ADC 19
Keith's Pov
Matapos ang pasko at bagong taon ay pasukan na naman. Kaya heto ako ngayon at naghahanda na naman ng mga dadalhin ko pabalik sa Dagupan.
"Okay na mga gamit mo?" tanong ni Kuya habang nakadungaw sa pintuan.
"Malapit na po akong matapos, kuya," sagot ko.
"Tulungan na nga kita para mas mabilis, kupad mo talagang kumilos."
"Wow ha, thank you sa pagtulong," sarkastikong sambit ko. Natawa naman siya.
Nang matapos kaming mag-ayos ay siya na ang nagdala ng mga gamit ko palabas ng bahay.
Nagpaalam na muna ako kina mama at kina nanay bago sumakay sa sasakyan ni Kuya.
"Mag-iingat ka pabalik ha?" ani mama.
"Opo, ma,"
"Astrid, nadala mo ba 'yong mga gulay na kinuha ko kahapon?" tanong naman ni nanay.
"Opo, 'nay. Nandoon na po sa sasakyan," sagot ko.
"Mabuti kung ganoon, o'siya, mag-iingat ka ha?"
"Opo. Ba-bye po," paalam ko sa kanila.
"Wala ka nang nakalimutan?" tanong ni Kuya nang makasakay ako sa kotse.
"I think, wala na," sagot ko.
"Sure ka ha?"
"Oo nga po. Tara na, sayang 'yong bus eh," sabi ko.
"Asus, miss mo lang si Dale eh."
Mabilis kong tinago ang mukha ko nang maramdaman kong uminit ang magkabila kong pisngi.
"Hindi ah, tara na kasi," sabi ko nang hindi nakatingin kay Kuya.
"Tingin ka muna sa akin," pang-aasar pa niya.
"Kuya kasi parang tanga," naiinis na sabi ko.
"Okay. Hindi na," sabi niya saka pinaandar na ang sasakyan.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin kami sa terminal ng bus. Tinulungan ko si Kuya na ilabas ang mga gamit ko. Hindi naman marami 'yon kaya hindi na ako nahirapan iakyat sa bus.
"Mag-iingat ka ha?"
"Opo, Kuya. Sakay na ako, ingat ka rin pauwi," sabi ko. Ginulo naman niya ang buhok ko.
Sumakay na ako ng bus at naupo na. Hindi pa umaalis ang bus dahil kakaunti pa lang ang pasahero. Nang tignan ko naman ang sasakyan ni Kuya ay naroon pa rin ito. Ganiyan si Kuya, hindi pa siya aalis hangga't hindi pa umaalis ang bus na sinasakyan ko. Kaya nang umalis na ang bus ay nagsimula na ring umandar paalis ang sasakyan ni Kuya.
Matapos kong mabigay ang bayad ko sa kondoktor at inihilig ko ang ulo ko sa may bintana at mayamaya pa ay nakatulog na ako.
Nagising na lang ako nang maramdaman kong nakahinto na ang bus. Nasa Lingayen na pala. Ang bilis ng byahe ah.
Matagal pa naman bago umalis ang bus kaya naman nagpaalam muna ako sa kondoktor na bibili muna ako ng pagkain at maiinom. Nagugutom ako eh, bakit ba.
"Ate, 30 pesos nga pong siomai ta's 10 pesos pong palamig," sabi ko.
Nang makuha ko na ang binili ko ay nagpasalamat na ako sa nagtitinda bago bumalik sa bus. Oh, shocks! Nalimutan kong sabihan si Dale na ngayon ako babalik.
Mabilis kong kinuha phone ko sa bag at agad na chinat si Dale.
Keith:
Later ka na pumunta.
Dale:
Okay. Kasama ko sina Stephanie.
Keith:
Okay, sige.
Maya na muna, paalis na itong bus.
Binalik ko na ang phone ko sa bag at inubos na ang kinakain ko. Nagsalumbaba na lamang ako sa bintana nang maubos ko na ang kinakain ko.
---
Dale's Pov
"Wala pa bang chat si Keith, Dale?" naiinip na tanong sa akin ni Maica.
"Wala pa eh," sagot ko at kasabay noon ay ang pagtunog ng cellphone ko. "Tara na. Nasa Lucao na raw siya," sabi ko at nauna nang sumakay sa kotse.
Nang makasakay silang tatlo ay pinaandar ko na ang sasakyan at mabilis na nagmaneho papuntang terminal.
"Ang tagal naman ng bus niya," rinig kong reklamo ni Maica.
"Kalmahan mo lang, 'te. Nandito na rin 'yon mayamaya," sambit naman ni Steph.
