Blue-Eyed Divine
Dio's POV
I smiled as I opened the styrofoam. May laman itong steak na paborito ni Kara. I'm gonna preserve this. Hanggang kakailanganin ko ang atensyon niya... eto lang pala ang solusyon para lumapit siya sa'kin.
And the fact that... for the first time, I finally heard her speak Tagalog.
Seriously.
Englishera kasi ang anak ni Athena na'yon. At steak lang pala sa camp ang makakapagtagalog sa kanya.
"What's that?"
dali-dali kong sinara ang styrofoam at binalik ito sa bag ko nang biglang lumapit si Seht.
"Nothing." I shrugged.
Buti naman at tumango lang siya and proceeded to mind his own business. I sighed before sitting beside him. Second batch kami ni Sebastian.
Ang natira nalang ay sina Thea, Cesia at Trev.
Nagpupumilit pa nga si Thea na sumama sa first batch pero hindi natulou dahil kasama namin ngayon ang dalawang leaders ng Gamma. The four of us in one ride is already enough to manage a whole boat.
"Who's driving?" tanong ko sa katabi ko.
"A Gamma." sagot niya.
I nodded and leaned my head. Pinikit ko ang mga mata ko. Ang dami nang nangyari simula nung naglabas si Rhea ng mga propesiya. Nagkakagulo na lahat ng realms.
Agad kong dinilat ang mga mata ko nang may maalala ako. "May alam ka na ba sa second prophecy?"
"Cesia said.. si Galatea nalang daw yung bahala." he answered.
Kumunot ang noo ko. "Galatea?"
"Naalala mo pa ba? Her little walking statue given by her mother?" he made a walking gesture with two of his fingers na tila naglalakad ang mga daliri niya sa hangin.
Right.
Si Galatea pala ay yung mini version ng original na Galatea. Muntik ko na siyang makalimutan dahil minsan ko lang siyang nakikita. Nasa kwarto kasi siya palaging naka standby mode. Specifically sa kwarto ni Cesia.
"Eh yung training niyo ni Thea?" I asked.
Required sila na mag training during their free time. As fast as possible dahil alanganin na kapag beginners palang sila sa pakikipaglaban. They should atleast be advanced.
"We're doing fine... but.." sumingkit ang mga mata niya. "she's becoming more tougher than I thought."
"Nasa stage pa ng transformation si Thea. Lalo na't ang bilis mangyari ng supreme divination niya. Bear with it." tinapik ko ang balikat niya.
"Can I ask something?" kapansin-pansin ang pagiging curious niya kaya wala na akong magawa kundi tumango.
"When did your supreme divination happen? How?" sa totoo lang, hindi ako nagulat sa tanong niya.
I inhaled deeply before spitting out the whole story.
"A-anong ginagawa mo?!" hinigpitan ko ang paghawak sa hanging bridge.
Papalapit na ng papalapit ang malaking nilalang na kanina pa kami hinahabol. I was not oriented na ganito pala ang kahahantungan ng unang misyon ko! Why the hell did those guys leave us?!
"You're a son of Poseidon! Why the hell are you scared?!" sigaw niya sa kabilang dulo ng bridge.
"I... I don't know how to control a whole river!" I shouted back.
She's trying to cut the rope with her dagger. She then gave me a worried look bago ako tinanguan. "Then run!"
"P-pero paano ka?!" napuno ng kung anu-ano ang utak ko. Wala akong alam sa gagawin ko. This is the first time I encountered a monster. Malay ko ba manginginig pala ako?!
"I can swim! Just run!"
Napalunok ako nang dahan-dahan niyang tinatanggal ang mga tali na nakakonekta ng tulay sa lupa.
Suddenly, the Earth started shaking. The creature is slowly gaining speed. My eyes shifted to the girl and her dagger. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa papalapit na cyclops.
"Alam mo naman siguro kung ano ang impact mo sa tubig kung ganito ang distansya diba?!" sigaw ko.
Kapag mahuhulog siya, para na rin siyang bumagsak sa semento kung ganito ang layo niya mula sa tubig.
Pinadala kami dito sa mountain lair ng mga cyclops. Nagagambala kasi ang bayan na katabi ng bundok na'to. Turns out, yung entrance ng lair nila ay isang tulay na nakakonekta sa mortal realm at mythological realm.
Tumigil siya at lumingon sa direksyon ko.
