Bloodline
Thea's POV
"Sorry talaga Cesia!!!" ang lumabas sa bibig ko nang makita si Doc Liv na ginagamot ang palad ni Cesia.
Nakauwi na kami sa Academy... syempre, dinala narin namin si Medea na nasa kulungan sa ngayon.
"Thea? Halika, lagyan natin ng eyedrops ang mga mata mo. It's still reddish." ani Doc pagkatapos gamutin ang mga sugat ni Cesia.
Nangangati pa rin yung mga mata ko saka kusa nalang akong naiiyak. Di pa kasi nawala ang potion ni Medea sa mata at ilong ko.
Hoo. Grabe. Grabe yung epek ng potion ng soreress na'yon.
Pinatakan ni Doc ng dalawang eyedrops ang mga mata ko. Medyo mahapdi pero mas mahapdi talaga nung first time akong pinatakan ng eyedrops.
Parang binuhusan ng acido ang mga mata ko.
"Your eyes should recover after an hour because of your fast healing. Just don't irritate it." payo sa'kin ni Doc kaya tumango ako.
Lumapit ako kay Cesia na nakanguso. Nginitian niya lang ako saka binigyan ng thumbs up.
"Sorry..." siniko ko siya kaya napangiwi siya. "A-ayy.. masakit pa ba yung katawan mo?" tanong ko na tinanguan niya.
"Una na ako sa dorm ha? Magpapahinga muna ako." paalam niya. Inaya niya rin akong sumabay pero sinabi kong may kukunin pa ako.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas na siya ng tuluyan sa clinic. Hinanap ko si Doc at nakitang busy pa siya kasama ang dalawa pang aurai.
Dali-dali akong pumasok sa office ni Doc.
Sinigurado ko munang walang nakakita sa'kin bago isarado ang pinto.
Ang daming lockers. Nandito kasi lahat ng medical files ng mga estudyante.
Binuksan ko ang locker na may 'Alphas' na nakalagay. Sampung folders lang ang nandoon. Agad kong kinuha ang folder na may pangalan ni Cesia.
Dahan-dahan akong lumabas pagkatapos masarado ang pinto, at nagmamadaling naglakad palabas ng clinic dala ang nakuhang folder.
"Phew." pinagpawisan ako habang naglalakad sa corridors.
Pumasok ako sa mechanical room ng Academy at doon inilapag ang folder.
"Abigail Young..." binasa ko ang nakasulat sa pinakamataas na bahagi ng first page. Sa tabi nito, may ID picture ni Cesia. Sinundan ito ng age, date of birth, place of birth...
Tinignan ko ang sunod na pahina at nakita na puno ito ng impormasyon tungkol sa dugo niya.
'Mortality: 40%'
Binasa ko ang binilugan ni Doc gamit ang red ballpen.. 'Immortality: 60%'
Kumunot ang noo ko. Eh diba pag demigod ka, dapat 50% yung immortality at mortality mo?
Wait.. so MAS IMMORTAL PA SI CESIA KUMPARA NAMING MGA NORMAL NA DEMIGODS.
"Wadapak." bulong ko.
Ichor: Αφροδιτη
Ito ang nakalagay sa baba ng statue ni Aphrodite kaya alam kong 'Aphrodite' ang pagbasa nito.
'Related Mortals:
Maria Annais Holgano/Young - Unbiological Aunt (chosen pillar)
Gabriel Young - Biological Father
_______ Young - Biological Grandfather
_______ Young - Biological Grandmother'
Binasa ko ang note na si Doc mismo ang nagsulat sa ibaba ng bondpaper.
'History can only be traced until the biological parents. Need more info'
Sunod kong sinuri ang last page na puno na ng handwriting ni Doc.
'Shows physical transition even after claiming.'
'Power Limit occured several times.'
'Abilities show fast exhaustion.'
'Immortality is high but immunity to pain is low.'
Tumatango-tango ako habang binabasa ito. Pero napatigil ako nang mabasa ang pinakahuling note na sinulat ni Doc.
'Ichor cannot be examined THOROUGHLY. Unique Ichor.'
Omayghad. Pati si Doc konti lang ang alam tungkol kay Cesia. Tangina. Eh paano ako makakahanap ng impormasyon tungkol sa history ng babaeng 'yan?!
"Hmm... Ang weirdo naman siguro ng demigod na 'yan.. Akalain mo? Di nila matrace ang dugong ginto niya?" biglang sumulpot si Bo sa tabi ko.
Sinarado ko ang folder at tinago ito sa likod ko.
