/5/ A Surprising Offer

It's not the dreamers
that changed
the world.
You must be
crazy enough
to follow your heart
rather than
listening to your head.
Do you even have guts?

 /5/ A Surprising Offer

[LOUELLA]


I must be going crazy. Iyon talaga ang naisip ko noong napagtanto ko kung nasaan ako.

The trail I've been following just brought me to a place that I never expected. San Rafael Mental Institution.

Perhaps this must be too good to be true. I mean... The clues and little coincidences that made me possible to be here are a little bit... strange.

Before I decided to go inside, I double-checked first if the coordinates I found in the wings of the sculpture is correct. Tama naman 'yung mga numbers.

Tumingala ako sa arko ng lumang gate, the place looked old but it's clean and well-maintained.

Kung wala akong mapapala rito tatanggapin ko na talaga na walang patutunguhan 'tong kutob ko.

Pero paano kung mayroon?

What am I going to do?

Bago pa ako tuluyang lamunin ng overthinking ay buong loob akong pumasok sa loob ng institution. Tinanong ako ng guard kung anong pakay ko at sinabi ko na lang na kailangan ko lang nang ma-iinterview para sa thesis ko kahit hindi naman totoo.

Nang makapasok ako sa compound ay bumungad ang tatlong two-storey building na nakapaligid, at ang pinaka tumawag ng pansin ko ay 'yung ancestral house. Naglakad ako papunta ro'n dahil iyon daw ang ginawang admin office, dati raw kasi itong residential area na may malawak na lote.

"Sorry, Ms. Starling, I'm afraid wala akong maitutulong tungkol sa concern mo," pilit-ngiting sabi sa'kin ng babaeng nagpakilalang head secretary. Nandito kami ngayon sa lounge area ng office ng director na kasalukuyang wala.

Halata sa itsura ng kausap ko ang labis na pagtataka nang ipakita ko 'yung libro at 'yung coordinates na natagpuan ko sa sculpture. Based on her reaction, I'm convinced that she really got no idea on what I'm talking about.

"Baka po pwede n'yong tawagan 'yung director para itanong—" Bigla kaming napatingin sa matandang janitress na natabig 'yung vase sa cabinet 'di kalayuan.

"She's really busy for this nonsense—" natigilan siya nang madulas ang dila. "No offense, Ms. Starling, but I think this is just a silly coincidence."

"Coincidence?" I tried not to show my frustration. I hate to admit but it seems like I looked stupid in front of her.

Napabuntong-hininga ang kaharap ko. "Sa tingin ko baka mali 'yung interpretation mo sa art na 'yan. Hindi ba't ganoon naman palagi? Remember that when we used to interpret poetries? Why the color is blue? Because it conveyed sadness? Hindi ba pwedeng sadyang iyon lang ang trip ng writer?" Natawa ang babae sa sinabi niya pero kaagad din siyang tumigil nang makita akong seryoso.

Right. She's not taking me seriously. Kulang na lang ay itanong niya sa'kin kung gusto ko bang magpa-check up dito.

"I understand po. Pasensiya na sa abala," sabi ko na lang para matapos na ang usapan. Ayoko na kasing magmukhang tanga kaya pinili ko na lang sumuko.

Nginitian niya 'ko na ramdam ko naman ay hindi bukal sa kalooban niya. Tumayo na 'ko't hindi man lang niya ako inihatid palabas ng opisina.

Napabuntonghininga na lang ako. "So... This is the dead-end," I said to myself while staring at the book I'm holding.

"Ma'am?" napalingon ako at medyo nagulat nang makita 'yung matandang janitress. Lumabas din siya at saka lumapit sa'kin.

Akala ko'y may nakalimutan ako sa loob pero napansin kong nakatingin siya sa hawak ko.

"Bakit po?"

"Narinig ko kasi 'yung pinag-uusapan n'yo kanina ni Ma'am Stacy. Parang pamilyar po ako sa ibon na tinutukoy n'yo."

"T-talaga po?" Alam kong nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Bigla na namang kumabog 'yung dibdib ko, 'yung katulad ng excitement na naramdaman ko noon. This is not the dead yet!

Sunod-sunod na tumango ang ale at iginiya niya ako sa gilid ng pasilyo. Luminga-linga pa siya sa paligid at nang masigurong walang makakarinig sa'min ay saka siya nagsalita.

"Matagal na akong nagtatrabaho rito at may kakilala ako na baka makatulong sa'yo."

"S-sino po?"

"Si Manong Ling. Siya ang pinakamatandang janitor dito. Hindi pa nagiging mental institution 'to, katiwala na siya ng mga Vireo."

Para akong binuhusan nang marinig ko 'yung pamilyar na pangalan na 'yon.

