/15/ Blowback

Some people
are like vultures
who prey on
dead souls.
Instead of
hating them,
pity those
who got nothing
but to feast
on gossip
like someone's
misfortune.
Pity them.
/15/ Blowback
[LOUELLA]
I just can't believe that one of the things that I fear before finally became a reality.
Ni hindi ko nga rin alam kung bakit kinatatakutan ko 'yong mangyari gayong alam ko sa sarili ko na hindi ako 'yung tipo ng tao na katulad ng karamihang mga nalulunod sa kasikatan na madalas ay nawawalan ng simpleng pag-iisip.
At hindi ko rin sukat akalain na ito ang magiging siyang dahilan. It's a big misunderstanding. Pero nahusgahan na ang buong pagkatao ko base sa mga nakita nilang larawan at kakarampot na headline at captions.
Wala silang alam sa totoong nangyari pero kung makapabitaw sila ng mga salita'y akala mo pag-aari nila ang buhay ko.
Gusto ko ngang pukpokin ang sarili ko dahil kinatakutan ko ang mga taong katulad nila. Mga taong ni hindi ko alam ang itsura ng mga mukha at mga nagtatago sa likuran ng pangalang gawa-gawa.
I don't know why I'm still scrolling. Kahit na pare-parehas lang ang mga salitang nakikita ko na binabato nila sa'kin.
My eyes are glued to the screen of my phone as if it's going to change anything.
"Stop that." Namalayan ko na lang na inagaw sa'kin ni Lysander 'yung phone sa kamay ko. Nakita kong pinatay niya 'yung power no'n at nilapag sa tabi. "Are you okay?"
Tumingin lang ako sa kanya. Hindi naman okay ang lahat. Kasalanan ko 'to. Pero hindi ko nakuhang masabi 'yon.
Napabuntong-hininga siya saka hinila ako papuntang sala. Umupo kami sa sofa habang nakatulala pa rin ako sa kawalan.
"I'm sorry." Napatingin ako sa kanya.
"W-wala kang dapat ihingi ng sorry, Lee."
Napayuko siya saglit bago ulit tumingin sa'kin. "Maybe this blowback is a good thing."
"Blowback?"
"We got viral unintentionally," sagot niya. "Hindi ko pa alam kung bakit ko naisip na magandang bagay 'yon. I just got a feeling." Medyo umusod siya palapit. "How bad was it? Nakita ko sa hashtag kung anong tinawag nila sa'yo."
Napangisi ako. "Well, it sucks," sagot ko. "I'm lying if I tell you that I'm not affected. Hindi lang ako sanay na may tumatawag sa'kin ng gano'n."
"You need to learn from me." Tunog nagbibiro ang boses niya pero naramdaman ko bigla kung paano pa kaya siya na buong buhay niya ata'y hinuhusgahan na siya ng mga tao dahil lang sa pamilyang kinabibilangan niya.
"H-how did you handle this kind of feeling?" tanong ko.
Napaisip siya saglit nang matulala sa kawalan. "At first it's normal to be defensive. Gusto mo silang sagutin lahat para ipagtanggol 'yung sarili mo. Then soon you will realize it's nonsense, dahil kahit ano pang sabihin mo'y may nabuo na silang conclusion tungkol sa'yo. They just want to savor the feeling of being powerful over you that's why you need to learn not to react because it feeds their wretched souls."
"So, you did nothing?"
"Nothing. I let them say what they want. Because, Lou, the reality is we can't control people and their thoughts. How we react to them is our only salvation."
Pakiramdam ko'y nakikinig ako sa isang guru dahil sa lalim ng mga sinasabi niya. It's simple, it makes sense, but hard to do.
How can we easily control how to react?
I appreciated him more because of his wisdom.
"But... isn't that being a coward? Not confronting them? By not fighting them?"
"Louella, not all battles are required to be fought. Sometimes, you can win by not engaging."
"I heard that before—it's all about choosing our battles carefully, right?"
"Precisely." I'm glad you're here with me. "I snatched your phone away because it will only make you feel worse."
I sighed. "That's how they are." Tinutukoy ko 'yung mga tao sa social media. "That's how they're living nowadays, they're like vultures waiting to feast on something. Apparently, when they got tired, hahanap din sila ng bago nilang pupuntiryahin."
Napangisi si Lysander. "You're right. They can't cancel someone forever. They're like zombies, living without brains." Natawa kami parehas. Pagkaraan ay napatitig lang kami sa isa't isa.
It's going to be alright. I had so much more hope today than yesterday. I don't know what will happen to us, to Raven. Just having someone—at least one, by your side—to fight with the world. It's enough. As of now.
Napapitlag kami parehas nang marinig ang tunog ng isang unfamiliar na ringtone. Nang mapagtanto namin parehas kung ano 'yon ay kaagad kaming tumayo.
Kinuha ni Lysander mula sa itim na bag ang dalawang phone, doon nagmula 'yung tawag. May tig-isang missed call mula sa isang unknown number.
Bigla akong nanlamig. Ito ang unang pagkakataon na nakatanggap kami ng order mula sa kanila.
"I guess they found out the issue," sabi ni Lysander habang nakatingin sa phone na hawak niya. "Anong sabi sa'yo?"
I opened the email with the subject of 'COUNTERMEASURES' and found several attachments. Sunod-sunod akong napalunok.