"Wag kang mag-alala. Di naman ako chismoso. Kung anong nakita at nabasa ko, sa'kin lang." sumandal si Bo sa generator habang kumakain ng footlong.
"Gusto mo?" alok niya.
Umiling ako.
•••
Lumabas ako ng clinic pagkatapos magpa 'check-up'. Kahit hindi naman talaga. Bumalik lang ako para isauli yung file na kinuha ko.
Dapat hindi mapansin ni Doc na nawawala ang isang file ng Alphas. Mahirap na. Baka isumbong sa mga nakatataas.
Pumasok ako sa dorm at saktong nakita si Kara, mag-isa na nakaupo sa counter. Umiinom siya ng kape at nakatingin lang sa malayo.
Umupo ako sa harap niya kaya nabaling ang atensyon niya sa'kin.
"Hindi totoong auntie ni Cesia yung auntie niya... biologically, kasi pillar lang siya... Immortality niya is 60% at ang daming flaws niya as a demigod. Madaling ma exhaust ang abilities niya kaya madalas siyang nag po-power limit... Tas yung katawan niya ay mabagal magtransition. Ibig sabihin... hanggang ngayon, nagbabago pa rin ang katawan niya." huminga ako ng malalim. Muntik na akong maubusan ng laway sa ginawa ko. Tinitigan lang ako ni Kara ng ilang segundo bago magsalita.
"is that all?" tanong niya.
"Tatay niya ay si Gabriel Young.. at.." napalunok ako.
"and?" tinaasan niya ako ng kilay.
"May unique ichor daw si Cesia kaya posibleng may halo pa itong ichor ng ibang deity aside kay Aphrodite." pagtatapos ko.
"and you got this information just.. now?" inilapag ni Kara ang tasa sa mesa.
Tumango ako.
"Impressive." puna niya habang nakatingin parin sa'kin.
"We can only trace that other deity through her father as what I have told you. Gabriel Young? It's time to do some research about him." sabi niya saka tumayo. "Bo asked for your presence earlier. You must go." pagbibigay-alam niya sa'kin.
Nanlaki ang mga mata ko. Oo nga pala! ngayon na yung pagpapalit namin ng screws sa base ng mga pakpak!
Hindi na ako nag aksaya ng segundo saka tumakbo papunta sa tambayan ko.
Naabutan ko si Bo na umiinom ng alak habang ina-arrange ang screws from biggest to smallest. Napangiti ako dahil alam kong nabored siguro siya kakahintay sa'kin.
"Sorry... busy kasi ako.." lumapit ako sa kanya.
"Sino na namang nagpapabusy sa'yo? Si Seht na naman ba?" amoy alak ang hininga niya.
"Hindi." natatawa kong sagot. "Tara na nga." kinuha ko ang nakalagay sa mesa. Nakita ko kung paano siya nainis nang masira ko ang pinaghirapang arrangement niya.
Napagdesisyunan naming linisin ang buong machine pagkatapos palitan ito ng bagong screws.
"Ang bigaaat!" napaupo ako sa sahig dulot ng pagod.
Kinailangan pa kasi naming buhatin yung ano ba yon... ewan. Para mapalitan yung screws na nasa ilalim.
Hoooooooo!
"Oy... andito na yung amo mo..." tinuro niya si Seht na nakahalukipkip at nakasandal sa pinto.
Kinuwento ko kay Bo kung paano ako nagmukhang yaya ni Seht sa tuwing bumibili siya ng mga collectives ng kinaaadikan niyang mga pagong kaya yaya ang tawag niya sa'kin minsan.
Tumayo ako at pinagpag ang jeans ko. "Una na'ko Bo." tinapik ko ang balikat ng satyr bago pinuntahan si Seht.
Napaisip tuloy ako..
Bahala nang magmukha akong yaya. Basta't nakikita ko lang si Seht na masaya..
Nginitian ko siya.
"Hey pretty face." bati niya sa'kin kaya binigyan ko siya ng mahinang tampal sa balikat.
"Gago." sinubukan kong itago ang ngiti ko.
Nakakapanibago.. sa tuwing tinatawag niya akong maganda...
Dahil alam kong hindi ako maganda...
Yinutukso nga ako palagi sa mortal realms.. minamaliit.. ako rin ang biktima palagi ng bullying sa eskwelahan namin. Naaawa nga ako sa sarili ko noon.
Pero ngayon, pakiramdam ko ang ganda ko dahil walang araw na hindi niya ako sinasabihan na maganda ako.
Ayon rin sa kanya, wala na daw akong dapat baguhin sa anyo ko.
At yun lang ang mahalaga para sa'kin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top