/4/ Following the Clues
Trust your heart
all the time.
Don't listen
to the noise
outside.
For we have all
our own truths
within
/4/ Following the Clues
[LOUELLA]
SABI nila kapag napanaginipan mo ang isang tao maaaring iniisip ka rin daw ng taong 'yon.
Kapag naman nanaginip ka ng isang bagay ay maaaring hinahanap ka rin ng bagay na 'yon.
I dreamed about it... I dreamed about the mystical bird called Alpas.
In my dream, the bird was staring at me intensely, there's a bluish fire in its eyes. I swear I almost hear it speak. Find me.
I remember an old adage, what you seek is also seeking you. Was it true?
Mabuti na lang ay naging habit ko na tuwing paggising sa umaga na alalahanin kung ano 'yung naging panaginip ko. That way, I was able to interpret some things, kahit na hindi ko naman sigurado kung totoo ba ang mga 'yon.
They said that our dreams reflect our reality in some way.
Bigla akong napabangon nang mapagtanto ko na nasa ibang kwarto ako.
Hindi ito ang condo ko. Nasaan ako? How did I end up here?
"Lysander..." I whispered to myself when I remembered what happened last night. I was totally wasted and I even puked in front of him.
Napatakip ako ng mukha. That was so embarrassing!
Natigilan ako nang maalala rin kung paano siya biglang sumulpot sa club at hinila ako palayo mula sa lalaking nagtangkang mang-harass sa akin.
Dahan-dahan akong bumaba sa malambot na kama at nilibot ng tingin ang silid. It's more spacious and fancier compared to my room, and obviously na babae rin ang may-ari nito dahil sa fuchsia motif.
D-don't tell me nandito ako sa bahay ng mga Vireo?
I glanced at the mirror and saw myself wearing different clothes, a Louis Vuitton pajama.
Magpapanic na sana ako nang may maalala ako bigla.
"Take me to Raven's house. Raven... I need to see her." Iyon ang natatandaan kong sinabi ko kay Lysander kagabi.
Dali-dali akong nagtungo sa bintana at sumilip sa labas. Natanaw ko ang pamilyar na malawak na bakuran. Pagkatapos ay nagtungo ako sa study table at nakita roon ang isang picture frame ng isang batang babae at saka ko tuluyang nakumpirma—nandito nga ako sa kwarto ni Raven.
Napakagat-labi ako. Hindi ko naman sukat akalaing literal akong makakarating dito. Maybe Lysander helped me to get in here and I'm too drunk to remember. At least, tama ang address na sinabi ko sa driver.
How ironic dahil natatandaan pa rin ng subconscious ko 'yung address ng bahay ng dati kong best friend.
Halos mapatalon ako nang may kumatok at sumilip doon ang isang naka-unipormeng babae.
"Ma'am, ready na po ang breakfast."
"S-sige po."
Nilunok ko na lahat ng kahihiyan ko at lumabas ako ng naka-pajamas dahil hindi ko mahanap kung nasaan 'yung suot kong damit kagabi.
I was preparing myself to face Raven again pero isang tao lang ang nadatnan ko sa dining room, it's her mother, Alicia Arwani, the legendary singer-actress.
"Good morning, darling. It's lovely to see you again," ngiting-ngiti nitong bati nang makita ako.
"G-good morning po. T-tita, I'm really sorry if I barged in wasted last night. I'm sorry if—"
"Hush hush, darling, parang hindi ka naman kaibigan ng anak ko. Come, let's eat."
Hiyang-hiya man ay hindi ko na rin siya nagawang matanggihan. Sobrang tagal na nang huli akong makapunta rito, kapansin-pansin kasi ang laki ng ikinatanda ng itsura ni Tita Alicia pero hindi pa rin naglaho ang pagka-elegante niya.
Habang kumakain ay nagkwento si Tita Alicia kaya hindi ko maiwasang mapaisip. Alam niya ba na hindi na kami magkaibigan ng anak niya? She treats me as if kahapon lang kami huling nagkita, walang pinagbago.
"S-Si Raven po pala, nasaan?" sawakas ay natanong ko rin 'yon.
She paused for a second while pursing her lips, then she handed me a plate full of fruit souffle pancakes. "Try this, darling, I hired a new chef."
