/7/ Synchronicity
These unnoticeable
little coincidences
are the ones
we really need
to look out for.
They are hidden
in order for us
to find its beauty
and meaning.
/7/ Synchronicity
[LOUELLA]
"SO, are you dating him?" Hindi ko na matiis 'yung awkward na katahimikan kaya bigla ko 'yong tinanong.
Raven frowned. "Who?"
Pasimple kong ginalaw 'yung ulo ko para ituro 'yung direksyon sa likuran kung saan nakaupo sina Ellon at Lysander.
"It's none of your business."
"That means yes."
"Hindi ako obligated na i-update ka sa love life ko."
"But because of him nagbago ang isip mo at pumayag kang sumama sa trip na 'to," sabi ko pa at halos umikot ang mga mata niya sa inis.
"Sinadya mo ba talagang magtabi tayo rito sa eroplano para makipag-goodey goodey talk sa'kin?"
Hindi ko maiwasang mapangiti. "Hindi ko na napansin 'yung flight seat nang magbook ako. Maybe this is destiny."
"Tss."
Lumingon ako para silipin 'yung dalawa at nakita si Lysander na natutulog habang may takip sa mata, at si Ellon naman ay parang batang masayang nakatanaw sa bintana.
Kakatake-off palang ng eroplano papuntang Davao at medyo hindi ako makapaniwala na nandito kami ngayon, on the way sa lugar kung saan ko matatagpuan ang pilit na hinahanap ng puso ko.
Noong isang araw ay dumalo silang lahat ng meeting para pag-usapan 'yung magiging itinerary namin. Then, Raven showed up and I'm expecting that she'll go hell bent but surprisingly she was calm.
"I convinced her, you me once again," sabi sa'kin ni Lysander na siyang dahilan kung bakit tuluyang pumayag si Raven na sumama. Apparently, they really knew each other at hindi ko maiwasang ma-curious kung anong klaseng relationship ang meron silang dalawa.
During meeting hindi ko inungkat 'yung tungkol sa Alpas, natakot kasi ako na baka umatras sila kapag pinilit kong totoo ang mistikal na ibon na 'yon.
I just simply told them that I just want a travel breather. It seems convincing until Ellon asked a question.
"Pero... Curious lang... Bakit hindi ka nagsama ng iba mong kaibigan?"
I was stunned at first. Alam ko naman ang tamang sagot sa tanong niya pero natigilan ako. Raven answered him.
"Because she has no real friends."
"She's right. Going with you means it didn't happen. I'm not going to post it on social media." That's the reality nowadays, unless you post something and make it visible online, it didn't happen. "I assume na hindi rin naman kayo magpopost about sa trip natin."
"Too bad, sayang ang likes lalo pa't kasama namin ang famous na si Louella Starling," biglang banat noon ni Lysander. Natawa si Raven. Marunong nga talaga siyang mang-asar pero hindi naman ako nagpaapekto.
Itatanong ko sana sa kanila kung bakit sila sumama sa'kin pero napigilan ko 'yung sarili ko. Dahil may kapalit na naghihintay.
"Umm... Right, ano nga ulit 'yung gagawin natin do'n, Lou? How can we find Alpas?" tanong ulit ni Ellon.
"Anong Alpas?" naguguluhang tanong ni Raven pero walang sumagot sa kanya. Si Lysander ay tumitig lang sa'kin, naghihintay din ng sagot.
"I'll tell you once we get there." Luckily, they didn't ask more questions.
Muli akong dumilat. Hindi ko magawang makatulog. Iinisin ko na lang 'tong katabi ko.
"I'm really curious, Raven." I heard her grunt. "Bakit mo tinago 'yung totoong background mo?"
Akala ko hindi siya sasagot dahil may nakatakip na rin sa mga mata niya.
"I want to live a normal life."
Hindi ako kuntento sa sagot niyang 'yon.
"Something's not right."
"Hindi ako obligado na sagutin ka."
Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang mga alapaap.
"We'll find out soon anyway," halos pabulong kong sabi. Mukhang hindi niya narinig dahil hindi na siya nag-react pa.
Habang nakatitig sa mga ulap ay para akong hinehele nito. Muling gumana ang imahinasyon ko at nakita sa labas ang ibon mula sa painting, sumasabay din ito sa paglipad ng eroplano hanggang sa lumipad ito paitaas.
Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko at hanggang namalayan ko na lang na napasailalim ako ng panaginip mula nakaraan.
It's about the reason why my friendship with Raven was broken.
Sa totoo lang, sa tagal na ng panahon na lumipas ay mistulang mababaw na lang ang dahilan nito. Remembering it in my dream is silly and melancholic.
Mula grade school ay magkaklase na kami ni Raven, but she's not really my very first friend.
I had a boy childhood friend that I'm very close with. We were together all the time, hanggang sa nasama sa'min si Raven na transferee. Naging close din naman ako kay Raven at may punto pa nga na mas madalas na kaming magkasama.
