/8/ A Lost Tale
They said
there's a thin line
between illusion
and dreams.
Too bad
I'm too crazy
to believe
in magic.
That way,
I could still
continue to
hope.
/8/ A Lost Tale
[LOUELLA]
AYOKO mang sabihin sa kanila pero hindi ko rin talaga mabusising naplano ang trip na 'to. Kaya naman ang pagdating ni Benjo ay tila isang himala mula sa langit.
If Benjo didn't show up, we're probably somewhere or flying back in Manila. Kung hindi siya sumulpot at sakaling ipinilit ko pa rin ang pag-akyat sa Mt. Itum, paniguradong sandamakmak na paghihirap ang aabutin namin.
Having Benjo as a guide saved us from those miseries. From the city hall ay sumakay kami sa habal-habal papunta sa isang liblib na pook.
Akala ko malapit na 'yung Mt. Itum sa kinaroroonan namin kanina but hell, we're wrong. We arrived at the city hall at exactly nine AM, and we rode for three hours just to reach Silang. We're literally starving when we arrived at Baryo Itum.
Bago 'yon ay halos malula ako sa dinaanan naming matarik at makitid na daan paitaas ng bundok. It's more dangerous than the roads to Baguio. Kaunting pagkakamali lang ay maaari kayong bumulusok pababa ng bangin.
It was a real thrill. Plus, the view is indeed breathtaking. I have never seen this kind of landscape as dangerous as this before. Tama nga si Benjo dahil halatang hindi pa tapos ang mga kalsada, mukhang totoo nga ang deforestation na nagaganap sa kabundukan.
The sun was scorching hot but the breeze of the wind is strong. Literal mong maaamoy ang lupa at mga halaman.
Nang makarating kami sa Baryo Itum ay hindi na ako nagulat pa sa mahal na singil ng mga habal-habal sa amin. I paid it anyway.
"That was terrifying," komento ni Raven, kaharap niya si Lysander na ngumisi.
"I enjoyed it. Kaunti na lang sana diretso ka na sa langit." I assume it's a joke because they both laughed.
"Ang bango naman no'n," dinig kong sabi ni Ellon na nasa tabi ko at saka may tinuro. "Uy, may karinderya!"
"Welcome sa munti naming baryo," sabi ni Benjo sa amin. "Kumain na muna kayo tapos dalhin ko kayo sa camping site mamaya."
Dama ko naman na pare-parehas kaming mga gutom kaya dumiretso kami kaagad sa bungad na karinderya malapit sa arko ng baryo.
Again, thanks to Benjo's presence hindi kami nagmistulang nawawalang bata at alien, mukhang kilala siya ng mga tiga-rito (of course magkakakilala sila dahil maliit lang ang baryo), using his dialect he talked to them and I assumed lang na tungkol 'yon sa pagbisita namin. The locals just smiled at us and they didn't mind.
Pagka-order namin ng mga pagkain ay napansin ko 'yung pagkakaiba-iba ng mga taste namin. Ellon ordered an exotic specialty dish, hindi na nakakagulat sa outgoing niyang personality. Lysander ordered mostly meaty foods. At si Raven na kanin lang ang inorder—
"Seriously?" angal ko nang mauna pa siyang sumandok ng ulam ko kaysa sa'kin. Kumuha rin siya ng ulam nina Ellon at Lysander na hindi naman umangal. "Raven, just order your own food—I'm paying."
"Ay shit oo nga pala, ikaw ang may sagot nito," sabi niya at nagkukumahog na bumalik sa may counter. Natawa lang 'yung dalawang boys. "Palagi ba siyang ganyan noon, Ellon?"
"Oo, buraot talaga 'yan sa pagkain. Tirador din ng libreng sabaw sa Mang Inasal," nakangising sagot nito.
Napailing na lang ako. Kung alam lang ni Tita Alicia 'tong gawain ng anak niya'y paniguradong mawiwindang 'yon.
Bumalik si Raven na may dalang tatlong putahe. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba 'yon dahil ako naman ang magbabayad o dahil sadyang gutom siya.
Habang kumakain kami'y biglang umupo sa tabi namin si Benjo. Bigla kasi siyang nawala kanina.
"Benjo, kain na, order ka ng kanin at pagkain," alok ko.
