ADC 18
Keith's Pov
Kasama ko ngayon si Kuya sa palengke dahil namimili na kami ng mga pang handa sa pasko. Inagahan na namin kasi marami ng tao sa susunod na araw tapos mas tataas pa ang ibang bilihin.
"Hindi ka bibili ng mangga para sa graham mo?" tanong sa akin ni Kuya.
"Magkano ba isang kilong mangga?" tanong ko rin.
"Aba, malay ko. Ako ba nagtitinda?"
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Epal, nagtatanong nang maayos 'yong tao eh,"
"Sa akin ka kasi magtatanong eh anong alam ko?"
Inirapan ko na lang siya at nilampasan.
"Ate, magkano po isang kilo?" tanong ko sa nagtitinda.
"80 pesos na lang para sa 'yo, ganda," sagot naman nito.
"Matamis ho ba ito?" tanong ko pa habang namimili ng magandang mangga.
"Matamis na matamis 'yan, ganda. Gusto mo bang tikman? Magbubukas ako ng isa," anito.
"Naku po, huwag na po. Bilhin ko na po ito," sabi ko matapos makapili.
"Maraming salamat, ganda. Merry Christmas," nakangiting sambit nito.
"Merry Christmas din ho," wika ko pabalik.
"Ganda raw, maganda ka ba?"
Napa-aray naman si Kuya nang malakas kong hampasin ang braso niya.
"Nakakainis ka talaga, Kuya," irap ko sa kaniya.
"Binibiro ka lang eh,"
"Tss. Wala na ba tayong ibang bibilhin? Gusto ko na umuwi," sabi ko. Kanina pa kasi kami ikot nang ikot eh.
"Wala na. Kumpleto na, ganda," pang-aasar pa nito.
"Kuya, isa!"
"Okay, hindi na."
Kinuha ni Kuya ang mga hawak ko para mailagay na sa compartment. Nauna na akong sumakay sa passenger's seat dahil nakakapaso ng balat ang sikat ng araw.
Grabe, December na pero ang init pa rin.
"May gusto ka bang kainin?" tanong ni Kuya nang makapasok siya.
"Gusto ko burger, Kuya," sagot ko.
"Bumili kami na dapat d'yan oh, buy 1 take 1 pa," sabi niya.
"Gusto ko burger sa Jollibee,"
"Anak ng? Jollibee pa talaga gusto mo ha?"
"Please?" pa-cute ko.
"Oo na, itigil mo na 'yan kasi hindi ka naman cute."
Napasimangot naman ako sa sagot niya. Pumayag naman, tss.
Pinaandar na ni Kuya ang kotse at mabilis na nagmaneho papuntang drive thru. Burger lang 'yong pinapabili ko pero ang dami niyang binili.
"Sabi ko burger lang eh," sabi ko.
"Burger nga lang," sambit niya.
"Eh bakit ang dami niyan?"
"Para sa akin at kina mama,"
"P'wede humingi sundae?"
"Akala ko ba burger lang sa 'yo? Bakit humihingi ka ng sundae?"
"Kuya naman eh,"
"Pasalamat ka talaga mahal kita eh."
"Nag-iisang kapatid mo ako eh," ngisi ko.
"Ampon ka lang, tangek."
"Edi wow," inirapan ko siya na ikinatawa naman niya.
Nang makauwi kami sa bahay ay hinayaan ko na si Kuya ang magpasok lahat ng pinamili namin. Ampon pala ha.
"Samahan mo ako magpasok nito, Keith!" Dinig kong tawag sa akin ni Kuya.
"Kaya mo na 'yan, malaki ka na," sabi ko at nagmadali nang tumakbo papasok.
Sumalubong agad sa akin si Aki nang makapasok ako sa kwarto ko.
"Hi baby, did you miss me?" tanong ko rito saka sunod-sunod siyang hinalikan.
Nahinto ako sa paghalik kay Aki nang biglang bumukas ang pinto.
"Bwisit ka talaga," sabi ni Kuya sabay sarado ng pinto. Lah, baliw.
"Mukhang hindi na naman nakainom ng gamot si Kuya," pagka-usap ko kay Aki.
***
Dale's Pov
"Merry Christmas, Keith."
["Mamaya pa, excited ka naman eh."]
"Gusto ko kasi ako unang babati sa 'yo eh," sagot ko.
["Asus! Ang sabihin mo hindi mo lang kaya magising mamayang 12 midnight,"]
"Ha? Ano 'yon? Choppy ka, Keith."
