Aunt

Cesia's POV

"Medea." tinawag ko ang babaeng nakamukmok sa isang sulok ng silid.

Ito ba ang totoong anyo niya?

Unang tingin lang sa kanya at magtataka ka na kung bakit nakakulong siya. Walang nakapagsabi sa'kin na maganda pala siya.. kapag naka ganyan nga lang.

Para siyang teenager sa mortal realms.

Wala akong natamong sagot mula sa kanya. Humakbang ako papalapit para maaninag ang mukha niya.

Tama nga ako. Maganda siya.

Nagbuntong-hininga ako saka sinandal ang noo ko sa barrier. Paano ko ba siya makakausap?

Pagkaraan ng ilang segundo, inangat ko ang ulo ko. Pagdilat ng mga mata ko, nasa dating park na kami. Ang lugar kung saan ako nagtatambay pag gusto kong lumayo sa mundo.

Nakita ko siya na nakaupo sa bench. Hindi na siya nakayuko... sinenyasan pa nga niya akong umupo sa tabi niya kaya sumunod rin ako.

"you almost killed yourself." sinira niya ang katahimikan. Napangiti ako at tumango.

"the potion you broke... contains herbs from the underworld.." tinignan niya ako. "pero binasag mo pa rin ito sa harap mo.. just to save your friends?"

Huminga ako ng malalim. "pamilya ko na sila ngayon." nanatili pa rin ang ngiti sa mukha ko. Wala lang.

Gusto ko lang yung pakiramdam na nakakausap ko ang noo'y kalaban namin. As if walang nangyaring alitan sa pagitan namin...

we're talking.. like we're friends.

"Bakit? May problema ka ba dun?" tinitigan niya parin ako na tila hindi naniniwala sa sinabi ko.

Bumaba ang mga mata niya sa kamay ko. Kinuha niya ito. Tinrace niya ang mga linya sa palad ko.

"your biological family... where are they?" tanong niya.

"Yung kapatid ng papa ko na nagpalaki sa'kin.. wala na... tas yung papa ko naman-" hindi niya ako pinatapos.

"false." sabi niya na siyang ipinagtaka ko.

"ang alin?" kumunot ang noo ko.

"you only have one branch here..." may tinuro siya sa palad ko. "ibig sabihin niyan.. isang mortal lang ang related sa'yo.. and that's your father." pagbibigay-alam niya.

This time, ako na naman ang hindi naniniwala sa sinabi niya.

"imposible-" puna ko.

"how are you sure then that you're related with that mortal?" nakataas ang isang kilay niya.

"siya ang nagpalaki sa'kin." sagot ko.

"He or she's only your pillar. And that's what pillars do. Responsibilidad nilang palakihin at alagaan ang mga anak ng deities until they die. Most of the time, they die protecting the demigods." sinusuri niya pa rin ang palad ko habang nagsasalita.

Pero yun yung sabi niya... na kilala niya ang papa ko... na minahal niya ang papa ko...

Napatigil ako.

Minahal niya ang papa ko...

pero wala siyang sinabi na magkapatid sila.

Naguguluhan na ako. "paano ba nagiging pillar ang isang mortal?"

"Well, when a demigod is born, automatically their mortal parent becomes the pillar. In other cases, kapag may nangyari sa mortal parent, namimili ng pillar ang deity. It could be the mortal's family member.. childhood friend.. anyone that's close to them." she answered.

Bumalik ang mga ala-ala ko kasama si auntie. Sa mga taon na kasama ko siya sa mortal realms.

Tinatawag ko siyang 'auntie' dahil yun yung sinabi niya. Na auntie ko daw siya. Kaya lumaki rin ako somehow... na naniniwalang either kapatid siya ng mama o papa ko.

Pagdating ko sa Academy, napagtanto kong baka kapatid siya ni papa.

Pero..

Ni isang beses hindi ko siya narinig na may sinabi tungkol sa pagiging kapatid niya sa papa ko.