May naging boyfriend ako noong ninth grade na naging ugat ng lamat ng pagkakaibigan namin ni Raven. My ex broke up with me because he just realized he likes my best friend more.
Aamin ko na... I was immature to think that Raven seduced him dahil palagi siyang kasama sa'min.
Mas marami silang common interest, mga laro, anime, at iba pa na hindi ako maka-relate. I felt left out and I thought na sinadya 'yon ni Raven. Pakiramdam ko kasi noon ay gusto niya rin 'yong ex ko. But hindi naging sila.
Maybe out of respect, Raven doesn't want to hurt my feelings. Secretly, may hinanakit ako sa kanya hanggang sa sumabog ako noong tenth grade.
Dahil kung kailan naman narealize ko na may gusto ako sa boy childhood friend ko ay saka ko nalaman na nililigawan niya si Raven. I was jealous of her lalo nan ang maging sila. Doon ako unti-unting lumayo kay Raven.
Noong nag-recollection at nagkaroon ng confession letter ay sinulat ko sa kanya lahat ng hinanakit ko, which is very stupid of me to vent out all of my insecurities to her.
Raven confronted me and she was so angry to me. Hindi niya matanggap na tinawag ko siyang mang-aagaw. She was hurt and she felt betrayed na gano'n pala ang inisip ko tungkol sa kanya.
Kaya simula noon, unti-unti siyang lumayo... Until I found myself in a different group of friends when I graduated from high school.
So, basically, I'm the one who ruined our friendship. Just because of my petty insecurity and jealousy I lost a friend.
Naalimpungatan ako nang marinig ko 'yung boses ng piloto sa speakers. Malapit nang maglanding ang eroplano. I glanced at my side and saw her still sleeping.
Saka ko lang naalala... I never said sorry to her.
*****
I am the captain of this trip that's why bukod sa ako ang bahala sa itinerary ay ako rin ang may sagot ng travel expenses including foods. Isa 'yon sa kundisyong napag-usapan namin at hindi naman na 'ko umangal. Si Ellon lang ang nahihiya kaya ewan ko ba kina Lysander at Raven (sa kinayaman-yaman ng pamilya nila eh mahilig pala sa libre).
Sa airport ay sumalubong sa'min ang inarkila kong car service. Buong biyahe kaming tahimik at tulog hanggang sa lumipas ang tatlong oras nang marating namin 'yung city hall ng pook kung nasaan ang Mt. Itum.
May dalawang palapag lang ang gusali, kulay green ang pintura ng building at kahit na maliit lang ang city hall ay kapansin-pansin naman na malinis dito at maraming mga tanim na halaman sa paligid.
"What are we doing here?" tanong ni Raven pagbaba namin ng sasakyan. "Akala ko ba magha-hiking tayo?"
Wala ring masyadong tao. Sa bungad ay may isang security guard na nakikipag-usap sa isang lalaki. May mangilan-ngilang naglalakad na napapatingin sa'min dahil kapansin-pansin 'yung laki ng mga bag namin. Pare-parehas kasi kaming nakapang-hiking backpack na may kalakihan, at siguradong sa itsura palang namin ay halatang mga dayo kami mula sa malayo.
"We are. Kailangan lang muna nating kumuha ng permit," sagot ko.
"Permit? Ilegal ba 'yung gagawin natin?" tanong ni Ellon pero imbis na sumagot ay nauna na 'kong pumasok sa loob. Binati lang kami ng gwardiya at tinanong kung saan ang pakay namin.
Sa totoo lang ay wala sa instructions ni Manong Ling na pumunta rito sa city hall para kumuha ng permiso, but I did my research first at napag-alaman kong hindi naman common na hina-hike ng mga turista ang Mt. Itum.
Para na rin makasiguro na ligtas 'yung magiging hiking namin kaya ko napagpasyahan na magpunta rito sa city hall.
"Hey." Nasa tabi ko na pala si Lysander at mukhang sinadya niya na sabayan ako sa paglalakad.
"What?"
"When are you going to tell us how exactly we're going to find what you're looking?"
"Wow, mabuti at naisipan mong itanong 'yan."
"Akala mo ba hindi ko napansin na sinadya mong hindi ungkatin 'yon sa meeting? Why? Because you're afraid we might think you're crazy?"
"Yes."
"Don't you think na baka mag-freak out sila kapag nandoon na tayo at bigla kang may pinagawang weird ritual?" sa sinabi niyang 'yon ay bigla akong natigil sa paglalakad.
"A-anong sabi mo?"
"You heard me."
"P-paano mo nalaman na may—"
"Hey, okay lang kayo?" nakahabol na pala sina Raven at Ellon sa likuran namin. Saka ko lang din napansin na nasa harapan na kami ng department na tinuro sa'min ng guard kanina kung saan kami pwedeng magpaalam.
Gustuhin ko mang usigin si Lysander kung paano niya nalaman 'yon pero pumasok na kami sa loob para kausapin 'yung officer para magpaalam kami.