At matapos ang ilang minutong paghihintay ay nakarating na rin sa wakas ang bus ni Keith. Mabilis naman akong lumapit sa kaniya nang makita ko siyang pababa ng bus at maraming dala.
"Ako na magbitbit," sabi ko saka kinuha ang mga dala niya.
"Thanks, Dale."
Fuck! Na-miss ko 'yong ngiti niya.
"Oh my gosh, Keith! I miss you!" Mahigpit siyang niyakap ng tatlo.
Napangiti na lang ako habang nilalagay sa compartment ang mga gamit ni Keith. Matapos 'yon ay inaya ko na silang umalis. Gaya kanina, nasa back seat 'yong tatlo at nasa passenger seat naman si Keith.
"Saan niyo gustong kumain?" mayamayang tanong ko sa apat.
"Ikaw na bahala kung saan," sagot ni Keith.
"Jollibee or Mcdo?" tanong ni Ella.
"Mcdo na lang," sagot naman ni Maica.
"Ayaw niyo i-try sa KFC?" tanong ko naman.
"Sorry, loyal kami sa Mcdo eh," sagot ni Maica.
"Sus! Sa Mcdo mo lang nakilala noon si Kirk eh," nakangising sabi ni Steph.
"Inamo talaga, Stephanie!" bulyaw ni Maica at sinabunutan si Steph.
Natawa naman ako nang sabay na umiling sina Keith at Ella.
Sa CSI Lucao na kami pumunta dahil doon lang naman 'yong malawak na pag-parking-an.
Sabay na lumabas ang tatlo sa sinundan naman ni Keith. Nahuhuli si Keith kaya naman mabilis akong naglakad palapit sa kaniya.
"Na-miss kita," bulong ko sa kaniya nang makalapit ako.
Mahina akong natawa nang makitang nagulat siya. Cute eh.
"Umayos ka nga, para kang ewan." Namumulang sambit niya.
"Masama bang magsabi nang totoo?" tanong ko sabay akbay sa kaniya.
"Ewan ko sa 'yo, Dale Patrick."
"Hoy, kayong dalawa! Wala tayo sa Luneta park kaya bilis-bilisan niyong maglakad," malakas na sabi ni Maica.
"Bungangarera pa rin talaga," bulong ni Keith.
"Tara na nga at baka maging dragon pa 'yang kaibigan mo eh," sabi ko at mabilis kaming naglakad hanggang sa mapantayan ang tatlo.
Nang makapasok kami sa Mcdo ay 'yong tatlo na ang naghanap ng mauupuan samantalang kami naman ni Keith ang mag-o-order.
"Maupo ka na roon, ako na bahala rito," sabi ko kay Keith.
"Sure ka?"
"Oo nga po. Sige na, upo ka na roon."
"Okay, sige. Tawagin mo ako if you need something, okay?"
"Yes, ma’am."
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo na siya sa tabi ng mga kaibigan niya.
Nang maka-order ako ay lumapit sa akin si Keith para tulungan akong magbitbit no'ng mga order namin.
"Kumain na kayo mga anak," sabi ni Keith sabay lapag ng tray.
"Thank you, Mommy and Daddy," pagsakay naman ni Steph.
Magkatabi kami ni Keith sa upuan habang magkakatabi naman 'yong tatlo. At habang kumakain kami ay nagbabangayan na naman sina Maica At Stephanie. Wala talaga silang pinipiling lugar.
"Tumigil nga kayong dalawa. Hindi ba kayo nahihiya? Para kayong mga bata," sita ni Ella sa dalawa.
"Ito kasing si Maica eh, ubos na nga gravy ta's sa akin pa hihingi. Pwede naman siyang humingi ng gravy eh," maktol ni Steph.
"Kaunti lang naman eh, napakadamot mo talaga," sagot naman ni Maica.
Palipat-lipat lang ang tingin ko dalawa, samantalang sina Keith at Ella naman ay mukhang naiinis na.
"Guys, enough. Maica, here's my gravy, sa 'yo na 'yan nang matigil na kayo."
"Eh paano ka?" tanong naman ni Maica kay Keith.
"Share na lang kami ni Keith sa gravy," sabad ko.
"Okay. Thank you, Keith," sabi nito at kumain na ulit.
Matapos kaming kumain ay hinatid ko na silang apat sa apartment nila.
"Thank you, Dale."
"You're welcome, Keith. Sunduin kita bukas ha?"
"Saan tayo pupunta?"
"Sa bahay. Hinahanap ka ng kambal eh," sabi ko sabay kamot sa batok.
"Really? Sure! Miss ko na rin sila eh,"
"So? See you tomorrow,"
"See you tomorrow, Dale. Ingat ka sa pag-uwi," nakangiting sabi niya.
Ngiti pa lang niya, buo na araw ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top