Fire and Smoke
Ria's POV
Kinurap-kurap ko ang mga mata ko habang nakikinig sa mga boses ng tatlong babae.
Sinusubukan kong gumalaw pero tila natutulog pa rin yung katawan ko. All I could do is just listen or.. observe.
At napagtanto kong nakahiga ako sa putikan na semento. Basang-basa ang sahig. May kakaibang amoy rin ito.
Tinignan ko ang dalawang babae na nakatayo sa harap ko. Their faces are faint and unrecognizable due to the lack of light. Pero magkahawak ang kamay nila. May alam na rin ako kung sino sila dahil sa mga boses nila.
"Well.. I plan to kill them afterwards. Why?" sabik na sabi ng matanda. Actually, hindi na siya matanda ngayon. She looked... younger.
Sino ba talaga siya?
"Medea." it was Cesia's voice. "ano ba ang nagawa namin na ikinagalit mo?"
So that evil psycho witch is a sorceress.
"Hmm... you tricked me with my sunstones." sagot niya.
Well shit. Hindi pa pala siya nakakamove-on sa nangyaring 'yon? Gods. If that's what she wants then I'll gladly give her my fucking sword.
Hindi naman niya kailangang isali ang Gamma dito.
"and.." naglakad siya papalapit sa dalawa. "you have condemned Hecate. Banned her from the mortal realms."
Now that's something interesting. Seems like mas marami pa pala ang nagawang koneksyon ni Hecate sa mundong 'to.
"si Hecate ang nagbigay sa'kin ng ideya na ubusin lahat ng mga demigods." nakangisi pa rin si Medea habang nagsasalita. "And guess what? I had the smartest idea ever!"
Humalakhak siya saka hinipo ang pisngi ni Cesia na agad umiwas sa kamay niya. Medea paused for a second and smiled at them both.
"You... are so easy to manipulate." binaba niya ang kamay niya. "Well... especially those... what do you call them again? Beta?"
Nabaling ang atensyon ko sa electrity sparks na gumagapang sa tabi ko. Nakita ko si Trev na nakapikit at nakakunot ang noo.
He's awake.
"I-ikaw?" nanlaki ang mga mata ni Cesia. "Ikaw ang may gawa nun?"
"Of course I am! Duh!" tinawanan niya si Cesia. "I told you, I had the smartest idea ever!"
"How about..." pinatakbo niya ang mga daliri niya sa balikat ni Thea habang iniikutan sila. "go visit everyone's dreams and pretend that I was their deity? Then convince them to kill each other? Smart right?!"
Ewan pero biglang bumagsak ang temperatura sa buong lugar. Kung asan man kami. Tila lumakas ang pull of gravity dito.
"A-ano?!" hindi kapani-paniwalang tanong ni Cesia.
And for a second I knew, na siya ang may kapakanan ng nararamdaman ko ngayon. Kulang nalang talaga maging yelo ang sahig na kinahihigaan namin.
"Hecate promised me a new world! A new face of history!" nagsimula nang sumigaw si Medea. "Pero sino ba kayo para maging hadlang sa mga plano namin!"
Tsk.Promises are meant to be broken Medea. Kung alam mo lang na ginagamit ka ni Hecate para sa mas malaki pang plano nila.
Tinuro niya ang dalawa. "You are just a bunch of little creatures who got lucky. You are nothing compared to us!"
"This is for your mother!" nakita ko kung paano niya balak itagos ang matutulis niyang kuko kay Cesia.
Napasinghap ako nang lumitaw ang nanghihinang Seht sa pagitan ng dalawa... kaya't siya ang nakatanggap nito.
Agad hinila ni Medea ang duguan niyang kamay mula sa dibdib ni Seht. Puno ng gulat at pagtataka ang mukha niya pero napalitan kaagad ito ng ngiti.
"Oh well.. I was about to kill him afterall." lumapad ang ngiti niya nang bumagsak na si Sebastian sa harap... ni Thea.
Pinanindigan niya talaga ang pagiging 'protector of demigods' niya.
My eyes shifted to Thea... na napaatras.
Wala akong nakikitang luha sa mga mata niya. I know she's praying what she is seeing isn't real.
Sinubukan kong gumalaw.
FUCK! Ano bang binigay nya sa'min? Nagpapanic na ang utak ko. I NEED TO DO SOMETHING HERE. Di ko tanggap na hanggang nood lang ako.
"Ah!" napabitaw si Cesia sa kamay ni Thea.
