/26/ Remember You Are Worthy

Why do you always blindly chase people's validation? Why do you always crave material things that will soon perish? For you are already worthy of something great, immeasurable, and boundless love from above.


/26/ Remember You Are Worthy

[...]

KUNG minsan ay may mga mahahalagang desisyon sa buhay natin na magdudulot ng matinding pighati sa ating mga puso.

Masakit, hindi man madaling limutin para kay Louella na naglaho ng gano'n-gano'n lang lahat ng mga nangyari pero wala na siyang magagawa pa. A deal was a deal, she got what she wanted but with a cost.

Even though it was painful like literally, she can feel her heart breaking into pieces, she chose to look at the positive side, that because of her sacrifice, in this life, she undid all those tragedies that happened. Because of her choice, Ellon would never become a cheater and a thief, Raven would never become a murderer, and Lysander, the one who taught her how to rise above the hate, would never succumb to hate and anger.

"I went live today because I had an important announcement to make," sabi niya nang kaagad magsimula ang video. Wala ng kahit ano pang pasubali, ni hindi na niya binasa ang mga pagbati ng mga followers niya na nonood, hindi katulad ng dati'y halos mapaos siya sa pagbati sa mga 'yon.

Before continuing, she stared at her reflection on the screen for seconds. She was slightly smiling, not the way she used to be. Perhaps, in her former life, she learned a hard lesson that some people don't deserve your best smile but it doesn't mean you won't stop smiling just because of some mean people.

"This is going to be my last video." Pagkasabi niya no'n ay halos sumabog ang live chat box sa gilid sa pagkabigla ng mga manonood sa kanya.

Natural naman na magiging gano'n ang kanilang reaksyon dahil sa biglaan niyang pag-aanunsyo. Subalit walang anumang mga salita mula sa kanila ang nakaapekto na makapagpabago ng kanyang ng naging desisyon.

She just shrugged when she saw them asking for her reason, and so Lou decided to be truthful in her answer. "I don't feel like doing it anymore," sagot niya. "I just wanted to focus my energy on more important things in my life. I know it's sudden and I'm sorry. I also wanted to say thank you for the support and love you've given me since I began this journey. I'm really grateful, I really do, but it's time to go."

Outside, in her living room, her things were already packed and she's ready to move out. Few days ago, ay nabili na rin 'yung condo niya at sa susunod na linggo na darating 'yung bagong may-ari nito. She's still looking for a prospect buyer of her car because she just recently posted it online. Binenta rin niya ang ilang gadget na sa tingin niya'y hindi na niya kakailanganin, karamihan do'n ay mga mamahaling equipment para sa vlog niya katulad na lang ng drone.

'What happened? Are you going broke?' nahagip ng kanyang mata ang isang comment.

'Mukhang totoo ang tsismis na hinahabols siya ng BIR. Lols baka kaya tumatakbo na.'

Apparently, dahil nga high profile influencer siya sa social media ay mabilis na kumalat ang mga pagbebenta niya ng mga gamit. Karamihan din naman kasi sa mga nag-iinquire na bibili ay mga followers niya. Kaya biglang may sumulpot na mga haka haka tungkol sa kanya katulad na lang ng mga nasa komento.

'Baka masyado malaki kinikita sa vlogs niya kaya nasilip ng mga tax regulators.'

'If that's true then isn't that tax-evading?'

Hindi niya mapigilang mapangisi. People will be always people; they will be always judgmental creatures and too self-righteous to impose their beliefs on you. How ironic, they hate dictators but they became the dictators themselves.

Of course, the rumors are not true. Walang humahabol na tax regulator sa kanya at hindi siya naghihirap o nagkukulang sa pera. It just happened that some of her secret haters took advantage of the rumor to spread it like a wildfire in order to bring her down.

But no. You cannot cancel someone twice, Lou believed. She already experienced it and learned terribly from it. She's not at the whim of society anymore for she truly knew how to rise above every circumstance that life will throw at her and that includes mass rejection from people. She's no longer afraid.

