/17/ Red Banner
Within us
resides
both light
and darkness.
What do you
feed the most
is the
question.
/17/ Red Banner
[LOUELLA]
FOR the first time since the tragedy happened, I prayed hard before I sleep that night.
It was shameful when I only remembered to pray when I can no longer bear it anymore. Halo-halo na ang nararamdaman ng isip at puso ko.
I admit that I am not religious but I've always believed that there is someone up there who's listening. Though I'm not really certain if God is listening to my half-hearted prayers, that night, I sincerely surrendered all my feelings.
I prayed and surrendered myself to because I felt . . . filthy.
From the bottom of my heart I know I cannot lie to myself that I liked that brief intimate moment with Lysander.
Pero kaagad din akong natauhan. Kaya matapos ang ilang segundo ay natauhan ako't tinulak ko siya palayo. Ni hindi ko na siya nilingon nang magpaalam ako.
I felt filthy because in the midst of everything that's happening, nakuha ko pang makaramdam ng pansariling interes.
It's a mistake and it's wrong for me to feel that way.
And . . . it also felt like betraying my friend who told me exactly to stay away from him. Yet, it happened. What's worse . . . These feelings. . .
Nang sumunod na araw ay parang walang nangyari nang magkita kami ni Lysander sa kumedor para mag-almusal. Parang normal lang din ang pakikipag-usap namin sa parents niya and later on they were disappointed to bid us farewell.
The illusion of us being together quickly vanished. We can't stay in that fantasy for long because of the messed-up reality I caused.
Hinatid ulit kami ng chopper nila pabalik ng Manila. Buong biyahe ko siyang hindi matingnan kaya hindi rin kami halos nakapag-usap dahil nang makarating kami sa destinasyon namin ay kaagad ulit kaming bumiyahe papunta naman sa meeting place na itinalaga ni Professor Silang para sa araw na 'to.
After Lee messaged the rebel's leader about the evidence, Professor Silang immediately wanted to meet us for that matter. When Lee inquired about Raven's safety, ang tanging sinagot nito sa email ay pag-uusapan namin ng personal ang bagay na 'yon.
Nagwakas ang paglalakbay ng isip ko nang mamalayan ko na lang na nasa harapan na kami ng isang gusali at nang marinig ko ang boses ni Lysander.
"Lou," bigla niyang tawag sa'kin. "Tungkol sa kagabi—"
"H-huwag muna nating pag-usapan 'yon," putol ko sa kanya. It's not the right time to talk about it. Or maybe we'll just have to forget it. Besides, we're both vulnerable that time—we were only looking for a temporary comfort.
"I know." He sighed. "I just want to say that after this, can we talk about us?"
Tungkol sa amin?
Suddenly, there's an assuming thought . . . Tama nga ba 'tong nararamdaman ng puso ko kahit na mali ang sinisigaw ng isip ko?
Raven, she's waiting for us to save her. Our feelings don't matter right now.
Bago pa ako muling malunod sa isip ko'y tumango na lang ako bilang sagot. Sabay kaming humakbang papasok sa loob ng building.
Pagkadating namin sa fourth floor ay bigla ko siyang pinigilan. Maging ako'y nagulat sa ginawa ko.
"Lou?" he called me when I realized I'm just staring at him.
Bumitaw ako sa braso niya at bahagyang napayuko. "I know it's stupid to ask this," sinalubong ko ulit ang mga tingin niya, "a-are you sure you want to give Professor Silang that?"
Sabay kaming napatingin sa kipkip niyang briefcase na naglalaman ng ledger na nakuha niya sa opisina ng lolo niya, ang siyang bagay na makapagliligtas kay Raven at ang siya ring maaaring maging sanhi ng tuluyang pagbagsak ng pamilya nila.
Lee didn't even blink when he looked at me again, but he didn't say anything. We already talked about it last night.
You don't need to worry about my family, bigla kong naalala ang sinabi niyang 'yon kagabi.
"Let's go, Lou," sabi niya at muling nauna sa paglalakad.
This small building is located near the university, na sa pagkakaalam ko'y kung saan nagtuturo si Professor Silang.
Pagkapasok namin sa opisina'y bumungad sa'min ang reception at isang secretary. Sinabi ni Lee ang pakay namin at iginiya lang kami ng babae sa loob kung saan prenteng naghihintay ang taong pakay namin.