"T-they want me to post this." Pinakita ko sa kanya 'yung mga attached photos. May isang propaganda photo ng mga mahihirap, may quote na naka-edit doon. Mayroon ding nakalagay sa message na instruction kung ano ang magiging caption ko.
"Kailan mo raw dapat i-post 'yan?" tanong niya.
"N-now."
Napapikit saglit si Lysander at tumango na lang. Nanginginig akong pumunta sa laptop ko para i-transfer do'n 'yung photos at para i-share sa social media pages ko.
Bumungad sa'kin ang sangkatutak na notifications at messages pero hindi ko na tinangka pang buksan 'yon. I copy pasted the long caption and uploaded the photos.
Wala pang isang minuto nang dumagsa ang mga komento.
Wow! May pake na siya sa mga issue!
Pawoke na rin si Louella hahaha
Wag mong pagtakpan yung issue nyo ni Vireo.
Owws talaga ba? Kunwari may care sa bansa pero malandi naman
Eew bawal magkapake ang enabler ng mga kriminal
Magkano bayad sayo Lou?
Akma ko palang iko-close 'yung browser nang mahagip ng mata ko 'yung tweet ni Prima.
Akala ko pa naman matino ka girl.
Alam kong wala siyang pangalang nilaglag pero malakas 'yung pakiramdam ko na ako 'yung pinariringgan niya.
I couldn't stop myself from clicking the whole thread. And alas, I saw familiar usernames.
Kiwi commented, Matik FO haha. Sinundan pa 'yon ng iba pero hindi ko na binasang maigi ang mga sinabi nila.
Friendship over? Are we even friends, to begin with?
Hindi mo sila totoong kaibigan, Lou, sa una palang.
A part of me was relieved because of that truth realization. It's like I can finally breath, that I no longer need to pretend to be one of them. Iyon kasi ang pakiramdam ko kapag kasama ko sila, kahit na hindi ko naman alam kung anong itinatago ko.
Sadyang hindi mo feel kung anong trip nila. You don't really agree with their woke views.
"Lou." Narinig ko na lang 'yung pagtawag ni Lysander sa'kin. "Kailangan kong umuwi sa hometown namin."
"W-why?"
Ipinakita niya ang phone na hawak. "Kailangan kong kumuha ng evidence regarding my family's alleged corruption issue."
Without hesitating I asked, "Can I go with you?"
*****
[LYSANDER]
THEY gave me until tomorrow to find any evidence. That's why there's no time to waste.
I had to use my best resources to come home quickly. I asked for the family's chopper na nasa Maynila para ihatid kami sa San Simeon.
Louella didn't say anything. She's probably still shocked about the viral issue about us. Kaya hinayaan ko na lang din muna siya.
Nakatanaw lang siya sa labas buong biyahe, it's a beautiful sight indeed. Nakatitig lang din ako sa kanya.
Wala pang isang oras nang marating namin ang isang pribadong isla sa San Simeon na pag-aari ng aking pamilya.
May naghihintay na agad na sasakyan sa'min pagkatapos mag-landing ng chopper. Sumakay kami ro'n at hinatid kami ng driver sa ancestral house ng Vireo clan.
They're already expecting us because I called earlier when I needed to use the chopper. Nabuo na rin sa isip ko kung ano 'yung pwedeng idahilan ko sa kanila.
"Lou." Tumingin naman siya sa'kin. "I told my family that I'm bringing my girlfriend." Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "I'm sorry, pero 'yon lang ang pwede kong idahilan. Besides . . . I presume na alam na nila 'yung viral issue."
"I-I understand," sagot niya kahit na halatang nahihiya.
"We can't tell them the truth, Lou," sabi ko. "They might find out what happened and it could worsen the situation for us and for Raven."
Tumango lang siya.
"What am I supposed to do? Paano kung magtanong sila?"
"Just act normal. They might probably ask silly questions like how we started to date."
"A-anong isasagot ko?"
"Ikaw na ang bahala, you can say that we met in one minor class sa university." Hindi na siya ulit nagsalita pa hanggang sa matanaw ko na ang pamilyar na gusali. When was the last time I went home?
Habang unti-unting bumubukas ang lumang gate ay narinig ko ang boses ni Louella.
"So, was it true?" mahina niyang tanong. Tumingin ako sa kanya at may kung ano sa kanyang mga mata. "A-about your family?" She must be pertaining to the allegations about the Vireo family.
I'll admit that I'm not prepared to answer that question.
I took a deep breath before looking directly at her again. "I'm afraid that the fact we're here might prove it's all true."
*****
[ . . . ]
ELLON was certain he was dying. Before he closed his eyes, he was still aware of the awful pain in his stomach. He was bleeding to death and half-conscious when his body was dumped in a pit. Naramdaman pa nga niya ang lupang inihagis sa katawan niya.
Subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may pwersang humugot sa katawan niya mula sa lupa.
Ellon was already dead. Buried.
And yet, here he was. Nang buksan niya ang mga mata'y may tumambad sa kanyang nilalang.
Hindi maipaliwanag ng kanyang isip ang nakita. Basta ang alam niya noong mga sandaling 'yon ay naghilom ang kanyang mga sugat.
He also vaguely remembered the failure of his ritual. But this time, a miracle happened to him.
"S-sino ka?" tanong niya sa nilalang.
Saka niya biglang naalala ang nakita noon bago siya bumagsak sa tubig.
"Ako ang Alpas, Ellon."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top