Calm before the Storm

Cesia's POV

"Sa'n tayo pupunta?" tanong ko hawak-hawak ang dibdib ko. Nasa sasakyan kami at walang hangin na pumapasok sa sistema ko dala ng kaba.

Tinignan niya ang salamin sa harap kaya napatingin rin ako. Mula sa tatlo naging lima ang mga gigantes na humahabol sa'min ngayon. Nagawa pa talaga nilang mag recruit ng mga kapatid nila.

Napahiyaw ako nang bigla siyang lumiko dahilan na mapatapon ako. "Trev!"

Hindi niya ata ako narinig kasi nakatuon ang atensyon niya sa mga sumusunod sa'min.

"Tsk. car's useless." narinig kong bulong niya kaya napatingin ako sa kanya.

Dalawang demigods at limang gigantes. Wala akong naaalala sa Statistics and Probability namin noon pero alam kong mas malaki pa ang probability na hawak nila.

Mas malaki ang posibilidad na matatalo kami.

Tinigil niya ang sasakyan at tinignan ako. Napansin ko ang mga mata niyang nag-iba na pala ng kulay. Tuluyan na nga akong kinabahan sa maaaring mangyari sa'min.

"Do you remember the path to the camp?" tanong niya. Kumunot ang noo ko habang tinutukoy kung anong path ang ibig niya. Inilibot ko ang tingin ko at napagtantong pamilyar ang hitsura ng lugar.

Tumango ako.

Tama. Nandito ang dating camp ng mga huntres.

"Run without looking back." utos niya kaya't nanlaki ang mga mata ko. Napakasimple ng pagkasabi niya as if naman hindi ito malaking problema sa kanya. Nababaliw ba siya? Lalabanan niya ang mga gigantes ng mag-isa?

"Trev." aangal na sana ako kaso nakita ko kung paano mag-iba ulit ang kulay ng mga mata niya.

Gold pa rin pero unti-unti itong naging itim. Kasing itim ng mga mata ni Cal, sa pagkakatanda ko. Namangha ako kung paano nag iba ang hue ng mga mata niya. Maitim na ito pero kitang-kita pa rin ang nakatagong kulay ng ginto kahit walang liwanag na umaaninag sa mukha niya.

"I will meet you there, after..." lumingon siya sa mga gigantes na papalapit na sa'min. "I'm done with them."

Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Gamit ang ability ko, nakaya kong utusan siya. "Tatapusin mo sila at magkikita tayo."

Halatang nagulat siya pero madali ring bumalik ang dating ekspresyon niya. Somehow, naging malambot ito.

At dahil ngayon ko lang nakita siyang ganito, mas kinabahan ako.

"If I die-"

"Trev!"

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Anong klaseng demigod ba siya at nagawa pa niya akong tuksuhin sa mga panahong 'to!

"You don't know what I'm capable of daughter of Aphrodite." giit niya. Nag abot na naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. I don't know what he's capable of?

"I will live. You don't have to order me."

Yumanig ang lupa kaya dali-dali na akong lumabas ng sasakyan at sinunod ang sinabi niya. Papasok na sana ako sa daan papuntang camp nang isang gigantes ang nakakita sa'kin.

"Habulin nyo siya!" narinig kong sigaw niya.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko at gaya ng sinabi niya, hindi ako lumingon para makita ang nangyayari sa likod kaya tumakbo nalang ako.

Tumayo ang balahibo sa leeg ko dahil sa biglaang pagbaba ng temperatura. Isang segundo ang lumipas at narinig ko ang pagbagsak ng kidlat sa likuran ko.

"Try and lay a finger on her." narinig kong banta niya.

Kinilabutan ako sa boses niya. Para kasi itong sumama sa malakas na hangin na pumapalibot sa'min ngayon. At papalakas ito ng papalakas.

Atsaka.. ba't ang dali lang sa kanya na sabihin ang mga ganyan? Ganyan nalang ba talaga siya ka confident... o gagawin niya ang lahat para panindigan ang sinabi niya.

Napailing ako. Naniniwala akong susunod siya sa camp dahil 'yon ang sabi niya. Hindi ang mga gigantes ang tatapos sa kanya kundi ako kapag wala akong Trev na makikita mamaya.

•••

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko.

Kanina pa ako umiiyak dahil halos tatlong oras na akong naghihintay dito.

Natagpuan ko ang sarili ko na parang batang umiiyak dahil nag-iisa siya. Pinagsisihan ko na ang desisyon na iwanan siya laban ang limang gigantes.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad pabalik sa daan na dinaanan ko. Ako na mismo ang maghahanap sa kanya. Sana nga lang at maabutan ko pa siya...

Nakita ko ang lalaking hinihintay ko na naliligo sa sarili niyang dugo. Mahina ang bawat hakbang niya kasabay nito ang casual na pagpikit ng mga mata niya kaya napagtanto kong nasaktan siya ng sobra.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil nga buhay siya o malungkot dahil nadatnan kong ganito ang kondisyon niya.

Sinalubong ko siya saka inalalayan papunta sa isa sa benches ng dating camp.

Hindi siya umimik at nakapikit lang siya habang nakaupo. Ako naman, nakatulala sa hitsura niya. Naging pula ang suot niyang damit pati na ang ibang bahagi ng balat niya. Dumudugo rin ang noo niya.

Hindi ko na nakayanan at hinayaan ang ilang luha na kumawala.