"Hindi na, kumain na 'ko sa amin. Patapos na 'ata kayong kumain kaya pumunta ko rito," nakangiting sagot niya. "Saka pala hindi ko pa nakukuha 'yung mga pangalan n'yo."
"Oh my god, sorry, nakalimutan naming magpakilala. I'm Lou, ito naman si Ellon, si Raven, saka si Lysander. Mga tiga-Maynila kami." Tinanguan lang siya ng mga kasama ko.
"Nice to meet you nga pala at salamat sa pagpayag na maging guide n'yo. Malaking tulong 'yung magiging bayad n'yo."
Parang bigla akong natauhan. "Umm... Speaking of fee..." Huwag naman niya sana kaming singilin ng ubod ng mahal.
Mukhang nabasa ni Benjo 'yung pagkabahala ko dahil kaagad siyang ngumiti. "Naku, don't worry, hindi kayo mamumulubi. Dala ko 'yung mga papers para ipakita sa inyo 'yung usual fees na binabayaran dito noon." Nakahinga naman ako nang maluwag nang sabihin niya 'yon. "Pero siyempre, kayo na bahala sa tip na bukal sa inyong kalooban."
Pinapirma kami ni Benjo ng waver at binayaran ko rin agad 'yung environmental fee at camping fee, 'yung TF naman daw niya ay pwedeng pagkatapos na lang ng hike namin ibigay sa kanya.
Pinaliwanag na rin sa'min ni Benjo 'yung magiging itinerary namin. Dalawang araw kaming aakyat para madaanan lahat ng hidden falls, at summit ng Mt. Itum. Traverse daw 'yung daan kaya 'yung end point namin ay sa kabilang baryo na.
Pagkatapos ng short meeting hinatid kami ni Benjo sa camping site. Kailangan daw muna naming magpahinga maghapon at ayusin 'yung mga gamit na dadalhin namin. Madaling araw kami magsisimulang umakyat papunta sa unang hidden falls ng Mt. Itum.
"Pasensiya na kayo, guys, dalawa na lang 'yung maayos na tent namin," sabi ni Benjo pagdating namin sa overlooking campsite. "Pwede naman 'to sa pang-dalawang tao."
Paglingon ko sa kanila'y nakita ko si Raven at Lysander na naglalagay ng bag sa loob ng tent. Kaagad tumaas ang kilay ko.
"Umm... Excuse me? Raven?"
"What?"
"Kayong dalawa magkasama sa tent?"
"Yes—hey ano ba!" bigla ko kasi siyang hinila palayo. "Bitawan mo nga 'ko, Lou!"
"Raven naman, hindi ko alam kung anong score n'yo ni Lysander pero baka naman pwedeng tayo na lang ang magkasama sa tent?"
"No way, Louella, pagkatapos kitang makatabi sa eroplano gugustuhin pa ba kitang makasama sa loob ng iisang tent?"
"Don't treat me as if may virus ako—"
"May boyfriend ka ba?"
"Ha?"
"Single ka?"
"O-oo?"
"Eh 'di wala namang problema kung kayo ni Ellon magkakasama sa isang tent."
Seryoso ba siya?
Wala na 'kong nagawa dahil mabilis niya 'kong nilayasan. Sumunod na rin ako sa kanya at nadatnan ko si Ellon.
"Lou, mauna ka na lang umidlip, maglilibot-libot lang muna 'ko kasama si Benjo," nakangiting paalam niya sa'kin at wala sa loob na tumango ako. Siguro nahihiya lang din siyang sabihin pero nakahinga ako nang maluwag.
Napangiwi na lang ako nang tingnan 'yung katabi ng tent namin dahil parehas nang nandoon sina Raven at Lysander. Sana lang ay wala akong marinig na kakaiba.
*****
NAPAHABA 'yung idlip ko dahil pagdilat ko kasi madilim na. Pagbukas ko ng zipper ng tent ay pumasok ang napakalamig na ihip ng hangin.
"Shit ang lamig!" bulalas ko. Nakita ko sina Raven, Lysander na magkatabing nakaupo sa isang mahabang kahoy, may kanya-kanyang hawak na umuuso na mug. Napansin ko rin 'yong mga suot nilang nagkakapalang jacket at scarf.