Alanganin akong ngumiti at saka kumuha ng pancakes. I heard her sigh at nakita kong natulala siya saglit.
"She's not home. Matagal na."
"Po?"
"Kaya nga natutuwa ako na dumating ka dahil tinawagan ko siya kagabi na pumunta ngayon." Muling napabuntong hininga si Tita Alicia. "But she's not here yet, that girl is really hardheaded."
Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot, I'm not sure if it's okay to ask why but... I can feel that she's waiting for me to be inquisitive. Pero pakiramdam ko wala akong karapatan... Because Raven and I are not friends anymore.
Our topic shifted to me, Tita Alicia congratulated me and asked about my successful online career. The gloomy mood vanished when we didn't talk about her daughter.
Pagkatapos ng agahan ay pinaakyat niya ako para makapagpalit ng damit, she insisted me to wear Raven's clothes. It's fashionable and incomparable to Raven's current gothic taste. Parang hindi ko nga deserve na isuot 'tong designer clothes na binigay ni Tita.
"Pasensiya na po talaga sa abala, I'll return this—"
"Raven never wore that dress, it's yours, darling. Besides, I enjoyed your company this morning."
"Ako rin po, Tita." I smiled at her.
Sa totoo lang hindi ko maiwasang mapaisip, Tita Alicia seems like a sweet person, bakit lumayo sa kanya ang anak niya?
Paglabas ko ng Arwani manor ay hindi ko maiwasang pagmasdan iyon. There are happy memories that we cannot return to anymore because there are so many changes that happened as the years go by. Including friendships that we eventually lost.
Maglalakad na sana ako nang makita kong may humarang sa daan. It's her. She actually showed up but she didn't go inside earlier.
She looked rebellious as always, walang mag-aakalang anak mayaman siya sa itsura ng pananamit niya.
Napahalukipkip si Raven matapos tanggalin ang earphones. She sighed and said, "I was planning to piss you off but I never expected that you'll go this far." And then she smirked. "Getting wasted and then you'll barge here unannounced? Really? Louella Starling?"
"I heard from your Mom that you ran away from home," sagot ko.
"Hindi ka man lang ba magsosorry?"
"Sorry," I said. "I know what I did is stupid. Akala ko dito ka pa rin nakatira dahil kinuha mo 'yung librong kailangan ko. I need it, hand it over."
Umismid siya. "I guess Karma is real. Inunahan kita sa paghiram ng librong 'yon like what I've said, just to piss you kaso mabilis na bumaligtad ang sitwasyon."
"You're pissed that I came here? In the first place, sana hindi mo na inagaw 'yung libro."
Naningkit ang mga mata ni Raven at humakbang ng isang beses. "Inagaw? I borrowed it first from the library. Gusto mo talaga laging iduldol sa'kin 'yung salitang 'yon, ano?"
As we stared at each other, memories began to flash inside my head. All of the time we spent together since we're little until tenth grade was still here.
We used to be there for each other and I guess some promises of friendship are meant to be shattered. Like objects, friends are casualties and not meant to stay forever.
I guess we're both transported by time for a while. Ihip lang ng hangin at katahimikan ang namagitan sa'ming dalawa nang maalala ang nakalipas.
Raven silently handed over the book and she quickly went inside their house, mas pinili niyang harapin ang mommy niya kaysa makasabay akong lumabas ng subdivision.
Naglakad na 'ko palayo kahit na biglang may kumirot sa dibdib ko. Surprisingly, even though the past hurts, mas masakit pa rin pala 'yung isiping hindi na kami magkaibigan ngayon. Panghihinayang ba 'to?
I looked back but she never did. Yeah, right, it's too late to regret that we ruined our friendship.
*****
HINDI na 'ko makapaghintay na mabasa 'yung libro kaya naman kaagad akong nagtungo sa isang coffee shop sa malapit na mall pagkalabas ko ng executive subdivision nila Tita Alicia.
Damang-dama ko pa 'yung excitement habang binubuklat ang libro. 'Yung sa sobrang excitement ko'y wala lang sa'kin na naiwan ko 'yung kotse ko sa parking lot sa club na pinuntahan namin kagabi. Babalikan ko na lang...Ang mahalaga nasa akin na rin sawakas ang librong 'to.
