/14/ Together Forever?

Only with
a calm mind,
you can
clearly think.
But more so,
calm your heart
to win the
fight.

/14/ Together Forever?

[LOUELLA]


I never imagined that I'll feel this way. Every fiber of my being is filled with fear. I'm too terrified to think.

Kung hindi pa ako tapikin ni Lysander, hindi ko malalaman na kami na lang pala ang natitirang pasahero sa loob ng eroplano. The flight attendant was about to approach us when my companion grabbed my hand and pulled me to stand up.

Kaunti lang ang tao sa airport dahil malalim na ang gabi, the silence didn't help because it feels like I can hear my heartbeat.

Maaga akong matutuluyan nito.

Parang may kidlat na tumama sa'kin nang mapagtanto na sa umpisa palang ay delikado na pala ang ginawa namin—going to an unfamiliar place, we've been warned not to go and yet we continued.

You are so fucking stupid, Louella.

Lysander stopped walking but he didn't let go of my hand. Tiningnan niya 'ko at nakita ang luhaan kong mukha.

Without saying a word, he took out a handkerchief. Nang titigan ko lang ang hawak niya'y marahan niya 'yong dinampi sa pisngi ko.

"Crying won't help, you know," mahina niyang sabi.

Umiling ako. "Too bad, I won't stop crying."

Napabuntong-hininga si Lysander. "We should go home and rest. Then we'll think about what to do. We're tired."

Umiling ulit ako kasabay nang sunod-sunod na pagpatak ng luha. "Paano ko magagawang makapagpahinga o makatulog sa nangyari? It's all my fault. Because me . . . Raven's in grave danger and Ellon! Ellon . . . H-he died because of me."

His lifeless eyes just stared at me. H-how could he?

"Blaming yourself won't change a thing. Yes, it's all your fault. Pero sa tingin mo ba makakatulong 'yon sa sitwasyon? Mababalik ba ang buhay ni Ellon?" The way he said it without stuttering feels like stabbing me in the chest.

"B-bakit ka ganyan? W-why are you so cold?!"

"Cold?" ulit niya. "Because I need to control myself, unlike you, who puts us in this mess because you're so obsessed with finding that stupid bird, and now, you're acting like an idiot." It's painful. I know I deserve those words.

Binitawan na niya 'yung kamay ko't tumalikod. Alam kong iiwanan na niya 'ko kaya napasalampak na lang ako sa sahig.

"I wish... I'm the one who died back there," I whispered.

Nanatili lang akong nakayuko. Lysander left . . . or so I thought.

Bigla niyang hinigit ang braso ko para makatayo ako. "Get yourself together, Louella." His face is too close.

Napatitig ako sa mga mata niya saka ko napagtanto na mali ako. His eyes . . . I can finally see the fear he's trying to suppress. Like me, he's breaking inside. But he's fighting it.

Napabuntong-hininga siya bago lumayo nang kaunti. "I'm sorry. Hindi ko dapat sinabi 'yon."

"It's okay." Suminghot ako saka pinahid ko ang luha. "Tama ka naman. Thanks."

Sabay na kaming naglakad ulit palabas ng airport. Pagkatapos nang naging usapan namin ni Professor Jomari Silang Jr. ay pinabalik na nila kami ng Maynila. He actually left us no choice but to agree with his deal. They gave us two spare phones, doon nila kami iko-contact for further instructions. They also hacked our phone and installed a spying app. That's why we've been warned that we could not report them to the police and authorities.

Don't even try, Professor Silang said. He said they'll know. And if we do break the rules, Raven will be buried alive. And do you know what's worst? They will frame us in their deaths if we don't follow them.

Just like that, I forgot everything about Alpas. That's why I've been blaming myself for believing such a tale, for having a delusion that it could help me to break free.

Pumunta kami ng parking lot kung saan nakaparada 'yung mga sasakyan namin. Lysander was about to get inside his car when I stopped him.

"W-wait."

"Yeah?" Sinara ulit niya 'yung pinto ng sasakyan niya.

