Departure
Cesia's POV
Umuwi ako bitbit ang tatlong shopping bags. Nasa loob ng isang bag si Galatea. Rinig na rinig ko ang paghihilik niya kaya napangiti ako.
Napagod ata.
Dalawang oras na naming hinintay si Ria pero mukhang di na matutuloy yung spa namin.
Baka may nangyaring unexpected na meeting. Palagi naman siyang pinapatawag eh.
Napatigil ako dahil narinig ko ang pagtunog ng tiyan ko.
Aish.
Nagmadali akong naglakad papunta sa dorm.
Pagpasok ko, wala akong nakitang tao kaya dumiretso ako sa kwarto. Dahan dahan kong pinatong si Galatea sa unan ko.
Nilabas ko yung mini wardrobe niya. Inassemble ko muna ito bago lagyan ng mga damit niya.
Ang cute tignan.
Binilhan ko siya ng maliit na cabinet para sa mga damit niya. Nag pa custom made rin ako ng maliit na bahay para sa kanya kaso next week pa raw madedeliver eh.
Nalibang naman ako sa ginawa namin. Sure rin ako pati si Galatea nag enjoy. Paano ba kasi, siya yung pinapili ko sa hitsura ng bahay. Maliit na suburban home yung pinili niya.
Nagbihis ako ng pambahay saka lumabas. Kumuha ako ng left overs at kinain ito. Hinugasan ko muna yung pinagkainan ko bago bumalik sa kwarto.
Naglagay ako ng ilang damit ni Galatea sa isang box.
Kinuha ko yung backpack ko at nilagyan rin ito ng sarili kong damit bago ilagay ang kahon na naglalaman sa mga gamit ni Galatea.
3 am nga pala ako aalis... Dapat akong makatulog ng maaga.
Inayos ko ang higaan at napagdesisyunang umidlip na para sa maagang departure bukas.
•••
Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko bago tuluyang bumangon. Nakaupo ako sa higaan nang makita si Galatea na nasa harap ng salamin at may suot na dress.
Humikab ako at napangiti.
Tinignan ko ang orasan at nakitang 2:30 pa.
Tumayo na ako at naligo. Lumabas ako ng banyo na nakabihis na at may tuwalya pa na nakapatong sa ulo ko.
Kinuha ko ang binili kong relo sa mall. May enchantment na ito kaya kahit nasa labas ako ng barrier, alam ko pa rin kung anong oras na.
Pumunta ako sa kusina para kumain ng kahit sandwich man lang para di ako magugutom papunta doon. Kumuha ako ng slice bread at mayonnaise.
"Daughter of Aphrodite."
Nagsimula na akong kumain nang muntik na akong mabulunan dahil sa gulat.
"N-nagising ba kita?" tanong ko sa kanya na tila multong kung saan-saan nalang sumusulpot.
Umiling siya.
Gulong-gulo yung buhok niya kaya napagtanto kong bagong gising pa siya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Where are you going?" binuksan niya ang ref at kumuha ng juice. Nilapag niya sa mesa ang baso niya saka nilagyan ito.
"Sa mortal realms." sagot ko dahilan na maptigil siya.
"With?" siningkit niya ang mga mata niya.
"G-galatea.." teka. Bakit pakiramdam ko may kasalanan ako dito.
"You know you can't do that." puna niya bago ibinalik ang juice sa ref. Kumuha siya ng slice bread at nilagyan ito ng mayonnaise.
"P-pero ngayon lang at bukas ang ibinigay ng principal sa'kin. Sinubukan ko ngang magpasama kaso.. busy raw kayo..." napalunok ako.
Naramdaman ko kasi na galit siya sa'kin. Napapikit ako nang binuksan niya yung bibig niya para magsalita. Akala ko sisigawan niya ako.
Sa laking gulat ko, kalmado lang siya.
"You haven't asked me."
"P-pero may meeting kayo sa Beta-"
"I'm going with you." aniya at padabog na naglakad patungo sa kwarto niya.
"Trev!" tinawag ko siya kaso sinara na niya ang pinto.
Napailing nalang ako saka tinapos ang sandwich. Bumalik ako sa kwarto para kunin ang mga gamit ko. Pumatong si Galatea sa balikat ko na nakangiti.
"I'm excited to wear my clothes!" sabik niyang sabi.
Napangiti rin ako. "Halata naman..."
Lumabas na ako ng kwarto. Tumigil ako sa harap ng kwarto niya. Hindi pa siya lumalabas. Hihintayin ko ba siya?
"It's 3 now.. may hinihintay ba tayo?" tanong ni Galatea kaya umiling ako.
Lumabas ako ng dorm.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Trev na nakabihis na at dala ang isang bag.
Binigyan niya ako ng nakakamatay na tingin. "Tsk." at unang naglakad.
Kinurap-kurap ko ang mga mata ko saka tumakbo papunta sa kanya.
Tahimik lang kami hanggang makasakay kami sa levitating platform. Sinalubong kami ng isang aurai.
Dapat nga yung aurai ang magd-drive sa'kin patungo sa mortal realms eh. Tas susunduin rin niya ako pagkatapos.
Pero mukhang may designated driver na ako.
Kinuha ni Trev ang susi sa kamay ng aurai dahilan na magulat yung aurai.
"U-umm.. may change of plans.. pakisabi nalang ng principal." nagbow ako. "T-thank you..." at nagmadaling sumakay sa platform kung saan naghihintay si Trev.
"Akala ko ba wala tayong kasama?" bulong ni Galatea nang bumaba na ang platform.
"Ewan ko..." yan lang ang tanging naisagot ko. Wala kasi sa plano na sasama siya. Hindi ko nga siya napagsabihan kasi sinabi sa'kin ni Chase tungkol sa meeting nila kasama ang Beta at Gamma.
Nang nakapatong na ang platform sa lupa, nakita ko ang isang sasakyan na nakapark sa harap namin.
Pumasok ako sa tabi ng driver's seat at nilagay ang bag ko sa likod. Gayundin ang ginawa ni Trev bago paandarin ang makina.
Bumaba si Galatea at humiga sa hita ko para matulog ulit. Napangiti ako nang makitang inayos pa niya ang dress niya bago pinikit ang mga mata niya.
Inangat ko ang ulo ko para makita si Trev na nakatingin kay Galatea.
"binilhan ko siya ng mga damit kahapon para sa lakad na'to." nginitian ko siya.
"She seemed happy.." sagot niya saka humarap.
Tumango ako. Bumaba ulit ang mga mata ko sa natutulog na Galatea.
Nasa malayo na kami nang makita ko ang Academy na lumulutang sa front mirror. Namangha ako kasi wala akong ideya na makakakita pala ako ng palasyo na lumilipad sa buong buhay ko. Parang kelan lang na una kong nakita ang Academy.. nasa lupa pa nga ito.
Yung gintong gate...
Yung napakahabang roadtrip para lang makarating dito...
Tinignan ko si Trev na nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.
Dalawang araw.
Dalawang araw ko siyang makakasama.
Di ko alam kung bakit pero napangiti ako sa thought na 'yun.
Masaya ata ako kasi may kasama ako. Nalungkot kasi ako nang sabihan ko si Ria. Siya pa naman ang huling niyaya ko.
Napansin ko ang maliliit na droplets ng ulan sa bintana ko kaya napangiti ako. Sumandal ako at dahan-dahang pinikit ang mga mata ko.
Nakatulog ako dahil sa tunog ng mahinang pag-ulan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top