Attacked
Cesia's POV
Nagising ako dahil may humihila sa buhok ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita sa Galatea na nakakapit sa shirt ko.
"Wakee upp!!" sigaw niya.
Tinignan ko ang relo ko at nalamang 10 am na pala. Pero bakit kami nandito? Tumingin ako sa labas at napag-alamang nakapark pala kami sa harap ng isang convenience store.
Siningkit ko ang mga mata ko para makita ng maayos ang hugis na unti-unting lumalapit sa sasakyan.
"Kanina pa kita ginigising eehh.. kaya nagpabili nalang ako ng breakfast... hehehe..." narinig kong sabi ni Galatea.
Pumasok si Trev sa loob ng sasakyan bitbit ang dalawang plastic bags na may lamang pagkain.
"Don't worry. I left the payment on their counter." saad niya saka umayos sa pagkakaupo.
Inabot niya sa'kin ang isang styrofoam. Pagbukas ko, may laman itong lasagna. Kusa akong napangiti nang malanghap ito.
Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim.
Andito na ako sa mortal realms at balak kong bumalik sa dating tirahan namin... gusto kong malaman kung sino talaga ako.
Ano nga ba naman ang point kung isisisi ko ang lahat ng 'to kay auntie. Kahit may tinago siya sa'kin, alam ko namang totoo yung pinakita niyang pagmamahal.
Binuksan ko ang mga mata ko at nakita si Trev na nakatitig pala sa'kin.
Nag abot ang kilay ko. "Bakit?"
Umiling lang siya bilang sagot saka pinaandar ulit ang sasakyan.
"I need an address." sambit niya.
Tumango ako at sinabi sa kanya ang dating address namin.
Ilang minuto ang lumipas at napansin kong humina ang takbo ng sasakyan papalapit sa zoo kaya nagtaka ako kung bakit siya nadistract. Tinignan ko ang tinititigan niya at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
May inabot na bulaklak ang isang lalaki sa babaeng kinakasama niya. Nasa labas sila ng zoo.
"It's that girl." tinuro niya ang dalawa na tila mga estatwa.
Natawa ako ng mahina. So nagbunga nga ang ginawa ko.
Nung pinapunta kami ni Hermes sa zoo niya... yung babaeng may boyfriend na ego ang vulnerable spot. Sinubukan nga akong biktimahin ng ex niya eh.
Tas... yung lalaki.... yung inutusan kong bilhan siya ng comfort food at pasayahin siya by the end of the day.
"Mmm.." tumango ako. Feeling ko nga nawala na yung mga mata ko dahil sa lapad ng ngiti ko ngayon. "mukhang nakakita na siya ng someone na deserve siya."
Binigyan niya lang ako ng saglit na tingin bago nagfocus sa pagd-drive.
Napabuntong-hininga ako.
Siguro nagkatuluyan nga yung dalawa...
Hindi mabura ang ngiti ko kakaisip sa nangyari sa kanila pagkatapos kong makitang nawala na yung lalaki para habulin ang babae.
Mabuti naman at masaya sila sa isa't-isa.
Mayamaya'y dumaan na kami sa Melgar Street kung saan nakatira ang dating professor ko at anak ni Theosese.
Pagkatapos, tumigil kami sa harap ng isang gusali. Maliit lang yung apartment na inuupahan namin dati kasi dalawa lang naman kami ni auntie. Tas parati kaming may lakad. Either school o trabaho.
Sa wakas at nakarating na rin kami sa destinasyon namin.
•••
"Are we staying here overnight?" narinig kong tanong niya. Halatang sinusuri niya ang divider dahil sa tunog ng bawat paglapag niya ng figurines na nandoon.
"Yes." umakyat si Galatea sa balikat ko. "But Cesia and I will sleep in the same room. You won't. Bleeeh." saka niya binelatan si Trev.
Napailing nalang ako habang nakikinig sa dalawa. Nagluluto ako ng tanghalian namin. Nakatalikod ako sa dalawa pero alam kong nags-staring contest na naman yan.
Paano ba kasi. Kanina pa silang umaga ganyan.
Simula pagdating namin dito.
"Lock eh." puna ko habang pilit na pinipihit ang doorknob.
"Sirain natin!" tumalon si Galatea mula sa balikat ko at pumatong sa doorknob. Sinisipa-sipa pa nga niya ito.
Tinulak siya ng mahina ni Trev dahilan na mainis siya. Ewan ko kung anong magic ang ginawa ni Trev pero biglang bumukas yung pinto.
Nagpatulong rin ako sa paglilinis ng kalat... pero ginawa ata nilang contest yun kung kaninong area ang pinakamalinis.
"Shut up you little evil creatu-" natumba si Trev dahil may napulot si Galatea na yarn at ginamit ito para itali ang paa ni Trev.
"Oh diba?!" humihingal si Galatea. "Cesia! He messed up the place all over agaaaain!" sigaw ni Galatea.
Sinilip ko sila at napasinghap ako nang makita ang matinding kalat na naidulot nila.
Malay ko ba kung anong trip ng dalawang 'to. Dali-dali kong tinapos ang pagluluto dahil posibleng di na gumana yung ability kong makagalaw ng bagay kahit nakatigil ang daloy ng panahon. .
Psh... baka babalik sa dati yung apoy at di na ulit ito gagalaw though wala talaga akong alam kung may duration ba 'tong ability ko.
O baka mag-aaway na naman yang dalawa.
"Get off me you-Daughter of Aphrodite!" si Trev na naman ang sumisigaw.
See?
Umikot ako para harapin sila..
Nasa ulo na ni Trev si Galatea. Hinahatak-hatak niya ang buhok ni Trev habang gumagawa ng tunog as if nakasakay sa kabayo.
