ADC 14

Keith's Pov

"Ella, where's Maica?" tanong ko. Wala kasi siya sa kuwarto nila ni Steph eh.

"Nasa labas yata siya eh, kausap niya yata mama niya." Nag-thank you na lang ako at nagtungo na sa labas.

At hayun nga siya. Nakaupo sa duyan niya habang may kausap sa telepono.

Hinintay ko munang matapos ang pag-uusap nila ng mama niya bago ko siya lapitan.

"Mai, can we talk?" Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

"About saan? May ginawa ka ba?" Mahina naman akong natawa sa tanong niya.

"Wala ah! I just want to talk to for tomorrow," ani ko.

"Bakit, ano meron bukas?"

Sinabi ko sa kaniya 'yong napag-usapan namin ni Dale kanina pati na rin 'yong pagkagusto ni Trent kay Steph.

"Gaga! Okay na kami ni Kirk," natatawang sagot niya. Nanlaki naman ang mata ko.

"Since when? Bakit hindi ka nagsasabi sa amin?" sunod-sunod na tanong ko.

"Nito lang kami nagka-ayos, okay?"

"So, may chance ulit na ano?" Mabilis naman siyang umiling.

"We decided na maging magkaibigan na lang kasi parang mas tatagal kami roon." May point.

"So, hindi ka na pala kailangang i-handle ni Christan?"

"Sino? 'Yong isang taga-LNU din?" Tumango naman ako. "Ay, gago! Ayoko nga!"

"Why?" Tawa ko.

"Ang seryoso niya kasing tignan. 'Yong parang bawal kang mag-joke kapag nasa harap ka niya." Mas lumakas naman ang tawa ko.

"I think, bagay kayong dalawa,"  pang-aasar ko, ngumiwi naman siya.

"My god, Keith Astrid! Iyan na ba ang epekto sa 'yo ni Dale?" Tawa naman ako nang tawa. Pero totoo, bagay silang dalawa. Isang kalog at maingay saka isang seryoso.

"Pasok na nga tayo sa loob." Marahan ko siyang hinila patayo at sabay na kaming pumasok sa loob.

Nag-usap muna kami ni Dale tungkol sa plano bukas at nasabi niya rin hindi niya muna ako masusundo dahil maaga siyang papasok.

"Hmm... good night," paalam ko.

["Have a good night, amica mea."]

I was about to ask him what's the meaning of the last word he said but he already hunged up.

"Alien yata ang isang 'yon eh," bulong ko sa sarili.

Nag-set muna ako ng alarm bago ako matulog.

"Good morning mga bebe! Gising na kayo!" Hindi ko na nahintay tumunog 'yong alarm ko dahil kay Maica.

"Ang aga mo namang mangbulabog, Maica," reklamo ni Ella.

"Anong maaga? Alas singko na kaya ng madaling araw!" sagot naman niya. Alas singko? Eh, bakit hindi pa tumutunog alarm ko?

Inabot ko naman 'yong cellphone ko at tinignan ang oras.

"Baliw ka! 4:30 pa lang," sabat ko.

"Okay na 'yon, ilang minutes naman na bago mag-five eh," aniya at lumabas na ng kuwarto.

Wala na kaming nagawa ni Ella at tumayo na lang. Nawala na rin kasi ang antok namin dahil kay Maica.

"Susunduin ka ni Dale, Keith?" tanong ni Maica, umiling naman ako.

"Maaga raw siyang papasok ngayon, eh."

"Edi sasabay ka sa akin?" Ella asked. Tumango naman ako.

---

Sabay kaming apat na lumabas ng apartment at sumakay ng tricycle.

"Manong, dalawa pong UPang at dalawang UdD," sabi nito sa driver sabay bigay ng bayad.

Dalawa sila ni Steph sa labas at dalawa naman kami ni Ella sa loob.

"Bye! Manong, ingatan mo 'yang dalawang 'yan ha? Baby ko 'yang dalawang 'yan." Ako naman ang nahiya sa sinasabi niya kay manong.

"Wala na talagang kahihiyan sa katawan ang isang 'yan," umiiling na sabi ni Ella. Mahina naman akong natawa.

Nagpasalamat na lang kami kay manong bago maglakad papasok.

"Dito na ako, Kei, ba-bye!" Tumango ako at nginitian si Ella.

"Hintayan na lang sa bleachers if sino ang mauna sa atin," ani ko.

"Yeah, byiee!" Nagtalikuran na kaming dalawa para makapunta na sa building namin.

***

Dale's Pov

Sobrang badtrip ako ngayong araw dahil inagahan ko ang pagpunta sa school dahil iyon ang sabi tapos malalaman ko lang na hindi matutuloy 'yong buwisit na meeting na 'yan. Hindi ko tuloy naihatid si Keith.

"Anong mukha 'yan, Dale Patrick?" tanong sa akin ni Christan nang magkasalubong kami.

"Huwag mo muna akong kausapin, p're," ani ko at nilagpasan siya.

Pabagsak kong nilapag ang bag sa upuan ko nang makapasok sa room namin.

"Tangina talaga," bulong ko sa sarili na may halong inis.

