/20/ The Traitor's Karma
Woe to those
whose hearts
are hateful,
filled with
pride and
anger.
Who can save
those poor souls?
Only with love,
they can heal.
/20/ The Traitor's Karma
[RAVEN]
ANGER. Hatred. Disgust.
They said you need an intense emotion to keep yourself motivated. Para sa iba, pag-ibig daw ang tanging makakapagsalba sa lahat.Pero sa mundong kinalakihan ko, hindi ko napatunayan na totoo nga 'yon.
That's why those are my fuel to keep me going. Or at least I thought was true.
Dumating na nga rin ako sa punto na hindi ko alam kung ano ba ang kinagagalit ko.
Sa tuwing magigising ako sa isang panibagong araw, kailangan kong kapain ang sarili ko, na dapat may suklam na nabubuhay dito sa puso ko para mapatunayang tama ang mga bagay na pinaglalaban ko—na tama ang mundong tinahak ko.
I hated myself first before I hated the world. I hated myself because I was living a life of luxury. And I also hated myself for allowing my adoptive mother
Walang utang na loob? Maraming beses ko nang narinig 'yan noon mula sa ibang tao. Maswerte raw ako dahil may kumupkop sa'kin na handang ibigay ang kahit anong gusto ko—pero ang totoo, kinamumuwian ko 'yon.
I am angry because if I was chosen from that orphanage just because of luck, kung gano'n ay ang batayan lang ba ng pag-ahon mula sa kahirapan ng mundo ay swerte? Na kahit anong pagsisikap ng ibang tao ay kung wala silang tinatawag na 'swerte' ay hindi sila magkakaroon ng maginhawang buhay? I also abhor the idea that there is no real justice in this world, and justice only belongs to the lucky ones who can afford it.
That anger leads me to the hell where I am right now.
A traitor.
It's indeed a coincidence that Lysander and I became friends, and when they found out about it, they assigned a special mission to me. It's either get any valuable information from his clan, Vireo, that they can use against the government, or indoctrinate him and convert him to become an insurgent like us.
Sa loob ng dalawang taon kong naging kaibigan si Lee, hindi ko inaasahan na mag-iiba ang tingin ko sa kanya. The realization that Lysander Vireo is kind and innocent from whatever his family's crime made my humanity alive. Dahil sa kanya napatunayan ko na may natitira pa palang kunsensya sa loob ko.
He knew about my secret identity as the legendary actress' daughter, pero hindi niya alam na may mas malala pa 'kong sikretong kinikimkim. I never had the courage to tell him the truth, that I am part of the underground insurgent organization in this country, I am part of those who wanted to destroy the likes of his wealthy clan.
Maybe, I do love him because I'm hoping that I can keep our friendship forever. My superiors were getting impatient day by day before, they wanted to lash out Vireo's family for their organization's gain. Not until Lou came into the picture.
I never imagined that Lou's crazy idea will lead everything here. It was a bizarre opportunity as if destiny's playing us.
But killing Ellon wasn't part of the plan. At least, my plan.
The next thing I knew, my comrades used me as a hostage in order to blackmail Louella and Lee to do what they want, at sa pagkakarinig ko'y malugod na sumusunod ang dalawa dahil sa takot na mapahamak ako.
The hate and anger in my heart intensified because of disgust—disgust toward myself.
Walang kaalam-alam ang dalawa na kasabwat ako noong simula palang. If I'm part of it from the beginning then . . . it's like I also killed Ellon.
Ellon and I are not close friends. Well, best friend niya ang ex-boyfriend ko pero hindi 'yon sapat para magkaroon ako pakialam sa kanya pero hindi ko maintindihan kung bakit sobra-sobra akong nilulunod ng kunsensya ko sa nangyari sa kanya.
I've seen how my comrades kill before, in the name of what we're fighting for, they've killed lots of people for 'freedom', for 'equality', for a better nation . . . Pero sa tuwing maalala ko kung paano bumagsak si Ellon sa lupa, gumuguho ang pundasyon ng paniniwala ko.