Pero nang ma-scan ko ang laman nito'y hindi ko maiwasang madismaya. I guess I expected too much.
The Search for Alpas book is a collection of poems book, isa 'tong anthology ng mga tula mula sa iba't ibang anonymous writers na na-compile ng nagngangalang El O. Him, Elohim is a name of God, kaya kaagad kong napansin na pseudonym 'yon.
I tried to search the pseudonym on Google pero walang search results na lumabas. Dismayado man ay binasa ko pa rin 'yung mga tula sa loob at lahat ng 'yon ay may tema ng freedom.
Napabuntong-hininga ako nang mabasa ang libro, manipis lang din naman kasi 'yon at madaling basahin.
"This is the book that inspires that painting," bulong ko sa sarili. "But... Bakit kaya search for Alpas?" Ang akala ko kasi ay isang tangible element ang tinutukoy nitong Alpas, katulad ng nasa painting na ibon.
Napailing ako. Hindi ko pa rin magets kung bakit nababother ako. Parang... Parang may kulang pa.
Muli kong tiningnan 'yung libro, kupas na ang pabalat nito at malulutong na ang bawat pahina. Why do I feel that there's something more... This can't be the dead-end.
Wait... What the hell even I'm finding here?
Nababaliw na 'ata ako.
"Here's your order, Ma'am! Blueberry cheesecake and iced caramel macchiato—" Nagkatinginan kami ng crew nang matigilan siya. "L-Louella!"
Kaagad ko naman siyang namukhaan kaya ngumiti ako. "Hi! Ellon, right?"
Mangiyak-ngiyak siyang tumango at saka nilapag 'yung tray sa mesa ko.
"W-wow! N-naalala mo pa pala ako." Tango at ngiti lang ang nagawa kong isagot sa kanya pero hindi pa rin siya umalis. "Umm... S-sorry hindi ko mapigilang ma-starstruck. Akala ko nangjo-joke lang 'yung kasamahan ko na nandito ka."
"Part-timer ka rito?"
"Yup. Naisipan ko lang kasi wala naman akong gagawin sa dorm." Napakamot siya sa batok.
Halatang interesado pa rin siyang makipag-usap dahil hindi pa rin siya umaalis. Dadalawa lang kasi kaming customer at mukhang hindi mahigpit ang management nila.
"Iyan ba 'yung librong sinabi ni Prof. Diwani?" bigla niyang tanong at tinuro 'yung libro sa mesa.
"Ah, oo." Alanganin akong napangiti. Nakikinig din pala siya noong oras na 'yon.
"Sa totoo lang, na-curious din ako kaya pinuntahan ko rin 'yung painting na 'yon sa museum ng school natin. At tama ka nga, it's indeed enchanting." I'm awed that he went to see it too.
Tinanggal ni Ellon ang suot na cap. Mukha siyang maamong bata lalo pa't parang ang sarap pisilin ng pisngi, idagdag pa ang maalon-alon niyang buhok at bilugang mata. Para siyang baby Niño sa paningin ko.
"Gusto mo rin bang mabasa 'to?" alok ko bigla. Umiling siya't ngumiti kaya lalong lumabas ang dalawang biloy nito sa pisngi.
"Sorry for taking your time. Baka makatulong 'to." May sinulat siya sa maliit na papel at nilapag 'yon sa mesa. "Nagresearch din ako ng kaunti tungkol sa creator ng painting na 'yon since walang ibang info na binigay sa'yo si Prof. Diwani. It turns out na big time pala ang tatay niya."
Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano 'yung sinulat niya sa papel.
"Why are you helping me?" hindi ko maiwasang itanong.
"Kasi... Crush kita." Ilang segundo kaming nagtitigan. Akala ko bigla siyang mahihiya pero nanatiling seryoso at sincere ang ngiti niya. "Sige, Lou, maiwan na kita. Have a nice day."
Natulala ako nang umalis si Ellon. Ngayon lang ako nakatanggap ng confession nang gano'n... 'Yung confident... 'Yung genuine sa pakiramdam. I found myself smiling and I picked up the paper he gave me.