Napayuko ako. Paano ko ba 'to sasabihin sa kanya.

I just realized that the last thing I wanted right now is to be left alone with my horrible thoughts. Hindi ko alam kung baka anong gawin ko sa sarili ko.

"Lou?"

"P-pwede bang . . . Samahan mo ako?"

"Where?"

"I mean . . . Can you stay with me, please?" Napatitig lang siya sa'kin at ilang segundong namayani ang katahimikan. Bigla akong nilamon ng hiya. "F-forget it—"

"Give me your keys."

"H-huh?"

"Akin na 'yung susi ng kotse mo," ulit niya. Wala sa loob na inabot ko sa kanya 'yon at umikot siya sa kabila.

Binuksan niya 'yung compartment ng kotse ko at nilagay doon 'yung bag niya. Kinuha niya rin 'yung bag ko at saka pinasok doon. Pagkatapos ay pumasok na siya sa driver's seat at binuhay ang makina ng sasakyan.

I was stunned at first pero mabilis akong nanumbalik sa kasalukuyan. Sumakay ako sa harapan sa tabi niya saka niya pinaandar ang sasakyan.

"Do you want to eat?" tanong niya pagdating namin sa condo ko. Mabilis lang ang biyahe kaya wala pang isang oras nang makarating kami.

"Umm... Wala akong food sa ref," sagot ko.

"I'll buy something downstairs. Baka may gusto ka?"

Umiling ako. He left and quickly came back. Binili pa rin niya ako ng pagkain kaya sa huli ay pinilit niya akong kumain. He bought two instant ramen, two hotdogs, and two iced teas.

"Why are you smiling?" Napansin ko kasi na bahagya siyang nakangisi. Bago siya sumagot ay humigop muna siya ng noodles.

"Nothing. It just I always found it amusing."

Napakunot ako. "Ang alin?" Nakuha pa niyang matawa sa sitwasyon namin?

"Kasi, alam ko kayong mga girls, kahit na sinabi n'yong ayaw n'yo, sa huli gusto n'yo pa rin talaga."

"W-what are you saying?" nilapag ko tuloy 'yung tinidor. "Pinilit mo kaya ako. Ayoko namang masayang 'yung pagkain na binili mo kaya—ugh. Whatever." Akma akong tatayo nang pigilan niya 'ko.

"I'm sorry! Kumain ka lang, please." Nawala na 'yung ngiti niya. "Sorry. Naalala ko lang 'yung ex-girlfriend ko."

So, may naging girlfriend na pala siya.

"What a weird thing to remember in this situation," bulong ko.

Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos. Pinagtulungan naming ayusin 'yung air bed sa sala para sa tutulugan niya, binigyan ko rin siya ng unan at comforter.

Bago ko pumasok sa kwarto ko'y tumingin ako sa kanya. He quickly sensed my stare.

"Thank you, Lysander. And I'm sorry again."

"Good night, Louella. Take a rest."

"C-can you stay with me until they call again?" Nilunok ko na lahat ng kahihiyan na meron ako. I know I'm being selfish pero hindi ko talaga kakayaning mag-isa.

"I'll stay with you, Lou."


*****


MAAGA pa rin akong nagising kinabukasan. Halos hindi rin ako nakatulog nang maayos. Who would?

Sumulyap ako sa alarm clock at nakitang five pa lang ng umaga. I tried to close my eyes to sleep again but I failed. Imbis na makatulog ay nilamon lang ako ng mga hindi magagandang bagay sa isip ko.

I thought about Raven. Nagising na ba siya? Si Tita Alicia, kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman ang sitwasyon ng anak.

I thought about Ellon and I couldn't help but cry again. I wonder about his family. Wala silang kamalay-malay sa nangyari.

And it's all your fault, Louella Starling. Why did you even survive?

Bago pa 'ko tuluyang lamunin ng kadiliman sa isip ko'y pinwersa ko 'yung sarili ko na bumangon.

