko na rin si Ria saka pumasok sa kwarto niya para magbihis.

Tumayo ako.

"Where are you going?" tanong ni Seht.

"Magbibihis. Bakit? Sasama ka?" natatawa kong tanong.

Panandalian siyang nagulat. Pagkatapos, tinaasan niya ako ng kilay habang binibigyan ako ng makabuluhang tingin.

"If you want me to." may slight smile na naglalaro sa labi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gago." Inirapan ko siya bago pumasok sa kwarto.

•••

Nagbow ang mga estudyante pagpasok namin sa hall. Nakasanayan na namin ang mga titig nila kaya't wala lang talaga para sa'min ang maging center of attraction pag may mga gatherings.

Napansin ko ang pagyuko ng mga Beta nang dumaan si Cesia sa harap nila.

Halatang kinatatakutan nila ang anak ni Aphrodite.

Sino ba namang hindi?

Dumaan ang kalahating oras at dahan-dahan nang bumibigat ang mga mata ko. Puta. Unti-unti na akong nilalamon ng pagod na dulot ng pag-eensayo namin kahapon kasama ang mga huntres at amazons.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Ria.

"This is boring." puna niya.

"Ano na bang nangyayari?" tanong ko habang nakapikit ang mga mata.

"They're talking about Theosese, ang first principal ng Academy..." sagot niya.

"Siya yung nagsulat ng mga libro diba? Siya rin yung nakatuklas ng mga paraan para ma-imitate ang kapangyarihan ng Gods?" napahikab na naman ako.

"Yeah. Wonder who he really is. He's too good to be honest. Ngayon lang din naman nila ipinakilala si Theosese. I mean for the previous programs, hindi nila binanggit ang pangalan niya."

Nang dahil sa sinabi ni Ria, umandar ang curiousity ko. Binuksan ko ang mga mata ko saka umayos ng upo.

Nasa gitna ang isang malaking larawan ng lalaki. Nakakalat ang mga papel sa desk na nasa harap niya. May hawak rin siyang quill.

"Siya ba yun?" tinuro ko ang portrait.

Tumango si Ria.

Siningkit ko ang mga mata ko. Pamilyar ang hitsura niya. Nakasalubong ko na ba siya dati? O baka..

Nanlaki ang mga mata ko.

"Today, we are going to remember the contribution of the Gods and demigods to this school..." boses ni Sir Glen ang maririnig sa buong hall.

Kinurap-kurap ko ang mga mata ko.

"Most especially, the Olympians and this demigod."

Napalunok ako.

"For those of you who don't know him, he is a demigod, like you, who served for the Gods. At nandito rin ang anak niya... Professor Gregory?" tinawag ni Sir Glen ang lalaking nakasuit.

Professor Gregory... ay ang pangalan ng anak niya?

"For those of you who don't know, he is Theosese. My father."

Mali.

"He is also.. a sort of founding father to-"

Tumayo kaagad ako at dali-daling lumabas. Alam kong nagtaka sila sa ginawa ko pero patuloy lang ako sa paglalakad.

Naramdaman ko ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ko.

Mabilis ang takbo ng puso ko.

Pumasok ako sa mechanical room. Nasa gitna ako nang bigla nalang nanlambot ang tuhod ko.

Kasabay nito ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga luha ko.

Pero imposibleng demigod siya kagaya ng sinabi nila. Dahil AKO ang demigod. Ako ang anak ni Hephaestus.

Kilala ko ang lalaking nasa larawan. Buong buhay ko, hindi ko siya kinilala na si Theosese.

Kinilala ko siya bilang ama.

Si Theosese at Hephaestus ay iisa.

Napasinghap ako.

Nanumbalik ang lakas kong tumayo. Dumiretso ako sa nakatagong silid.

Kinuha ko lahat. LAHAT ng mga libro na isinulat niya. Sa lakas ng paglilipat ko ng mga pahina sa mga libro, muntikan ko nang napunit lahat.

Mayamaya, umupo ako habang humihingal.

AGH!

BA'T NGAYON KO LANG NALAMAN 'TO?!

Kaya pala nagtataka sila Ria kung sino talaga si Theosese.