Nakita ko ang cyclops kaya agad akong tumakbo pabalik sa kanya.
"Just leave!" sinenyasan niya ako na dumiretso at iwanan siya.
"Are you fucking kidding me?!" galit kong tanong sa kanya.
Ano bang meron at bakit mas pipiliin niyang mapag-isa. Kahit alam niyang mamamatay na siya.
"Demigods!" sigaw ng cyclops.
Kinuha ko ang kamay niya at hinila siya para maiwasan ang kamay ng higante. Nagsimula na kaming tumakbo nang nahila siya ng nilalang.
Pinulot ko ang dagger na naiwan ni Kara saka hinagis ito sa mata ng cyclops.
Bullseye nga. Pero alam kong nagkataon lang 'yon dahil weakness ko ang aiming.
Nabitawan siya ng higamte saka siya dumiretso sa'kin.
"The monster can't destroy the bridge. It's the only thing that connects their lair with the mortal realm." umatras siya pero nakaharap pa rin sa cyclops na umiiyak sa sakit.
"We should go." aya ko sa kanya.
"No." she insisted na siyang ipinagtataka ko. "Not one must cross the bridge."
"Then tatanggalin natin ito sa kabilang dulo." I paced back and forth dahil sa gumagalaw na tulay.
"Did you see how I struggled with the ropes earlier?! Do you think we still have time?" galit siya... sa'kin.
Umiling ako at lumapit sa kanya. Preparing for my fighting stance habang sinusubukang magbalanse amidst the crazy movements.
I heard her sigh pero alam kong alam niyang wala na siyang magagawa para paalisin ako dito.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tali na tinatanggal ng nilalang.
"Run!" she pushed me backwards kaya napatakbo rin ako.
We almost got it to the other side.
Almost.
Sunod kong nakita ang papalapit na tubig. Habang bumabagsak, bumibigat rin yung katawan ko.
I feel like giving up.
My chest heaved when I made contact with the water. Nang dahil sa impact, hindi ako makahinga. Sinusubukan kong huminga pero tubig lang ang meron. Tubig lang ang giniginhawa ko.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Binuksan ko ang mga mata ko enough for me to see her closing her eyes.
Is...
is she giving up too?
bakit...
bakit madali lang sa kanya ang sumuko?
Siya ang pinakamatapang na mandirigma at demigod na kilala ko...
bakit...
No. This is not happening.
Tinignan ko ang mga kamay ko.
Hindi dapat ganito ang katapusan namin.
I felt my lungs contracting but I'm not breathing. Pero yung kakaiba lang talaga... ay ang tubig... masakit ang pagtanggap ng tubig sa ilog sa'kin pero habang nasa ilalim ako, nararamdaman ko ang totoong kapangyarihan ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay nito ang mabilis na pag galaw ko sa tubig.
Tinignan ko ang babaeng nakapikit at dahan-dahang lumubog.
I'm not letting her die without fighting. I thought kaya't hindi ako nagdalawang isip na sagipin siya.
Madali sa'kin ang lumangoy dahil gingamit ko lang ang abilities ko para makagalaw dito sa ilalim.
Napalibutan ng pulang liquido ang paa niya at dun ko na nakita ang sugat niya nung nahila siya.
My insides started swirling and so is the water below me. I commanded the water to give us a jump start.
I landed on the other side bitbit siya.
"Tsk." I stood up.
"D-dio?" tumakbo sila papunta sa'min.
Tinignan ko ang sinasabing lair ng mga cyclops. I stomped my feet once... and for the first time, I finally created an earthquake.
Pero hindi pa yun sapat sa galit na nararamdaman ko ngayon kaya't tinaas ko ang dalawang kamay ko at kinontrol ang lahat ng tubig mula sa ilog hanggang sa ilalim ng lair nila.
I manipulated the waters... slowly drowning the whole mountain hanggang maging isla ito.
Releasing all of me... and my abilities.. my energy... my golden blood.
That is what you get.
"And I swore that day..." tinignan ko si Seht na maiging nakikinig sa'kin.
"You swore what?" naiintriga niyang tanong.
"I will turn mountains into islands if she gives up again." namuo ang isang ngiti sa labi ko.
Ganyan siya kahalaga... para sa'kin.
"What was her name?"
"Kamille..."
"Kamille Raina."
I smiled when I saw the confused look in his face. Wala talaga siyang ideya na kilala niya ang tinutukoy kong babae.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top