ADC 17
Keith's Pov
Ngayon ang alis ko pa-Mangatarem. Kaya heto na naman ang ka-dramahan ng mga kaibigan ko.
"Mamimiss ka namin, Keith!" anila at mahigpit akong niyakap.
"Itong mga 'to naman, parang hindi na natin makikita ang isa't-isa kung makayakap, eh." Tawa ko.
"Kung para sa 'yo mabilis lang ang Christmas and New year break, well, sa amin hindi!" sabi naman ni Steph.
Humiwalay na ako sa yakapan namin at saka isa-isa silang tinignan.
"What if, sumama na lang kayo sa akin?" biro ko.
"Can I come too?" sabat naman ni Dale na nasa likuran nina Maica.
Hinarap naman siya ni Maica. "Hindi p'wede! Kaming magkakaibigan lang," anito.
Natawa na lamang si Dale sa sinabi ni Maica.
"O'sige na, aalis na 'yong bus eh," ani ko ngunit ayaw akong bitawan ni Maica.
"Mai..." Nakanguso naman itong bumitaw sa akin.
Sunod kong nilapitan ay si Dale.
"Una na ako ha?" Mabilis naman siyang umiling. Kinunutan ko naman siya ng noo.
"Don't! Sasagutin mo pa ako eh." Pinalo ko naman ang braso niya nang makuha ko ang ibig niyang sabihin.
"Sira ulo ka talaga. Aalis na ako, uuwi na," sabi ko. Natawa naman siya.
Bumuntong-hininga ako bago sila tignan isa-isa.
"Alis na ako baka maiwan pa ako ng bus, eh. See you sa pasukan," sabi ko at sumakay na ng bus.
Pumwesto na agad ako sa may bintana para makapagpaalam pa ulit ako nang isang beses sa kanila.
At nang tuluyan ng umalis na 'yong bus ay kumaway akong muli sa kanila. Pagkatapos ay isinandal ko na lamang ang ulo ko sa bintana.
Tulog ako kaya hindi ko namalayang nasa Mangatarem na pala ako. Mabuti na lang at tinapik ako ng ginang na katabi ko. Pagbaba ko ng bus ay sakto namang dumating na si Kuya.
"Anong nangyari sa 'yo? Para kang ni-rape," tumatawang bungad sa akin ni Kuya.
"Natulog ako!" bulyaw ko sa kaniya.
"Binibiro ka lang eh," aniya at tinulungan akong ayusin ang buhok ko. "Gusto mong kumain? Libre kitang Mcdo," mayaman sabi ni Kuya.
"Sige ba, basta libre hinding-hindi ko aatrasan," natatawang sambit ko. "At saka ano, may sasabihin ako sa 'yo." I think, time na para sabihin kay Kuya 'yong about sa panliligaw ni Dale.
"Sure. Let's go." Nauna siyang sumakay sa motor niya na sinundan ko naman.
"Anong order mo?" tanong nito sa akin nang makapasok kami sa loob.
"Ikaw na po ang bahala. Hanap lang ako ng mauupuan," paalam ko. Tumango naman siya kaya tumalikod na ako at naghanap na ng mauupuan.
Nakita kong bakante ang upuan na pang dalawahan kaya naman agad na akong nagtungo roon at naupo na. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Kuya at dala na nito ang pagkaing in-order niya.
"Ano 'yong sasabihin mo?" tanong ni Kuya habang inaalis sa tray ang pagkain.
"May... nanliligaw na po sa akin," sabi ko. Kita ko naman kung paano siya matigilan.
"Sino?"
"His name is Dale," sagot ko.
"Saan mo nakilala? Gaano na siya katagal nanliligaw sa 'yo?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Kuya.
"Bago pa lang po siyang nanliligaw, Kuya," sagot ko.
"Saan mo nakilala?" ulit niya sa unang tanong niya.
"Sa Mcdo po sa UPang ko siya nakita noon then kaibigan niya 'yong naka-MU ni Maica dati," sabi ko.
"Ipakilala mo siya sa akin ha?"
"How? Papupuntahin ko siya rito sa Mangatarem?" tanong ko.
"Video call will do. Let's eat," sabi niya kaya naman nagsimula na kaming kumain.
***
Dale's Pov
Nakahiga ako sa kama ko nang biglang mag-chat si Keith. Malawak ang ngiti kong napaupo sa kama at mabilis na binasa ang message niya.