Huminga ako ng malalim at sinamaan ng tingin ang dalawa. "Pag hindi kayo titigil jan, di kayo makakakain!" Ginamit ko ang spatula para akmang sapakin sila.
Tumahimik sila at magkasabay na umupo sa harap ng hapagkainan.
"Thank you." nagbuntong-hininga ako.
Katatapos lang namin kumain at si Galatea ang nag volunteer na maghugas ng pinggan. Umangal nga ako kasi baka mahirapan siya pero gusto daw niyang makatulong kaya hinayaan ko nalang siya.
"Trev. May titignan lang ako sa kwarto. Bantayan mo si Galatea. AT PAG NAKITA KO NAMAN KAYONG NAG-AAWAY. ALAM MO NA." pagbabanta ko.
Pero sinuklian niya lang ako ng usual dead look niya. "I can't promise that. She's the one who starte-"
"Just." kinagat ko ang labi ko. "Just get along. Alam mo na yun." huli kong sabi bago pumasok sa kwarto ni auntie.
Hindi ko maiwasang maramdaman ang pangungulila ngayo't nasa kwarto na niya ako.
Sinimulan ko ng halungkatin ang bawat sulok ng silid niya.
Akala ko wala akong matatagpuang makakakuha ng interes ko hanggang tinignan ko ang ilalim ng higaan niya at nakita ang isang case. Buti nalang at di ito kailangan ng susi.
Binuksan ko ito.
May ilang mga larawan sa loob pero napansin ko kaagad ang bracelet.
Ang bracelet na suot ko simula baby pa ako kaso akala ko nawala na'to...
"bracelet ni papa..." sabi ko sa sarili ko at sinuot ito.
Ito ang huling bagay na ibinigay sa'kin ng ama ko bago siya naglaho.
Kinuha ko rin ang litrato na pinatungan ng bracelet. Luma na nga pero kitang-kita ko pa rin ang dalawang lalaki at isang babae na nakangiti at nakatayo sa gitna ng picture.
Nasa forest ata sila? Mga kakahuyan kasi ang background...
Alam kong si auntie ang babaeng kasama nila. Pero kusang dumako ang tingin ko sa katabi niya.
Bakit ngayon ko lang nakita 'to?
Napatayo ako dahil sa tunog ng nabasag na mga plato.
Aish. Nag-aaway na naman ba yung dalawa?
Pero sumama ang kutob ko sa nangyayari sa labas dahil naririnig ko ang tunog ng kidlat. Nabangga ko si Trev papalabas ng kwarto.
"We have to go." kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papasok ng kwarto.
"B-bakit? Asan si Galatea?" tanong ko.
"I'm here!" nasa bulsa niya si Galatea.
"Teka. Ano ba talaga ang nangyayari?" pabalik-balik ang tingin ko sa dalawa.
Narinig ko ang malakas na pag ungol mula sa labas.
"Dddrreemiiigaaad!"
"Buksan nyo ang pinto."
"Gusto lang naman namin makipagkaibigan hehehe..."
Malalaking boses ang kasalukuyang nakikipag-usap sa labas ng pinto. Tumigil ang mga boses ng ilang segundo at napaatras ako dahil pilit nilang tinutulak ang pinto.
Dalawang tulak lang ang kinailangan nila para masira ito.
Pumasok ang tatlong giants na kakaiba ang mga anyo. Para silang mga nilalang na gawa sa napakaitim na putik at lumiliwanag ang pula nilang mga mata na kasingkulay ng dugo.
Humakbang kami papaatras nang lumapit sila sa direksyon namin.
Mahigpit kong hinawakan ang litrato sa kamay ko nang natapakan ng isa yung case sa sahig.
"Ina! May regalo na kami sa inyo." hiyaw ng isa. Yumanig ang lupa na tila sumagot sa sinabi niya.
Tumawa ang tatlo. "ayan ayan. Mas magagalak siya pag nalaman niyang ang ireregalo namin ay ang mga demigods na gumising sa kanya!"
"kayo rin ang dahilan kung bakit kami maagang naipanganak."
"Isang anak ni Zeus at Aphrodite. Kapag nakuha natin sila, tiyak na tayo na ang paborito niyang mga anak!"
Kami ang dahilan kung bakit sila ipinanganak ng maaga...
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang nangyari sa isla.
si Gaia.
Tinignan ko si Trev na tinanguan lang ako.
Aatakihin na sana kami ng tatlo nang nagsalita ako.
"Bakit? Hindi ba kayo ang paborito niya?" napalunok ako sa ginagawa ko pero gumagana naman ito eh kaya go nalang.
Tumahimik sila. Naramdaman ko ang pagtalab ng ability ko sa tatlo. Kaya't nagulat nalang ako nang mabilis kong natunton ang kahinaan nila.
"Mga bulag sila." sabi ko kay Trev pero walang lumabas na boses sa bibig ko dahil alam kong may catch ang weakness nila.
Mas advanced ang iba pang mga senses nila.
"Tsk. Pinakapaborito niyang mga anak ngayon ay ang mga Leviathans. Pero di bale na, kami na ang paborito niya kapag mahuhuli na namin kayo!" nag charge na sila at naramdaman ko ang pagsummon ni Trev ng hangin na dinaanan ako.
Nabaling ang atensyon nila sa direksyon kung saan tumungo ang hangin.
"Ha. Hindi kayo makakatakas." Pumunta sila sa kabilang dako ng kwarto habang inaamoy ang bahaging 'yon.
Napakasensitive ng smell nila to the point na naaamoy nila ang scent namin sa hangin.
"Run." bigla niya akong hinila papalabas dahilan na mabitawan ko ang litrato.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top