"Gising na ang sleeping beauty," sabi ni Raven pagkasipsip ng iniinom niya, may suot pa siyang beanie sa ulo.
Bago ko lumabas ay kinuha ko sa bag ko 'yung binaon kongg thermal jacket. Mabuti na lang tama nga 'yung nabasa kong blog post about Mt. Itum hiking na magbaon ng ganito at nasabihan ko rin 'yung mga kasama ko. Kung hindi, pare-parehas kaming maninigas sa lamig.
"Si Ellon?" tanong ko paglabas.
Nginuso ni Raven 'yung tent nila. "Nakikitulog. Ayaw kang tabihan, baka raw mamatay siya."
"Si Benjo?" wala na 'kong ibang masabi kaya hinanap ko na lang 'yung guide namin.
"Nagreready ng dinner natin," sagot naman ni Lysander at saka tinuro 'yung maliit na bahay 'di kalayuan.
"Hindi n'yo man lang siya tinulungan?" nanlalaking mata kong sabi. "Geez, hindi man lang kayo nahiya." Mga spoiled brat.
"Sino kaya riyan 'yung ang sarap ng tulog?" dinig kong sabi ni Raven.
Palabas na si Benjo ng bahay na dala 'yung isang kaldero ng ulam na niluto niya para sa'min, tinulungan na lang namin siyang mag-ayos ng kakainan sa may open na kubo malapit sa'min.
Tahimik lang kaming kumain hanggang sa bumalik ulit kami sa campsite. Gumawa si Benjo ng maliit na bonfire kaya naengganyo tuloy kaming tumambay muna saglit bago matulog. Gigising din naman ulit kami ng maaga mamayang alas tres.
Wala pa ring nagsasalita sa'ming apat. Kanya-kanya kaming hawak ng cellphone kahit na napakahina ng signal para mag-browse sa internet.
"Umm... Hindi ba ito na 'yung part na magha-heart to heart talk na tayong lahat?" biglang basag ni Ellon sa katahimikan.
Sabay-sabay naman kaming napatingin sa kanya na para bang may kakaiba siyang sinabi.
"Ang astig lang kasi parang napanood ko na 'yung ganito sa mga pelikula," nakangising dagdag pa ni Ellon. "A-ayaw n'yo ba? Parang buong araw naman kasi tayong hindi nag-usap-usap."
"Anong gusto mong pag-usapan?" bored na tanong ni Raven.
"Actually..." Bigla kong sabat kaya napatingin silang lahat sa'kin. "May sasabihin pala 'ko sa inyo." They didn't answer that's why I continued. "The reason why we're really here... First, I just want to say thank you... sa pagpayag kahit na alam ko namang may kapalit."
Napaubo si Raven pero hindi siya nagsalita.
"Alam kong alam n'yong lahat 'yung napag-usapan namin ni Prof. Diwani that day, about a painting called Alpas. And that's the reason why I arranged this trip. The clues I gathered lead me to a mental institution—"
"From what?" angal bigla ni Raven.
"Please, patapusin mo muna 'ko," pakiusap ko at tumiklop naman ang bibig niya. "Natagpuan ko ro'n si Manong Ling, he's the keeper of the knowledge how to find Alpas. He promised his friends to stay and wait for the people who'll seek it. And he told me what he needed to pass. Tomorrow, we'll begin a not-so-ordinary quest. I'm just really grateful that you came with me because I badly want to find Alpas."
Saglit na katahimikan ang namayani pagkatapos kong sabihin 'yon. Hanggang sa narinig ko na naman ang boses ni Raven na halatang naguguluhan.
"Don't tell me na ako lang ang hindi fully informed na magical quest pala ang gagawin natin?" tanong niya sa dalawa. "You two knew? And... and okay lang sa inyo? Seriously?" Bumaling ng tingin sa'kin si Raven. "Lou, sabihin mo sa'kin for a content 'to or prank lang 'to kasi—"
"This is serious, Raven."
Ilang segundo siyang napatitig sa'kin bago sarcastic na tumawa pero kaagad ding sumeryoso.
"I thought... I thought na metamorphically lang 'yung tinutukoy mo kay Prof. Diwani," sabi niya pagkaraan. "So... You're expecting find a literal... bird?"
Dahan-dahan akong tumango at napasapo siya sa noo.