Keith:
Hi, kararating ko lang sa bahay. Dumaan pa kasi kami ni Kuya sa Mcdo eh.
Pagkabasa ko no'n ay mabilis pa sa alas kwatro akong nagtipa ng reply sa kaniya. Pero bago ko pa ma-send ang reply ko ay meron ulit siyang message.
Keith:
Gusto ka nga palang makilala ni Kuya. Nasabi ko kasi sa kaniya kanina about sa panliligaw mo.
Dale:
Anong reaksiyon niya after mong sabihin 'yon?
Pagka-send ko ng reply ko ay mabilis niyang na-seen at may lumitaw na tatlong dot, meaning nagtitipa siya ng kaniyang reply.
Keith:
Wala naman. Basta sabi niya ipakilala lang daw kita sa kaniya.
Don't worry, hindi naman nangangain si Kuya. Nananaga lang hahaha.
Napangiti naman ako sa huling chat niya.
Dale:
Pupunta ba ako r'yan sa inyo?
Keith:
No. Ivi-video call kita then doon kayo mag-uusap ni Kuya.
Sayang.
Dale:
Sige, kailan ba?
Keith:
If hindi ka busy.
Dale:
Ngayon na ba?
Ngayon na sana. Please, please. I miss her voice already.
Keith:
Okay, tawagin ko lang si Kuya.
Dale:
Sige, take your time.
Nang ma-send ko 'yon ay napahinga ako nang malalim. Shit, first time kong gagawin ito.
Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tangina, kinakabahan ako.
"Sana 'wag akong mautal mamaya habang kausao ang Kuya niya," bulong ko sa sarili ko.
Mas lalong bumilis ang tibok ko nang mabasa ko ang chat ni Keith na tatawag na siya. Calm down, Dale. Calm down.
Malalim akong bumuntong-hininga bago sagutin ang tawag.
["Kuya, halika na rito."] Pagtawag ni Keith sa Kuya niya.
"Hi, Keith," bati ko.
["Hello, Dale,"] bati naman niya pabalik. Oh, shit, miss ko na siya.
"Uhm, hello po," magalang na bati ko sa Kuya ni Keith.
["Dale, right?"]
"Yes po,"
["I'm Keiran. Nice to meet you, Dale."]
"Same to you po,"
["Tawagin mo na lang akong Kuya or Keiran. Pero it's up to you if saan ka komportable,"]
"Kuya na lang po," sagot ko.
["Keith, okay lang bang maiwan mo muna kami? Usap lang kami, lalaki sa lalaki."]
Shit. Huwag kang pumayag, Keith, please.
Nalaglag ang balikat ko nang pumayag si Keith sa kagustuhan ng kapatid.
["Seryoso ka ba sa kapatid ko?"] Napalunok naman ako sa tanong niya.
"Seryosong-seryoso po ako sa kaniya, Kuya."
["Mabuti. Pero huwag ko lang malaman na niloko mo ang kapatid dahil ako ang makakaharap mo. Nagkakaintindihan ba tayo?"]
"Opo, Kuya."
["Hindi kita tinatakot ha? Sinasabihan lang kita kasi ikaw pa lang ang unang lalaking pinakilala sa akin ng kapatid ko,"] aniya.
"Yes po. Pangako po na hinding-hindi ko sasaktan o lolokohin si Keith."
["Mabuti kung ganoon. Sige, tawagin ko lang si Keith."]
"Hi ulit," muling bati ko kay Keith.
["Hello. Kumusta pag-uusap niyo ni Kuya? Did he scare you?"]
"Hindi naman. Kinausap lang niya ako," sagot ko.
["Ano naman pinag-usapan niyo?"]
"Sa amin na lang 'yon," sagot ko. Mahina naman akong natawa nang bigla siyang ngumuso. "Cute mo," sabi ko.
["Tse!"]
Dalawang oras kaming nag-usap ni Keith hanggang sa magpaalam na siya dahil may pinapagawa raw sa kaniya.
"Chat na lang mamaya ha?"
["Okay. Chat you later, Dale"]
"Bye, Miss Chipmunk,"
["'Yan ka na naman sa nickname na 'yan eh,"] maktol niya. Tangina ang cute talaga eh.
"Okay po, hindi na. Bye, Keith."
["Bye, Dale."]
Nakangiti kong nilapag sa gilid ko ang phone ko. Napahawak naman ako sa kaliwang dibdib ko. Sa kaniya ko lang naramdaman ito.
Fuck! Mahal na yata kita Keith Astrid.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top