Fallen
(A/N: Media is very important when reading these kinds of chap.)
Cesia's POV
"You think you can control me?!"
Nakatanggap ako ng napakasakit na sampal mula kay Eris dahilan na matumba ako.
Hinipo ko ang kanang pisngi ko. Naramdaman ko ang hapdi na naidulot ng kanyang kamay.
"I will kill you.. and then I will get out of here." galit niyang sambit.
Mabilis na bumaba ang temperatura sa paligid namin.
Nasaan nga ba kami?
Wala kami sa Tartarus. Nasa trance kami. Trance na ginawa ko para lang sa kanya at ginamit ko ang visions ko sa Underworld para magawa ang trance na ito. Kung ano ang nakita ko sa Underworld yun rin ang nandito.
"You heard me demigod?!" hinawakan ni Eris ang leeg ko at inangat ako.
Tinignan niya ako na nanlilisik ang mga mata. "I will kill you and I will get out of here." pag-uulit niya.
Bahagyang nakasara ang aking mga mata dahil wala na akong lakas para harapin siya.
Nanlaki ang mga mata niya bago ako itapon. Tumama ang likod ko sa bato bago bumagsak na naman.
"You.. you're not making this trance out of your own life force are you?" tinignan niya ako. "you are not that stupid."
Napangiti nalang ako nang makita ang reaksyon niya pagkatapos mapagtantong yun nga ang ginagawa ko.
Sumigaw siya saka tinignan ako, hindi naniniwala na totoo ang nangyayari sa kanya ngayon. "You will erase your entire existence just to trap me in this-"
Humalakhak siya ng todo. Tila magnet ang kamay niya. Before I know it, nakahawak na naman siya sa leeg ko. Napalunok ako dahil sigurado akong nasa ilalim na ng balat ko ang mga kuko niya.
Alam ko ring konting effort nalang at matatanggal na niya ang ulo ko mula sa katawan ko.
"BREAK THIS TRANCE NOW!" nakakabingi niyang utos.
"You don't know what's happening in your realm?" tanong niya.
Hmm.
Ilang beses na niya akong hinahagis kung saan-saan.
Nakakagulat nga kasi buhay pa ako.
"Someone's getting mad. Don't you feel it? The radiating power of a demigod that can summon the darkness... he's looking for you." naglakad siya sa harap ko.
Pumasok sa isipan ko ang demigod na kilala kong may malakas na kapangyarihan kagaya ng sinabi niya.
"T-trev.." hanggang bulong lang sa pangalan niya ang nakaya ko.
Kanina ko pa siya tinatawag pero hanggang ngayon, wala pa rin siya.
Kailan niya ako mahahanap dito?
"He can't find you." aniya.
Napaisip ako kung bakit mas masakit marinig ang sinabi niya kesa ang mabihag sa trance na'to kasama ang goddess of discord.
Tumayo ako.
Nagbabantang bumagsak ang katawan ko pero pinagsikapan kong makatayo.
"Stubborn girl. Just like your father."
Napatigil ako.
Kilala niya yung papa ko?
"Wanna know a secret Cesia?" lumapit siya sa'kin.
Tinapat niya ang kanyang bibig sa tenga ko. "I killed your father."
Napaatras ako.
Agad nag-iba ang kapaligiran.
Nasa harap ko ang isang lalaki na tumatakbo. May humahabol sa kanya.
May dala siyang bata... at nakilala ko agad kung sino ang batang 'yon dahil sa kulay ng mga mata niya.
"Konti nalang anak.. makakabalik na tayo." bulong niya sa bata bago lumiko sa ibang direksyon.
"Get that child!" sigaw ni Eris mula sa di kalayuan.
Hanggang sa tumigil ang lalaki sa harap ng isang sasakyan. Bumukas ang pinto at nakita ko si auntie.
"G-Gabriel.." nag-aalanganin siyang tanggapin yung bata.
"Sige na. Umalis na kayo." marahas niyang sinara ang pinto ng kotse.
"B-babalik ka?" mangiyak-ngiyak na tanong ni auntie.
Tinignan muna ng lalaki ang sanggol na bitbit na ngayon ni auntie.
Umandar na ang kotse at nagsimula ng tumakbo papalayo sa lugar.
"GABRIEL!"
Nagbuntong-hininga lang siya pagkatapos marinig kung paano isinigaw ni auntie ang pangalan niya.
Mayamaya, napalitan ng matinding takot ang dinaramdam ko pagkatapos marinig ang boses niya.
"Gabriel."
Nilingon ko ang goddess. Sa likod niya lumulutang ang tatlo pang mga nilalang na may maiitim ring pakpak kagaya niya.
Nagtaka ako kung bakit biglang bumaba ang temperatura kaya napatingin ulit ako sa ama ko.
"Huwag niyong isali sa plano niyo ang anak ko Eris." hindi ko alam kung nagmamakaawa ba siya. Pero nakikita ko kasi ang matinding takot at pagod sa mga mata niya.
"She is just a mere mortal.. and you're making it harder for us to kill her." umiling si Eris.
Inutusan niya ang kanyang mga kasama na umatake. Akala ko yun na ang katapusan ng lahat. Laking gulat ko nang itinaas ni papa ang kamay niya.
Tumigil sa paglipad ang mga kalaban at hindi sila gumalaw.
"Natalo na kayo noon." narinig kong bulong niya.
Narinig ko ang hiyaw ng mga kalaban. Minamasdan ko ng mabuti kung ano ang nangyayari sa kanila.
Dahan-dahang bumaluktot ang kanilang mga pakpak. Lumabas rin mula sa katawan nila ang iilang mga sugat.
May naalala ako...
Biglang bumaba ang temperatura kaya bumalik ang atensyon ko kay papa.
Napasinghap ako.
Nasa likod niya si Eris at tumagos sa dibdib ni papa ang espada na hawak-hawak niya.
Bago pa siya mawalan ng buhay, dumako ang mga mata niya sa'kin.
"B-bakit mo ginawa 'yon?" nanghihina kong tanong.
Napaluhod ako.
Hindi ko basta-bastang nakikita ang pagkamatay ng ama ko.
At dito pa.
Kasama na mismo ang pumatay sa kanya.
"You see child, a titaness made a mistake of breaking the rules. Which resulted to a chain of unfortunate events. We were tasked to kill every offspring of that mistake." naramdaman ko ang daliri niya na gumapang sa balikat ko.
"Certainly, that titaness was selfish. She didn't want us to undo her mistake. Instead, she took matters on her own and messed with destiny." dagdag niya.
Titaness...
"Because she is still out hiding since years ago, no one have heard her prophecy.. but maybe I'd give you a favor and share it to you before you die." this time, pinaglalaruan na naman niya ang buhok ko.
"The first cry of the defeated shall be heard when the sight returns to its true color. Only those with the will of their deities can seek for the ultimate power hidden deep within and end everything from when it truly began-"
Nanlaki ang mga mata ko.
Tinignan ko ang aking mga kamay na may dugo.
Pati tuhod ko natakpan rin ng dugo...
at ang binti ko...
Panghuli kong tinignan espada na lumabas mula sa dibdib ko.
"A revolution to prove the strength of humanity and that strength will be the end to the chthonic age."
Isang luha ang tumulo mula sa mata ko.
Sana mapapatawad nila ako...
"The strength..."
Unti-unting humihina ang boses ni Eris.
"The ends..."
Hindi ko na naririnig ang sariling tibok ng puso ko dahil inubos ko na lahat na meron ako... inubos ko na para hindi siya makalabas mula dito.
"the Omegas."
Hindi niya ako nahanap.
Hindi na niya ako makikita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top