Kumunot ang noo niya saka niya binuksan ang mga mata niya. Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin.

"Sa susunod... w-wag mo na akong iwan. Mamamatay na ata ako kakaisip kung anong nangyari sa'yo..." bumigat ang ulo ko kaya napayuko ako. "Ayoko ng mapag-isa..."

Lalo na kapag alam kong may tao na nagbubuwis ng buhay para sa'kin at wala akong magagawa. Hindi ko papatawarin ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

"Were you really crying?" tanong niya.

Humagulgol na ako ng iyak simula pagdating ko kaya alam kong napansin niya ang pamamaga ng mga mata ko.

"P-pagod ka ba?" hindi ako tanga para makita sa mga niya na pagod nga siya.

"Hmm.." tinanguan niya ako. Nagulat nalang ako nang maramdaman ang ulo niya na bumagsak sa balikat ko.

"I'm sorry if you had to see me like this." mahina niyang sabi. "I will be fine after my wounds are healed." nakapikit pa rin ang mga mata niya.

Napabuntong-hininga ako. Hindi niya alam na nasaktan ako sa sinabi niya. Nagsosorry siya pero alam kong ganyan ang sitwasyon niya ngayon dahil sa'kin. Mas sumama ang pakiramdam ko para sa sarili ko.

"Stop blaming yourself." naging seryoso ang tono niya. "I should be the one crying and not you."

Natawa ako ng mahina pagkatapos marinig ang sinabi niya.

Oo nga... siya tong naliligo sa dugo.. at hindi ako.

Bumaba ang mga mata ko sa lupa. Pumikit ako at ginamit ang ability ko para kunin ang ilang hinanakit na nararamdaman niya.

Hindi ko namalayan pero ako pala ang unang nakatulog sa'ming dalawa...

'ma...' nakita ko ang lalaki na nakaluhod sa harap ng isang duguan na babae.

'Sky...' bulong ng babae. 'tumakas na tayo..'

Lumabas ang isang lalaki na may dalang baril sa isang kamay niya. Bakit hindi ko siya nakita dati? Bakit ngayon ko lang 'to nakita...

'Ganyan ba talaga ang epekto kapag nawalan ng dalawang anak?' natatawang tanong ng lalaki habang kinakaway ang nasa kamay niya.

Lumapit ang lalaki sa mag-ina. 'Hindi sana ito ang kahahantungan mo at ng anak mo kung binayaran mo lang ang utang mo sa'kin...' nakita ko kung paano niya tignan ang babae mula ulo hanggang paa. Tumigil pa nga ang mga mata niya sa napunit na bahagi ng damit niya.

Pinaatras ng lalaki ang ina niya saka tumayo sa gitna ng dalawa. 'Try and lay a finger on her.'

Nag-iba na naman ang panaginip ko pero nandoon pa rin ang mag-ina. This time, nakasandal na sila sa puno. Napasinghap ako nang makita ang kinahinatnan ng dalawa na naliligo rin sa sarili nilang dugo.

'pagod ka ba?' bulong ng babae.

Nasa balikat rin ng babae ang ulo ni Trev. Kinuha niya ang kamay ng mama niya at hinalikan ito.

'We haven't escaped yet..' sagot niya na humihingal.

'Sky...' nakita ko ang malungkot na ngiti ng babae. Nang marinig niya 'yon, binuksan niya ang mga mata niya. Hindi ko alam pero hindi niya kayang i-angat ang ulo niya para tignan ang mama niya.

Dahan-dahang tumulo ang dugo mula sa bibig ng babae.

'Sky... pagod na ako...' bulong niya.

Hindi nag-iba ang reaksyon niya pero nakatakas ang isang luha dahilan na mapapikit siya.

Napaatras ako nang makita ang babae na tumigil na sa paghinga. Umiiyak na naman ako pati dito sa panaginip ko.

Nakita ko ang pagbuntong-hininga ni Trev bago umayos ng upo. Tumayo siya at pinagpag ang damit niya. Lumuhod siya saglit para halikan sa noo ang babae.

'Rest well...' hinawi niya ang buhok ng kanyang ina saka tumayo.

Narinig kong may tunog na nagmula sa likod ko kaya napatingin siya sa direksyon ko.

Napalunok ako.

Ang mga mata niya... kasingkulay ng nakita ko kanina lang.

Alam kong descendant ng dalawang Gods si Trev pero hindi ko alam na magiging dalawa rin ang kulay ng mga mata niya.

'Ah... andito lang pala kayo...' sambit ng lalaki nang makita ang dalawa. Kasama niya ang mga guwardiya niya.

Kanina ko pa sila sinisigawan sa utak ko na umalis na sila. Ako na yung natatakot para sa kanila.

Inangat ni Trev ang ulo niya at nakita kong wala na ang dating Sky. Nakita ko na nag-iba ang hangin na nakapaligid sa kanya. Napansin namin lahat 'yon at naramdaman ko ang takot na namuo sa mukha ng mga lalaki na kaharap niya.

Ibang tao na ang nakatayo sa harap namin ngayon.

Walang bakas ng emosyon...

Tahimik...

Tingin lang niya ang kinailangan para masabing tatapusin na niya lahat.

Naalala ko ang sinabi sa'kin ni Ria nang nasa mall kami. "Trev can be silent at some situations. That's when you have to run.... because that's when he gets very dangerous."

"Like the calm before the storm." dugtong pa nga ni Kara.

The calm before the storm...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top