ADC 13

Keith's Pov

"Uwi na tayo mamayang 3, ang boring na eh," saad ni Alexa sa tabi ko.

"Nagugutom ako," sagot ko naman.

"May pagkain ako rito." Inabot ko naman 'yong isang balot ng lemonsquare ni Nigel.

"Sa amin na 'to, gel?" Nakatingin lang ako kay Nigel at hinihintay ang sagot niya.

"Kung kaya niyong ubusin," saad nito.

"Dy, bili mo kami ng inumin," utos nito sa boyfriend niya. Nagpasama naman si Ivan kay Nigel para bumili.

Nagsimula na kaming kumain habang hinihintay bumalik 'yong dalawa.

At habang kumakain kami ay naramdaman kong nag-vibrate 'yong cellphone ko.

Dale:

Did you eat already?

"Naks, ang sweet naman." Mabilis kong in-off ang cellphone ko.

"Bakit ka nagbabasa?" nahihiyang tanong ko.

"Reply-an mo na siya! Just don't mind me," sagot niya habang nakangiti na parang aso. Napailing naman ako bago ilabas ang cellphone para reply-an si Dale.

Keith:

Kumakain na.

"Patingin nga ako itsura ng lover boy mo." Pinindot ko naman 'yong profile ni Dale at ipinakita sa kaniya.

"Ay shala! Ang pogi 'te!" mahinang tili niya.

"Sinong pogi?" Naging seryoso naman ang mukha ni Alexa.

"Ikaw! Ikaw 'yong pogi!" aniya. Mahina naman akong natawa.

"Oh, walang coke kaya magtubig ka na lang." Kinuha ko na lang 'yon at uminom na. Malapit na akong mabulunan eh.

Noong mag-three na ay nagpaalam na kami. Muntik pa kaming hindi payagan lumabas pero mabuti na lang mabait 'yong isang babae kaya piyagan na kaming umalis.

"Grabe! Mas malamig pa rito sa labas kaysa sa loob na may aircon," reklamo ni Alexa noong makalabas kami.

"Crowded kasi sa loob, my," sagot naman ni Ivan.

"SM muna tayo?" si Nigel. Um-oo naman 'yong dalawa kaya um-oo na rin ako.

Nilabas ko ulit ang cellphone ko para i-chat si Dale na sa SM na lang kami magkita.

"Keith, sa national bookstore tayo!" Wala na akong nagawa noong hilain ako ni Alexa.

"Gagstik! Nawala 'yong tinago kong libro dito!" ani Alexa habang naghahalungkat ng libro.

"Ito ba 'yon?" Nilingon naman namin si Ivan.

"Oo, ito nga 'yon. Saan mo nakita?"

Iniwan ko muna silang dalawa roon at naghanap din ng magandang libro. I mean, magaganda naman lahat kaso parang may gustong hanapin ang mata ko eh.

"There you are," bulong ko nang makita 'yong librong gusto ko.

Ilang beses ko na nabasa ito pero hindi pa rin ako nagsasawang basahin. Ang worth it kasi niyang basahin eh, tsaka ang ganda rin no'ng plot twist niya.

"Hindi ko alam na mahilig ka palang magbasa ng libro." Nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni Nigel sa gilid ko.

"Ngayon lang ako makakabili ng libro, 'no!" sagot ko.

Tumungo na kami sa cashier para magbayad.

Tapos na magbayad si Alexa kaya naman naroon na sila ni Ivan sa labas.

"Saan tayo?" si Ivan.

"Bili tayo takoyaki. May nakita ako kanina roon," sagot ni Alexa.

Hindi naman iyon gaanong malayo kaya nakarating din kami agad.

"Gusto mo?" tanong ni Nigel, umiling naman ako. "Bakit?"

Magsasalita na sana ako nang magsalita si Alexa.

"May date 'yan mamaya kaya ayaw niya ng takoyaki," aniya at natawa.

"Hindi ah, busog pa kasi ako," depensa ko.

Matapos silang bumili ng takoyaki ay bumili naman ako ng shake para naman hindi lang sila ang kumakain.

Noong mag-five thirty na ay nagpaalam na ako sa kanila dahil nakita ko na si Dale sa tapat ng escalator.

"Ingat ka, Keith." Tinanguan ko sila kumaway bago umalis.

---

Dale's Pov

Nasa second floor daw sina Keith kaya naman nagmamadali akong tumakbo papasok at sumakay na sa escalator.

Nang makarating ako sa second floor ay inilibot ko ang mata ko baka sakaling makita ko siya.

"Woy..." Napatingin ako sa nagsalita sa likuran ko.