"It's good to see you two. Take a seat," bati nito sa'min nang may bahagyang ngiti sa labi.
Unlike before, he's wearing casual clothes, a white shirt, and jeans. Wala ang nakaka-intimidate nitong aura at aakalain mo lang talaga na normal siyang sibilyan. I know, Lysander was also irked by this man's calm demeanor. He's acting normally as if our lives are not at stake and there was poor Ellon.
Imbis na umupo'y nanatili kaming nakatayo. And when I looked at Lysander, I saw no fear in his eyes and his stoic face marked no sign of any weakness in front of the enemy. Unlike me, he's the real courageous who found his own alpas on that mountain.
"Before we give this evidence to you, we need to make sure that our friend is safe," determinado nitong sabi.
Professor Silang just smiled and pointed the seat. "I understand, please take a seat." Pagkasabi nito'y tumayo ito at pumunta sa malaki nitong desk.
Sumunod kami ni Lysander na umupo. Kahit na malambot ang sofa ay nanatili kaming tuwid at alerto.
Ilang sandali lang ay bumalik si Professor Silang sa harapan namin at nilapag ang isang tablet sa lamesita. May pinindot ito at nang magplay ang isang video ay bigla kaming nabuhayan ng dugon ang makita kung sino ang naroon. It's a live CCTV recording inside a cell.
"R-Raven!" Nakita namin siyang nakaupo sa isang papag habang nakatanaw sa kawalan. Malinaw na malinaw na siya nga 'yon dahil sa mataas na quality ng camera.
"Matapos ang insidente, ginamot siya ng infirmary unit. Nakikita n'yo rin naman ngayon na wala siyang kagalos-galos, it means they treated her well while being captive. They already explained to her the situation and she's really counting on you two," dinig naming paliwanag niya habang nakatingin pa rin kami sa screen.
"Then how can we guarantee that you'll release her?" tanong ulit ni Lysander.
Saka lang namin napansin 'yung dalawang folder na nasa tabi nang kuhain 'yon ni Professor Silang. Inabot niya sa'min 'yon at sumenyas na tingnan namin ang loob.
Tumambad ang mga dokumento na uumpisahan ko palang basahin nang marinig ko ulit siyang magsalita.
"It's basically an agreement between you and our organization regarding how we'll deal with the incident. We'll admit that Benjo Rosales killed your friend, Ellon Lawin, during your tour in Mt. Ilum, but in return, you'll be silent with this agreement—"
"At gusto n'yo ring manahimik kami sa ginawa n'yong pangho-hostage kay Raven?"
"Well, yes. But technically we didn't keep her as a hostage." Parehas kaming napakunot nang marinig 'yon. "Raven already signed an agreement that she'll keep her mouth shut. To make sure, we made her a letter that during her stay in the camp, she wasn't treated badly like a hostage."
Nakita kong nagkuyom ang mga palad ni Lysander kaya hindi ko na napigilan pang magsalita.
"Y-you blackmailed her too?" What a naïve question, Louella, parang iyon ang gustong sabihin ni Professor Silang nang marinig ang tanong ko.
"Walang ibang choice ang kaibigan n'yo kundi pumirma," sagot nito saka biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha, biglang naglaho ang ngiti. "From what I've heard from the camp, Raven is not even scared at them. Surprisingly, she was more scared when we discovered her identity and when we warn her that we'll reveal her secret to the world."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Lysander nang marinig 'yon. Naalala ko bigla 'yung confession ni Raven noong ginawa niya 'yung ritual of courage sa Mt. Itum. Pero parang may hindi tama.
"I can see that you're not convinced," napatingin kami ulit sa kanya, "Never in her imagination that someone from our camp would find out about her core weakness. Her mother's secret." Sumandal ito sa kinauupuan at tumanaw sa malayo. "Na kung lalabas ang balita't mga ebidensya'y tiyak na yuyurak sa buo niyang pagkatao."
Sikreto ni Tita Alicia?
"Raven Arwani's adoptive mother was a pimp. And you can imagine the rest."
Neither Lysander nor I didn't see that coming. We were too stunned to speak.
Unti-unti nakukuha ko na ang sitwasyon. Para lang kaming mga langgam na pinaglalaruan niya sa palad. Wala kaming kakayahang umalma dahil tila kalkulado na nito ang sitwasyon saan mang anggulo.