"So, this is goodbye then—"

'LOU! HINDI MO MAN LANG BA LILINISIN YUNG NAME MO? LOOK AT THESE MALICIOUS AND LIBELOUS CLAIMS!' Natigilan siya nang mabasa ang comment na 'yon kaya naman napabuntong-hininga siya.

"I'll just say this once, it's not true. But people will believe what they want to believe, and I won't try to fight those who throw rocks at me." Pagkasabi niya no'n ay mas nangibabaw sa live chat box ang mga comments na nagtatanggol sa kanya. "Perhaps, in another life, you'll discover that I did something unacceptable and you'll hate me to the end of the world." Natawa siya nang sabihin 'yon. It was real, they all hated her to death. "I appreciate your concerns but don't worry about me, I'll be fine."

She knew that she would be. It's not just an affirmation but a confirmation that no matter what will happen from that moment, she will never fall again for she found her own wings.

Hindi na pinahaba pa ni Lou ang livestream, sa tingin niya nasabi naman na niya ang dapat niyang sabihin kaya pinutol na niya iyon kahit na ang dami pang nagmamakaawa na huwag siyang umalis.

Strangely enough, she doesn't feel indebted to those faceless people because she already broke the chain of obligation to please them. She's free from it, at least.

Lou planned to move back in their home, wala namang nakatira roon maliban sa mga katiwalang nagbabantay sa luma na nilang bahay. Noong una'y nagulat at ayaw siyang payagan ng mommy niya sa desisyong iyon pero sa huli'y wala na ring nagawa ang huli.

"Is it true, anak? May tinatakasan kang tax issue?" Kaagad na tanong ng kanyang ina nang tumawag ito. Mabilis ding nakarating sa kanyang pamilya na nasa ibang bansa ang usap-usapan tungkol sa kanya.

She assured her mother that it's not true, subalit hindi pa rin ito mapalagay kaya sa huli ay inamin niya ang totoo.

"Mom, the truth is... I am not well," diretso niyang sabi, wala nang anumang pag-aalinlangan.

As expected, nag-alala ng sobra ang mommy niya at katulad ng kinatatakutan niya noon ay tila nasisi pa siya nito sa naging kapabayaan niya sa kalusugan.

But again, she was also not afraid anymore to her mother's words. She also learned that some people's care was often disguised in harsh words. Mukha lang na malupit ang kanilang mga salita pero sa likod nito'y nagtatago ang pagmamahal.

Ang totoo niyan ay wala na siyang karamdaman sa buhay na 'yon. Her impending disease vanished without a trace and the doctor was also baffled when she consulted last time. It's strange for her because she never wished it in her heart and yet the little gods restored her health.

After talking to her mother, Lou faced herself in the mirror and asked the question to the reflection, what's next?

Hindi na siya nag-isip pa dahil mabilis na kumilos ang katawan niya. Tutal ay nakagayak na siya kanina pa ay kinuha lang niya ang jacket bago umalis.

Nag-commute siya papunta sa isang pamilyar na coffee shop. Mabilis lang ang biyahe dahil gabi naman na at tapos na ang rush hour. Hindi naman nabigo si Lou dahil saktong nadatnan niyang naglilinis ng mesa ang kanyang pakay, kung paano niya nalaman naroon ang taong 'yon sa gano'ng oras ay hiwaga lang ang nakakaalam.

"Magsasara na po—" Natigilan si Ellon nang makita siya. "L-Louella Starling!" His tired eyes beamed when he saw her, Lou still remembered that he's the same when she met him on Professor Diwani's class.

Sa labis na pagkagulat nito'y natulala lang ito sa kanya. Hanggang sa lumapit na ang kasamahan nitong babae, "Sorry, Miss, magko-close na kami, eh."

"Ah, gano'n ba," aniya. "Pwede bang makausap kita saglit?"