"V-Vireo? As in 'yung pamilyang..."

"Oo, sila nga. Dati kasing manor 'to na pagmamay-ari ng Vireo. Ginawa nilang ospital, 'tapos nang malugi ay binenta na lang sa gobyerno ang lupa sa kundisyong huwag tibagin 'tong lumang mansion."

Is this another 'silly' coincidence as well?

Pilit kong binalik 'yung atensyon ko sa pakikinig sa aleng janitress na kaharap ko.

"Noong naabutan ko pang malakas pa si Manong Ling, palagi niyang kinukwento sa'min 'yung tungkol sa mahiwagang ibon na nakita nila sa kagubatan ng bundok."

"Nasaan na po si Manong Ling? Dito pa rin po ba siya nagtatrabaho?"

Bahagyang bumagsak ang balikat ng ale. "Matagal na siyang retired, eh. Pero nandito pa rin siya... Bilang pasyente."

"Po?"

"Wala kasing asawa at anak si Manong Ling, siguro'y pinabayaan din ng mga kamag-anak. Nagulat na lang kami kasi kusa siyang pumunta rito... Naawa ang director namin kaya hinayaan na lang na kupkupin dito."

"May sakit po ba siya sa pag-iisip?"

"Hindi nga namin sigurado kung sadyang bunga lang ng katandaan ang pagiging makulit niya. Minsan naman ay nakatulala na lang siya. Kapag nakakausap namin ng matino'y palagi niyang sinasabi na hindi raw siya aalis dito kasi may hinihintay siya."

Natahimik kami parehas ng ale. Pakiramdam ko'y parehas kami ng nasa isip. Sino nga ba ang hinihintay ni Manong Ling?

Hinawakan niya ako bigla sa braso. "May kutob lang ako, ineng, kaya nilapitan kita..."

"Malaking tulong po ito. P-pwede ko po kayang makausap si Manong?"

At dahil parehas kaming nababagabag ng misteryo, tinulungan ako ng aleng nagpakilalang Mara. Wala akong permiso at letter para makipag-ugnayan sa mga pasyente kaya laking pasalamat ko na lang.

Dinala niya ako sa barracks na walang ibang tao at ilang sandali pa'y dumating siyang tulak-tulak sa wheelchair ang isang matandang lalaki na sa palagay ko'y si Manong Ling. Puting-puti na ang buhok nito, bakas sa katawan nitong payat ang panghihina.

Nang makita ako ni Manong Ling ay tila ba nabuhay ang mga mata nitong kanina'y nakatulala lang sa kawalan. Siguro'y sinabi na sa kanya ni Aling Mara 'yung tungkol sa pakay ko.

"Lalabas lang ako para magbantay," sabi ni Aling Mara sa'kin. "Kalahating oras lang ang maibibigay ko sa inyo, ha."

"Maraming salamat po." Nang iwanan kami ng ale ay umupo ako at umusod palapit kay Manong Ling. "Hello po, ako po si Louella."

"Nasaan?" saglit akong napaisip sa unang salitang sinabi niya sa'kin. Hanggang sa napagtanto ko na tinutukoy niya 'yung dala kong libro.

Inabot ko sa kanya 'yon at kaagad niyang niyakap ang libro, walang ibang sinabi.

"Kayo po ba ang gumawa ng librong 'yan?" marahan kong tanong.

Iling ang sinagot niya sa'kin. Pagkatapos akapin ang libro'y binuklat niya 'yon at isa-isang tiningnan ang lumang pahina.

"Ikaw lang ang dumating, hija," pagkaraa'y sabi ni Manong Ling nang ibalik niya sa'kin ang libro. Mangiyak-ngiyak ang mga mata niya. Napatitig ako sa kanya at hindi ko maiwasang mapawari kung talaga bang may sakit siya sa pag-iisip.

"Ako po? Sino po bang hinihintay n'yo?"

"Mga taong makakahanap ng tagpuan."

"Ano pong tagpuan?"

"Dito."

"Bakit po kayo naghihintay?"

"Dahil nangako ako sa kanila na ako ang maiiwan dito para ituro sa iba ang nadiskubre namin."

Sa isang pangungusap na sinabi ni Manong Ling ay napuno ng maraming hiwaga ang isip ko. Nangako? Sa kanila? Ituro? Nadiskubre?

"A-ano pong—"

"Makinig kang mabuti... Ang Alpas... Totoo ang Alpas..."

"P-po?"

"Iyong ibon... sa timog... tinawag namin itong Alpas. Dahil kapag nagpakita sa inyo ang ibon na 'yon... Isang napakalaking biyaya... Nang katapangan, karunungan, katapatan, salagimsim, at hiraya."