It begins to become clear, Raven signed due to fear. And that fear is a complex layer of secrets that she didn't even reveal to us before because the trauma was deep.
Alam ko na nag-aassume lang ako base sa mga sinabi ni Professor Silang . . .but he made the context clear.
Tumingin ako kay Lysander at saktong napatingin din siya sa'kin. Tila nag-usap kami sa isip kahit na walang mga salitang lumabas sa mga bibig namin.
We will sign.
Not only because we had no choice, but because it might be the right thing.
"It's the best deal that we can do," biglang sabi ng propesor kaya napatingin kami sa kanya. "You get the justice for your dead friend and you can honor Raven's wish to hide her secret. And after all this fiasco, you can return to your normal lives as if nothing happened."
"I-is that for real?" tanong ko.
Tumango ang kaharap namin. "We're not that heartless to make you suffer. We just took advantage of your social standings kaya tayo umabot sa ganito."
"Then, para saan 'to?" tanong naman ni Lysander at saka tinaas ang ledger na hawak niya.
"Great question, Mr. Vireo. Pinapunta ko talaga kayo rito para pag-usapan natin ang huling dapat n'yong gawin bago tayo magpirmahan ng agreement."
"After we do that, then it's all over?" tanong ko.
"Yes, Ms. Starling."
"Alright," saad ko. Soon it will be over.
"We're thankful for your cooperation for posting those propaganda contents for us, it increased the awareness of our organization's aim. For the last time, we'd like to use your big influence." Napalunok ako nang marinig 'yon. "We want you to do a live stream on one of your platforms." Bumaling siya sa katabi ko. "You'll do a friendly interview with your alleged lover."
"W-what?'" Kung gano'n ay alam din nila ang balita. What if sila rin pala ang may pakana nang pagkakalat ng malisyosong balita na 'yon tungkol sa'min?
"And this?" si Lysander, sabay turo ulit sa hawak niyang ledger.
"Oh, you might think na gagamitin namin 'yan laban sa pamilya mo, but no. We're not that stupid. It won't be enough for the prosecution."
"Kung gano'n—"
"You'll use that instead."
Nakita kong labis nang naguluhan ang mukha ni Lysander. Maging ako'y hindi na masundan ang gustong mangyari ni Professor Silang.
"You see, this is the most merciful thing I've done for you, Mr. Vireo. My comrades actually condemned me for letting you out alive. They hated your corrupt family so much that they want to kill you or at least manghingi ng malaking ransom money sa pamilya mo, and I didn't do that."
Umismid ang katabi ko. "At dapat akong magpasalamat sa'yo?"
"No." Ngumiti ang propesor. "I just want you to know that I'm giving you the best option—apologize for your family's sin."
*****
LYSANDER left.
I actually insisted him to go. Dahil hindi man niya sabihin sa'kin, nararamdaman kong gusto niyang mapag-isa. Kaya hindi na siya tumanggi pa na samahan ulit ako sa condo ko at nauna na siyang sumakay ng taxi pauwi sa tinutuluyan niya.
Though deep inside I wanted to stay by his side, but I can't. Sinubukan ko nang sirain ang boundaries naming dalawa at ayoko nang mas lalo pang lumalim kung ano man 'yung namagitan sa'ming dalawa sa maikling panahon.
Alam ko rin na hindi rin magiging sapat 'yung mga salita para gumaan ang nararamdaman niya.
What Professor Silang wanted for him to do is so easy... yet so cruel.
How can Lysander apologize to the people he never wronged? How could he ask him to apologize for the sins he even didn't commit?
Lysander approached me before because he wanted me to interview him—to defend himself. It felt like it was going to come full circle but the opposite will happen. Instead of defending himself, he'll need to chastise himself and his own family.
That's why I can't imagine how he feels right now. I need to leave him alone for a while because I cannot stand the guilt—and he might be starting to hate me for creating this mess.
Ni hindi na nga niya naalala ulit 'yung dapat naming pag-uusapan tungkol sa gabing 'yon. It's fine. Mas mainam nga siguro na huwag na lang pag-usapan 'yon.
Naisipan kong maglakad-lakad hanggang sa marating ko 'yung campus ng university na malapit sa pinanggalingan namin kanina. May mga mangilan-ngilang estudyante na siyang nagpaalala sa'kin na malapit na rin pala 'yung enrolment namin for second semester.