Paglabas ko sa sala ay saktong nadatnan ko si Lysander na nagliligpit.

"You're going somewhere?" tanong ko.

"Nagising ba kita? Sorry." Umiling naman ako. "I need to get new set of clothes," sabi niya. "Akala ko tulog ka pa, kaya naisipan kong umalis muna sana saglit. Then balak ko sanang balikan 'yung kotse ko sa airport at bumili na rin ng mga pagkain."

"I'll go with you."

"Sigurado ka? Mukhang hindi ka nakatulog nang maayos—"

Hindi na siya nakaangal pa. Mabilis akong naghilamos at nagpalit ng damit.

Nag-commute muna kami papuntang airport para balikan 'yung sasakyan niya. Sumakay kami ng bus. Pinili niyang tumabi sa'kin kahit na napakaluwag at marami pang bakanteng upuan.

Habang nasa biyahe'y bigla niyang inalok 'yung isa niyang wireless earphone. Tinanggap ko 'yon at mabuti na lang dahil pinakalma ng music 'yung isip ko.

Maganda rin naman pala ang taste niya sa music.

Siguro ito 'yung sikreto niya kung paano niya napapakalma 'yung sarili niya. For a while I had a peaceful moment. Early morning. Smell of the bus's mint freshener. Few passengers. Quiet city. Chill music. And him.

Nang matapos 'yung music ay nalipat 'yon. Napakunot ako nang marinig ang familiar na intro sound at sumunod 'yong boses ko.

"What—"

"Okay, you caught me. I downloaded your podcast," sabi niya agad saka nilipat ang music. "Almost all of it."

He's an avid listener?

Napangisi ako nang wala sa loob. "I never imagined you're into girly stuff?"

"Your contents are not really girly." Napakunot siya.

"Pinakikinggan mo rin ba 'yung love advice ko sa mga listeners ko?"

He just smiled instead of answering. Tumingin na lang ulit ako sa cityscape habang unti-unting lumiliwanag ang paligid.

Wala na ulit nagsalita sa'min. I guess we both enjoyed the silent calm between us.

Unfortunately, it's a short-lived peace. Nakarating din kami agad sa airport.

Nang makasakay na kami sa kotse niya'y sunod naman kaming nagpunta sa condo niya. I insisted waiting on the parking lot inside his car. Para akong takot na bata maiwanan mag-isa kaya hanggang sa unit niya ay sumama ako.

As expected, maayos at malinis ang tinutuluyan niya. He's tidier than me. And I bet puno ng pagkain ang ref niya at pantry.

Mabilis din siyang nakakuha ng mga damit niya kaya wala pang fifteen minutes nang makaalis kami ro'n.

Nagtaka ako noong una nang pumarada siya sa tapat ng supermarket malapit lang sa condo niya.

"What are we doing here?" tanong ko nang makababa kami. Ang akala ko kasi pupunta lang kam isa isang fast food chain.

"Para bumili ng pagkain," he answered the obvious.

"We can just buy at my place, maraming kainan sa baba."

"Junk food is not really healthy. We need to eat real food." sabi niya habang nauunang naglakad. Nang makapasok kami sa loob ay kumuha siya ng cart.

He's health-conscious.

"Marunong kang magluto?"

"Yeah."

Thump. What's that sound in my chest?

We strolled at the grocery store; he's leading the way dahil mas pamilyar siya rito.

Bigla akong nahiya sa sarili ko. I'm also living by myself pero hindi pa rin ako marunong magluto ng totoong pagkain—hindi 'yong puro fried lang.

Habang naglalakad ako sa gilid niya'y hindi ko maiwasang mapaisip. . . We looked like a couple buying groceries together.

"What are you thinking?" bigla niyang tanong habang namimili ng brand ng tinapay.

"You should buy this, mas masarap 'to," sabi ko sabay turo sa isa niyang hawak.

"Anong iniisip mo ngayon?"

"Tinagalog mo lang," sagot ko.

Napabuntong-hininga siya. "I mean, kung sinisisi mo pa rin ba 'yung sarili mo?"

