ADC 21

Keith's Pov

Lunes na bukas kaya naman maaga akong matutulog ngayon dahil malamang sa malamang, matinding puyat na naman ang dadanasin ko.

"Matutulog ka na?" tanong ni Ella.

"Oo, maaga pa tayo bukas eh," sabi ko habang inaayos ang higaan ko.

"Aga mo naman matulog,"

"Ella, hindi na ito mauulit," sabi ko. Natawa naman siya.

Nagkibit-balikat siya. "Sabagay. Sige, tulog ka na. Good night!"

"Good night, Ella."

Bago ako matulog ay minessage ko muna si Dale at pagkatapos ay nag-set na ako ng alarm ko.

‐--

"Aga mong magising ah?"

Saglit kong nilingon ang nagsalita sa likuran ko.

"Late lang kayo nagising," sambit ko.

"Asus. Ano ba niluluto mo?" tanong ni Maica.

"Sinangag na hinaluan ko ng toyo at itlog,"

"Wow, sarap. Tawagin mo ako kung tapos ka na ha? Gigisingin ko saglit 'yong tatlo," sabi niya at naglakad na papasok sa kwarto nila ni Steph.

"Ate ko, sisikat na si haring araw nakahilat ka pa rin d'yan! Bangon din kapag may time, oy!"

Napailing na lang ako sa lakas ng boses ni Maica. Napaka-bungangera niya talaga.

"Ella! Woot! Woot! Gising ka na at tayo'y kakain na. Ayaw mo naman siguro ma-late, 'di ba?"

"Bwisit na babae 'yan napakalakas ng boses," naiiritang sambit ni Steph.

"Hindi pa tayo nasanay kay Maica," sagot ko na lang.

"Sanay naman na ako pero kasi nakakarindi na minsan eh,"

"Hayaan mo na. Paki-handa na nga 'yong mga plato, luto na ito," sabi ko pagkatapos ay pinatay na ang kalan.

Habang nasa harap kami ng hapag-kainan, syempre hinding-hindi mawawala ang pagbabangayan nina Maica at Steph. Hinayaan na lang namin sila.

"Kung sino pa 'yong mas matanda, sila pa 'yong bata kung mag-isip," umiiling na sabi ni Ella.

Tawa na lamang naisagot ko bago ilagay sa lababo ang pinagkainan ko.

"Mauna na ako maligo ha?" paalam ko bago maglakad papasok sa kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto, nasa hapag pa rin 'yong dalawa at nag-aagawan pa ng ulam. Umiiling akong pumasok sa banyo. Wala nang pag-asang mag-mature 'yong dalawa. Binilisan ko na lang maligo para makasunod na si Ella.

Paglabas ko ay saktong patayo naman si Maica at mukhang katatapos lang kumain. Samantalang naghuhugas naman si Steph.

"Ikaw na maghugas niyan, bagal mo kasing kumain," iritang sambit ni Steph.

"Tutulungan na nga kitang maghugas ayaw mo pa!" pasigaw na sagot ni Maica.

Naglakad na lang ako papuntang kwarto at hindi sila pinansin.

"Ikaw na," sabi ko kay Ella nang makapasok ako sa kwarto namin.

"Hindi pa rin tapos magbangayan 'yong dalawa?" tanong nito habang naghahanda ng damit niya.

"Hindi pa. May part two pa nga eh," sagot ko.

"Mga isip-bata talaga," umiiling na sabi niya. "Nga pala, tumatawag kanina si Dale."

"Sinagot mo? Ano sabi?"

"Namatay lang din eh,"

"Ah. Sige na, maligo ka na para alis na agad tayo pagdating niya," sabi ko.

Nag-blow dry muna ako bago ko i-bun ang hubok ko. After no'n ay nag-apply lang ako ng powder at lip balm.

Habang nag-aayos naman ako ng gamit ko ay biglang tumunog ang phone ko. Pagtingin ko ay si Dale, tumatawag.

"Hello?"

["Nandito na ako sa labas,"] aniya.

"Wait, puntahan kita r'yan," sabi ko bago i-end ang call.

"Nasa labas na si labidabs mo," sambit ni Maica nang makasalubong ko siya.

"Yeah. Kausap ko siya kanina lang," sagot ko naman.

---

Dale's Pov

Napaayos ako ng tayo nang makita kong papalabas si Keith. Nakangiti ko siyang sinalubong.

"Good morning, ganda." I greeted.

"Good morning, too, handsome." She greeted back. "Okay lang ba kung mayamaya tayo alis? Naliligo pa si Ella eh,"

"It's fine. Mamayang nine-thirty pa naman class ko eh," sagot ko naman.

"Ha? Tapos ang aga mong pumunta rito?"

"Maaga pasok mo eh," I shrugged.

"Sira. Teka, tignan ko lang si Ella kung tapos na ba siya," paalam nito bago bumalik sa loob.

Naupo na lang ako sa hood ng kotse ko at kinuha ang phone sa bulsa upang libangin ang sarili ko. Paglipas ng ilang minuto ay lumabas na rin sina Keith at Ella. Mabilis namang sumakay si Ella sa back seat kaya si Keith na lang ang pinagbuksan ko ng pinto.