"A-ako?" turo pa ni Ellon sa sarili. Nakangiti siyang tumango.

"Miss, oras pa ng trabaho namin," biglang singit ng babae na hindi pa rin umaalis.

"Okay lang, maghihintay ako sa labas," sabi niya na labis kinagulat ni Ellon. Hindi na niya ito hinintay makasagot saka siya lumabas at tumambay sa gilid para hintaying matapos ang shift nito.

Makalipas ang isang oras ay nakita niya si Ellon na humahangos lumabas. Bakas pa rin sa mukha nito ang pinaghalong kaba, saya, at pagtataka.

"S-sorry pinaghintay kita, a-ano nga pala 'yung s-sasabihin mo? S-sure ka bang ako talaga 'yung g-gusto mong kausapin?" Hindi niya mapigilang mangiti dahil sa niyerbyos nito.

"Oo, ikaw nga, Ellon Lawin."

"K-kilala mo ako?! P-paano mo ako nakilala?! S-sorry, hindi sa sinisigawan kita, nagulat lang talaga ako."

"Yes, we know each other from the other life," she said and confusion grew bigger on his face. "Let's go, nagugutom na 'ko, may alam ka bang kainan?" Nauna siyang naglakad at wala itong nagawa kundi sumunod sa kanya kahit na takang-taka.

At dahil sarado na halos lahat ng mga kainan ay napadpad sila sa midnight avenue kung saan ay maraming mga nagtitinda ng street foods. Natatandaan pa rin niya na sa ganoon din sila unang nagtungo ni Ellon noon.

Likas na magiliw si Ellon kaya humupa rin ang kaba nito 'di kalaunan dahil din sa magaan niyang pakikitungo.

"Para akong nanalo sa lotto, pinapanood lang kita dati ka-date na kita ngayon—este, kasama. Sorry, ang asyumero ko," napakamot ito sa batok habang ang isang kamay ay may hawak na barbeque.

"This is our date," sagot niya at halos malaglag ang panga ng kaharap. "You asked me for a date before, I never got a chance to grant it that's why we're here."

Napakunot si Ellon at 'di malaman ang sasabihin. Hindi na nilampas ni Lou ang pagkakataong 'yon. Mas lumapit siya rito at nilagay ang dalawang kamay niya sa pisngi nito saka hindi kumukurap na tinitigan sa mga mata.

"Alam kong mabuti kang tao, Ellon, dahil handa kang magsakripisyo para sa pamilya mo, inuuna mo sila kaysa sa sarili mo kaya may mga pagkakataon na gusto mo nang sumuko." Nang mga sandaling 'yon ay nabahiran ng pangamba ang mga mata ng kaharap pero nagpatuloy lang siya. "Maraming beses mo nang sinumpa ang sarili mo pero hindi totoo ang mga iniisip mo sa'yo, hindi ka marumi, hindi totoo na wala kang kwenta. Huwag kang maniniwala sa iba na pera at estado lang ang batayan ng halaga ng isang tao. Mahalaga ka, Ellon, hindi mo na kailangan pang patunayan 'yon gamit ang mga materyal na bagay."

"T-teka!" kumalas na ang kaharap sa pagkakahawak niya. "A-ano bang pakay mo? B-bakit mo 'to sinasabi? S-sino ka? H-hindi mo ako kilala."

Matipid lang siyang ngumiti, humakbang ng isang beses para haplusin ang pisngi nito. "Ang tunay na halaga mo, Ellon, ay 'yang kabutihan na nasa puso mo. You don't need the world's approval and its riches, because you're already worthy of an eternal treasure. Never trade your soul for worthless things,  because the love that resides within you is already greater than anything from this world.  Mahalaga ka, please, huwag mong kalilimutan 'yan."

Maraming gustong sabihin sa kanya si Ellon noong mga sandaling 'yon subalit sa isang kisapmata'y naglaho siya sa paningin nito. 




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top