/25/ Was It All Meaningless?
"There is a time for everything, and a season for every activity under heaven:
a time to be born and a time to die,"
-From the Book of Ecclesiastes
/25/ Was it All Meaningless?
[...]
PERHAPS fame, money, and power are not the real measure of a life's worth. Ellon finally accepted the truth that he may have the power to get whatever he wants that there is in this world, but he will never possess a single thing—and that is a person's heart.
He thought that if only he could get the girl of his dreams, he would be content, and lo he did so but much to his big disappointment. Nakuha niya nga ito nang pisikal subalit hindi niya nakamtan ang pag-ibig na inaasam. Louella has no more will on his own because of his enchantment. He made her forget everything and only look at him but it was just a shallow act for he is like a puppeteer pulling her strings.
Subalit may hindi alam si Ellon noon tungkol kay Lou at huli na niyang nalaman at iyon nga ay may karamdaman ito na matagal nang dinadala. It's too late when Ellon found out that she had no more time left, and he also knew that maybe he could heal her—but he couldn't. Not because he didn't want but because he can't.
Ellon somehow understood the cost of saving her life but something inside him was stopping him from doing it. It's not him but the new spirit inside him that gave him his power. It didn't want him to sacrifice for her because he didn't truly love her. He just wanted to possess her and there's a big difference between possessiveness and true love.
Hanggang sa isang araw ay tuluyan nang bumigay ang katawan ni Louella. Gamit ang pera ni Ellon ay dinala niya ang dalaga sa pinakamagaling at pinakamahal na ospital sa kanluran pero hindi pa rin bumuti ang kundisyon nito. That was also the moment that Ellon felt for the first time that his wealth meant nothing. Like stated in the book of Truth, 'Yet when I surveyed all that my hands had done and what I had toiled to achieve, everything was meaningless, a chasing after the wind; nothing was gained under the sun.'
*****
SAMANTALA, sa kabilang panig ng mundo, hindi pa man gamay ni Lysander ang kanyang kapangyarihan ay tila ginabayan siya ng nilalang sa kanyang loob kung paano makuha ang kanyang matinding pagnanais.
While in a state of confusion because of the unexplainable phenomenon that happened to him, Lysander just found himself inside the hospital room where Louella is. Finally, after many nights full of agony, there he saw the person who gave him the reason to fight to live.
But fate was meant to be cruel in this lifetime because he also made a pact to the little gods who are fickle and full of trickery. Katulad nang ginawa nila kay Ellon, natupad nga ang pagnanais ni Lysander na makita si Louella pero hindi ibig sabihin nito'y mabibigyan siya ng maligayang katapusan.
At kung kailan nakalapit siya kay Louella ay saka biglang tumunog ang alarm ng mga aparato na nasa gilid ng kama nito. Noong una'y nagulumihanan siya nang dumagsa ang mga medical personnel sa loob ng silid. Wala siyang ibang nagawa kundi tumabi sa gilid at panoorin ang mga nangyayari.
He just stood there and watched how the doctors tried to revive her, but then as if he could hear her heartbeat, it suddenly stopped.
He knew what it meant. She's gone. Louella's dead.
Hindi niya pinansin ang mga sinabi sa kanya ng doktor hanggang sa maiwan siya sa silid habang inilabas na si Louella. Ilang minuto siyang nakatayo bago siya matauhan nang biglang dumating ang humahangos na si Ellon.
"L-Lee—" he didn't let him speak further and Lysander threw a punch that made him fly across the hall.
Now that Lou's gone, Lysander's heart is grieving. A new desire in his heart grew out of pain, he will definitely kill Ellon right there.
Nagsimulang magkagulo ang mga tao nang muling atakihin ni Lysander si Ellon, this time, his punch is much stronger, enough to break the walls. Ellon could sense what Lysander was trying to do and he immediately ran outside.
Nang maabutan ni Lysander si Ellon ay kinuwelyuhan niya ito at walang pag-aalinlangang lumabas ang kanyang mga pakpak saka sila lumipad sa himpapawid. Ellon also released his wings in order to breakfree from Lysander's grasp.
Biglang kumulimlim ang kalangitan kasabay kumulog at kumidlat na tila ba sinabayan ang kanilang tunggalian. And there, among the dark clouds and dancing thunder, they fought, exchanging attacks using the powers bestowed by them.
Habang nasa himpapawid ay matatanaw ang kanilang mga anino sa kalangitan at may mga mangilan-ngilang nakapansin sa kakaibang ritmo ng anino sa maitim na ulap.
Sa kalagitnaan ng sagupaan at mga kidlat ay biglang dumating si Raven na katulad nila'y nakalantad din ang mga maringal nitong pakpak. Pumagitna si Raven upang umawat at saglit na tumigil ang dalawa.