"Sinong kaaway mo, Dale, at lukot na lukot 'yang noo mo?" Hindi nagawang tignan si Rouen. Ayokong may kumakausap sa akin kapag badtrip ako kasi paniguradong madadamay siya sa init ng ulo ko.

"Okay, mukhang ayaw mo nang kausap," anito at naglakad palabas ng room. Naiwan ulit akong mag-isa kaya nilabas ko muna ang phone ko para i-chat si Keith. Siya lang ang makakapagpawala sa init ng ulo ko.

Keith:

Wala pa Prof namin. Eh, ikaw? Bakit ka naka-online?

Agad naman akong nagtipa ng reply.

Dale:

Pangpawala ng badtrip

Keith:

Huh? Bakit? May nangyari ba?

Napangiti naman ako sa sunod sunod na tanong niya. Sabi na eh, siya lang talaga ang magpapawala ng pagka-badtrip ko.

Dale:

I'll tell you later

Nag-okay na lang siya at nagpaalam na dahil dumating na raw ang Prof nila.

Naghintay ako ng ilang minuto bago magsi-pasukan ang mga kaklase ko at kasunod noon ay ang Professor namin.

Tahimik lang kaming nakikinig sa kaniya at after niyang mag-discuss ay binigyan niya kami ng activity bago lumabas.

Mabilis kong tinapos 'yon dahil ayaw kong matambakan ng gagawin kung sakaling magbigay ulit 'yong ibang Prof namin.

At pagpatak ng alas dose ay dinaanan ko si Christan sa room nila. Nagulat pa siya noong makitang nasa labas ako ng room niya.

"Okay ka na? Parang badtrip ka lang kanina, ah." Tinawanan ko lang siya at tanging iling lang naman ang ginawa niya.

Ganoon ulit ang ginawa namin, hinintay ulit namin si Kirk sa tapat ng UL bago pumunta sa UPang.

Nag-chat ako kanina kay Keith kanina habang naghihintay kami kay Kirk. Nandoon na raw sila with Trent.

Pagka-park ko ay sabay na kaming pumasok ng Mcdo at hinanap na sila Keith.

"There they are," turo ni Christan sa puwesto nina Keith.

"Hey," bati namin sa kanila.

Napatingin naman sa akin si Keith at nginitian ako. Oh, fuck! Ganda talaga!

Sakto pang-walo 'yong seat na pinili nila kaya naman pumwesto na kaming tatlo nina Kirk. At siyempre sa tabi ni Keith ako umupo.

"Nag-uusap na 'yong dalawa?" bulong ko kay Keith.

"Yeah, nag-uusap sila kanina noong wala pa kayo. Parang wala nga kami rito kung mag-usap sila eh, sila lang 'yong nagkakaintindihan," litanya niya.

"Eh, bakit ngayon parang hindi nila kilala 'yong isa't-isa?" tanong ko.

"Nandito na kayo eh, malamang nahiya na sila," sagot naman niya.

"Hindi pa ba kayo nagugutom? Mag-oorder na ako," pangbabasag ni Maica sa katahimikan.

"I'll join you," ani Christan at tumayo na rin. 'Yon oh! Gumagalaw na si gago.

"Okay..." naiilang na sagot ni Maica.

Pag-alis noong dalawa ay katahimikan ulit ang namayani sa aming anim.

"Wala ba kayong balak magsalita?" Nagkatinginan naman kami ni Keith nang sabay kaming nagsalita.

"Ella, gusto mo bang makipagpalitan kay Steph?" Tanong ni Keith kay Ysabella.

Napatingin naman ako sa kaniya nang mahina siyang napa-aray.

Lumapit naman sa kaniya si Stephanie at bumulong.

"Why? Ayaw mo bang katabi si Trent?" si Keith.

"Tara, palit tayong puwesto, Steph." Wala nang nagawa si Stephanie kundi tumayo at makipagpalitan ng puwesto kay Ysabella.

At dahil sa ginawa ni Keith ay nakapag-usap muli 'yong dalawa.

Good job, Keith.

Pagbalik noong dalawa ay bitbit na nila 'yong mga pagkain namin. First time mangyari itong sabay sabay kaming walong kakain sa iisang table. Sana ganito palagi.

---

Kinagabihan, matutulog na sana ako nang pumasok sa kuwarto si Trent.

"Dale, can we talk?" Tumango naman ako at sinundan na siya palabas.

"Thank you sa inyo ni Keith, ha? Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya kanina habang kausap si Steph," sabi niya.

"You're very welcome, bro. Tinulungan niyo rin naman ako noon kay Keith kaya tutulungan din kita bilang kapalit ng ginawa niyo." I tapped his shoulder. "So, what's your next plan?" tanong ko.

"Siguro kikilalanin muna namin ang isa't-isa bago ako magpaalam na manligaw." Tumango-tango naman ako.

"Good luck, bro, binata ka na!" Pareho kaming natawa.

"Pareho lang tayo."

Nagpaalam na kami sa isa't-isa at pumasok na kuwatro namin.

Maagang natulog si Keith kaya saglit lang kaming nag-chat kanina. Wala naman na akong ibang gagawin kaya matutulog na rin ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top