"Of course, hindi naman gano'n kadali 'yon. Saka ipinamukha mo kaya sa'kin kagabi."

"Sorry."

Silence again.

"Actually. . . Iniisip ko lang kanina na mukha lang tayong couple na magkasamang nag-gogrocery. Sana gano'n na lang ka-simple, no?"

"Ha?"

"Sana hindi na lang nangyari 'yon. . . Sana hindi totoo 'yon." He's about to say something pero inunahan ko na siya. "Alam ko na 'yan, alam kong walang magagawa ang sana."

"Hey." He stopped. "We'll get through this. We'll save Raven. We'll make them pay for killing Ellon."

"H-how?"

"I don't know. But let me tell you this, Lou."

"A-ano 'yon?"

"I've never been this courageous before. I don't know how to fight those people, but I won't back down."

I never saw him like this before. O sadyang ngayon ko lang siya nakasama nang matagal, siguro ito ang totoong Lysander. O maaaring may himalang nagbigay sa kanya ng katapangan, he did the ritual of courage back then.

I don't know. One thing I'm sure of, because of his courage, I felt grateful that he stayed with me. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang kamay ko para hawakan ang kamay niya.

At tinanggap niya 'yon.


*****


TINULUNGAN kong magluto si Lysander nang bumalik kami sa condo ko. Noon ko nga lang na-realize na ang dami pala naming biniling pagkain, parang katumbas ng two weeks. Well... I don't mind.

Tinulungan naman niya kong maglinis ng pinaglutuan at pinagkainan namin pagkatapos. As if everything's normal, salamat kay Lysander dahil nawala 'yung panto-torture ng isip ko sa'kin.

Biglang tumunog 'yung phone ko sa kwarto kaya bigla akong kinabahan. Maging si Lysander ay natigilan.

Dahan-dahan kong pinuntahan 'yon at nakitang tumatawag si Prima. She never called me before.

Sinagot ko 'yung tawag. "Hello?"

"Who is it?" saktong lumapit sa'kin si Lysander.

"Oh my gosh, confirmed nga! Boses ng guy! Si Lysander Vireo 'yang kasama mo, 'di ba?!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig 'yon.

"P-Prima. . . W-what are you talking about? It's not—"

"Don't deny it, girl! Ano ka ba! Online-online din kapag may time! For all of people, ikaw talaga ang papatol sa kanya? Well, I don't blame you kung pinakitaan ka niya ng salapi, plus medyo cute naman 'yang si Lysander—"

"W-what do you mean?" Nanikip bigla 'yung dibdib ko.

"Number one trending ka sa Twitter, gaga! Kalat na kalat pictures n'yo ni Lysander! You are so cancelled, Lou! Gagawa na ba kami ng statement na hindi kami damay diyan sa relationship n'yo? Kasi we're not enablers, ano!? Pero wait... Was he good in bed?" binaba ko na 'yung tawag at dali-dali kong binuksan ang wifi para makita 'yung sinasabi niya.

"What happened?"

Hindi ko sinagot si Lysander. Halos sumabog ang notifications ko nang ma-connect 'yung phone ko sa internet.

Totoo nga ang sinabi ni Prima na number one trending ang pangalan ko sa Twitter. Nang i-click ko 'yung hashtag ay tumambad sa'kin 'yung mga tila paparazzi photos—naming dalawa ni Lysander. Sa airport, sa loob ng sasakyan, pati pagpasok at paglabas sa condo, sa grocery—na kitang-kita na magkahawak 'yung kamay naming dalawa.

Mas may lalala pa pala sa sitwasyon namin.

Narinig ko na lang ang boses ni Lysander na nakita na rin 'yung pictures sa phones.

"How unfortunate. We'll be canceled together—forever?" He even sound amused.

Lou
#LouellaStarlingIsOver
#CancelLOU
#LouellaIpokrita
canceled
Vireo
Magnanakaw
Enabler
Pumatol
Kadiri

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top