Prologue

"Beh, si Dale 'yon 'di ba?" Hindi ako sumagot.

"Ay gago? Sino 'yong babaeng kasama niya? Hindi ba at nanliligaw pa lang sa 'yo 'yang lalaking 'yan, Kei?" Hindi ko magawang sumagot sa mga sinasabi nina Maica.

Why, Dale? Kung kailang may nararamdaman na ako para sa 'yo, ganito ang gagawin mo? Seryoso ka nga ba talaga sa akin o ano?

"Let's go. Let him be, buhay niya 'yan eh." Agad ko silang tinalikuran dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang paglabas ng mga luha ko.

"Awatin mo 'ko, Steph, susugurin ko 'yang gagong 'yan." Dinig kong sambit ni Maica.

"Mai, let's go." Pareho silang natigilan nang makita akong luhaan.

"Kei..." it's Ella.

Mabilis na lumapit sa akin si Maica upang yakapin ako, sumunod naman 'yong dalawa. Mas lalo tuloy akong naiyak.

"Shhh, kaming bahala sa gagong 'yan," ika ni Maica.

"Mai, hayaan na natin siya, please..." I begged.

"Trust us, Keith. Hindi p'wedeng hayaan lang namin ang ginawa niya. Sinira niya pangako niya sa amin na huwag kang sasaktan eh," sabi naman ni Steph.

Hindi na lang ako umimik.

Tahimik lang ako hanggang sa makabalik kami ng school ni Ella.

"Woy, bakit ang tahimik mo yata?" Sinulyapan ko lang si Nigel na tumabi sa akin.

"May problema ba?" tanong niya ulit na may halong pag-aalala.

Pilit na lang akong ngumiti at saka umiling.

Magsasalita pa sana siya nang dumating na ang prof namin.

Lutang ang isip ko hanggang sa matapos ang huling klase namin.

"Kasabay mo ulit si Ella?" tanong ulit sa akin ni Nigel.

Tumango lang ako. Wala akong gana magsalita ngayon.

Sinamahan niya akong maghintay sa bleachers hanggang sa matanaw na namin si Ella.

"Ella, what happened to Keith? Kanina pa siya walang imik eh," bulong ni Nigel kay Ella. Bumulong pa siya eh dinig ko naman.

"Ah, may tampuhan kasi sila ni Maica eh," she lied.

"Ganoon ba?" Tumango naman si Ella.

"Sige, una na kami ha?" paalam ni Ella.

"Ingat kayo." Tumango na lang si Ella.

Paglabas namin ng gate ay natanaw ko agad ang sasakyan ni Dale. Sakto namang may humintong jeep sa harap namin kaya hinila ko na si Ella pasakay.

"Kapal naman ng mukha niyang magpakita pa rito." Nakita rin pala niya.

Binigay ko na sa kaniya 'yong bayad kaya siya na ang nagbayad sa driver.

"Manong, dalawa po!"

Napatingin naman ako sa cellphone ko.

"He's calling." Hinitay ko na lang na mamatay 'yong tawag at ilang saglit pa ay tumunog muli ang cellphone ko. Kaya naman tinurn off ko na lang ang cellphone ko bago ilagay sa loob ng bag.

Pagbaba namin sa downtown ay mabilis na kaming pumara ng tricycle pauwi ng apartment namin.

"Salamat po." Pagka-abot ng bayad ni Ella ay pumasok na agad kami sa loob.

"Wala pa 'yong dalawa?" tanong ni Ella.

"Baka gumala pa 'yong mga 'yon. Bihis muna ako," sabi ko, tumango na lang siya kaya pumasok na ako sa kuwarto namin.

Paglabas ko ay sakto namang pagpasok nila Maica.

"Wow, ang aga niyo ah?" ika niya.

"Hindi na kasi kami gumala eh," sabat naman ni Ella.

"Hoy, hindi kami gumala 'no! Ang bagal kasing magturo no'ng prof namin eh," reklamo naman ni Steph.

Pareho naman kami napatingin sa labas nang may marinig kaming kumatok.

"Ako na," prisinta ni Maica. Sumunod naman si Steph.

"Stay here, I'm sure si Dale 'yan." Tumango na lang ako at pumunta na lang sa kusina para ipagpatuloy ang ginagawa ni Ella.

"Wala nga siya rito eh!" dinig kong sigaw ni Maica.

Nilapag ko muna 'yong hawak ko at tumungo sa sala para makinig sa usapan nila.

"Sinundo siya kanina dito ni Nigel at hindi ko alam kung saan sila pupunta," sabi ni Ella.

"Bakit niyo hinayaan na sumama siya?" May halong pagka-irita ang boses ni Dale.

"Why not? They're friends so anong masama roon?" sabat naman ni Steph.

Natahimik naman si Dale.

"Umalis ka na rito dahil nagsasayang ka lang ng oras mo." Bigo namang tumango si Dale saka naglakad na paalis.

Sabay na silang pumasok nang masigurong nakaalis na si Dale.

"Lakas ng loob niyang pumunta rito ha. Anyways, bebe Kei, uuwi ka ba bukas sa inyo?" Tumango naman ako.

"What time? Para maihatid ka namin sa terminal," tanong naman ni Steph.

"Mga 7 AM or 8 AM na lang siguro," sagot ko naman.

***

"Take care, bebe Kei! Chat ka sa gc if nakarating ka na, okay?" Tumango ako saka humiwalay na sa yakap.

"Grabe kayo makayakap ha, para namang hindi na tayo magkikita," sabi ko at mahinang tumawa.