Naalala ko kung paano niya naikwento sa'kin ang pagdating ko sa buhay niya.

"Alam mo Abby... nang ibinilin ka sa'kin ng papa mo, namangha ako. Sabi ko nga 'ang kyut naman ng batang 'to!' kaya sigurado akong lalaki kang maganda." nakangiti niyang kwento sa'kin.

Kumakain ako ng cake na binili niya para sa birthday ko. Strawberry flavor! Ang saraaaaapp!! Waaaaaahh!!!

Tinignan ko siya nang may mapansin ako sa kanya. "auntie... ba't ka malungkot?"

Nagulat siya sa tanong ko. Pero mayamaya'y nginitian lang ako. "ayan ka na naman. Diba sabi ko sa'yo? Wag sabihin ang dinaramdam ng isang tao. Mas mabuti pa't isarili nalang... nakakahiya kasi." narinig ko siyang tumawa ng mahina kaya tumawa narin ako.

Kumain lang ako ng kumain. Hanggang napuno ng tiyan ko. Oh no. May darating pa pala na pizza!

"Auntie.. si papa ba malakas kumain?" tanong ko.

Tumango siya. "Mm! para siyang monster! Parang ganito! Raawwr!!" kiniliti niya ako bigla.

"Hahahahaha-tama na-hahaha!" sigaw ko. Napansin ko ang paghinga niya ng malalim saka bumalik sa pagkakaupo. "Ang ganda mo Abigail..." hinipo niya ang pisngi ko. "sana alam mo 'yan.."

"Katulad po ba ni mama o ni papa?" sabik na sabik kong tanong.

"Si.. mama mo..." kumunot ang noo ko. Ba't ba siya nalulungkot kapag si mama na ang pinag-uusapan namin?

Sinusubukan niyang itago ang lungkot sa ngiti niya. "Alam mo.. ang ganda rin ng mama mo.. para siyang... dyosa.."

"Eh si papa???" iniba ko nalang ang usapan kasi ayokong malungkot si auntie eh. Birthday ko pa naman ngayon. Tas ang sarap pa ng cake.

"Si Gabriel... syempre gwapo rin. Pero nakakatakot lang minsan kasi ang seryoso. Laging nakasimangot. Ang hindi lang nila alam.. makulit yun. Tas ang sweet... kahit nakakatakot, ang daming babaeng nagkacrush sa kanya!" natawa ako sa sinabi niya. Hmm. Para palang artista si papa ko! Ang cool naman! Sayang nga lang at di ko siya naabutan... pati si mama ko...

Edi sana kasama ko sila ngayon sa birthday ko...

"Si Gabriel..." nagbuntong-hininga siya. "Siya ang pinakamapagmahal na taong nakilala ko. Simula bata pa kami... kaya siguro napamahal rin ang mama mo sa kanya..."

Kaya siguro napamahal rin ang mama mo sa kanya...

Kaya siguro napamahal rin ang mama mo sa kanya...

Paulit-ulit kong naririnig ang boses niya sa utak ko.

"Your mom is so.... nevermind." narinig kong sabi ni Medea.

Pinunasan ko ang luha na tumulo sa pisngi ko saka napailing. Kahit anong mangyari.

Mahal ko pa rin si auntie.

Magkadugo man kami o hindi.

Huminga ako ng malalim. "Hindi ako pumunta dito para magpahula Medea. Nandito ako para kumuha ng impormasyon." seryoso kong tugon sa kanya.

Oo. Nandito ako para makakuha ng impormasyon tungkol sa nalalaman niya. Particularly sa plano ng mga rebel deities.

Pero kung totoo ang sinabi niya...

Umiling ulit ako.

Impormasyon tungkol sa rebel deities Cesia. Hindi sa mga magulang mo.

Pilit kong tinatago ang bigat sa dibdib ko dulot ng matinding lungkot saka ako huminga ng malalim.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top