Tama pa ba ang mga pinaglalaban ko? Tama pa ba na nilunod ko ang sarili ko ng galit at pagkamuwi sa mundo? Sino ba talaga ang kalaban namin dito?
"Pumirma na sila sa kasunduan, hindi sila magsasalita," balita sa'kin ng isa kong kasamahan habang sabay-sabay kaming kumakain noong tanghalian. Hindi ako nakisali sa usapan namin.
All of the infantry gathered here also to watch the anticipated event. Nakahanda na rin ang social media team ng hukbo para i-sensationalize ang magiging kaganapan, para umalab ang galit ng ibang tao at mas marami kaming maging kasapi sa susunod.
Dito ko napagtanto na madali lang pala magpalaganap ng galit sa mga tao. At dito ko natutunan na may mga tao na intensyunal na nagpapakalat nito para sa pansariling interes. Para pabagsakin ang imperyo, sabi nila. Kailangan ng galit. Kailangan ng poot.
Habanag palapit nang palapit ang nakatakdang oras, binuksan na nila 'yung malaking TV at nagpunta sa channel ni Louella, naramdaman ko 'yung pamilipit ng tiyan ko.
Hindi ko malaman kung masusuka ba 'ko dahil hindi ko maatim na kasabwat ako sa trahedyang nangyari . . . Kay Ellon, Kina Lou at Lysander.
Nasulyapan ko si Arianne 'di kalayuan, kasama niya ang mga naging kaibigan niya rito sa hukbo. Pinagmasdan ko siya't hindi ko maiwasang mapansin na malaki ang pinagbago niya simula nang makayag namin siya rito sa bundok noon. Sukbit ang mahabang baril, sunog ang balat, may bakas ng tapang ang mukha—tama nga kaya na nandito siya?
Tama nga ba na nandito kaming lahat ngayon? Imbis na nasa eskwelahan at sa piling ng aming mga pamilya?
Pamilya.
Iyan nga pala ang pinagkapare-parehas naming lahat na nandito sa hukbo. Isa sa madaling paraan para maanib sa grupong ito ay siguraduhing walang pundasyon ng pagmamahal sa pamilya ang bawat isa.
'Ang mga anak ay hindi pagmamay-ari ng magulang.' I believed that well damned.
Tumayo ako at pumunta sa may gilid ng poste, sumandal ako ro'n at sinapo ang sentido ko.
What's happening to me? Ever since na dinala ko rito at nagpanggap na hostage ay hindi na 'ko tinantanan ng isip ko. Bakit kinuwestiyon ko bigla lahat ng mga akala kong tama?
Then I realized when the change started. . . Not since Ellon died but when I did that stupid ritual.
Tiningnan ko 'yung palad ko't naalala ang himalang nangyari noon. The wound from the slash healed as if nothing happened. It happened to Lysander aand we never find out why because of the sudden event.
Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na biglang nagkaroon ng komosyon dito sa cafeteria. Nag-angat ako ng tingin at nakitang wala pa ring nagpe-play na livestream ni Lou sa TV. Umugong ang ingay.
Maya-maya'y biglang may dumating na isa naming kasamahan, mula sa social media team, pawis na pawis 'tong tumakbo mula sa pinanggalingan.
"Guys, nawawala ata sila," anunsyo ng bagong dating at natahimik ang lahat.
"Paanong nawawala?" tanong ng isa.
"Hindi na sila ma-contact, tapos naglaho sila ng walang trace, including their social media accounts!"
The silence grew bigger and they just looked in each other. Before the others asked another question, a superior came in and suddenly told me to come with them.
As expected, they suspected me.
Hindi naman nila ko sinaktan noong interrogation pero bakas sa mga boses nila na kung tinangka ko mang traydurin ang hukbo ay hindi na ako makakalabas dito ng buhay.
It turns out na matagal na pala 'kong pinagsususpetyahan ng mga superior namin dahil wala akong progress sa special mission ko kay Lysander. Kaya nagkaroon sila ng kutob na maaaring tinulungan ko sila Lou at Lysander na tumakas.
For some reasons, nakumbinsi ko sila sa sagot ko dahil iyon naman ang totoo. Paano ko magagawang tulungan ang dalawa kung sa una palang ay alam na nilang nasa panganib ang buhay ko?
