A Vision from Hell

Cesia's POV

Napansin ko ang dalawang lovebirds na pabalik na ata sa dorm kaya sumabay na ako sa kanila.

"ang saya nyo ngayon ah." nag jog ako patungo sa kanila. "nakadisturbo ba ako?"

Umiling si Thea. "nope. Sa dorm naman yung tungo namin eh. Sama ka nalang." sagot niya.

Nakaakbay si Seht kay Thea.

Kusa nalang akong napapangiti sa tuwing nakikita ko ang dalawa. Kalalabas lang ni Seht mula sa clinic the day before yesterday.

Si Thea naman, hindi na makaantay para gumala kasama siya. Napagtanto niya sigurong ayaw niyang sayangin ang mga araw na andyan si Seht.

Alam ko namang sincere sila sa isa't-isa eh kaya syempre, suportado ako sa kanila.

"maayos na ba ang pakiramdam mo?" pangungumusta ko kay Seht.

Tumango siya. "even if I still don't feel well, I have to say I am good to go." tinignan niya si Thea. "Kailangan kong bumawi sa kanya." bulong niya sa'kin.

"Bumawi para saan?" curious kong tanong.

"She denies it.. but I know she shed a tear for me." natatawang sagot ni Seht. Nakadikit pa rin ang tingin niya kay Thea.

Hmm. Naalala ko nung binisita ni Cal si Art sa kwarto ko. Same feeling ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang dalawang 'to.

"Ba't ngumingiti-ngiti ka jan?" nagtatakang tanong ni Thea.

Umiling ako. "Wala lang. Masaya lang ako para sa inyo."

"Buti ka pa. Eh si Ria umaandar na naman yung pagiging bitter niya." inis niyang sambit dahilan na matawa ako.

"Di ka pa sanay?" narinig ko kasi kaninang umaga ang maagang reklamo ni Ria sa dalawa. Kulang nalang daw, gamitan sila ng superglue para habang buhay na silang magkadikit.

"Hmm. Baka nga totoo ang sinasabi ni Ria... ikaw naman kasi Seht eh! Ang gwapo gwapo mo! Yan tuloy!" hinampas-hampas niya ng mahina ang balikat ni Seht.

Nakita ko kung paano ngumiti si Seht habang tinatanggap ang bawat hampas niya.

Gods. Ang cute ng dalawang 'to.

"Alam niyo..." kinuha ko ang atensyon nila. "Nasa inyo lang naman yan eh. Okay lang talaga kapag palagi kayong nag P-PDA. As long as alam niyo kung kailan gawing private ang isang partikular na issue. Just make sure na alam niyo ang limitations ninyo. I-enjoy niyo lang kung ano ang kaya niyong gawin. Treasure it. And then you will feel that love has no limitations afterall." nakangiti kong sabi sa kanila.

"Spoken like a true daughter of Aphrodite." puna ni Seht habang pumapalakpak si Thea.

"Nga pala.. sabi ko okay ang public display of affection. Pero hindi accepted ang mabagal na paglalakad sa daan. Gets?" tinaasan ko sila ng kilay. Seryoso na ako.

Yung ibang magkasintahan daig pa ang pagong kapag naglalakad sa daan. Hindi lang naman ako ang naiinis sa mga ganyan eh.

Tumango ang dalawa at sabay na tumawa.

Gusto kong makita sila na ganito. Parang kanina lang nang tumigil ang pagtibok ng puso ni Seht... at naramdaman ko ang matinding lungkot ni Thea.

Nahirapan akong saluhin ang lungkot niya kasi sabay-sabay kong naramdaman ang kalungkutan ng Alphas.

Sinubukan kong bawasan ang sakit sa mga puso nila pero... nanghina lang ako dahil sa bigat. Hindi nga ako makahinga noon eh kasi kasingbigat ng mundo ang atmosphere sa paligid ko.

Nasuffocate talaga ako sa mga panahong 'yon. Ngayon alam ko na na pwede pala akong malunod sa feelings.

•••

Aish. Bumagsak ako sa kama ko dahil sa bigat ng tiyan ko... I think.

Ang dami kasing hinanda ni Kara eh. Nagluto pa siya tas may inorder pa yung mga boys kaya syempre nakikain na rin kaming mga girls.

Napangiti ako habang inaalala ang mga mukha nila. Alam ko kasing ang tanging problema na iniisip nila ay kung paano idigest yung nakain namin na pagkain... hindi tungkol sa propesiya.. or kung ano pa jan na nakakatrauma.

Pinikit ko ang mga mata ko. Ang dami ng nangyari. Kaya deserve ng katawan ko ang magpahinga.

Bago pa ako makatulog, sinummon ko lahat ng sleepiness ko at binahagi ito sa pitong demigods na nasa kani-kanilang kwarto.

'Sleep well Alphas.'

Nakatulog ako habang naririnig ang tibok ng mga puso nila.

Nagising ako dahil sa mabigat na hangin na pumapalibot sa'kin. Kusa akong napalunok dahil sa matinding init.

Tuluyan ko na ngang binuksan ang mga mata ko. Nung una wala akong nakikita kundi itim lang. Pero mayamaya, natuto na ring mag adjust ang mga mata ko.