"Uh, Dale, sa SM pala ako bababa ha?" mayamayang sabi ni Ella.

"Sige, sige."

"Sa SM na raw kayo magkikita-kita?" tanong naman ni Keith.

"Oo, pabago-bago sila eh nakakainis."

"Sapakin mo na," biro ko.

"Malapit ko na sila masapak, kunti na lang."

Natawa naman kami ni Keith.

Nang makarating kami sa SM ay mabilis na bumaba si Ella at patakbong tumawid. Mabuti na lang at wala masyadong dumadaan.

"Baliw talaga kahit kailan 'yang babaeng 'yan, basta-basta na lang tumatawid," umiiling na sabi ni Keith.

"May siyam na buhay nga raw kasi siya," natatawang sambit ko bago magmaneho paalis.

"Thanks. Ingat sa pagda-drive and good luck!" ani Keith.

"Thanks, ikaw rin. See you later,"

"Yeah, see you later."

Hinintay ko muna siyang makapapsok sa gate bago ako umalis. At nang makarating ako sa school ay sakto namang kararating din ni Christan.

"Oh? Akala ko mamayang nine-thirty pa pasok mo?" tanong nito.

"Hinatid ko pa si Keith," sagot ko.

"Ah, I see. So, saan ka niyan ngayon?"

"Sa library, matutulog."

"Tarantado. Sige, una na ako sa class ko," paalam nito.

"Sige, good luck." Tumango na lang ito at tinalikuran na ako.

Papunta na sana ako ng library nang masalubong ko si Angel. Shit, not again.

"Hi kuya, libre mo ako later ha?"

"Mukha mo libre. May lakad ako mamaya," sabi ko at nilampasan siya.

"Saan? Sama ako," pangungulit niya.

"Hindi p'wede. Si Keith ang kasama ko kaya roon ka sa far away,"

"Sama ako, Kuya. I want to meet her,"

"Saka na. 'Tsaka baka kung ano pang masabi mo sa kaniya eh,"

"Hindi po, promise! Please, please po, kuya..."

Bumuntong-hininga ako. "Subukan mong dumaldal mamaya, yari ka sa akin."

"Yehey! Behave lang po ako mamaya kuya, I promise!"

Tinanguan ko na lang siya bago maglakad ulit.

Pagkarating ko sa library, pum'westo na agad ako sa pinakasulok at tagong upuan. Nag-alarm muna ako bago ako umidlip.

‐--

"This is for today, you may leave now."

Nice! Kanina ko pa gustong umalis.

Wala na akong sinayang na oras at nagmamadali nang lumabas ng room. Malapit na ako sa kotse ko nang marinig ko ang boses ni Angel. Fuck! Akala ko matatakasan ko na 'tong bubwit na 'to.

"Trying to leave me, huh? Sorry ka, malakas instinct ko," sabi nito. Napairap na lang ako.

"Sakay na, dami mo pang sinasabi." Inirapan lang ako nito bago sumakay.

"Kapag ikaw dumaldal mamaya, yari ka talaga sa akin," pananakot ko sa kaniya.

"Like I said, behave lang ako mamaya."

"Sinasabi ko lang,"

"Nag-promise na nga ako eh," nguso niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagmaneho na lang paalis. Habang nasa sasakyan ay hindi talaga siya nagsasalita, hanggang sa makarating kami sa tapat ng Nepo.

"Siya na ba si Ate Keith?" tanong nito sa akin nang makita ang babaeng naka-nursing uniform na papalapit sa amin.

"Yes, siya nga. Ganda 'no?"

"Oo, buti pinatulan ka?"

"Aba! Loko ka ah!" sabi ko at inambahan siya ng hampas.

"Hi,"

Pareho kaming napatingin ni Angel sa nagsalita.

"Ate! Thanks for saving me, huhu!" pag-iinarte ng pinsan ko habang nakayakap sa braso ni Keith. Nagtataka naman akong tinignan ni Keith.

"She's Angel, my cousin." Pagpapakilala ko sa pinsan ko.

"Hello, it's nice to meet you," ani Keith.

"Same to you po, Ate. Let's go na po sa loob, mainit dito sa labas eh," sabi nito at hinila palayo si Keith.

"Maghintay kayo, hoy!" habol ko sa kanila.

Iyong plano kong solo-hin si Keith, wala na. Panira kasi 'yang Angel na 'yan. Sana pala hindi ko na sinama.

"Kuya, bagay ba sa amin ito ni Ate Keith?" tanong nito habang nakatapat sa katawan nila 'yong dalawang dress.

"Sayo, hindi. Kay Keith, oo."

"B'wisit ka, Kuya," sabi nito saka inirapan ako. Inirapan ko rin siya pabalik.

Badtrip. Akala ko pagtapos namin kumain maso-solo ko na si Keith, hindi pa pala. Hanggang sa magpaalam na kami sa isa't-isa, lukot ang noo ko.

Wala tuloy ako sa mood makinig sa tinuturo ng teacher sa harap. B'wisit. Hindi na mauulit 'yong kanina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top