ADC 16
Keith's Pov
After ng year end party namin, may dalawang araw pa akong natitira para makasama sina Maica. We decided to go to CSI in Lucao. Nag-window shopping lang kami roon and after no'n ay pumunta kaming Pedritos para ro'n kumain. May lumapit sa aming waiter at kinuha na ang order namin.
"First time kong kumain dito sa totoo lang," ani Maica.
"Same," sagot naming tatlo nina Steph.
Nagkwentuhan lang kaming apat hanggang sa mabigay na ang order namin.
"Ang sarap nito, try niyo." Isa-isa kaming sinubuan ni Maica noong kinakain niya.
"Hmm... masarap nga," si Ella.
"Ako, 'di mo ako patitikman?" si Steph.
"Hindi. Malaki ka na eh kaya 'wag ka na," sagot naman ni Maica. At doon ulit nag-start ang pagbabangayan nila.
Wala talagang araw na hindi nag-aaway itong dalawang ito. Pero, isa ito sa mamimiss ko.
Matapos kaming kumain ay arcade ang bagsak namin. Paramihan kami ng ticket na maiipon, at kung sino 'yong kaunting naipon ay siya ang maghuhugas mamayang gabi.
After 35 minutes, nakadalawang bucket kami ni Ella. While Steph, malapit niya nang mapuno 'yong bucket niya. Si Maica naman ay wala pang nakukuha ni-isang ticket.
"Hindi pa tapos pustahan natin pero nasa acceptance stage na ako." Natawa kaming tatlo sa sinabi ni Maica.
"May chance ka pang makahabol, Mai," ani ko habang pinipigilan ang tawa ko.
"Okay lang, tanggap ko nang ako ang maghuhugas mamaya," anito.
Nang maubos ang token namin ay sabay kaming nagpapalit ng ticket namin.
"Buti pa sa inyo, stuff toy. How about me naman?" ani Maica.
"Ayos lang 'yan. At least may pagkain ka 'di ba?" sabi naman ni Ella.
"Oo na lang," si Maica.
Noong mag-six ng hapon, nagpunta kaming plaza para magliwaliw. Picture doon, picture dito ang ginawa namin. Talagang susulitin namin ang araw na ito dahil bukas, si Dale naman ang kasama ko. Siyempre, dapat kaibigan muna ang inuuna bago manliligaw, 'no. Sila una kong nakilala, eh.
"Dito na lang tayo kain," sabi ni Steph nang huminto kami sa tapat ng karinderya.
"Akala ko ba ako ang maghuhugas?" nagtatakang tanong ni Maica.
"Hindi na, love ka namin kaya ayaw ka naming nahihirapan," sagot ni Steph. Um-agree naman kami ni Ella.
"Aww, love ko rin kayo mga bebe gurls ko!" Nag-group hug kami at hindi inalintana ang tingin ng mga tao.
Why? Ngayon lang ba sila makakakita ng magkakaibagang nagyayakapan? Hindi naman, 'di ba? Kaya back off na lang sila.
~~~
Alas nuebe ng umaga nang sunduin ako ni Dale sa apartment. May pupuntahan daw kami ngayon eh, pero hindi ko alam kung saan.
"Keith, nasa labas na si Dale," sabi ni Ella habang nakadungaw sa pintuan.
"Okay, sige. I'm almost done."
Narito naman na si Ella kaya nagpatulong na ako sa kaniyang patuyuin ang buhok ko.
"Okay na," aniya at tinanggal na sa saksakan 'yong blower. "Tama na 'yan, Kei, maganda ka na masyado."
Mahina ko namang pinalo ang braso niya.
"Tapos na ako, tara na," aya ko na sa kaniya palabas.
Paglabas namin ay sinamahan na nila ako palabas. Nadatnan namin si Dale na nakasandal sa kotse niya.
"Take care and enjoy." Niyakap ko muna 'yong tatlo bago lapitan si Dale.
Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya pabalik.
"Tara na?" He asked. Tumango naman ako.
***
Dale's Pov
Nang makasakay na siya ay umikot na ako at sumakay na rin.
"Saan tayo?" tanong nito.
"You'll see it later," sagot ko at nginitian siya.
Balak ko siyang dalhin sa bahay ngayon. Gusto kasi siyang makilala ni mommy at noong kambal.
After 30 minutes, nakarating na rin kami sa bahay. Mabilis akong bumaba at umikot para ipagbuksan siya ng pinto.
"Tara na sa loob." Hinila ko na agad siya papasok at hindi na hinintay ang sagot niya.
Pagbukas ko ng gate ay sumalubong agad sa amin sina Charlie at Chloe.
"Hello, Ate Keith!" Chloe said at niyakap ang baywang ni Keith.