Nakarating ako sa waiting shed at umupo ro'n para maghintay ng jeep. Nakatingala lang ako mga puno ng Acacia. Maganda kasi 'yung tama ng sikat ng araw at mahangin din.
Habang wala pang dumadating na sasakyan ay tumayo ako at napalingon sa bulletin board sa likuran ko.
May isang poster doon ang tumawag ng pansin ko. Isang poster ng nawawalang estudyante.
MISSING
Arianne Magalang Jose
Age: 19
Noong una'y hindi ko malaman kung bakit parang kilala ng isip ko 'yung babae. Hanggang sa maalala ko kung saan ko siya nakita noon.
Base sa mga mata at kilay niyang halos magdikit, naalala ko bigla na siya 'yung babaeng rebelde na naghatid sa'kin noon sa kwarto noong dalhin kami sa HQ ng mga rebelde.
Umupo ako ulit at hinanap sa internet ang pangalan niya. Saka ko nalaman na matagal na pala siyang nawawala, estudyante siya rito sa university na 'to at aktibong miyembro ng mga organisasyong nakikibaka sa karapatan ng mga mahihirap.
Nagpost ang pamilya niya na nawawala si Arianne two years ago pa. Marami akong mga post na nakita mula sa pamilya niya tungkol sa paghahanap sa kanya hanggang sa mapadpad ako sa mismong Facebook profile ni Arianne.
Maraming mga kakilala ang nagpost ng mensahe at dasal sa wall niya. Nang makita ko 'yung picture niya'y saka ko lang nakita ng buo 'yung mukha niya. Malayong-malayo sa aura at asta ng babaeng rebelde na nakita ko noon.
Alam na ba ng mga magulang niya kung nasaan siya ngayon? Alam na ba nila na nasa bundok siya't may mga dalang armas at nakikipaglaban para sa isang tagong organisasyon?
Sa kakapindot ko'y biglang lumitaw ang isang picture mula sa tagged photos niya. Group picture 'yon ng mga kasama ni Arianne sa university, nasa kalsada sila at may mga hawak na placards.
When I stared longer at the picture, I finally found out the reason why I was compelled to look for her.
Because in the picture, Raven was there too, proudly smiling while holding a red banner.
*****
[...]
NATAGPUAN na lang ni Ellon ang sarili sa loob ng isang lumang bahay. Hindi niya pa rin sigurado kung panaginip lang ba ang lahat o totoo ang mga nangyari—totoong literal siyang nilipad ng Alpas patungo sa isang liblib na bahagi ng gubat.
Nang magkamalay siya'y may nadatnan siyang pagkain sa mesa at hindi siya nag-alinlangang kumain kahit na may mga naririnig siyang kasabihan noon tungkol sa mga pagkain ng engkanto.
Pagkatapos niyang kumain at nang magbusog ay saka lang siya natauhan.
Napaigtad siya nang marinig ang malakas na pagaspas mula sa labas. Imbis na matakot ay dali-dali siyang lumabas para makita ng dalawa niyang mga mata kung totoo ba talaga ang nangyari sa kanya.
Subalit paglabas ni Ellon ng bahay ay wala siyang ibon na nakita—kundi isang taong nakasuot ng balabal na nakatalikod mula sa kanya.
"I-ikaw ba ang Alpas?" tanong niya.
Dahan-dahang lumingon sa kanya ang nilalang subalit bigo siyang makita ang mukha nito.
Nang hindi ito sumagot ay humakbang siya palapit doon subalit bigla siyang natigilan nang maramdaman ang kakaibang hapdi sa kanyang likuran.
Nang maging labis ang sakit ay napasalampak si Ellon sa lupa at umalingawngaw ang kanyang sigaw sa buong paligid.
May kung anong umuusbong sa kanyang likuran at kasabay ng pighati'y biglang pumasok sa kanyang memorya ang ilang pirasong alaala bago siya muling mabuhay, ang tagpong dumaloy ang dugo sa kanyang bibig, paibaba ng lalamunan, hanggang sa unti-unting mabuhay ang kanyang sistema.
Sa gitna nang kawalan, maraming mga pares ng mata ang nakatitig sa kaganapan hanggang sa unti-unting umusbong ang panibagong bagwis ng lipi ng Alpas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top