Biglang kumabog 'yung dibdib ko dahil pakiramdam ko... Pakiramdam ko'y may sinusundan akong mga clues patungo sa kung saan. I knew it, hindi pa ito ang dead-end.
Nakasulat sa papel kung saan ako dapat magpunta, sa National Museum of the Philippines.
*****
In a blink of an eye, I found myself inside the museum. Sumakay ako ng cab para mas mabilis makapunta ng Maynila mula Makati.
Nawala ang sakit ng ulo ko mula sa pagiging wasted ko kagabi dahil masyadong occupied ang isip ko ng misteryong sinusundan ko.
It's like a strange calling... Nagtutugma-tugma ang puzzle pieces na nakukuha ko.
Maybe it's meant to happen that Raven borrowed the book first, it's also meant to be na nalasing ako't napadpad sa bahay nila, because if not I will never meet Ellon to give me this important information.
And it didn't disappoint.
Rogelio Diwani's other masterpiece lies in the center of the secluded staircase of the museum. Salamat sa curator na mabait na naghatid sa'kin dito. According to her, the art was donated by the Diwani family kahit na maraming gustong bumili nito.
Dagdag pa ng curator na isa raw sa dying wish ni Mr. Rogelio na itago rito sa museum 'yung sculpture. Mas lalong lumala ang curiosity ko, bakit niya gustong itago ang napakagandang obra na 'to?
Here I am standing in front of a five-foot pedestal, sa ibabaw nito'y nakalagay ang sculpture ng isang mistikal na ibon na katulad ng nakita ko sa painting.
"Alpas..." I couldn't help but whisper that world while staring at the exquisite stone bird.
Matapos kong pagmasdan at kuhanan ng picture 'yung sculpture ay hindi pa rin ako mapakali.
What now?
Imposibleng dead-end na talaga 'to dahil pakiramdam ko'y tama ako nang sinusundang clues.
Kinuha ko 'yung libro sa bag ko at binuklat 'yon. Tumambad sa'kin 'yung first page nito.
Sa pakpak nakaukitang ating tagpuan.Hihintayin kitakahit gaano pakatagal.Nais kong umalpas,gusto mo bang sumama?
"Sa pakpak?" kaagad akong tumingala at tiningnan ang pakpak ng sculpture.
I opened the flashlight of my phone to see it more clearly. Thanks to my sharp vision I was able to notice a strange mark etched on the bottom part of the wings. Kinuhanan ko 'yun ng picture at saka ko zinoom ang larawan.
The etched marks are roman numerals. Tiningan ko 'yung isa pang pakpak at may ganoon ding pattern.
XIV.V-VI-III-VIII
CXXI.0-I-III-V
I converted it into numbers at ito ang nakuha ko.
XIV.V-VI-III-VIII = 14 5 6 3 8
CXXI.0-I-III-V = 121 0 1 3 5
Umupo ako sa may hagdanan para mag-isip nang mabuti kung ano ang kahulugan ng mga numbers na 'to.
"Hindi kaya..." I opened the book again to read the opening lines.
Sa pakpak nakaukit
ang ating tagpuan.
"Tagpuan... These numbers are direction to a place?" Pagkatapos ay parang may bumbilyang umilaw sa ibabaw ko. "Longitude and latitude coordinates!"
Nanginginig kong tinype sa search bar 'yung mga numbers na natuklasan ko at pagkatapos ay nanlaki ang mga mata ko nang lumbas sa search bar ang isang mapa.
"Wait... Louella, calm down." Pinaypayan ko 'yung sarili ko dahil saka ko lang napagtanto na pinagpapawisan na pala ako. Wala kasing aircon sa area na 'to dahil hindi naman napupuntahan ng mga tao.
Hindi maalis ang ngiti sa labi ko sapagkat parang dinadala ako ng misteryo sa isang tagong kayamanan.
Ngayon ko na lang ulit naramdaman 'yung ganitong excitement. I felt alive after for a long time... Damang-dama ko pa 'yung pagtibok ng puso ko.
Hindi na ako nag-atubili pa at kaagad kong pinuntahan 'yung naka-point na lugar sa mapa. Though at first hindi ko napansin kung anong lugar 'yon. Nang ibaba ako ng taxi sa harapan ng gusali'y saka ko lang narealize na napadpad ako...
... sa mental hospital.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top