"Siyempre ma-miss ka naman kahit na tatlong araw ka lang mawawala," usal ni Steph.

"May gc naman ah," ani ko.

"Kahita na!" sabay na sagot nila.

"Wow, sabay." Inambahan naman ako ng batok ni Maica.

"Alam mo, Kei, kahit na may gc tayo, iba pa rin 'yong nakakasama ka namin." sabat ni Ella.

Magsasalita pa sana ako nang tawagin na ako no'ng kondoktor.

"Alis na ako. Hindi bale, may dala akong maraming prutas at gulay pag-uwi," sabi ko.

"Sabi mo 'yan ha?" si Maica. Nakangiti naman akong tumango.

Kumaway pa muna ako sa kanila bago sumakay ng bus.

Isa't-kalahating oras ang naging biyahe bago ako makarating ng Mangatarem. Agad na dumaan ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko si Kuya sa tapat ng munisipyo.

"Kuya!" sigaw ko saka kumaway.

"Pumapayat ka yata ah," ika niya.

"Marami kasing activities na pinapagawa eh. Pero hindi ko naman pinapabayaan 'yong sarili ko," sagot ko.

"Siguraduhin mo lang ha." Tumango-tango naman ako.

Pagkarating namin sa bahay, ang unang sumalubong sa akin ay ang aso kong si Aki.

"Hello, baby ko! How are you? Did you miss me?" Kumahol-kahol naman siya.

Sobrang na-miss ko rito sa bahay lalo na sina lola at pati na 'yong tinola niya. I don't know if ako lang, pero hindi ako kumakain ng tinola unless si lola ang nagluto. Iba kasi 'yong paraan niya sa pagluluto eh. Next time magpapaturo akong magluto ng tinola niya.

***

"Ang bilis ng araw, parang kailan lang noong sinundo kita tapos ngayon aalis ka na naman." Natawa naman ako sa ka-dramahan ni Kuya.

"Maghanap ka na kasi ng girlfriend mo para 'di ka na sad," pang-aasar ko.

"Ayaw ko. 'Pag ginawa ko 'yon edi hindi na ikaw 'yong princess ko?" Nakangusong sambit niya.

"Of course not! I'm still your princess pa rin naman even if you have a girlfriend na," sabi ko

"Sus, sige na. Hayun na 'yong bus oh, mag-iingat ka," tugon niya.

"Huwag ako ang sabihan mo niyan kasi hindi naman ako 'yong nagda-drive ng bus," biro ko.

"Loko-loko ka talaga," sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

"Kanino pa ba ako magmamana eh sa 'yo lang naman," sabi ko, napailing na lang siya.

Kinawayan ko na siya nang makasakay na ako ng bus. Katulad ng dati ay isa't-kalahating oras ang binabyahe ko pabalik ng Dagupan.

"Waahh! We miss you, bebe Kei!" Sinalubong ako ng yakap nina Maica nang makababa ako sa bus.

"Grabe, para naman akong galing ibang bansa," natatawang sabi ko.

"Hindi ka galing ibang bansa pero ibang lugar, oo." sagot naman ni Steph.

"Ewan ko sa inyo. Ipinagluto pala tayo ni lola ng tinola niya, ipa-init na lang natin para mamayang gabi," sabi ko.

"Wow, let's go na!" Pumara na kami ng tricycle pagkatapos ay sumakay na.

Nang marating na namin ang apartment ay tinulungan nila akong magpasok ng mga dala ko.

***

Isa, dalawa, tatlo. Tatlong linggo akong kinukulit ni Dale at tatlong linggo na rin akong nagtatago at umiiwas sa kaniya. Hindi niya na ako magawang tawagan dahil blinocked ko lahat ng accounts niya. I also blocked his friends para hindi na rin nila ako ma-contact.

"Kei, please... mag-usap naman tayo oh." Malalim naman akong napabuntong-hininga.

Oras na siguro para itigil na itong pag-iwas ko. Nakakapagod na rin kasi eh.

"I'll give you thirty minutes to talk," diretsong sabi ko.

"Anong problema bakit ka umiiwas sa akin? At saka bakit mo ako blinocked pati sina Kirk naka-blocked din. May nagawa ba akong mali?" sunod-sunod na tanong niya.

"Ask your self, Dale. Ano nga ba ang ginawa mo?" balik kong tanong sa kaniya.

"What are you talking about?" sarkastiko naman akong natawa.

"You said na seryoso ka sa akin, na hindi mo ako sasaktan, na magbabago ka para sa akin, pero bakit nakita ka namin nina Maica na may kasamang babae?" Nanlaki naman ang mata niya.

"See?" Umiling-iling naman siya.

"No, Keith. Hindi ko siya babae." Marahas ko namang pinahid ang luha sa pisngi ko.

"Liar! Dale, tumigil ka na. Tama na. Ayoko nang magpaloko pa sa 'yo. Ayoko na, Dale. Tama na..." Hindi ko kayang pigilan ang pagtulo ng luha ko kaya hinayaan ko na lang tumulo. "At sana ito na rin ang huling araw na mag-kikita tayo," sabi ko bago siya tuluyang talikuran.

"Keith!" tawag niya sa akin ngunit hindi na ako nag-atubiling lingunin pa siya.

Pumara na lang ako ng tricycle at saka mabilis nang sumakay. Iyak lang ako nang iyak habang nasa loob ako ng tricycle.

The heck, wala pang kami pero natapos na kaagad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top