Nakayuko si Thea kaya hindi ko makita ang mga mata niya. Pero alam kong nag-iba na ang kulay nito.
Unti-unting namuo ang dalawang bola ng apoy sa mga kamay niya.
"F-fire?" humakbang papalayo si Medea. "H-how can a demigod.." napatigil siya nang makita ang mga mata ni Jamie.
Hmm. So not everyone knows about this 'Supreme Divination' yet. That's why she was confident to do her plans alone.
"Tsk. I am a granddaughter of the sun god, Helios! Fire is my strength!" hiyaw niya habang iniiwasan ang hinahagis na apoy ni Thea.
And then Thea summoned a ring of fire. Kung biglang bumaba ang temp noon, ngayon, tumaas na ito.
And trust me, it made me feel sick. Isang segundo lang at binabarbecue na ako.
"Oww!" napaupo ako nang maramdaman ang kuryente na gumising ng katawan ko. Tinulungan ako ni Kara na makatayo saka ko nakita ang Alphas na gising na rin pala.
Nanatili pa ring walang malay ang mga Gamma kaya kami lang ang nakatayo ngayon.
"Cesia's trapped in the fire." bulong sa'min ni Kara.
Amidst the flame, I saw Thea's eyes. Bumaba ang tingin ko kay Seht na naliligo na sa sarili niyang dugo.
Napalunok ako.
Nahagip ng mga mata ko ang pag galaw ng mga daliri niya kaya nag isip-isip na ako ng paraan para matapos na'to. "Si Seht... baka maubusan na siya ng dugo.."
Napaatras ako nang biglang lumabas ang nag-aapoy na espada sa kamay ko. Kaming lahat ata ang nagulat nang biglang nagsilabasan ang mga weapons namin.
"Sinong-" hindi tinapos ni Dio ang sinabi niya at napatingin kay Cesia kaya napatingin rin kami.
Nasa likod siya hawak-hawak ang isang nag-aapoy na kamay ni Thea.
"She's crazy." napailing ako.
"It's hard to make a connection. She needs to create contact with Thea physically." dagdag ni Kara.
So she really is burning her hand on purpose.
"Kailangan nating magmadali. Hindi normal ang apoy ni Thea. Apoy yan ni Hephaestus." sambit ni Chase.
Only now did I remember... that Thea's fire can melt the strongest of metals.. if she wishes to. Si Thea lang naman ang may kontrol sa apoy niya.
Fortunately, nawala na ang ring of fire. Nakita ko si Medea na nakasandal sa pader. She knows she can't escape. Napapaligiran na siya ng Alphas.
And with a wave of her hand, she summoned little knives out of nowhere. Isa-isa niya kaming tinignan before waving for the second time.
I hissed nang masalo ang blade gamit ang kamay ko, ilang inches lang ang layo nito sa mukha ko. Nakaiwag naman sila.. maliban kay Chase na nagkaroon ng cut sa tenga.
Nakita kong tumakbo si Medea kaso napahinto siya dahil muntikan na siyang matamaan sa isa sa bolts na pinapakawalan ni Trev. Bumalik siya sa pwesto niya na hindi maiguhit ang mukha.
"T-thea... pumikit ka muna.. pagod ka na..." dahan-dahang nawalan ng malay si Thea gaya ng utos ni Cesia.
My eyes widened when I saw two knives stuck on her skin. Yung isa nasa kaliwang braso niya. Yung isa naman nasa balikat niya...
Hindi niya nasalo ang ipinadala ni Medea...
Binitawan ko kaagad ang blade sa kamay ko. "Cesia.." lumapit ako sa kanya.
Nginitian niya lang ako saka umiling. Napapikit siya nang kinuha ang dalawang blades mula sa katawan niya... gamit ang dumudugong kamay niya na dulot ng apoy ni Thea.
"What the fuck." puna ni Dio kaya siniko ko siya.
"What the fuck nga tol..." bulong ni Chase.
Tinignan ni Cesia ang mga sugat sa katawan niya. She took a step back. "Gusto ko ng u-umuwi.."
She might be the kind of woman who would pull weapons stuck on her body.. pero siya pa rin ang babaeng kilala namin. Ang babaeng madaling masaktan at mapagod.
She's the strongest... and the weakest.
"Alphas.." tinignan niya kami. "lumayo kayo."
I got confused for a second.. not until narinig ko ang pagbasag ng vial na may lamang potion sa harap ni Medea.
Tinakpan ko ang ilong ko at lumayo sa sorceress.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top