I was released and I was ordered to join the others. Biglang nagkaroon ng meeting dahil sa nangyari.
Ang paglaho o pagtakas nina Louella Starling at Lysander Vireo ay malaking threat sa organisasyon dahil maaari nilang ilantad ang hukbo at ilaglag si Professor Jomari bilang kasalukuyang pinuno nito.
They already deployed a special unit to find the two. Nakahanda na rin sila na ilaglag ang mga 'to dahil sa hindi pagsunod sa napag-usapan. Noon pa nila pinaghandaan ang pagpe-frame up kina Lou at Lee sa pagkamatay ni Ellon.
It terrified me. All of it. I don't know why I'm feeling this. I want to runaway and escape all of this. Gusto kong sumuka pero hindi ko magawa. Bakit ka ba nagkakaganito,Raven?
Framing them in a crime they didn't commit, that I couldn't bear to see.
Pero bigla akong natigilan at napaisip.
Why did they run away?
Hindi ba . . . Hindi ba ang alam nila . . . Nasa panganib ako?
Hindi ba dapat . . . Dapat ililigtas nila ako?
My head began to hurt. Is it possible . . . Did they know? Alam na ba nilang traydor ako?
Kaya ba malakas ang loob nila na tumakas at iwanan ang lahat?
Then, I felt my heart... Broken.
Para na ata akong mababaliw sa mga emosyong nararamdaman ko.
May karapatan ba 'kong masaktan?
I tried to imagine their reactions if ever they really found out that I betrayed them, especially Lee.
They must hate me now.
Kaya wala na silang alinlangang tumakas at iwanan ako.
Alam ko wala ako sa lugar pero pakiramdam ko ay tinraydor din ako.
What a stupid irony.
Paano kung totoong hostage ako? Kung gano'n ay hinayaan na lang nila akong mamatay?
Again, that's not the reality. At wala akong karapatang magdamdam ng ganito dahil hindi malinis ang kamay ko.
Hinintay nilang lumipas ang bente-kwatrong oras bago sundan ang plano na i-frame up sila. Twenty-four hours na ang nakalilipas pero ni isang hibla ng buhok nila ay hindi nahanap. Kaya nagbitaw na ang order ang nakatataas na magproceed sa plano. They breached the contract that's why.
I don't want to be filled with grief and disappointment. I wanted a motivation to keep going. This is the path I chose; this is RIGHT. And so, there's always hatred.
Hatred is a great tool for motivation.
I imagined Lou and Lysander together. They probably confided with each other and realized they're meant together. The pain bonded them. That's why it was easy for them to forget about me. Who needed me anyway?
And here's jealousy.
And finally... hatred. Again.
Kung sa kanila man idiin ang pagkamatay ni Ellon, wala na akong pakialam.
Just when I am finally ready to throw away my conscience, another piece of news broke out.
They just discovered that Ellon's body is missing.
The evidence for the murder frame-up just got lost.
Bigla na namang nagkanda-letse-letse ang emosyon ko.
Sabi nila ay maaaring buhay pa ito dahil wala raw kahit ano sa pinaglibingan nito, walang buto, walang damit, walang bakas ng kahit ano.
That's impossible. I was there when he got shot, he was bleeding badly, I can still vividly remember how he held his last breath and his lifeless eyes staring at nothingness.
Immediately, they deployed a small squad to search the area. I volunteered myself because... because I wanted to see it to myself that he's still alive. Deep inside, umaasa pa rin pala ako na buhay siya.
We're only five and we're all armed. Nag-training na ako noong anim na buwan akong sumama sa immersion sa kabundukan kaya pamilyar na ako kung paano gamitin ang baril na hawak ko.
The next thing we knew it was already raining bullets in the deep forest of the mountains.
Akala ko wala ng susupresa pa sa araw na 'to nang biglang magkaroon ng unexpected encounter sa mga sundalo.
I guess life is fucking us.
Or ito na ba 'yung tinatawag nilang karma?