"Lee, bakit hindi mo sinabi sa'kin na bird hunting pala ang gagawin natin?" tila sumbat niya sa katabi.
Napabuntong-hininga naman si Lysander bago tumingin sa'kin. "Too bad, Raven." Dahil may deal kami kaya no choice siya kundi sakyan 'tong 'kalokohan' ko. "Since I was young naririnig ko na rin 'yung kwento tungkol sa ibon na 'yon."
Napaawang 'yung labi ko nang marinig 'yon.
"Talaga?" reaksyon ni Ellon.
"Prof Diwani's father, Manong Ling, and my grandfather were friends."
"Woa, legit?" si Ellon ulit. "So, you mean totoo nga talaga 'yung Alpas?"
"Well, I don't know. Hindi ko naman naabutan pang buhay ang lolo ko," sagot ni Lysander sabay tingin sa malayo. "Of course, ang alam ko it's just a myth story. Not until I met an odd girl who's obsess to find it." Muli siyang tumingin sa'kin.
"B-bakit hindi mo sinabi ka'gad na may alam ka?" tanong ko at nagkibit-balikat lang siya.
"Wait, wait, wait." Biglang sumabat si Raven. "Question lang ha, Lou. You're obsessed with finding this mystical bird—just why?"
"I... I..."
"What?"
Napatingin ako sa lupa at halos pabulong na sinabi. "I don't know..."
"You don't know?!" halos umalingawngaw sa paligid 'yung boses ni Raven.
"Raven, ano ka ba?" saway ni Ellon sa kanya.
Napapikit na lang si Raven at sunod-sunod na huminga nang malalim, trying to compose herself.
"So, nandito pala kayo for that lost tale." Sabay-sabay kaming napatingin sa bagong dating na boses.
It's Benjo.
Umupo siya kaharap namin habang kalakip ang isang lumang gitara.
"Lost tale?" ulit ni Lysander.
"Yeah. Alpas is the lost tale of our village." Napakunot ako sa mga binitawang salita ni Benjo. "Lumang alamat na hindi na napag-uusapan pa." Napangiti siya. "Hindi ako makapaniwala na may turistang dadayo rito para hanapin 'yon."
"Bakit?" tanong ko.
"Sabi nila iyon daw ang guardian spirit ng Mt. Itum na nagbibigay ng kakaibang himala."
"Himala katulad ng?" tanong naman ni Ellon.
Nagkibit-balikat si Benjo. "Panahon daw no'ng World War two, may mga apat na gerilyang nagtago sa kagubatan ng Itum, napaliligiran na sila ng mga Hapon pero may lumitaw na himala—may ibong kulay asul at lila ang lumitaw. Dahil do'n nagawa nilang mapatay lahat ng mga kalaban at makauwi ng ligtas. Simula no'n maraming debotong pumupunta sa Itum para maghanap din ng himala."
Namalayan na lang namin na taimtim kaming nakikinig kay Benjo.
"Pero matagal na pala 'yung hiwaga na 'yon. Ang sabi sa kwentong bayan iyon daw 'yung ibon na pumrutekta sa Mindanao kaya hindi nasakop ng mga kastila, pagkatapos namahinga raw 'yung ibon dito sa Mt.Itum. Ang daming version ng kwento hanggang sa mas naging individualistic 'yung approach ng miracle, na 'yung mga worthy lang daw 'yung pinagpapakitaan ng Alpas."
"And... Okay..." boses 'yon ni Raven na halatang hindi pa rin kumbinsido. Iiling-iling itong tumayo. "Tutal nandito na tayo, let's go for it. Sana nga ay magpakita sa'tin 'yung ibon na 'yon dahil kailangan ko rin ng magic powers."
Papasok na si Raven ng tent nang magsalita ulit si Benjo.
"Ang sabi ng lolo ko basta gawin n'yo lang daw 'yung ritwal ng apat na beses ng buong puso, malaki ang tsansa. Tho, hindi ko alam kung anong klaseng ritwal."
"Anong ritwal?" tanong ni Raven.
Imbis na sumagot ako ay pumasok ako sa tent para kuhanin sa bag ko 'yung isang bagay.
Paglabas ko'y naghihintay sila sa'kin at nanlaki pare-parehas ang mga mata nila nang makita 'yung maliit na kutsilyo na hawak ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top