Dahil walang demigod ang makakasulat ng ganito karaming libro. Walang demigod ang makakagawa ng machines na naiimitate ang kapangyarihan ng Gods. Walang demigod ang may kakayahan na gumawa ng napakalaking mga pakpak na kayang ilipad ang buong Academy!

Walang demigod.

kundi isang God.

dahil isang God ang gumawa ng lahat ng ito.

'This school holds a significant connection with your existence and you still don't know anything.'

Naalala ko ang sinabi ni Medea. Ito ba ang ibig niyang sabihin?

"Thea..." napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses.

Lumabas mula sa madilim na sulok ang lalaking akala ko'y iniwan ako dati. Kinuyom ko ang kamao ko.

"A-anong ginagawa mo dito?!" galit ako sa kanya. Kung di lang siya imortal edi sana kanina ko pa siya pinagsasaksak!

Teka.

Imortal siya kaya pwede ko siyang patayin.. habang nasa harap ko pa siya.

"I'm here to tell you everything-"

"Edi magsimula ka na habang pinapatay pa kita sa utak ko!" sigaw ko.

Nakita ko ang kalungkutan sa mga mata niya saka tumango. "I met Matilda. A daughter of Iaso... and I loved her with all my heart. But she didn't know. Kaya't hanggang magkaibigan lang ang turing niya sa'kin. Nabuntis siya pero iba ang ama ng anak niya. I was heartbroken, Thea. Pinatay siya ng ibang deities. I made a way to make her immortal." nagbuntong-hininga siya. "I looked for ways to make her immortal. I created machines and thought to make her one but Zeus threatened me."

Ang Imitators... kaya niya nagawa ang imitators para kay Matilda.

"My desire was against the law of the heavens. So I sought for Apollo. He understood what I felt. And he gave me a chance. He made my Matilda the first oracle in Elysium." binigyan niya ako ng malungkot na ngiti.

Huminga ako ng malalim. "Eh si mama?"

"Bago namatay si Matilda, may ibinilin siya sa'kin. She knew the truth.. that I was a god. I protected your mother since birth. I watched her grow for it was Matilda's dying wish." humakbang siya papalapit sa'kin.

"But your mother... is so like her. I realized by the time she grew up to become a woman, I was inlove again."

Atleast alam kong minahal niya talaga si mama.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Wag kang mag-alala. I asked permission from Matilda. The thing is, hindi ko inaakalang magugustuhan din pala ako ng mama mo. I was shy... you see."

Pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. "My time is up, Thea. Zeus is having another assembly. I just want you to know that I am watching you... my child. My blood runs in your veins so you need not to worry. Because it means I am always with you."

Pinunasan niya ang nakatakas na luha mula sa mata ko.

"Akala mo siguro papatawarin kita? Nandyan ka ba nung.. nung nawala siya? Hindi ko man lang naramdaman ang presensya mo." Ayokong magdrama dito pero ngayon ko lang siya nakita pagkatapos ng ilang taon.

"Patay na siya Thea. But I asked Hermes to keep her soul..  somewhere safe. I will not release her in the Underworld not until the war is over." assure niya.

Oh okay. Mahal na mahal niya talaga si mama.

Teka nga.

"Yun na yon?!" naiinis kong tanong.

Napangiti ako nang mapangiti rin siya.

"Ngapala. Huminto muna tayo sa drama. Nakakapagod at wala na akong oras. Basta bata, alagaan mo ng mabuti yang weapon niyo. Ako mismo ang naggawa niyan..."

"Sige." tumango ako.

"Hinahanap na ako ng aking kupal na ama. Hindi uso ang cellphone sa Olympus but I tell you Thea, naririnig namin kayo kung kinakausap niyo kami. Minsan nga lang, mahina ang signal- I'M COMING HERMES! TELL ZEUS I'M COMING! YOU DO NOT HAVE TO BREAK THE DOOR!" sigaw niya. Sinisira na ata ni Hermes ang pinto ayon sa ingay na naririnig ko.

"Bye anak! Mag aral ka ng mabuti! Mahal na mahal kita-PUTANGINA HERMES! SINABING WAG MONG-"

At nawala na nga siya sa harap ko.

"Thea?!" tinignan ko si Seht na humihingal. "Are you okay? Umalis ka kasi-"

Ewan pero bigla nalang akong natawa.

(A/N: One revelation done. More to go! Please don't forget to comment! Watcha think? Hahaha!)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top