"Hey." Shit! Yayakapin ko talaga 'to kapag hindi ako nakapagpigil.

"Nasaan na 'yong mga kasama mo?" tanong ko.

"Hayun sila," turo niya sa tapat ng takoyaki stall. "Don't worry, nakapagpaalam na ako sa kanila," dagdag pa niya.

"Saan tayo?" tanong ko, napaisip naman siya.

"Starbucks na lang ulit?"

"Tara, para hindi na tayo lalayo," sagot ko naman.

"Wait here, order lang ako." Tumango naman siya.

"Iyon ulit ha?" aniya, tumango naman ako.

Habang nasa pila ako ay saglit ko siyang nilingon sa puwesto namin. Napangiti naman ako at nilabas ang cellphone ko at pinicture-an siya.

"Ganda talaga," mahinang bulong ko bago ibalik ang cellphone sa bulsa.

Bumalik na ako sa puwesto namin pagkakuha ko ng order namin.

"Kei, magpapatulong sana ako," panimula ko.

"Hmm... ano 'yon?"

"Actually, si Trent ang nagpapatulong eh." Shit, paano ba sabihin.

"Nagpapatulong saan?" takang tanong niya.

"May nagugustuhan kasi siya sa isa sa kaibigan mo eh,"

Kita ko namang nanlaki naman ang mata niya.

"Weh? Sino?"

"Si Stephanie raw," sagot ko. Impit naman siyang tumili. "Okay ka lang?" Bigla-bigla na lang kasi siyang tumitili eh.

"Totoo? Gusto niya si Steph?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo nga, bakit?"

"Kasi may gusto rin si Steph kay Trent, at saka balak ko rin sanang magpatulong sa iyo."

"So, what's the plan?" tanong ko.

"Hindi ko nga alam eh, nahihiya kasi si Steph kay Trent kasi mukhang masungit daw." Natawa naman ako.

"Ganito na lang, pupunta ba ulit kayo ni Ysabella bukas sa UPang?" Nagkibit-balikat naman siya.

"Hindi ko alam eh," aniya. "Magcha-chat na lang siguro ako sa 'yo,"

"Okay, noted."

"Nga pala, iisang table lang tayo bukas?" I nodded. "Eh, paano sina Kirk at Maica? Mainit ang dugo ni Maica kay Kirk eh."

"Kakausapin ko si Christan para siya na ang bahala kay Maica," sagot ko.

"Baka naman 'yong Christan naman iyong mapag-initan ni Maica," natatawa naman ako umiling.

"Magaling mag-handle ng babae 'yon, trust me."

Pinagkwentuhan lang namin ang ginawa ng bawat isa buong araw. Matapos 'yon ay hinatid ko na siya sa apartment nila.

"Chat na lang kita bukas, ha? Bye, ingat ka." Kinawayan ko na lang siya bago ako umalis.

Pagkarating ko sa apartment namin ay nagmamadali na akong pumasok sa loob.

"Where's Trent?" tanong ko sa dalawa.

"Nasa kuwarto, bakit?" si Kirk.

"Mamaya ko na sabihin sa inyo," ani ko at tinungo na 'yong kuwatro nila ni Kirk.

"P're, may good news ako." Hininto naman niya ang ginagawa niya at tinignan ako. "May sinabi sa akin si Keith tungkol kay Stephanie," pangbibitin ko.

"Ano nga? Nangbibitin pa eh," iritang sambit niya.

"Ito na nga, may gusto rin daw sa 'yo si Stephanie kaso nahihiya raw sa 'yo kasi ang akala masungit ka." Tawa ko.

Kita ko naman kung paano gumuhit ang ngiti sa labi niya.

"Gago? Seryoso ba 'yan?" tanong niya at hindi pinansin ang huling sinabi ko.

"Totoo nga, ayaw pang maniwala eh," ani ko. Hindi na ako nagulat nang bigla siyang sumigaw na parang bakla.

"Anong nangyari?!" Nagmamadaling pumasok 'yong dalawa sa kuwarto nang marinig ang sigaw ni Trent.

"Gago mga p're, may gusto raw sa akin si Steph!" What the fuck? Namumula si gago!

"I-congrats ka na rin ba namin?" si Kirk.

"Kayo bahala, basta ako masaya," ani Trent.

Sinabi ko sa kanila 'yong plano namin ni Keith at um-agree naman sila, lalo na si Christan.

"Good luck sa 'yo bukas, Tan," ani Kirk.

"Hindi papalag 'yon bukas 'ta mo," mayabang na sagot ni Christan.

Sana nga ma-handle ni Christan si Maica bukas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top