Habang binabanggit niya ang mga salitang 'yon ay naalala ko bigla ang nakita ko noon sa university museum, kung paanong gumana ang imagination ko na lumabas ang ibon sa painting.

Even the mysterious voice I heard was too surreal to remember. Find me.

Based on what Manong Ling is saying, all along I was right to think that the bird is asking me to find it?

...Because it knows that I need it. I need to find courage. I need to find something mystical in order for me to become free... like Alpas.

Naramdaman ko ang paghawak ni Manong Ling sa braso ko, mas lumapit ako para marinig ang susunod niyang sasabihin.

At tama nga ako... Dahil ako lamang ang dumating sa tagpuan... Ako ang matagal na niyang hinihintay na makakatuklas ng palaisipang iniwan nila.

Nakinig akong mabuti kung paano mapupuntahan at mahahanap ang Alpas...

I smiled while he cried.

Finally, Manong Ling passed the message he promised to do. And I have to find it.

But the problem is, I can't do it alone.


*****


PALABAS na 'ko ng institution nang matigilan ako bigla dahil nakita ko na naman 'yung taong laging inilalapit sa'kin ng tadhana. I guess the universe is trying to set us up for something.

Napansin din niya ang presensiya ko kaya tumigil siya sa paglalakad at saka tumingin din sa'kin.

Ilang segundo rin kaming nagsukatan ng titig ni Lysander Vireo. Ako na ang unang naglakas ng loob na lumapit sa kanya.

"Sinusundan mo ba 'ko?" I asked without batting an eyelash.

Umismid siya at pumamulsa. "Ako dapat ang magtatanong niyan. What are you doing here? Magpapa-admit ka ba?"

Ang lakas din palang mang-asar ng isang 'to. I crossed my arms. "I heard your family formerly owned this place, anong ginagawa mo rito?" balik tanong ko sa kanya.

Parang mauubusan na siya ng pasensiya kaya siguro sa huli'y napabuga na lang siya ng hangin. "I'm visiting someone." Pagkatapos sabihin no'n ay tinalikuran na niya ko pero mabilis ko siyang naharang. "What?" He looked annoyed.

Umatras ako ng isang beses at bahagyang napayuko. "Hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa'yo ng maayos." Nag-angat ako ng tingin at nakita ang boring na expression sa mukha niya. "Can I at least buy you a drink?"

Himala kung himala dahil pumayag siya. Sa labas ay may malapit na open park at doon kami pumunta.

"Here." Inabot ko sa kanya 'yung milk tea na binili ko.

"I'm guessing that you want to talk about something," sabi niya habang tinatanggal ang plastic sa straw. "Spill it." May pagka-psychic pa rin pala siya.

Umupo ako sa tabi niya. Saglit akong napaisip dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong sabihin.

"Nais kong umalpas, gusto mo bang sumama?" Napatingin siya sa'kin at halatang naguluhan.

"What?"

"Narinig mo rin 'yung pinag-uusapan namin ni Prof. Diwani noong isang araw, hindi ba?" Tumingin din ako sa kanya. "Pagkatapos noong malasing ako, dinala mo 'ko sa bahay nila Raven dahil may kailangan ako sa kanya. When I got the book from her it led me to another puzzle."

"Seriously, Louella Starling, hindi ko maintindihan ang gusto mong sabihin."

I sighed deeply. "The painting from the museum led me to San Rafael... And I found someone who taught me the way to find Alpas." I told him everything I heard from Manong Ling.

"And so? You want to look for that mythical bird?" I know I sounded crazy but my heart flutters because he really listened to me.

Nang tumango ako ay napailing naman siya.

"You actually believed a person in a mental institution." Nagulat siya nang matawa ako sa sinabi niya.

"Right? Kanina ko pa nga iniisip 'yan. Baka nababaliw na rin ako."

"Well, kung gusto mo sasamahan kitang magpa-admit," he sarcastically said. Papatayo na siya nang pigilan ko siya sa braso.

"I'm serious, Lysander. I want to find it." Alam kong isang malaking kalokohan sa pandinig ng ibang tao pero para sa'kin ay may bakas ng sinseridad ang pangako ni Manong Ling sa mga kasama niya.

"Then go. Walang pipigil sa'yo—"

"I can't do it alone. He told me that I'm supposed to go with at least four people." Binitawan ko siya pero nanatili pa rin siya sa pwesto. "You... I want you to come with me."

"What? You're crazy—"

"In return, I'll do the interview you're asking." Nakita ko kung paano siya natigilan, nanlaki ang mga mata niya't halatang napaisip.

"Join me to find Alpas, Mr. Vireo." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top