Biglang nagflashback sa'kin lahat mula noong sumama ako sa mga grupo ng kaliwa sa lansangan para isigaw ang mga karapatan hanggang sa mahikayat akong umaklas at magbuhat ng armas.
Sa gitna ng pagpapalitan ng bala'y tila umaalingawngaw sa tenga ko ang mga katagang sinigaw namin noon, at mga salitang 'yon na may kipkip ng galit sa puso sa mundo ay dinala kami rito ngayon.
We believed we were fighting for our rights and for the nation and yet we're here killing each other. Because we believed that the only way to freedom is anarchy and rebellion. Not because of luck, but because of our own power to destroy what the rich built for themselves.
I could have chosen a different path. I was privileged with riches but I couldn't bear just to be a puppet of my narcissist mother.
Who's to blame?
Natauhan ako nang biglang bumulagta sa tabi ko ang isang katawan. Nang titigan ko 'yon ay saka ko napagtanto na si Arianne 'yon.
"Hindi na kaya! Umatras na tayo!" Dinig kong sigaw ng isa naming kasamahan pero hindi ko 'yon pinansin.
Nakatitig lang ako sa hindi gumagalaw na katawan nito kasabay ng pag-alala noong unang beses ko siyang kinausap sa university hanggang sa mahikayat ko siyang sumama sa grupo namin at matutong humawak ng sandata.
Para sa bayan?
"Raven!" Hindi ko pa rin pinansin ang mga tawag nila hanggang sa tuluyan na silang tumakas. Ni hindi man lang nila tinangkang tingnan ang kasama nilang wala ng buhay.
Again. The only fuel to keep me going is anger and hatred. Even if I didn't know anymore what for. To the world? To myself? To my mother? To the filthy rich? To them?
Just when I picked up her rifle, a bullet quickly hits my chest.
Slowly, I felt my body falling down. Feeling numb and worthless.
*****
[....]
LIKE Ellon, Raven knew that she was dying. Well, it was. She died on that spot, along with the girl she recruited, Arianne, they both lay in the soil of an unfamiliar jungle, lifeless.
Ang mga sundalong akala nilang mga berdugo, dahil iyon ang turo sa kanilang doktrina, ay nagkaroon ng malasakit na dalhin ang mga walang buhay nilang katawan sa ospital.
The officers didn't find any identification with them, and so they left to find it, to at least notify their families that they died for a worthless cause.
Pero nagkaroon ng komosyon noong gabing 'yon dahil biglang naglaho sa ospital ang katawan ni Raven. Automatically, the officers thought that she's still alive and they tried to search for her in vain.
Even if they tried to use the most advanced technology to search for her, they will never find her. She's in a different place, another kind of realm where no ordinary human beings could be.
Nakita nila na isa si Raven sa gumawa ng ritwal sa Mt. Itum, nakita nila ang pangangailangan nito na bunga ng poot.
Katulad nang ginawa nila kay Ellon, ibinigay nila ang kanilang dugo sa kanya. Nang sapat na ang nainom makuha ng katawan niya'y unti-unting nagkaroon ng daloy sa kanyang ugat.
Kasabay ng unang pintig ng puso ni Raven ay nagmulat ang kanyang mga mata. Buhay pa siya? Iyon ang kanyang naisip.
Wala na siya sa gubat na pinanggalingan niya at naiiba ito sa mga nakita niya. Raven looked at herself and realized she's still wearing the bloody clothes when she was shot. Arianne wasn't on her side.
Nang subukan niyang tumayo, naramdaman ni Raven ang hapdi sa kanyang likuran dahil sa tila umuusbong mula sa kanyang mga buto. At mula roon ay umusbong ang mga pakpak na magbibigay sa kanya ng kapangyarihan na bunga ng kanyang poot.
The wings she earned, they knew, she'll use to get justice in her hands.
Who are 'they'?
As a matter of fact, the 'Alpas' word is just made up by the humans who discovered them. The truth is they are ancient spirits who are existing since the time of creation. These enigmatic spirits are generous enough to grant the wishes of the people who made the pact.
The only cost that the humans didn't know was their souls.
If this is karma, Raven is not yet certain.
All she knew is the surging power in her hands—only filled with hate.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top