"L-Lee, y-you too?" Hindi sumagot si Lysander na may bahid ng dugo ang braso. "Stop this you two!"
"Step aside, Raven," malumanay subalit bakas ang kilabot sa tinig ni Lysander.
Kaagad napansin ni Raven na katulad nang nangyari sa kanyang anyo'y unti-unti na ring nawawala ang pagkatao ni Lysander. May kislap ang mga mata, kumakalat ang bakas ng itim na ugat sa mga braso nito't matutulis ang mga kuko.
"No—" but he didn't let her finish when he attacked again.
Mabuti na lang ay mabilis siyang naalalayan ni Ellon. Both of them tried to stop Lee but he was too strong for them. Even Raven was surprised because she never felt that kind of power herself.
Lysander's power keeps stronger because of the hatred in his heart. The little gods fueled it more and more to mock the One and to show that they're right all along that all human hearts can be easily corrupted.
Walang nagawa sina Ellon at Raven kahit na nagtulong pa ang dalawa para pigilan ito. Sa huli, wala na ring nagawa ang dalawa kundi umatake subalit mas nanaig ang kapangyarihan ni Lysander.
Ngunit walang kaalam-alam ang tatlo na sa gitna ng kanilang sagupaan ay nanonood sa kanila si Louella.
*****
LOUELLA's dead but her spirit refused to ascend when she saw what was happening. Louella couldn't make herself go with the light in order to be with the One because when she died, her memories returned and she remembered all that happened.
Walang magawa si Louella kundi pagmasdan lang ang mga kaganapan dahil hindi rin siya nakikita ng mga 'to. Subalit kung kailan siya papasuko'y walang ano-ano'y tumigil ang buong paligid, maging ang pagkidlat at hangin.
Mula sa kawalan ay lumitaw sa harapan ni Louella ang isang mistikal na ibon na nakita niya noon sa library ng kanilang university. Tumigil ito sa harapan niya't biglang nagsalita.
"Kaawa-awa," bungad ng nilalang. "Tiyak na matindi ang iyong pagsisisi na nararamdaman dahil sa nangyari sa iyong mga kaibigan."
Hindi nakasagot si Louella sapagkat hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
"H-hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa kanila." Pagkasabi niya no'n ay inikutan siya ng ibon sabay biglang sabay-sabay niyang nakita ang mga nangyari sa tatlo noong binuhay sila ng mga diyos-diyosan.
Kahit na alam ni Louella na isa lamang siyang kaluluwa ay nanghina pa rin siya pagkatapos.
"Naiintindihan mo na ba ang lahat, Louella?"
"I-it's all my fault." Rumehistro sa kanyang alaala ang mga nangyari noon, at hindi niya lubos akalaing totoo ang alamat tungkol a Alpas. Nag-angat siya ng tingin subalit wala na ang ibon pero naramdaman niyang naroon pa rin ang presensiya nito. "P-pero ikaw ang Alpas! Hindi ba't kalayaan ang ibibigay mo sa mga nanalig sa'yo?! A-anong ginawa mo sa kanila?!"
"Ibinibigay lang namin kung ano ang nasa loob ng puso ng isang tiga-lupang kagaya mo." Napapitlag siya nang sumagot ang nilalang subalit tila marami ang mga tinig nito. "Marunong kaming magbigay ng mga bagay na palaging pinagkakait sa inyo sa mundong ito. Kayamanan, karangyaan, kapangyarihan at iba, pero sa huli, masyadong tuso ang puso ng mga tao. Ang mga katulad nilang nanumpa ng kanilang dugo kapalit ang hiraya'y ang siyang mga halimbawa nito."
"I-It's just a lie. H-hindi ako naniniwala na lahat ng mga tao ay katulad ng sinasabi n'yo."
"Sinasabi mo ba na may mga lalang pa rin Siya na may malinis na puso?"
"Try me." Pagkasabi niya no'n ay hindi ito kaagad sumagot sa kanya.
Saglit siyang napaisip. Siya lamang ang hindi nakagawa ng ritwal noon sa bundok Itum kaya siya lamang ang hindi nakaranas ng sumpang dinanas nina Lysander, Raven, at Ellon. Pero sa pagkakataong 'yon ay iyon lamang ang naisip niyang paraan.
"Kung gano'n ay nais mo ring pumasok sa isang kasunduan." Muli niyang narinig ang mga tinig. Pagkatapos ay lumitaw sa kanyang harapan ang isang patalim. "Magaling, Louella Starling. Handa ka na bang isuko ang iyong kaluluwa para lang sa mithiin ng iyong puso?"
Imbis na sumagot ay yumukod siya't pinulot ang bagay. Pagkapatak ng kanyang dugo sa lupa ay sa isang iglap nabalot ng liwanag ang lahat.