["Oh, kita mo na,"] aniya saka malakas na tumawa.
Nakatitig lang ako sa napakaganda niyang mukha habang tumatawa siya. Shit! Sobrang ganda talaga.
"Saya mo naman," ani ko na ikinahinto naman niya. "Happy pill mo na ako niyan?" tanong ko pa.
["Hindi ah,"]
"Sus! Eh bakit ka namumula?" Ako naman ang natawa nang bigla siyang mag-off cam.
["Bye na nga muna. May gagawin pa ako,"] aniya at pinatayan ako. Hindi man lang ako hinayaang sumagot.
"Kuya, Tito Karl is looking for you." Napatingin ako sa nagsalita. Si Charles.
"Bakit daw?" tanong ko.
"Samahan mo raw po siyang mag-ihaw," sagot naman niya.
"Sige, sabihin mo pababa na."
"Noted po," sabi nito at umalis na.
Naghahanda na si Tito Karl ng mga iihawin nang makarating ako sa likod ng bahay namin.
"Tapos ka na mag-bebe time?" tanong sa akin ni Tito Francis.
"May bebe ba 'yan?" biro naman ni Tta Gwen.
"Soon-to-be bebe, Tita," sagot ko naman.
"Kailan mo ipapakilala sa amin?" tanong ni Tito Kristoff.
"Saka na, 'to, kapag sinagot na ako."
"Maganda ba, pamangkin?" tanong naman ni Tita Yves.
"Sobra, Tita. Teka, ito picture niya." Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at pumunta sa photos.
"Maganda nga. Buti pinatulan ka?" biro ni Tita Gwen.
"Tita naman," nakasimangot na sabi ko. Natawa naman siya.
"Huwag mong lolokohin 'yan ha? Sapak aabutin mo sa akin," sabi naman ni Tita Yves.
"Hinding-hindi ko lolokohin 'to, Tita. Ang tanga ko naman para pakawalan pa 'to," sabi ko.
Hinding-hindi ko sasaktan ang babaeng nagturo sa akin kung paano magmahal nang totoo.
---
"Merry Christmas, Keith."
["Merry Christmas, Dale. Natulog ka ba?"] tanong nito.
"Hindi. Tumulong ako kina Tito kanina ta's nag-aya silang mag-inom," sagot ko.
["Edi lasing ka?"]
"Mukha ba akong lasing? Hindi naman ako uminom nang marami eh,"
["Ah, akala ko lasing ka na eh."]
"Hindi p'wede 'yon, baliw. Hindi kita mababati,"
Naka-open cam kami pareho kaya kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya.
["Nabati mo na ako kanina 'di ba?"]
"Magka-iba 'yong kanina ta's ngayon,"
["Sige, sabi mo eh,"]
"Kumain ka na?" tanong ko.
["Kanina pa ako kain nang kain,"] aniya saka tumawa. ["Eh ikaw? Kumain ka na?"]
Umiling naman ako. "Mamaya kunti,"
"Kuya, is that Ate Keith?" tanong sa akin ni Chloe.
"Oo, kausapin mo?" tanong ko. Tumango naman siya.
["Si Chloe ba 'yan?"] tanong ni Keith kaya napunta sa kaniya ang atensyon ko.
"Yeah. Kausapin ka raw," sabi ko.
["Sige, sige. Miss ko na lil sister mo eh,"]
"Ako? Hindi mo miss?"
["Ha? Ano? Choppy ka, Dale."]
Napasimangot naman ako sa sagot niya.
"Sige, okay lang. Usap na muna kayo, kain lang ako," sabi ko at iniwan sila saglit.
"Sino kausap ni Chloe, Kuya?" tanong sa akin ni Charles nang makasalubong ko siya.
"Si Ate Keith mo,"
"Si Ate Keith? Oh God, I miss her!" anito saka tumakbo palapit kay Chloe. Walangya, saan niya niya natutunan 'yong word na 'yon?
"Tita, may lasagna pa?" tanong ko kay Tita Yves.
"Meron pa pero kaunti na lang. Sa 'yo na 'yon, nandoon sa lamesa," sagot niya.
Aalis na sana ako nang tawagin niya ako.
"Sino kausap no'ng kambal?" tanong niya.
"Si Keith, 'ta," sagot ko.
"Wait, tignan ko siya," aniya at saka nagmamadaling tumabi sa kambal.
Napailing naman ako.
Hindi ka na p'wede sa iba, Keith, kilala ka na ng kamag-anak ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top