Gulat namang tumingin sa akin si Keith. She must be wondering why Chloe knows her.
"Let's go inside na po, mommy's waiting na po eh." Hinila na ng kambal si Keith papasok ng bahay.
I smiled. "I'm sure magugustuhan agad siya ni mommy," bulong ko sa sarili at hinagis sa ere 'yong susi at sinalo.
"You're more beautiful pala in person," dinig kong sabi ni mommy.
Magkatabi na sila ngayon sa sofa habang nasa harapan naman nila 'yong kambal. Hindi pa ako mapapansin ni mommy kung hindi pa ako tumabi kay Keith.
"Keith, kumusta naman itong panganay ko?" Mommy asked.
"Okay lang naman po, tita," sagot naman ni Keith.
"Kapag may ginawang kalokohan 'yan, sabihin mo sa akin ha? Ako'ng bahala," ani mommy at kinindatan si Keith.
Umikot naman ang mata ko. "As if namang may gagawin akong kalokohan," bulong ko.
Iniwan na kami ni mommy sa sala kasama ng kambal. Magkatabi si Chloe at Keith habang may pinapanood sa tablet ni Chloe. Habang si Charlie, narito sa tabi ko at pinapanood 'yong dalawa.
"I like her for you, Kuya. She's so cute and kind," anito.
"Magaling mamili si Kuya, right?"
"Paglaki ko, turuan mo akong mamili ng girl para sa akin ha?" Ginulo ko naman ang buhok niya.
"Sure! Malakas ka sa akin eh."
Tinawag na kami ni mommy mula sa kusina. Nauna na ang kambal kaya sumunod na kami ni Keith.
"So, how's your study, iha? I heard you're taking nursing," si mommy.
"Maayos naman po, tita, medyo nahihirapan pero nakakaya naman."
"Why didn't you tell me na nahihirapan ka? Willing naman akong tulungan ka eh," pagsisingit ko sa usapan nila.
"Ano ka ba, okay lang ako," aniya at nginisian ako.
"Iha, hindi naman masama kung hihingi ka ng tulong kahit minsan." Sinang-ayunan ko naman ang sinabi ni mommy.
Ngiti lamang ang naging tugon ni Keith.
Matapos kaming kumain ay nagpunta ulit kami sa sala at nakipaglaro ulit si Keith sa kambal.
Naka-upo lamang ako sa sofa habang pinapanood sila.
"Ate Keith, 'di ba po nurse ka?" si Chloe. Tumango si Keith. "Wait po, may kukunin lang po muna ako." Sinundan namin ng tingin si Chloe hanggang sa makaakyat siya ng hagdan.
Mayamaya pa ay bumalik na si Chloe at dala na 'yong laruan niyang stethoscope.
"Here po, ikaw po ang gagamot sa amin ni Charlie." Nakangiting inabot ni Keith 'yong stethoscope mula kay Chloe.
Walang mapaglagyan ang saya ko habang pinapanood silang tatlo. Grabe, kakakilala lang nila ngayon pero close na agad nila ang isa't-isa.
Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at palihim na kinuhanan ng litrato si Keith. Ang ganda talaga! Kapag naging akin talaga 'to, sisiguraduhin kong walang araw siyang hindi ngingiti. I'm willing to do everything to make her happy.
Tangina, ibang-iba na talaga ako. Hindi na ako 'yong Dale na kada isang linggo iba-ibang babae ang nakakasama. At dahil iyon kay Keith.
"Thanks for making my day happy, Dale," aniya nang maihatid ko siya sa apartment nila.
"You're very much welcome, Keith. Thank you rin sa pagpapasaya sa akin at sa kambal."
Ngumiti siya at hawak sa magkabilang braso ko saka siya tumingkayad at halikan ako sa pisngi. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
"Merry Christmas." Napatulala ako sa nakangiting mukha niya.
Wala naman sa sarili akong napalunok nang tumama ang mata ko sa mapula at malambot niyang labi.
'Dale, pigilan mo ang sarili mo! Hindi pa ito ang tamang panahon para gawin 'yan.' panenermon ko sa sarili ko.
"M-Merry Christmas, Keith. Good night."
Napasabunot ako sa sarili ko nang makasakay na ako sa sasakyan.
"Tanga mo, Dale Patrick!"
Saglit pa akong tumulala sa kawalan bago paandarin ang sasakyan ko at umuwi na.
Bago ako matulog ay nakangiti kong hinawakan ang pisngi ko kung saan ako hinalikan ni Keith. Shit! Feeling ko nakadikit pa rin 'yong labi niya sa akin.
"Fuck! You're driving me insane, Keith Astrid."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top