Inilibot ko ang paningin ko at isa lang ang masasabi ko.

Hindi ito ang kwarto ko.

Tila nakatayo ako sa loob ng madilim na kweba. Walang kabuhay-kabuhay ang lupa kaya naging kakulay nito ang uling. Sa tingin ko nga gawa sa uling ang tinatayuan ko ngayon.

At yung amoy....

Amoy ng patay.

Nakarinig ako ng mga tawa kaya umatras ako para magtago. Lumabas ang tatlong babae na may pakpak. Siningkit ko ang mga mata ko at nahagip ng mga mata ko ang nakakatakot nilang mukha. Medyo deformed na ang struktura ng mukha nila. Nakasuot sila ng maitim na robes pati itim na mga belo.

Napasinghap ako nang makita ang mga bitbit nila.

Isang putol na kamay, paa at binti.

Iniwasan kong masuka sa nakikita ko.

Kinabahan ako nang tumigil ang isa sa kanila. "I smell blood.. Megaera..." kinalabit niya ang isa sa mga kasama niya.

"Of course you can smell it sister." inirapan lang niya ang kapatid niya. "You're carrying a titan's feet!"

Megaera...

Three winged ugly creatures...

Bago pa magsink in sa'kin kung sino ang mga babaeng nakikita ko ngayon, nag-iba na naman ang paligid. Masusuka na talaga ako kapag madadagdagan pa ito ng transition. Nagba-back flip na kasi ang sikmura ko.

Hawak-hawak ang tiyan ko, nakita ko ang isang babae na nakahiga sa mga basag na parte ng salamin.

Patay na ba siya?

Natumba ako nang bumungad sa mismong harap ko ang isang matandang babae.

Gamit ang kumukulubot niyang kamay, hinawakan niya ang leeg ko saka niya ako inangat.

"B-bitawan m-mo-kkk-k" madali akong naubusan ng hininga. Dulot na rin ng limitadong hangin sa lugar na'to.

Kasabay nito ang agarang paghina ng katawan ko.

Naramdaman ko ang matutulis niyang kuko na bumaon sa leeg ko.

"Malapit na... mabubuhay na siya..." narinig ko ang isa pang boses na nanggaling sa likod niya.

Saka ko nakita ang dalawa pang matatanda na nakatayo at nakayuko sa babaeng natutulog.

"Anong ginagawa mo dito?!" galit na tanong ng matanda na sumasakal sa'kin.

Diniinan pa niya ang kamay niya sa leeg ko kaya napasigaw ako kahit walang tunog na lumalabas.

"CESIA! CESIA!" nagising ako sa boses ni Galatea. Nang matantong nasa kwarto na ako, umupo kaagad ako saka ginulo ang buhok ko.

Tinignan ko si Galatea na bakas sa mukha ang matinding takot.

"Cesia..." niyakap niya ang braso ko at humagulgol ng iyak. "Hindi ka humihinga.. alam mo ba 'yon?"

Tinignan ko ang maliit na statue. "O-okay lang ako..."

"No you were not! Walang hangin na pumapasok sa ilong o bibig mo. Alam mo ba kung ano ang kahahantungan mo kapag hindi ka parin gumiginhawa hanggang ngayon?!" hinigpitan niya ang pagyakap sa'kin.

Nanatili akong tahimik habang pinapakalma si Galatea gamit ang ability ko. Hanggang sa makatulog siya sa tabi ko.

Nginitian ko ang natutulog na Galatea at dahan-dahang lumabas.

Nagtimpla ako ng gatas. Nakasanayan ko ng magtimpla ng tsaa o gatas sa tuwing nagigising ako.. unexpectedly.

Nakarinig ako ng ingay sa isang sulok kaya pumunta ako sa switch para mabuksan yung ilaw.

Muntik ko ng mabitawan ang mug nang makita ko ang pinagpapawisang Seht na nakaupo sa sahig, nakasandal sa lower cupboards, nakapikit at humihingal.

"S-Seht.." dali-dali kong nilapag ang mug sa mesa saka pumunta sa kanya.

Iminulat niya ang mga mata niya at tinignan ako. "Cesia..."

Pero bumaba ang mga mata ko sa sugat na nasa leeg niya... dahilan na mapahawak rin ako sa leeg ko...

"Seht..." tinignan ko ang kalagayan niya. "ikaw yun... sa'yo galing yun.."

Yung nakita ko sa panaginip ko. Hindi yun panaginip lang. Kusang nag activate ang ability ko na bumasa sa nakaraan ng isang tao...

Pero paano yun nangyari sa kanya?

"I visited the underworld Cesia... when my heart stopped beating..." tumigil siya sa pagsasalita para huminga ng malalim. "I.. I fell towards the darkest realm... and..."

"What I saw there... haunted me every night... D-did you see it?" nanginginig siya.

Tumango ako.

"Wag kang matakot Seht... dahil buhay ka." Ngayong nasabi niya sa'kin 'yan, napansin ko ang namumuong dark circles sa ilalim ng mga mata niya.

Kinuha ko ang kamay niya at pumikit.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng enerhiya mula sa kamay ko patungo sa kanya.

Binuksan ko ang mga mata ko para makita kung paano bumalik ang kulay sa namumutla niyang labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top