And unfortunately, it didn't go well. Sinabi sa'min na temporarily closed daw ang Mt. Itum at wala silang pinahihintulutang umakyat sa ngayon. Pero hindi ako nawalan ng loob, dahil may kutob ako na makakaakyat pa rin kami kahit na hindi ko alam kung paano.
At nasagot ang kutob na 'yon paglabas namin ng gusali. Napansin ko na may sumusunod pala sa'min at paglingon ko'y nakita ko 'yung lalaking kausap kanina ng gwardiya.
"So, sayang lang ba ang binyahe natin dito? Saan na tayo pupunta—"
"Sandali!" naputol ang pagtatanong ni Raven nang humabol sa'min dito sa parking lot 'yung lalaki. "Aakyat kayo ng Mt. Itum?" hininaan nito ang boses.
Nagkatinginan kaming apat, natural lang na magkahinala kami pero kung titingnan 'yung itsura ng lalaki'y mukha naman itong disente sa kasuotan nito. Hindi nalalayo ang edad niya sa'min, sunog ang balat, maaliwalas ang ngiti, at maayos na nakapomada ang buhok.
Nang walang sumagot sa'min ay kaagad itong napakamot sa batok at bahagyang nagbow. "Pasensiya na kung sinundan ko kayo. Halata kasing aakyat kayo ng bundok dahil sa mga dala n'yo."
Well, he got a point. Hinayaan lang namin siyang magsalita.
"Ako nga pala si Benjo, nakatira ko sa maliit na baryo sa Mt. Itum. Kaya pinasara ng LGU 'yung Mt. Itum, ayaw nilang makita ng mga turista 'yung ginagawang deforestation doon dahil nabili ng mga malalaking negosyante para tayuan ng mall at resort." He seems really sad about it that's why we loosen up our guard a little to listen.
Napabuntong-hininga si Benjo. "Sa susunod tiyak na paaalisin na rin kami ro'n, kaya todo kayod kami para makapag-ipon ng pera. Gusto ko sana makapagtapos ng college kaya sumasideline ako rito sa city hall."
"Anong trabaho mo rito, Benjo?" tanong ko.
Ngumiti siya sa'kin at tila nabuhayan ng pag-asa na baka sakaling makatulong kami sa kanya. "Maraming turista ang gustong umakyat sa Mt. Itum, sikat kasi 'yung hidden falls doon at 'yung enchanted mossy forest. Pwede ko kayong matulungan sa pag-akyat, ako ang magiging tour guide n'yo."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig 'yon. I knew it! Hindi pa dead-end! Mahahanap namin ang Alpas!
Pinigilan ko 'yung sarili ko na magsabi tungkol sa Alpas, naunahan ako ni Raven magsalita.
"Hindi ba delikado?"
Umiling si Benjo. "Parang bahay na rin namin 'yong Mt. Itum, bata pa lang kami playground lang namin 'yon kaya makakaasa kayong hindi kayo mapapahamak kung ako ang guide n'yo." Kumindat pa ito kay Raven na inirapan naman ng huli.
"Umm... Okay na sana kaso... Hindi ba tayo makulong no'n pag nahuli tayong umakyat ng walang permit?" tanong ni Ellon sa'min.
"Hindi sila mahigpit dito, ni wala ngang nagbabantay doon dahil nga alam nilang may mga naninirahan din sa Mt. Itum kaya wala kayong dapat ikabahala," kampanteng sagot ni Benjo.
"Guys?" tumingin ako sa mga kasama ko.
Alam ko na ako ang promotor nito pero gusto ko pa ring irespeto kung ano 'yung desisyon nila. "What do you think?"
"Louella, maghanap na lang tayo ng resort o beach dito," Raven said.
"Ako... Okay lang naman sa'kin na tumuloy," sabi naman ni Ellon.
Tumingin ako kay Lysander para sa sagot niya. Ilang segundo kaming nagtitigan at bigla ko na namang naalala 'yung sinabi niya kanina. Kilala mo rin ba si Manong Ling? Paano mo nalaman? I telepathically asked him.
"Let's go," maikling sabi nito.
"To where?" si Raven.
"Mt. Itum."
"But Lee! It's not safe, we're basically told earlier that it's off-limits!" protesta pa ni Raven.
"I won't backout, Raven. We had an agreement." Sa akin siya nakatingin nang sabihin ni Lysander 'yon.
Oh... I remember... May usapan nga pala kami... It must be really important for him to have a platform to speak... And I totally understand.
"Well, Mt. Itum it is." Tumingin ako kay Benjo at tumango sa kanya. Wala nang nagawa pa si Raven, mukhang kung saan si Lysander ay doon siya sumusunod.
Tumingala ako at nakita ang bundok sa malayo.
Are you really there? Are you really waiting for us?
Because I certainly feel that these synchronicities the universe is giving...
...are leading us to you.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top