*****
THE next thing Louella knew, she just woke up from a long dream. Was that it? Just a long dream? A nightmare?
But she immediately knew it was not when she stared at her palm and saw a scar, more like a mark that she entered a pact with the little gods.
She exchanged her soul in order to grant that her heart's desire.
And to see if they really granted her wish, she also checked the date. It's a week before the first semester ends. And that she knew, it worked.
Tinupad ng mga nilalang ang matinding pagnanais ng kanyang puso, iyon ay ang makabalik sa nakalipas, to turn back in time in order not to commit a grave mistake. And also, to save Raven, Ellon, and Lysander.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Kaagad niya ring tiningan sa kanyang phone kung naroon ba ang mga larawan nila ni Lysander pero wala siyang nakita. Hinanap din niya sa internet ang mga naging balita noon tungkol sa kanila pero nabigo lang siya.
It just proved to her that it's all real, that like what her heart's desire came true, she turned back in time–literally.
Napaupo si Lou sa gilid ng kama niya at hindi mawari kung anong dapat maramdaman. Kung nakabalik nga siya sa nakaraan ay hindi nangyari ang mga hindi magagandang karanasan nila noon, subalit nangangahulugan din no'n na hindi rin nangyari ang mga pinagsamahan nila ni Lysander.
Kumabog ang dibdib niya nang maalala ang mga panahong naging sandigan nila ang isa't isa at 'di niya lubos maisip na naglaho ang lahat ng 'yon. Pero... Pero para ito sa ikabubuti nila, na kung sa una palang ay hindi ko na sila inalok na sumama sa akin, hindi mangyayari ang mga trahedyang 'yon.
Naisip bigla ni Louella na paano kung panaginip lang ang lahat? Isang mahabang bangungot na tanging siya lamang ang nakakaalala ng mga naging kaganapan.
Lumipas ang kalahating oras bago napagpasyahan ni Lou na kumilos. Nag-aalinlangan siyang pumasok sa university dahil sariwa pa rin sa kanyang isip ang mga nangyari noon.
Katulad ng dati'y maraming bumati kay Louella nang makapasok siya sa college building nila, sa mundong iyon ay siya pa rin ang sikat na influencer na si Louella Starling. Nanibago siya kaya hindi niya nagawang balikan ang pagbati ng mga 'yon.
Imbis na pumunta sa kanyang dapat na klase noong umaga na 'yon ay dumiretso siya sa university museum, ngunit pagdating niya roon ay nadismaya siyang nakasara iyon. Saktong may dumaan na janitor na mabilis niyang naharangan.
"Manong, pwede po bang makapasok ako sa loob ng museum?" tanong niya kahit na hindi siguradong papayag ito.
"Museum? Walang museum diyan, Miss." Sa pagkagulat niya sa sagot nito'y naiwan lang siyang nakatulala sa kawalan.
Subalit hindi sumuko si Louella nang mga sandaling 'yon, dali-dali siyang umakyat sa ikalawang palapag at dinala siya ng mga paa sa loob ng faculty ng College of Arts.
"Yes, what do you need?" tanong sa kanyang ng isang propesor na nagbukas ng pinto.
"I'd like to talk po kay Professor Diwani."
Nagsalubong ang kilay ng kanyang kaharap at sinabing, "Walang Diwani rito."
That also made her speechless. Hindi na siya sumagot pa at napaupo na lang siya sa bench sa lobby, winawari ang mga hiwaga.
"K-kung gano'n, pati si Professor..."
Tuluyan na siyang nawalan ng gana kaya umalis na siya ng university at nagtungo sa malapit na coffee shop.
Sunod-sunod siyang nakatanggap ng message at tawag, hinahanap siya ng president ng broadcasting club dahil may nakatakda siyang live guesting sa university social media channel. That was the day, Louella remembered, she still remembered that she was suffocating because of her pretentiousness. But all of it was gone because of what she went through from her other life.
Babalewalain na lang sana niya 'yon pero sa huli'y nagbago ang kanyang isip. Nag-reply na lang siya at humihingi ng pasensiya na hindi na siya makakapunta pa at idinahilan na lang niya na may emergency siya na dapat puntahan kahit wala naman.
Nang dumating ang inorder niyang kape ay saktong napatingin siya sa bagong dating na customer at laking gulat niya kung sino ang kanyang nakita.
"L-Lee—" tinakpan niya ang kanyang bibig dahil kaagad din niyang napagtanto na kung ito na ang realidad niya'y tiyak na hindi siya nito kilala.
At kaagad nakumpirma 'yon nang tumingin ito sa kanya, narinig ang kanyang pagtawag. Subalit malamig lamang na tingin ang sumalubong sa kanyang mga mata.
She felt a pang in her chest because of that look, pero wala siyang magawa. She sacrificed her soul for this, to save him, to save them. But was it all meaningless?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top